CHAPTER 3: ADVISED
Chapter 3: ADVISED
I LOST. And for sure I cannot have my admission letter back. Bakit kailangan pang makabangga ko ang lalaking iyon? Ngayon ay pinagsisihan ko tuloy ang pakikipagmatigasan sa pagbigay ng upuan sa kanya. I should have gladly give him the seat kung alam kong ganito ang mangyayari!
Tila nawalan ako ng gana sa buhay. Is this the end of my journey in achieving my goal? Sa inis ko ay tinadyakan ko ang nadaanan kong bato. Argh! Nakakainis! If I cannot be admitted for this year's school year, maybe I will try my luck next year.
Tinungo ko ang gate at nagpasya na lamang na bumalik ng 3rd Ward. I started thinking about my possible activities habang naghihintay ng susunod na aptitude exam para makapasok sa academy. Nang papalabas na ako ng gate ay isang boses ang pumigil sa akin.
"Stop."
Learning my lesson from Triangle, I follow the command of whoever it is. Huminto ako sa paglalakad at nilingon ang pinanggalingan ng boses. Hindi ko maiwasang mapataas ang kilay but I immediately lowered it to avoid trouble. Nakatayo sa likuran ko ang isang lalaki—he's properly dressed into his academy uniform. His face was serious, 'yong tipong hindi mo gugustuhing biruin. He doesn't look rogue unlike Triangle but something in his face tells me that I wouldn't want to mess with him.
Itinaas niya ang kamay na may hawak na sobre and to my surprise, it was my admission letter! Paanong—
"Para s-sa akin?"
No expression in his face. "I believe that's yours in the first place."
"K-kinuha mo kay Triangle—"
"No. Siya mismo ang nagpapabigay," wika niya at sumulyap sa relo niya. Kapagkuwa'y humakbang siya palapit sa akin at iniabot ang sobre. "Time is precious so you'd better keep moving."
"Thank—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lamang niya akong tinalikuran at nakapamulsang umalis.
For a second ay nainis ako sa inasal niya. But still, I'm thankful that he gave this to me kahit na inutusan lamang siya ni Bermudo. Wait, is he one of his minions? Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at agad na tinungo ang dormitory na nakasaad sa admission letter.
Ilang minuto rin ang nilakad ko bago ko narating ang dorm. It was so huge but it looks old. Dalawang beses ko pang kinumpirma kung iyon nga ang dorm na hinahanap ko. Kumatok ako sa malaking pinto bago iyon binuksan. Sinalubong ako ng kadiliman, gayunpaman ay pumasok pa rin ako.
Ilang hakbang lamang ay natanaw ko na ang isang payat na babaeng nakaupo sa pang-isahang sofa. Pinigilan ko ang sarili kong mapasigaw dahil sa takot! This woman could pass as a living corpse!
"Magandang araw po." Bahagya akong yumuko habang binabati siya.
Hindi man lamang ito ngumiti at sa halip ay inilahad ang palad sa harapan ko.
Bahagya akong naguluhan kung ano ang nais niya kaya bumunot ako ng barya sa bulsa ko at inilagay iyon sa kamay niya. The old woman scowled to me and threw back the coin to me. Halos mapamura ako nang tumama ang barya sa noo ko. Pusangina.
"Admission."
"Ah!" Nagmamadaling kinuha ko ang admission na iniabot sa akin ng lalaki kanina.
Pinasadahan niya iyon ng tingin bago ibinalik sa akin. "Maliit ang nakuha mong marka, kaya nandito ka sa dormitoryong ito. Nasa preparatory class ka rin—"
"Po?" Prep class? Anong ibig niyang sabihin? Tumahimik ako nang sinamaan niya ako ng tingin. I looked at her apologetically and waited for her to continue speaking.
"Mayroong isang daang silid ang dormitoryong ito at sa ngayon ay ikaw ang pang-pitong estudyante—"
"Pang-pito?!"
Again, I shut my mouth when she glared at me. Inihagis niya ang susi sa akin at pagkatapos ay tumalikod at dumiretso sa kusina. Bahagya akong natakot na sumunod sa kanya kung kaya't pinili ko na lamang na magtungo sa silid ko. The key was engraved with the number 7 so I looked for the room number 7. Nang matagpuan ko iyon ay agad kong ipinasok ang susi at halos malaglag ang panga ko nang makita ang loob ng silid.
Oo, malaki iyon, pero daig pa niyon ang abandonadong building. Basag ang isang salamin ng bintana. Nagkalat ang kung ano-anong dumi at dahon sa sahig. The dried leaves must be coming from the tree outside the window at nakapasok ang mga dahon dahil sa basag na bintana.
