CHAPTER 19: OBEDIENCE
Chapter 19: OBEDIENCE
TINAKPAN ko ng unan ang ulo ko ngunit mapilit talaga ang kumakatok. God, it's past 10 in the evening at hanggang ngayon ay hindi pa humuhupa ang ulan simula kaninang umaga and then here's this someone who keeps knocking on my door. Hindi naman sa inaantok na ako or what. Gusto ko lang mahiga at mag-isip kung sa anong paraan ko ililibing ang sarili ko kung sakaling mamatay man ako one of these days.
Of course, I am Sunny Gallego kaya pagkatapos ng tapang-tapangan moment ko kanina kay Brenda Moran, tumakbo lang naman ako pabalik sa dorm at pinagsabihan ang sarili ko. Puto, sino ba kina Mama at Papa ang mayabang at mukhang manang-mana ako?
I almost screamed when someone jumped onto my bed. Napabalikwas ako ng bangon at binuksan ang lampshade at natagpuan si Gon na nakangising nakaupo sa kama ko. With his shoes on my bed! What the pork?!
"Tanggalin mo nga 'yang sapatos mo!" wika ko sa kanya at nagtatakang tiningnan ang pinto. The door is still closed so I supposed . . . Napatingin ako ako sa kisame at gaya ng inaasahan, nakabukas ang isang bahagi ng kisame.
"Ang aga mo namang matulog Sammy," wika niya at hindi man lamang gumalaw upang tanggalin ang suot na sapatos. "Anong nangyari sa 'yo?"
"Pentagon Grande Bermudo, tanggalin mo ang sapatos mo," I asked calmly.
He bit his lower lip. "Ni hindi ka man lang kumain ng hapunan so I ate your share."
I rolled my eyes. "Masyado kang masiba, alam mo ba?" Naiinis na iniabot ko ang mga paa niya at ako na lang mismo ang nagtanggal sa sapatos niya at itinapon iyon sa kung saang sulok ng kwarto.
"What a coincidence, my room is directly above yours," ngisi niya sa akin.
"Hindi ko tinatanong."
"Ano'ng iniisip mo?"
"Pakialam—wait, you said you will help me sa Face-Off right?" tanong ko sa kanya.
"I changed my mind." Tinangka niyang tumayo sa kama ngunit agad ko siyang hinila paupo.
"Yah! Sinira mo ang ceiling ko!" reklamo ko.
"It's just fair dahil sira naman ang sahig ko," sagot niya.
"You ate my share!" pangungwenta ko.
"Kaysa naman masayang."
"I'm supposed to eat it later tonight," sagot ko sa kanya.
"You know, the old woman makes sure no food to will be left over after 10 PM." Humalukipkip siya.
Naiinis na kinamot ko ang ulo at napasipa sa kama. "Gon naman, eh! Help me!"
Kinuha niya ang unan ko at isinandal iyon sa headboard. Humiga naman siya at inilagay ang mga kamay sa likod ng ulo. "I hate bossy people."
I blew some air out of irritation. "Help me, PLEASE."
Tumawa siya at umayos ng higa. Seriousl,y it's weird to see him in my room. Parang si Triangle ang kasama ko—only that Gon's a little less boastful and arrogant than him. Like mga 0.00000001% lang ang lamang ng kayabangan ni Tatsulok kay Gon.
"So, you found your prospect opponent?" he asked. I nodded. "Sino?"
"Brenda Moran."
Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba ako ni Gon or what. Unti-unti kasing napalis ang ngiti sa mukha niya at napalunok. "Brenda Moran?"
I nodded my head again. "Brenda Moran. Kayang-kaya mo naman siya, 'di ba?"
Umupo siya mula sa pagkakahiga. "Brenda Moran, huh? Kilala mo ba si Brenda Moran? At bakit siya ang napili mo?"
"She slapped me—"
"Nagpasampal ka?"
"Sinampal niya ako, hindi ako nagpasampal. Kaya bilang ganti, I taunted her that I will steal her spot through the Face-Off," sagot ko.
Gon nodded na tila ba naiintindihan na talaga niya ang sitwasyon. "Why did she slap you?"
"Galit siya dahil sinapak ko ng karne ang kambal mo—"
Dumoble pa ang pagkamangha sa boses niya. "Sinapak mo ng karne si Triangle? Wow, you're truly unbelievable! You did that to my twin, whoa. Alam mo bang leon lang ang makakagawa n'on? And you're really a lion."
Napangiwi lamang ako. "Sunny. So 'yon nga, galit siya dahil doon."
"And that's why you challenged her?" he asked and I nodded. "To tell you the truth, mali ang desisyong napili mo. Brenda Moran is one of those special people that the Capital wouldn't want to lose. She knows a lot about agriculture and nutrition. She's currently working on a special meat from a dog's meat."
