Chapter 11: Almost
Coco is a loveable boy. Annoying, most of the time. Cali is the reliable one, but Coco loves doing everything for me. Mula pagkabata, magkakasama na kaming tatlo. We grew up together, at bata pa lang, sinasabi na sa aming pakakasalan namin ni Coco ang isa't isa balang-araw.
He was so into it. Buong buhay niya noon, dedicated lang talaga sa akin at sa aming dalawa. They definitely groomed him to be my husband from the very beginning, and I wasn't in favor of that.
Noong bata pa kami, alam naman nilang lahat na mas gusto ko si Luan. Maybe because he was so cool and unconventional. Pero nawala rin 'yon pagtapak namin nina Coco ng Grade 5, and Luan was in high school. He turned out to be a brat at mas annoying pa siya kaysa kay Coco in every aspect kaya nawala ang idea na magugustuhan ko pa rin siya.
Nagka-crush pa ako kay Cali, and I see no reason why I shouldn't. Favorite child nga si Cali kung tutuusin. Siya ang laging gustong kasama sa mga event kasi cooperative. Lagi naman kaming nase-set aside ni Coco, pero hindi naman big deal sa amin 'yon. Ipinagpapasalamat pa namin dahil pinanonood pa lang namin si Cali na makipag-fake friends sa ibang ayaw naman talaga namin, kami na ang nade-drain sa ginagawa niya.
Wala akong close friends maliban sa kanilang dalawa. Mas lalong nawalan during that year na lumabas ang sex scandal ko.
Was it shameful? Might be. Pero doon ko nalaman sa scandal na 'yon kung sino lang ba ang dapat o hindi ko dapat lapitan.
Everyone believed that it was me fucking a student at our university. Sobrang linaw ng kuha, kitang-kita ang mukha ko na nasa cowgirl position.
I admitted that the girl on the video was me. Sobrang linaw na nga raw kasi ng ebidensiya para i-deny ko pa. But Coco insisted that I was lying and the girl wasn't me. Sobrang imposible nga raw.
The background of the video happened in the afternoon, in the room of a guy, and a romantic song was playing in the background.
Ilang beses kong inamin na ako 'yon, pero ayaw maniwala ni Coco. Imposible ang paulit-ulit niyang sinasabi. Buong school, naniniwala maliban sa kanya.
He was right, though. It was really impossible, especially since we were together every day. We even lived in the same room. We even slept on the same bed every night.
Ang annoying lang siguro sa defense niya, yung part na, "That's not Ram. Her boobs were smaller than that, and she can ride a dick better than that lazy chick! Saka wala siyang tattoo sa waist! Takot si Ram sa needles!"
He was right, but I was like, "That was me, and that's my sexy fucking body." And whoever that chick was humping a guy I had no idea about, she just did me a favor by removing the people silently stabbing me from the back.
Na-expose lang na edited ang video nang lumabas ang original version sa isang porn site. Ni hindi ko pa kamukha ang babae at sobrang layo rin ng source. Original video pa 'yon galing New Jersey habang nasa Pilipinas ako. Kung sino man ang gumawa ng edited video na 'yon, sigurado sina Cali na malaki ang galit n'on sa akin.
It was a mystery until now, but that scandal really showed the true colors of those people around me. Kaya hindi ko na rin tinangka pang makipagkaibigan sa kahit na sino matapos n'on. Pero sabi nga ni Coco, "It's easy to tell who your friends are. You don't have to tell them to stay because true friends never leave."
As I remembered it, I really felt sad for leaving him when he stayed beside me even in my darkest hours. It was too late to realize that. I hurt him, and even if I took accountability and apologized, it wouldn't change the fact that I still hurt him.
Gusto ko mang sabihin sa kanya na umalis ako hindi dahil ayoko sa kanya kundi dahil hindi ko lang makita ang sarili kong ikakasal sa kanya noong mga panahong ayaw na sa akin ng mundo, hindi ko magawa. Hindi ko lang siguro makita ang saysay para sabihin pa 'yon kung iniwan ko na siya. It was the peak of that scandal, and my family wanted to save me from disgrace by using Coco. Ang hirap ma-trap doon sa situation. Wala kaming magandang choice.
At ngayon, hinihiling kong sana talaga hindi na lang muna ako bumalik . . . dahil wala na naman akong magandang choice hanggang ngayon.