Balot na balot ng cobwebs ang buong silid. The bed isn't small but it isn't big either. Lumapit ako roon at inilapag ang bag ko. Dust from the bed flew and I began sneezing. Leche, silid ba 'to o bodega?
Kinapa ko ang dingding at hinanap ang switch ng ilaw, not minding the dust from the walls. Nang makapa ko iyon ay agad kong binuksan ang ilaw. The light flickered on and off like what happens in horror movies bago iyon tuluyang lumiwanag.
Mas lalo kong naaninag ang magulong paligid. Pilay ang mesang nasa gilid samantalang nakatumaba naman ang upuan. May nakasabit na medyas sa masyadong maalikabok na bentilador na nasa kisame.
Napasigaw na lamang ako nang gumapang sa paa ko ang isang malaking daga. That's it! I cannot live like this!
Inihagis ko ang mga gamit ko at hinigit ang panyo na nasa likuran at nasa bulsa ko. I tied one handkerchief to my hair and the other around my nose.
Siguro naman ay hindi ako mapag-iiwanan kung lumiban man ako sa klase ko ngayong araw. Operation, Room Cleanup shall now begin!
Magtatakip-silim na nang matapos ako sa paglilinis. Ibinaba ko ang mop at tinapon ang sarili ko sa kama. Mas matatawag na kwarto ngayon ang silid. Pinalitan ko ng bagong bedsheet ang kama at maging ang mga punda ng unan. The broken window was fixed with a cardboard that I found. Iniayos ko rin ang pilay na mesa at pinakintab ang sahig.
See? Anything a man can do, I can do, too.
Tumayo ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Speaking of the mirror, ngayon ay nakikita ko na ang repleksyon ko kumpara kanina na balot ito ng alikabok. Looking at my reflection, I could pass as a rug. Yup. A freaking rug.
Hinubad ko ang mga damit ko at inilagay iyon sa laundry basket. Binalot ko ang katawan ko ng tuwalya at lumabas ng silid. I tiptoed my way to the common bathroom. Bigla na lamang akong napasigaw nang makitang may babaeng nakahubad doon.
Her body curves fell into right places pero kahit na! Hindi pa rin tamang maghubad ito ng hindi man lamang nagla-lock ng pinto. Humarap sa akin ang babae na nagulat sa sigaw ko. Mas lalo lamang akong napasigaw nang humarap siya sa akin and her huge breast came to my view. Tumawa lang siya at tumalon mula sa malaking tub at lumapit sa akin.
"You must be seven," wika niya at inilahad ang palad sa harap ko. "Suri Manson, from 2nd Ward, room number one."
Kahit bahagyang hindi kumportable dahil sa kahubaran niya, tinanggap ko pa rin ang palad niya. She must be rich, not damn fucking rich, but at least rich.
"Sonia Gallego. You can call me Sunny, mula sa 3rd Ward."
She smiled at me kaya gumanti rin ako ng pilit na ngiti. "You're a freshman, right?"
Isang tango ang isinagot ko.
"I'm a freshman, too, three years ago," makulit niyang wika.
Pinigilan ko ang sarili kong mapangiwi. "Pang-apat na taon mo na ito?" But the houseparent said this dorm is for the prep class only, ibig sabihin . . .
"I'm no mind reader but I know exactly what you're thinking. Yes, nasa prep class pa rin ako. I don't excel in anything," nakangiting wika niya.
Hindi ako nagkomento pa at hinigpitan na lamang ang hawak sa buhol ng towel ko. Bumukas ang pinto at muli akong napasigaw nang pumasok ang isang lalaki. Out of my reflexes, agad kong niyakap si Suri upang takpan ang kahubaran niya. Pusangina, the guy was naked, too!
"Hindi mo ba nakikitang may tao?!" galit na singhal ko sa lalaki. Pinigilan kong bumaba ang mga mata ko bago pa ako magkasala.
"So?" tanong niya. Infairness, may hitsura siya. Matangkad siya at matipuno ang pangangatawan.
Bumitiw si Suri sa pagkakayakap ko at natatawang pinisil ang pisngi. "You're so cute."
Peste, bakit ba bumitiw siya?! Nakikita ng lalaki ang katawan niya!
"Suri!"
Tumawa silang dalawa ng lalaki. "Bago ka lang talaga rito. For your information, this bathroom is for common use, plus . . ." Lumapit siya sa lalaki at hinalikan ito sa labi. Gross. "Jeffrey is my boyfriend."
Oh, ganoon ba? Niyakap ko na lamang ang sarili ko. Compared to Suri's perfect curves, nagmumukha akong turon ngayong nakabalot ako sa tuwalya. Sandali, kailan pa ako natutong ipahiya ang sarili kong katawan? No to body shaming!