I cringed. "That's gross."
"That's what you think. But based on her research, dog meat can be the best meat considering how it gives people satisfaction as pet, how much more as meat?" wika niya.
"Urgh, nakakadiri talagang isipin."
"Brenda could be on the Top 4 if only Triangle didn't mess with her," wika ni Gon.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Mas gusto ng Capital ang mga research na tungkol sa pag-improve sa food system. No matter how breathtaking your technological project is, talo ka ng taong ang nais ay ang magbigay ng satisfaction sa Capital lalo na sa aspeto ng pagkain. And meat is the precious food for everyone. Apparently, Triangle's fastest bullet train lose against her dog meat research. So ang ginawa ni Triangle, siniabotahe niya ang exam results ni Brenda that's why she ended up being on the last."
"Wow, that's really like your twin brother," sarkastikong wika ko. If that's the case, parehas pala kami ng interes ni Brenda. I really wanted to do research about crossbreeds of animals to produce good quality meat. "Parehas kami ng gusto. That's my line of interest, too."
Gon looked at me and checked if I'm telling the truth. Pero cross my heart, iyon talaga ang gusto ko. "Okay then, let's start our brainstorming! So, what do you want?"
Maang na napatingin ako sa kanya. "No idea. Basta ang gusto ko ay gumawa ng hayop, let's say a crossbred of two animals na abundant sa Capital, and make them meat."
"That's it?" tanong niya. Tumango ako sa kanya. "Eh 'di doon ka na lang sa slaughterhouse, pagkakarne lang pala gusto mo eh."
Naiinis na hinampas ko siya. "Syempre, hindi simpleng pagkakarne. What I mean is that . . ." I sighed. "Paano ba 'to?"
Apparently, preparing for the Face-Off is not easy as what I imagined it to be. This is crucial to me lalo na at nangangahulugan ito ng pag-alis ko rito sa Academy. Goodbye Academy means goodbye future plans. Ayokong bumalik ng 3rd Ward na walang nagagawa. Ayokong gumaya sa iba na mag-aasawa na lamang at magpapaalipin sa sistema.
"Anong gagawin ko ngayon, Gon?" nag-aalalang tanong ko. Paano kung matalo ako? Paano kung ipauwi na lang ako sa 3rd Ward? I'm not a pessimistic person but damn, I can't help but become one.
Sa gulat ko ay bumunghalit ng tawa si Gon. Mukhang aliw na aliw siya dahil muli siyang napahiga sa kama at ngayon ay hawak-hawak ang tiyan niya.
"Ano?" Bahagya ko siyang sinapa. "Pinagtatawanan mo ba ako?"
It took him a moment to recover from laughing. "Sorry, natatawa kasi ako sa mukha mo. Kanina akala ko leon ka, suddenly you transformed into a helpless kitten."
Napangiwi na lamang ako nang muli siyang tumayo. Ilang sandali lamang ay tumikhim siya at pinahid ang mga namumuong luha dahil sa labis na pagtawa.
"So, tell me what you want," wika niya sa akin. "We'll go for this crossbreed thing that you want to happen."
"Talaga?"
"That's the only way you can win against her. But Kitten, I'm telling you, this isn't a piece of cake." Napalunok ako at inisip ang babala niya. Tama si Gon. There's no undo button to this kaya kailangan kong gawin ang lahat ng makakaya ko upang manalo.
Tumayo siya at kinuha ang notebook at papel na nasa mesa ko. "I will draft here the things you need to prepare para sa paghahanda natin sa Face-Off."
He started writing at pinanuod ko lamang siya mula sa kama. Matapos niyang magsulat ay isinara niya ang notebook at inihagis iyon sa kama kasama ang ballpen.
"That's all. Make sure you will prepare that tomorrow." He glanced at his wristwatch. "Same time tomorrow, here at your room."
Those were his last words before he disappeared through the door.
***
Huli akong nagising ngayong araw dahil matagal akong nakatulog kagabi. The others already left the dormitory kaya ngayon ay mag-isa na lamang ako.
Paglabas ko ay naging mapagmatyag ako dahil baka ngayon na talaga matutuloy ang ilang beses nang naudlot na Pancake Party ng regular class; but to my surprise, no student was around except for the thug standing with his hands on his pocket. Like the usual, pinaglalaruan niya ang suot na tongue ring at nag-angat ng tingin nang maramdaman ang presensya ko.
"Pancake!" tawag niya at sinalubong ako.
Sinalubong ko rin siya ng masamang tingin. "Pancake mo mukha mo," wika ko sabay irap. Bakit ba niya ako tinatawag na pancake? Hello, hindi ako pan at mas lalong hindi ako cake. Eh 'di mas lalong hindi ako pancake. Easy!
