CHAPTER 31: MISSING
Chapter 31: MISSING
PAKIRAMDAM ko ay bumalik ang lahat ng sakit na naramdaman ko noong face-off. Iyon nga lang, mas tumindi pa sa pagkakataong ito. Tahimik na umiiyak lamang ako. Bumaba ako ng Foster at natagpuan ang mga kasamahan ko. Their lively faces immediately vanished when they saw my tears.
Walang nagsalita sa kanila at nagtanong kung ano ang nangyari. Tahimik pa rin kami hanggang sa makarating kami sa train station at maging sa dormitory.
When I stood in front of the gate ay nagtulakan pa sila kung sino ang magbubukas at sa huli ay si Coco ang tinulak nila. He opened the gate for me at pilit na ngumiti.
Iniangat niya ang suot na T-shirt at inilahad sa harap ko ang laylayan niyon. "Wala akong panyo pero may T-shirt ako. Pwede mong pahiran ang luha mo nito."
I forced a smile at him samantalang napangiwi naman siya nang tinulak siya ni Drix. "Kadiri ka, suminga ka kaya riyan kanina!"
Kahit lumuluha ay napangiti na rin ako hanggang sa inilahad ni Iris sa harapan ko ang isang panyo na may burda. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Bigay 'to sa akin ni Lola kanina. Sabi niya, hindi na raw maganda ang pakiramdam niya at sa tingin niya ay hindi na siya magtatagal lalo na at marami na ang namamatay sa Foster. Ginawa niya ito para sa akin but I don't mind if you use this to wipe your tears away. Cheer up, Sunny."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi pero hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko. Niyakap ko nang mahigpit si Iris at pinakawalan ang mga hikbi na kanina ko pa pilit na pinipigilan. Naramdaman kong hinaplos niya ang likod ko kaya mas lalo lamang akong napahiyaw sa pag-iyak.
Why can't all families be like her grandmother? Bakit kailangan ko pang magkaroon ng pamilyang tulad ni Jean-Claude?
Naramdaman kong may yumakap sa akin sa likod habang nakayakap ako kay Iris. It was Margo.
"I don't know what happened but I just want to hug you, Sunny."
The two others joined too and it became a tight group hug. Thanks to them, kahit pa paano ay bumuti ang nararamdaman ko. Sometimes, you only find comfort with people not related to you. Sometimes, comfort only comes from strangers, not from families. This is the truth. The sad truth.
Pagkatapos kong magdrama kanina ay nagkulong ako sa kwarto. I didn't spend the rest of the time crying, sa halip ay hawak ko ang notepad at cellphone ko.
It doesn't take a genius to analyze all of these. Common sense lang naman siguro ang kailangan pero bakit kailangan pang ipamukha sa akin ni Jean-Claude na bobo ako? Well, I'm not giving up on these matters. I have to prove them wrong.
I wrote down the trail of my observations. The rashes, the puppies, quarantine, Foster, everything! Isinulat ko ang mga pangalang Elpidio Moran at Brenda Moran. Alam kong hindi nagkataong magkatulad sila ng apelyido. Hindi rin nagkataong may nakita akong aso sa Foster na katulad sa research ni Brenda.
Isa pa ay ang pagtaas ng mortality rate ng mga matatanda sa Foster. It is the Capital's solution for the problem of overpopulation at kahirapan ng household. Sa simula ay akala ko maayos na ni-utilize ng Capital ang funds, seeing how well-equipped the Foster is, ngunit sa tingin ko ay may hindi magagandang nangyayari doon.
Another thing is the fact that the dead people are said to be returned to their families after cremation. Isa ito sa mga bagay na pinagtuunan ko ng pansin noong hinamon ko ng face-off si Jean-Claude. I was suspicious why the bodies are cremated immediately at hindi man lamang pinapakita sa kani-kanilang pamilya. Posible kayang ginagawa nila iyon dahil ayaw nilang makita ng kanilang pamilya ang kinahinatnan ng matatanda? Or ayaw nilang ipa-autopsy?
Okay, I'm no detective pero puto, kailangan pa ba talaga ng detective skills 'to?
Tiningnan ko ulit ang mga sinulat ko. This trail really proves a great theory. A theory which I am sure someday, somehow will become facts.
Tinago ko ang notebook ko at lumabas ng dorm. I didn't see any of my roommates sa sala at mukhang hindi pa nakakabalik si Gon kaya pinasya kong magpunta na lamang sa rooftop. My comfort zone.
I silently went up the flight of stairs with a heavy heart. Sa isip ko ay kailangan kong patunayan kay Jean-Claude na tama ang hinala ko.
Pagdating ko sa rooftop ay umupo ako sa madalas kong pwesto at iginala ang tingin sa kabuuan ng Capital. My sight shifted to the thick dark area after the last gleam of light of the 5th Ward. It was the boundary. A wide boundary before the city of Tussah.