"Jeff, she's Sunny from the 3rd Ward," wika ni Suri sa kasintahan. "Sunny, si Jeffrey from 5th Ward and room number four."
Napangiti sila sa isa't isa. I just realized that it was a rare combination as a couple. First and 2nd Warders do not date anyone from the third to the last ward. But looking at these two . . . mukhang in love na in love silang dalawa.
"Again, I'm no mind reader pero alam ko kung ano ngayon ang iniisip mo. We know, it's socially unacceptable kaya rito lamang sa dorm kami nagkakaroon ng panahon ni Jeff sa isa't isa," paliwanag ni Suri.
Napabuga ako ng hangin. Tama siya. Taboo para sa isang mula sa una o pangalawang ward ang pakikipagrelasyon sa kung kaninong nagmula sa natitirang ward. It's socially unacceptable and the society will condemn.
"Hindi rin ako ayon sa batas na iyon. Bakit kailangang diktahan tayo kung kanino natin gustong sumaya?" wika ko sa kanila.
Ngumiti si Suri sa akin at muling pinisil ang pisngi ko. Peste, gawin ba naman akong bata?
"I like you," wika niya. "At dahil diyan, you can have the bathroom all alone tonight. Magbabantay kami ni Jeff sa labas upang masiguradong walang ibang papasok. I know you've been busy cleaning all day."
Hinawakan niya ang kamay ng kasintahan at iginiya iyon palabas ng banyo. Walang lock ang pinto kaya pala magbabantay sila sa labas. Naniwala ako sa sinabi ni Suri na akin ang banyo ngayon. I took away all my inhibitions and removed my towel. Nakahubad na nilakad ko ang bathtub at ibinabad ang katawan ko sa mainit na tubig. I closed my eyes and feel the moment.
Halos isang oras din akong nagbabad bago bumalik sa silid ko upang magbihis. Tinutuyo ko ang mahabang buhok ko nang may kumatok sa pinto.
"Sunny, dinner time!" narinig kong tawag ni Suri sa akin.
Ibinaba ko ang suklay at tumayo sa kinauupuan.
Lumabas ako ng silid at tinahak ang daan patungo sa kusina. Pagdating ko roon ay nakatingin ang lahat ng nakapalibot sa mesa sa akin. The crowd made me uncomfortable—if six is a crowd, or make it seven dahil maging ang matandang houseparent ay nakatingin rin sa akin.
Nakatingin silang lahat sa akin at tila walang balak na magbawi ng tingin kaya't inisa-isa ko rin silang tingnan. Ang nasa dulo ng mesa malapit sa akin ay isang babaeng nakasuot ng salamin. Sunod kong tiningnan ay ang katabi niyang babae rin, may bangs ito na halos tumakip na sa mata niya. Bahagya tuloy akong nagtaka kung nakikita ba niya ako sa lagay na iyon. Katabi nila sina Jeffrey at Suri.
Lumipat ang paningin ko sa dalawang lalaki na nasa harapan nila. One guy is skinhead at tila abnormal na batang nakanganga at nakatingin sa akin. The other guy looked cute pero katulad ng kalbong katabi niya ay nakatunganga rin siya habang nakatingin sa akin. Not that they were bewitched by my beauty. Kakaiba ang kanilang tingin. It was a disappointed look.
"Ano?" untag ko sa kanila.
Saka lang sila tila nagising.
"Ikaw ba talaga si Sonia Gallego?" tanong ng kalbo.
"She is Sonia Gallego," natatawang wika ni Suri. Bumaling siya sa katabi niyang mga babae. "Bakit hindi kayo magpakilala sa bago ninyong kaklase?"
Unang tumayo ang babaeng nakasalamin. "Hello, Sonia! Ako nga pala si Margo Urios mula sa 5th Ward."
Sunod ding tumayo ang babaeng may bangs. "Iris Manalo. 4th Ward."
Suri looked at the guys. Unang tumayo ang kalbo at lumapit sa akin. Sinipat niya ako nang mabuti, as if checking every detail of me.
"Excuse me?" wika ko at bahagyang napaatras. Hindi ako komportable sa pagkilatis niya sa akin.
"Sigurado ka bang ikaw si Sonia Gallego?" paninigurado niya.
"Kailangan ko pa bang ipakita ang ward ID ko?" nakataas ang kilay na wika ko sa kanya.
Ilang beses niyang kinusot ang kanyang mga mata. "Hindi pa rin ako makapaniwala. Kilala mo ba si Jean-Claude Gallego?"