I went to Quezon City Circle after checking my status right now as an individual. Ganoon nga siguro kalaki ang scope of influence ni Mama na kahit taga-South siya, nakarating pa rin ang sama ng loob niya rito sa north.
Everyone was saying that Mother Shin Dy may be strict but forgivable. Meanwhile, the Melanie Lauchengco likes to hang out with everyone and treats them as their siblings, yet one wrong move and they should consider themselves dead.
Pagdating sa business, neck and neck palagi sina Mama at Tita Shin sa mga competitor. Hindi na baleng hindi sila kaibigan basta hindi sila kaaway. Kung hindi siguro ako ang ipinaba-blocklist, baka tumawa pa ako dahil kinakanti nila ang mama ko. Sadly, it was me versus my mother.
Sobrang babaw na ni Mama para lang ipa-blocklist ako, as if namang kapag natanggap ako sa trabaho, magiging milyonarya ako agad. Katatapak ko pa lang sa Manila. I even had no concrete plan. Pina-freeze ang account ko, and she was so sure na maghahanap agad ako ng work dahil job application agad ang pinuntirya niya after blocking my financial resources.
Maybe Ninong Leo is right. My mom's not stupid enough not to read my moves.
Ang sabi ni Cali, siya raw at si Chanak ang susundo sa akin. Hindi ko lang alam kung bakit kailangang kasama pa si Coco.
Inabot na sila ng paglubog ng araw bago ako napuntahan. Uuwi na nga lang sana pero masyadong natuwa si Chanak sa lights at displays sa Circle kaya napapasyal silang mag-ama nang wala sa oras. Wala tuloy kaming nagawa ni Coco kundi maghintay na mapagod si Chanak sa pagtitingin-tingin sa lugar.
Nakaupo kami ni Coco sa cemented bench habang nanonood sa pagba-bike ni Chanak na nirentahan ni Cali para sa baby boy niyang makulit.
"Let me remind you na wala ka pang five days dito sa Manila," biglang sabi ni Coco sa gitna ng katahimikan namin.
"You don't have to remind me. Hindi ko nakakalimutan," masungit na sagot ko. "Gusto mo 'kong bumalik sa Canada habang inactive ang bank accounts ko? Gusto mo 'kong manlimos sa ibang bansa para mabuhay ako?"
"I forgot about that part, okay? And you stole my ring."
"Ah, now it's your ring."
"I bought that."
"I chose that for myself. Kung gusto mo, bibilhin ko para matahimik ka."
"Fine! Bilhin mo ngayon. Cash. And I'll forget about you stealing that."
I faltered. Wala akong pera.
Sige, let's say meron sana akong 350k para bilhin 'tong singsing, but it was in my bank. And my bank was frozen.
Ninong Leo told me na ginagawa 'to ni Mama sa 'kin kasi iba raw ang gusto niyang pahirapan. If he meant Coco, puwes hindi ako natutuwang damay ako. At saka bakit niya pahihirapan si Coco, hindi naman 'to ang anak niya?
"Agh! 'Sakit na ng likod ko!" reklamo ni Cali na mukhang pinagod talaga ng panganay niya.
"Popsie, uwi na tayo? Hahanap ko na si Mareng Kit! Nami-miss ko na siya, e."
"Hoy! Anong tawag mo sa mama mo?" singhal ko kay Chanak. Tawagin ba namang Mareng Kit ang mama niya?
"Opo, uuwi na po kami kay Mareng Kit na maganda," segunda ni Cali na hindi ko alam kung ikaiinis ko ba o ano.
I'm so happy na sobrang walang paki ni Cali pagdating sa romantic gestures or signals, o kahit pa may mga nagko-confess sa kanya. Kung sakaling pinanindigan ko ang pagiging patay na patay sa kanya, baka ako naman ang mamatay sa konsumisyon dahil sa kanila ng anak niya. And take note na malapit na siyang magkaroon ng tatlong baby. Isa pa nga lang, nakakaubos na ng buhok.
"Daddy Coco, karga mo po akoooo." Nagtaas agad ng mga braso si Chanak, nagpapakarga sa tito niya.