Some people when offended by family members, paglalayas ang naiisip. Well, iyon ang sabi ni Stella. Pero para sa akin, hindi iyon solusyon. But, now I have this feeling. What if I leave the Capital?
What if magtago ako sa boundary? Pero mabubuhay ba ako roon? They said the most dangerous creatures stay at the boundary and wandered on both cities. No resources. No food. No water. Predation is the only way to survive.
Pero paano rin kaya kung pumunta ako sa Tussah? Well, wala rin namang kasiguraduhan iyon. Ayon sa sabi-sabi, ang sino mang taga-Capital na nangahas na pumunta sa Tussah ay hindi maganda ang kahihinatnan and vice versa.
My thoughts were caught by some steps towards me. Agad ko iyong nilingon at gaya ng hinala ko ay si Bunny iyon. Same black jogging pants, black hoody jacket that covers her head, and the same bunny mask. Ngayong napagtuunan ko ng pansin si Bunny, matangkad pala siya kumpara sa akin. Too tall that if she will stand in front of me, bahagya akong titingala.
Teka . . . She said see you in class noong gabi bago kami lumipat sa regular class. Seeing her full height . . . Most tall people in class were the guys but there are few exceptional tall women like . . . like Megan . . . and Miss Venna.
Teka, posible ba ang iniisip ko?
Come to think of it. Megan indirectly told me how she hates the system. Ang hindi pagkapantay-pantay sa trato lalo na sa babae. Tinulungan pa niya ako nang b-in-ully ako ng mga lalaki. I saw how she cringed when the guys belittle her capacities. Sinabihan pa siya na pangkama lang siya. Grr! Those pigs! Nanggigigil ako kapag naiisip iyon!
And here's Miss Venna.
Sa umpisa ay ayaw ko sa kanya dahil sa striktong paraan ng pagtuturo niya. I showed her my direct disapproval of this trashy system.
Hindi ko alam kung ano ang istorya niya. Kung gaya rin ba siya ni Megan, na kahit na malaki ang ambag ng kanilang katalinuhan ay hindi pa rin nakaligtas sa bulok na sistema. I only figured it out the way she looks at me every time I fought hard to fix these bended ways. She even voted for me during the face-off with Jean-Claude.
Napatingin ako kay Bunny. She could be any of those two. I have to find out soon.
"Hi!" bati ko sa kanya. "You're always here whenever I'm here. Iisipin ko na talaga na may tracking device ka sa akin," biro ko.
Hindi sumagot si Bunny, sa halip ay naupo siya sa sahig. She still maintained the considerable distance between us.
"Biro lang," wika ko. "Nandito ako kapag hindi ako makatulog o hindi kaya may iniisip ako. Minsan naman ay kapag malungkot ako."
Hindi pa rin siya sumagot at diretso lamang ang tanaw niya sa kabuuan ng Capital.
Nagpatuloy naman ako sa pagsasalita. "At alam mo bang nandito ako ngayon kasi malungkot ako? May kapatid ka ba?"
Hindi pa rin siya sumagot at sa tingin ko ay ayos na rin iyon.
"Ako kasi meron, pero mukha naman kaming hindi magkapatid. I mean, not physically, kasi kita mo 'to?" Humarap ako kay Bunny at tinuro ang ilong ko. "Matangos, hindi ba? Parehas kaming matangos ang ilong. Tapos ito? Itong makakapal na pilikmata ko?" I batted my lashes at ngayon ay nakaharap na sa akin si Bunny. "Hindi mo maaaninag ngayon dahil madilim pero kapag nakita mo 'tong pilikmata ko sa liwanag, itatanong mo talaga kung bakit may biniyayaan ng mga pilikmata."
I even laugh on my own silliness.
"Parehas kami ng kapatid ko ng ilong at pilikmata. Tsaka magkamukha raw talaga kami. Pero mas gwapo yata ang kapatid ko kasi maraming nagkakagusto sa kanya. Sa akin wala naman—" I stopped when I remember Gon telling me Triangle likes me. Sumagi rin sa isipan ko ang sinabi ni Triangle kaya napasimangot ako. "Ay, meron pala pero hindi naman matino. Basta, the point is that magkapatid talaga kami pero hindi naman niya ako tinuturing na kapatid.
"Sa tingin mo, ano ba ang problema sa akin?"
Still, Bunny didn't reply pero nakaharap siya sa direksyon ko. I like it this way. You're talking to someone who just stayed still and listen. No interruptions, no comments. Just pure listening.
"Can I trust you with a secret?" tanong ko. Bunny nodded her head and I smile. "Kilala mo ba si Brenda? She ranked 9th on the Royal list. Nakalaban ko siya sa face-off at ang research niya ay tungkol sa dog meat.