"Are you still mad because of the food?" tanong niya sa malumanay na boses.
"Sa food? Nah. Your presence always irks me."
Biglang naging seryoso ang reaksyon ng mukha niya. He nodded his head a few times and a pirate smile showed. "Why, you like my twin's presence now?"
"Hala, bakit nasali ngayon ang kambal mong may pagkaengot din?"
Sa halip na sagutin ako ay iniba niya ang usapan. "I heard that you want to challenge Brenda on the Face-Off."
"Talaga? Umabot na sayo? Wow ha, nag-broadcaster na lang dapat 'yang girlfriend mo," naiinis na wika ko.
"She's not my girlfriend," sabi ni Tatsulok. "What makes you think she's my girlfriend?"
"Nainis kasi siya dahil sinapak kita kaya sinampal niya ako at—"
He cut me off. "She slapped you?"
"What now? Concern ka sa kanya? Don't worry, hindi ko siya ginantihan—"
"So, she really slapped you." Sa pagkakataong ito ay buo ang boses niya na para bang sigurado siya sa sinasabi niya.
"Eh, ano ngayon?"
Biglang naningkit ang mga mata niya. "No one gets to hurt you."
Tiningnan ko siya nang masama. No one—what? "Hoy Tatsulok, ewan ko kung gaano na kalala ang epekto ng tetanu sa 'yo pero pwede ba? Tigil-tigilan mo nga ako."
He didn't say a word at agad na tinalikuran ako. Nagtatakang sinundan ko na lamang siya ng tingin at tinahak ang daan patungo sa classroom ng prep class.
Naabutan ko ang mga kaklase kong abala sa pagre-review, maliban kay Gon na nakasalampak ang ulo sa mesa at nakapikit. Binuksan niya ang isang mata nang hinila ko ang upuan ko.
"Did you wake up late dahil late ka rin na natulog kagabi sa pag-iisip ng gagawin? Nahanda mo na ba ang mga isinulat ko?" tanong ni Gon sa boses na inaantok.
I frowned at him and got the list from my bag. Nilakumos ko iyon sa harapan niya at tinapon sa mukha niya. Napangiwi siya nang matamaan siya.
"Alam mo, wala ka ring kwenta kausap ano? Wala akong aasahan sayo."
Natawa siya sa sinabi ko at binuklat ang papel. Wala namang kwenta ang sinulat niya roon dahil MEAT PARTS FOR ME lang naman ang sinulat niya.
"What? Anong walang kwenta? I won't render my services for free kaya bilang kabayaran, give me your portion of meat."
"Ewan ko sa 'yo."
Nang matapos ang klase ay niyaya kami ni Gon na pumunta sa canteen ngunit gaya ng nakagawian, tumanggi ang iba sa kadahilanang puno ng mga estudyante mula sa regular class ang canteen. Sa huli ay ako na lamang ang sumama sa kanya.
"I wish the others have the same courage as us," malungkot na wika ni Gon habang naglalakad kami patungo sa canteen. "Kung sana lang, hindi nila hinahayaang maagrabyado ng sistema."
Mariing tiningnan ko siya. "What made you rebel against the system? You surely had a great life lalo na at isa kang Grande."
"I used to think as shallow as that. Na dahil Grande ako, ang buhay ko lamang ang iisipin ko. But the world isn't small like a bathroom. Namulat ako sa katotohanan na kung gaano aayos ang buhay ko, may mga taong naghihirap. I sleep on the softest mattresses while others sleep on the hardest woods. Mahirap mang baguhin ang mundo, pero sana kahit ang Capital na lang ang mababago ko."
I felt the sincerity in his voice. Kung dati ay pinagdudahan ko ang intensyon ni Gon, now I'm convinced that we're really on the same side of the boat. Binuksan niya ang pinto ng canteen. I prepared myself for their welcoming stares ngunit lahat sila ay nakatalikod sa amin at nakapalibot sa kung ano man.
Nagtatakang nagkatinginan kami ni Gon bago sumiksik sa kumpol ng mga estudyante at nakiusyoso.
Nakapalibot ang lahat sa isang pang apat na mesa kung saan nakaupo si Triangle at nakayuko sa harap niya ang babaeng naka-braid ang buhok. Teka, is that Brenda? Oh, it's really Brenda! Nakayuko ito sa pagkaing nasa harapan nila habang kumportableng nakaupo si Triangle at pinaglalaruan sa kamay ang isang mansanas. Nakapatong pa ang kanyang mga paa sa mesa.
Triangle motioned his hand over someone at nag-atubili namang lumapit ang lalaki. Nagkukumahog itong lumapit nang sinamaan siya ng tingin ni Triangle. Kinuha ni Tatsulok ang plato ni Brenda at inilagay iyon sa harap ng lalaki. "Spit on it."