Idinaan na lang ni Coco sa pagngiti ang sagot. Binuhat niya agad si Chanak gamit lang ang isang braso. Pagdikit ng mga katawan nila, kahit nalalakihan ako kay Chanak bilang four years old, lumiliit talaga siya kapag karga na siya ni Coco.
Normal lang bang malungkot na hindi makulit si Coco kahit sa mga bata? Sobrang tipid ng kilos at ngiti niya samantalang mas hyper pa nga siya kay Cali dati.
Pauwi na kami, at hindi naman sa umasa pero akala ko talaga, sa kotse ako ni Coco sasakay. Si Chanak na lang daw ang isasakay niya sa sasakyan at ako ang maiwan kay Cali.
"Ang tahimik, a? Tampo ka, bebi ko kasama ni Coco sa car?"
"Shut up, Cali."
"Hahaha! 'Yan kasi . . ."
"Tumahimik ka nga. May atraso ka pa sa 'kin," sermon ko sa kanya at tumingin na lang ako sa kalsada.
"Ano na namang atraso 'yan?" reklamo niya.
"Eight years mong hindi sinabi sa 'kin na may girlfriend si Coco. You lied."
"Huy, hindi, a! Ang lie ay kung sinabi kong kasal na siya. 'Yon ang lie."
"You still lied by omission."
"Nuh-uh!" He shook his head and pointed to me. "Lying by omission occurs if I present information and leave out the missing details intentionally to create a misconception. Hindi siya magiging lying by omission if the topic was never brought up in the first place. Kasi walang mao-omit kung wala namang topic na puputulan ng detalye. Sige, fight me."
"Fuck you."
I really hate Cali for being so astute. Like he can be so stupid and so smart at the same time. Reasonable but irrational at times.
"And besides, si Dree, aware 'yon sa 'yo. Kaya nga hindi 'yon nagpakasal kay Coco, e. Kasi alam no'ng babalik ka. Alam no'ng babalikan mo si Coco kasi mahal mo naman talaga yung kambal ko, maarte ka lang."
Ang talim agad ng tingin ko sa kanya sa huli niyang sinabi. Pero imbes na tumahimik, itinuro pa ang mukha ko.
"O! O! Hindi humindi! Hahaha! In denial ka pa, para namang hindi kayo nagbu-book ng hotel room nang kayo lang dalawa—aww! Inaano ka ba?" Napahimas agad siya ng brasong hinampas ko ng palad.
"Nakakabuwisit ka, you know that?"
"Hindi nag-deny! Hahaha! Alam mo, Ram, kahit ano namang reason mo kaya hindi mo pinakasalan si Connor, tanggap niya 'yon. Kaya lang masama ang loob n'on kasi hindi ka talaga nag-reach out sa kanya. Hinintay ka naman niya, e."
"Hinintay tapos may girlfriend?"
"Selos ka naman—ar-ouch!" Napadaing na naman siya sa panibagong palo mula sa akin. "Defense mechanism mo talagang manakit kapag nire-real talk ka, 'no?"
"Punyeta ka."
"Asooows! Masakit ang katotohanan kaya nananakit na lang din kasi walang pangganti. Don't me, fleez."
"'Buti nakatagal si Kit sa 'yo, nakakaletse kang kausap."
"Nakakaletse raw pero tanong pa rin nang tanong. Hay, naku, Ram." Napailing na lang siya sa akin. "Saka si Dree, tropa lang niyan si Coco. Gusto lang yata ng kambal kong pagbigyan si Dree na makapagsuot ng wedding dress. Valid naman kasi ang annulment once namatay na ang asawa. Pero gusto nga kasi ni Dree, kayo ang ikasal ni Coco. Ilang beses ka pa niyang hinanap sa inyo, akala mo ba?"
"Tapos hindi mo man lang sinabi sa 'kin? Hindi ka man lang tumulong sa pinsan mo? 'Pakasama rin talaga ng ugali mo, Carlisle."
"Oy, excuse me lang, babae. First of all, hindi nanghingi ng tulong si Connor sa akin. Kusang-loob ko na nga lang na kontakin ka para pauwiin kahit walang go signal nila. Mag-usap-usap na lang kasi kayo para nagkakaintindihan kayo. Ang dali-dali lang sana ng buhay, gusto n'yo pa talagang nahihirapan."
"I hate you. Tapos na sana 'tong issue kung naging madaldal ka lang."
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top