"Imagine that! Dog meat?! It was so unimaginable but she pulled it through.
"Pero naalala mo ba noong may inatake ng rashes na mula sa regular class? Nilapitan ko yung lalaki at dahil doon ay napasok ako sa quarantine kasama ang TT Cousins—TT Cousins means Trench and Triangle.
"I tried escaping the quarantine at napunta ako sa likurang bahagi kung saan may nakita akong tuta. I love doggos so when I first saw it, na-cute-an ako. Suddenly this doggo turned into something monstrous."
Napasimangot ako nang maalala ang ginawa ni Triangle sa leeg ko. Puto, sumagi pa talaga iyon sa isipan ko!?
"Tapos, nagawi ako sa Foster, you know the place where the old citizens are? Marami pala ang nagkaka-rashes doon. The same rashes that the guy at our class has. But that's not the suspicious parts.
"I found so many puppies there! Exact puppies that I saw at the quarantine! I suspect that they used the old people as testers kaya sila nagkakasakit at eventually, namamatay. Tapos noong face-off namin, Brenda presented her dog meat. Kumain sila ni Miss—" I tried to look attentively at her if she will react if I say . . . "Miss Venna."
She remained still. Siguro ay hindi siya si Miss Venna or maybe, magaling lang siyang magkunwari.
"But nothing happened to them. Mas lalong tumindi ang hinala ko nang malamang magkaapelyido si Brenda at ang namamahal sa Foster. Hindi ako naniniwala na nagkataon lamang iyon.
"Then, I heard and saw something suspicious. Sa isang bahagi ng Foster, parang may slaughter house kung saan naririnig ko ang iyak ng mga kawawang aso.
"I told my brother about it. We checked at wala. Ang nakakalungkot diyan ay hindi ako pinaniwalaan ng kapatid ko." I sighed and smile. "Pasensya na, nagdadrama lang ako, naburyo ka tuloy sa pakikinig sa kwento ko."
Niyakap ko ang railings at dinama ang lamig na dulot niyon sa mukha ko. Nagulat ako nang magsalita si Bunny. Her voice didn't sound like Megan or Miss Venna's. Baka gumamit siya ng voice changing device. Boses iyon na hindi ko pa narinig sa buong prep class.
"Brenda's father is Elpidio Moran," wika niya. "Maaring ganoon nga ang sitwasyon."
I froze. Iyon ang unang pagkakataon na sinabi ko ang teoryang ito at may naniwala. The first one I told was Jean-Claude and he didn't believe me. Si Bunny lamang ang naniwala sa akin.
Tumayo ako at pinagpag ang pantalon ko. I gave her a genuine smile. "Thank you, Bunny," sinserong wika ko bago umalis. I know I can sleep well tonight. Thanks to her.
***
"Kapag talaga ako, magiging successful, gusto kong maging katulad ni Commander Nil Armstrong at higit pa rito ang gagawin ko sa estudyante," hinihingal na wika ni Jeff.
Nakaluhod siya sa daan at pilit na hinahabol ang hininga. Our task for today was forced march with 30 pounds rucksack. We need to walk with this rucksack for 5 miles in 1 hour and 15 minutes.
Halos lahat kami ay pagod na pagod na kahit hindi pa kami nangangalahati sa nilalakad namin. Nasa unahan si Armstrong kaya kung tumigil man kami ngayon ay hindi niya kami makikita.
"Dodoble yata ang abs ko dahil dito," wika ni Gon.
Basang-basa siya sa pawis niya. Bagay sa kanya ang kanyang suot na military uniform. In fact, I have a list in my mind of those who looks ravishing in their uniforms. Gon is included in the list at ang iba ay sina—ops, secret ko lang.
"Ang unfair talaga, kita mo 'tong si Gon, pawis na at lahat, ang gwapo pa rin. Ako, kahit kaliligo lang, malayo pa rin," natatawang wika ni Coco.
"Magpatubo ka kasi muna ng buhok," biro ko sa kanya.
Nagtawanan sila at inilibot ko ang paningin sa paligid.
Pilit kong hinahanap si Megan sa kumpol ng mga estudyanteng naglalakad dala-dala ang kani-kanilang rucksack. When I spotted her, I looked at her intently. Kahit mukhang pagod na pagod ay determinado siyang tapusin ang forced march.
Hindi man lamang siya sumulyap sa gawi ko. Sa katunayan ay dalawang araw mula nang makausap ko si Bunny sa rooftop ay inobserbahan ko na silang dalawa ni Miss Venna. Kung sakaling sumusulyap ba sila sa akin o pinagtutuunan ba nila ako ng pansin pero wala. Not even once na nahuli ko silang pinagtuunan ako ng pansin.
"Alam n'yo ba kung ano ang usap-usapan ngayon?" tanong ni Margo sa mababang boses. She leaned closer and whispered to us. "Dalawang araw nang nawawala si Brenda."