"Kapatid ko, bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Basta, ang hirap maniwala. Mukha namang walang espesyal sa 'yo. Gano'n talaga siguro iyon, may pinagkaitan at may biniyayaan. Ako nga pala si Coco Masin ng 5th Ward."
Hindi ko man maintidihan ang pinagsasabi niya ay tumango lang ako. Huling tumayo ang lalaki at inilahad ang palad sa akin.
"Drix Martin," pakilala niya.
Tinanggap ko ang palad niya at nagpakilala sa kanilang lahat. "Sonia Gallego, pero tawagin n'yo akong Sunny," wika ko.
"Mas gusto kong tawagin kang Sonia," wika ni Cocong Kalbo.
Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Ang huling tumawag sa akin ng Sonia liban sa pamilya ko ay lumpo na ngayon."
Umiwas siya ng tingin at tinuro ang bakanteng upuan. "Maupo ka na, Sunny, at nang makakain na tayo."
Napangiti ako sa sarili ko. Madali naman pala silang kausap.
I shot a question. "Bakit pito lang tayo rito?"
Nagkatinginan sila at si Suri ang sumagot. "Prep class is the unluckiest class. Tayo ang magiging subject for bullying ng mga estudyanteng mula sa ibang klase. Kaya pito lamang tayo rito ay dahil nagda-dropout na lamang ang ibang napupunta rito sa halip na maranasan ang pambu-bully ng ibang mga estudyante."
"Pero 'wag kang mag-alala," dagdag ni Jeff. "Kung maganda ang magiging marka mo ay may pag-asa kang makaahon sa prep class at malipat sa regular class."
"Mabuti pa, kumain na tayo," wika ni Coco.
Naupo ako sa bakanteng upuan at nagsimula kaming kumain. Gulay ang halos ulam namin at kung may karne man ay tig-iisang hiwa lamang iyon.
These days, meat is a luxury items that no ordinary person can afford. Nagsimula kaming kumain ng tahimik. Si Suri ang unang bumasag sa katahimikan.
"Sunny's not here during the orientation, bakit hindi natin i-recap ang lahat sa kanya?" suhestiyon ni Suri.
Nagtaas ng kamay si Iris. "I can only advise her one thing: Do not mess with the guys from the 1st Ward dahil hindi mo gugustuhin ang mararanasan mo." The way Iris conveyed it was a little bit scary lalo na't hindi ko nakita ang mata niya dahil natatabunan iyon ng kanyang buhok.
"Tama si Iris," dagdag ni Margo. "Kung dito sa dorm ay pantay lang ang turing nina Jeffrey, Coco, at Drix sa ating mga babae, you should know that others are not. They will look down on us kaya mas maiging umiwas na lamang."
"At higit sa lahat, may dalawang tao na dapat iwasan mo," wika ni Jeff. Nanigas rin sina Iris at Margo nang marinig ang sinabi nito. Para bang sadyang nakakatakot talaga ang mga pangalang bibigkasin ni Coco.
"The Grande cousins."
Nabitiwan ni Margo ang kanyang kutsara't tinidor. "Hearing their names made me shiver."
Napansin kong nakangangang nakatitig si Coco sa akin. His stare was different from the one before he made sure if I am Sonia Gallego.
"Ano na naman?" untag ko sa kanya.
"Pamilyar ang mukha mo," sagot niya sa akin at pilit na inalala kung saan niya ako nakita.
"Maybe my face is common," sagot ko sa kanya at bumaling ulit kina Margo. "Bakit, sino ba 'yang Grande cousins na 'yan?"
"They are the sons of the highest elites, the one who ruled the Capital," wika ni Suri.
"Iwasan mo si Trench Grande Mariano. He may look calm at all times pero hindi mo gugustuhin kapag nagsalita na siya. He's literally the man of few words. Don't ever, ever, ever mess with him," paalala ni Margo.
"The other one is the rogue Triangle Grande Bermudo. Impulsive and the typical high-tempered guy na mambubogbog sa 'yo on the spot. Just like Trench, 'wag na 'wag kang makidawit sa anumang may kinalaman sa kanya. Better yet, never cross paths with them," Iris said.
"Tama!" bulalas ni Coco. "Speaking of Triangle, naalala ko na! Kamukha mo, Sunny, 'yong babaeng tinalo ni Triangle sa pogs match kanina! Paniguradong umuwing luhaan sa kung saan mang ward ang babaeng iyon! Triangle doesn't have mercy on anyone!"
Napatigil ako sa pagsubo at nag-angat ng tingin sa kanila. "That was me."
At sabay nilang nabitiwan ang kani-kanilang mga kubyertos nang marinig ang sinabi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top