Oh's filled the area at sabay na nanigas ang lalaki at si Brenda. What the hell is Triangle doing? Nang sulyapan ko si Gon sa tabi ko ay pinanood lamang niya ang kambal at wala man lang kung anong reaksyon sa mukha.
Pinagpawisan na ang lalaki. "Pero Triangle . . ."
"Or do you want her to spit on it at—" Hindi na pinatapos ng lalaki ang sasabihin ni Tatsulok at agad na dumura sa pagkain.
Triangle smirked and pushed the plate in front of Brenda again. "Kainin mo."
Nanginginig ang mga labing nag-angat ng tingin si Brenda. Her eyes were red at nagpipigil na umiyak. Nagsimula namang magbulungan ng kung ano-ano ang mga estudyante sa paligid.
"Do as I say woman o ako mismo ang magpapakain niyan sa 'yo and I swear, you will not like it," wika ni Triangle. Hindi pa rin gumalaw si Brenda kaya muling tumawag ng tatlong lalaki si Tatsulok at pinadura sa pagkain. "Eat it now or I will let everyone spit on it bago ko iyan ipapakain sa iyo," babala ni Triangle at bagot na bagot na sumandal.
Nababahalang napatingin ako kay Gon ngunit wala man lamang siyang reaksyon. "What do you think you're doing? Pwede bang sitahin mo 'yang kapatid mo?!" I snapped at him.
Gon forced a smile as he looked at me. "I hate the entire system now, Kitten, that's right, but I won't deny that I abused my power as male and elite before I realized it. Ako ang kasama ni Triangle na gawin ang mga ganyang bagay noon kaya ngayon ay wala akong karapatang sitahin siya." Mapaklang ngumiti siya sa akin at hinawakan ang braso ko. "Mabuti pa, bumalik na lamang tayo mamaya."
Tinabig ko ang kamay niya at muling ibinalik ang tingin kay Brenda. Nanginginig ang kamay na pinulot niya ang kutsara at kumuha ng pagkain. Tumulo ang mga luha sa mata niya at pikitmatang sumubo.
Before the spoon reached her mouth, I crossed the distance between us and grabbed the spoon. Itinapon ko iyon sa sahig at tumalsik ang pagkain. Nagulat ang lahat dahil sa ginawa ko lalong-lalo na sina Triangle at Brenda.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Triangle Bermudo?!" sigaw ko sa kanya.
Huminga siya nang malalim at umayos ng upo. "I should ask that question, Pancake. What do you think you're doing?"
Murmurs filled the canteen when they heard him call me pancake. Hello, nothing's special with it. He only calls me pancake as mockery dahil ilang beses na ba akong ginawang human pancake ng regular class?
"You're a jerk," wika ko sa kanya. Hinila ko patayo si Brenda at nagulat siya sa ginawa ko. "Could you please leave women alone?"
His face tightened and he smirked at me. "Ah, so ako pa ngayon ang jerk after I get revenge for you after being slapped."
Tinaasan ko siya ng kilay. "I didn't ask for it. At sino ka ba para gumawa ng mga bagay para sa akin? You think you're doing me a favor? No, you only showed me how much of a jerk you are!"
Kumunot ang noo niya. " I see. So, you want to see the jerkier part of me?" Kinuha niya ang plato at humila ng kung sino mang pinakamalapit sa kanya. He was able to grab a guy na halos manginig nang mahawakan niya. "Kainin mo."
Halos mawalan ng kulay ang mukha ng lalaki dahil sa sinabi ni Triangle. He slowly raised his shaking hand at tinangkang kunin iyon mula sa kamay niya ngunit nauna na akong humakbang at hinablot ang plato sabay tapon sa sahig. Nabasag ang plato at nagkalat ang pagkain sa sahig.
Mas lalong lumakas ang singhap ng mga tao sa paligid at halos mapugto na ang mga ugat sa leeg ni Triangle dahil sa galit. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya at siya ang unang nagbawi.
Hinarap niya ang hawak na lalaki at tiningnan ito. He held his collar tightly. "You should have eaten it immediately when I told you so. That way, I will acknowledge your obedience!"
Nagulat na lamang ako nang lumuhod si Brenda na nakatayo sa tabi ko at kinain ang pagkaing natapon sa sahig. Groans and gasps filled the whole canteen as she stuffed the food in her mouth at pagkatapos ay lumuhod sa harapan ni Triangle.
"Please acknowledge my obedience!" halos magmakaawang wika niya.
Triangle smirked at me. Napasinghap naman ako habang pilit na binabasa ang mga nangyayari. My effort of saving a damsel in distress went to waste dahil sa simula't sapul, the damsel has no intention of being saved. I made a fool out of myself.
And before I totally drown myself into my thoughts, Gon grabbed my arm and pulled me out of the canteen.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top