Nagulat kaming lahat. Well, aware kami na wala siya sa klase pero akala namin ay absent lamang siya.
"Saan mo naman nakuha ang tsismis na 'yan?" tanong ko.
"Usap-usapan ng circle of friends niya," sagot ni Margo.
Bigla kong napagtanto sa aking isipan na nawala si Brenda kinabukasan matapos kong kausapin si Bunny at sinabi ang tungkol sa teorya ko.
Hindi naman sa pag-iisip ng masama kay Bunny pero . . .
"ANO SA TINGIN NINYO ANG GINAGAWA NINYO?! SLACKING IN THE MIDDLE OF TRAINING? DO YOU WANT TO BE PUNISHED?"
Biglang dumagundong ang boses ni Armstrong sa paligid. Nagmamadali kaming tumayo at iniayos ang mga rucksack at nagpatuloy sa paglalakad.
No, hindi posible ang iniisip ko. Napapraning lang siguro ako. Iwinaglit ko na lamang iyon sa aking isipan at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Nang matapos ang training ay pinagpahinga muna kami sa quarters at nagbihis. Pasalampak na naupo ako at hindi muna nag-abalang magpalit. Halos lahat ay nagrereklamo dahil sa pagod. Sinulyapan ko si Trench na nasa gilid at nagbibihis. Hinubad niya ang suot na uniform at—puto! Bakit ba basta-basta na lang siya naghuhubad?! Kita na ngang may babae rito, eh!
Iniwas ko ang tingin at dumako naman ang paningin ko kay Triangle na kasalukuyang pinupunasan ng tuwalya ang hubad na katawan. Puto! Puto! Puto! Puto! Hindi ko inaasahang may tao palang sexy tingnan habang pinupunasan ang kili-kili! Iniiwas ko sa kili-kili niya ang paningin ko pero siomai, lumipat naman sa nipple niya ang tingin ko. Siopao! Anong nangyayari sa akin?
Iginala ko ang mga mata sa paligid at napansing halos lahat ng naroon ay mga lalaking nagbibihis! Tiningnan ko si Gon na nagpupunas din ng katawan sa gilid ko.
Paglingon ko sa kanya ay nakatingin pala siya sa akin at nakangisi. "Enjoying the view, Kitten?" he asked, wriggling his brows. "Your eyes linger at my twin's . . ." Sinadya niyang bitinin ang sasabihin at muling ginalaw ang kanyang mga kilay. "Nipple." He popped the p sound from that N word.
"You are such a pig," sagot ko sa kanya at pinaikot ang eyeballs.
Tumawa lamang siya nang malakas na nakakuha ng atensyon, including his twin and cousin.
"Kitten, bakit ka ba kasi sumama sa akin dito." Inilibot niya ang paningin sa paligid. "Sa quarter ng mga lalaki."
Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. That explains the place mostly consists of men except me. Gosh! Bakit kasi wala sa loob na bumuntot ako kay Gon! Nasaan ba kasi sina Jeff, Coco, at Drix?!
"In case you're looking for the 3 idiots—I'm not being judgmental here, Kitten, okay? Gusto lang talaga nilang tawagin ang sarili nila na 3 idiots. Kung hinahanap mo sila, nasa banyo sila."
Napasinghap na lamang ako sa sarili kong katangahan. Tumayo ako at humakbang patungo sa exit ngunit nagulat na lamang ako nang may humawak sa braso ako. Mas lalo akong nagulat nang mapagtantong si Tatsulok iyon.
"Come here, Pancake," wika niya.
Napasipol naman ang kanyang kambal. Puto, tatamaan talaga sa akin ang five-sided polygon na iyon mamaya!
"Bitiwan mo ako." I tried pulling my arm away from him but to no avail. I tried again and this time I succeeded from pulling myself away but when the help of someone who pulled my other arm.
At sa gulat ko, it was Trench.
"You're not allowed here," sabi niya sa kanyang usual na malamig na boses. He was neither smiling nor smirking.
Binawi ko ang mga braso ko mula sa pagkakahawak nilang dalawa and thank the lord of puto, siomai, siopao, and everything.
"Thanks, but I know the way out," wika ko sa kanilang dalawa.
Saglit na natahimik ang paligid hanggang sa binasag iyon ng tunog ng broadcasting system.
"Important announcement. Greetings Academians! This is means to inform you that one of our students, Brenda Moran, is missing. Brenda is ranked 9 in the Royal List and she's a citizen of the 1st Ward, under the household of Blake and Elpidio Moran. She was last seen at Hellevator Dormitory two days ago.
"If you have any useful information that will help us locate her, do not hesitate to contact the student affairs office. We pray for her safe return to her family and to us."
That's it. Brenda is really missing!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top