CHAPTER 14: A PROBLEM

Chapter 14: A PROBLEM

WALANG pumasok sa utak ko habang nagdi-discuss si Miss Venna ng tungkol sa history ng drones, how it was developed, and what are its parts and compositions. Ngayon ay mas lalo lamang akong naiinis sa sarili ko. Bakit ba kasi iniisip ko kanina si Tatsulok? Ano ngayon ang isasagot ko sa oral quiz na pag-a-identify sa mga parte ng unmanned aerial vehicle.

"Gallego."

Kinalabit ako ni Coco at tinuro ang table ni Ma'am na nasa 'di kalayuan. She sat beside the table where the drone parts are scattered.

"Sunny, ikaw na."

Tumayo ako at huminga namg malalim. Wala talaga akong maisasagot. Mabigat ang mga hakbang na tumayo ako sa harapan niya.

"Start."

"Ma'am . . ."

Nag-angat siya ng tingin sa akin at itinaas ang isang kilay. I sighed heavily at nag-ipon ng lakas ng loob.

"I . . . I . . . I can't do this. Sorry po pero hindi ako nakikinig kanina," nakayukong wika ko. Better be honest than humiliate myself again.

Seryoso lamang ang maganda niyang mukha habang nakatingin. "Napansin ko rin, Miss Gallego." Napayuko lamang ako. "Go outside."

"Po?" nanlaki ang mga mata ko. Kahit ang mga kaklase ko ay nagulat sa narinig.

"Go outside and squat."

"What? You're punishing me with that childish punishment?!" Hindi ko maiwasang magtaas ng boses.

"Mister Masin, place two books on her arms. Hardbound books."

"What the hell? Are you serious?!" nandidilat na tanong ko.

"Make it four."

"What's wrong with you?" bulalas ko kay Ma'am Ruiz. Bakit ba mainit ang dugo niya sa akin?!

"Sunny!" saway ni Suri.

"Giving me childish punishments and all!" Nakakainis lang! Ayaw ba niya sa akin?

"Sunny!" tawag rin ni Margo.

Tsk, ayan na naman sila sa katatawag sa pangalan ko. Huminga ako nang malalim at hinarap ulit si Miss Venna.

"Fine!" I said in a loud voice at tiningnan si Coco. "Coco, dalhin mo ang mga libro!"

Padabog na lumabas ako ng classroom at tumayo sa labas. Bagot na bagot ang mukha ko at sobrang naiinis ako. Huminga na lamang ako nang malalim at iniayos ang kamay. Coco piled the hardbound books on my arms. Puto 'tong kalbong 'to! Pinili pa talaga ang pinakamakapal!

I stood up and accepted the punishment. Nagpatuloy naman sila sa klase. Napapabuntonghininga na lamang ako habang nakikinig. Mas mabuti pang nandito ako sa labas dahil nakikinig pa ako. Bakit ba kasi kung saan-saan at kung kani-kanino tumatakbo ang isipan ko? I should have learned to fly drones by now! Pero wala, pinalagpas ko ang pagkakataong iyon!

The punishment isn't easy. I stood there in direct sunlight for an hour and a half. Nangangalay ang mga kamay ko dahil sa sobrang bigat ng mga libro. Kapag nahuhulog iyon ay lumalabas si Coco upang pulutin at ibalik sa ayos ang mga libro.

Students from regular class and junior class saw me and I became their laughing stock for a second. Kaagad namang nawawala ang tawanan nila dahil marahil nakita nilang si Miss Venna ang nagparusa akin. They looked scared and they even ran away as they stared at me. Weird.

Lunch time ay hapong-hapo na ako. Ngawit na ngawit ang mga braso ko at pakiramdam ko ay anumang oras ay bibigay na ang mga kamay ko. Siguro ay dahil na rin sa pride ko, pinilit kong kayaning tumayo ng isa't kalahating oras.

"Ang sakit ng mga braso ko," naiiyak na wika ko. Kaaalis lang ni Ma'am Venna at agad akong pumasok sa loob.

"Grabe ka kasi kung makasagot," wika ni Drix. "Ayan tuloy, mas dumami pa ang pinalagay na libro."

"Naging tapat lang naman ako, 'di ba? Sinabi ko na wala akong masasagot dahil hindi ako nakikinig."

"Exactly, that's why you're punished. The books are additional punishments dahil sa ginawa mong pagsagot. Miss Venna is the 'talk back and you're dead' type kaya kung ako sa 'yo, just bite your tongue, Sunny, okay?" nakangiting wika ni Suri. Mas kilala niya si Miss Venna kaysa sa akin.

Tumango na lamang ako. I cannot promise. Hello? Hindi ko kayang pigilan ang bibig ko lalo na at nasa katwiran ako.

"Gutom na ako, kumain na tayo," wika ko sa kanila.

Napasimangot sila at naupo muli.

"Gutom na rin kami pero hindi pa tayo pwede sa canteen dahil malamang break rin ng regular class," Margo said.

Naiinis na napasandal na lamang ako. Badtrip ka na nga, mas naba-badtrip ka pa sa sistema!

Marahas na tumayo ako at kinuha ang backpack ko. "Dapat ay hindi tayo magpapaapekto sa sistema! Don't let anyone step on you! Gusto n'yo bang sumama sa akin?"

Sabay na napailing silang lahat at napangiwi na lamang ako. Tsk, cowards. Isinukbit ko ang bag sa balikat ko at agad na lumabas ng classroom. Tinungo ko ang daan patungo sa canteen. Hopefully, there would be no more pancake party again.

Pagdating ko sa cafeteria ay binuksan ko ang pinto at napatingin sila sa akin. They started murmuring something incomprehensible. Malamang, iniisip nilang ang lakas ng loob kong pumasok sa canteen gayong naroon pa sila. Bahala sila. My arms are too tired to care for them basta ba 'wag na lamang nila akong istorbohin.

Tahimik na lumapit ako sa counter at pumila. Nagulat na lamang ako nang umalis ang mga nakapila at nagbigay daan upang mauna ako. Eh?

Nagtataka man ay nauna na rin ako. Iyon pa bang poproblemahin ko gayong minsan lang ito? Kumuha ako ng tray at kumuha ng pagkain. My arms are too weary kaya nabitiwan ko ang tray at lumikha iyon ng matinding lagabag lalo na't ang tahimik nilang lahat.

"S-Sorry . . ." I uttered.

No one said that I'm so careless. No one mocked me for being weak na maging tray ay hindi ko na kayang hawakan nang maayos. None of them spoke. Weird talaga.

Pinulot ko ang tray at inilagay iyon sa sink. Napakatahimik ng paligid. Pakiramdam ko ay nakamasid silang lahat sa akin. Gayunpaman ay patuloy lamang ako. Kumuha ako ng panibagong tray at naglagay ng pagkain. Naghanap ako ng bakanteng mesa ngunit puno ang canteen. I stopped and looked around, nagulat na lamang ako nang umalis ang mga nakaupo sa pinakamalapit na mesa at naging bakante iyon. Some shared tables with others samantalang ang iba naman ay binilisan ang pagkain at agad na umalis. Ano'ng problema nila?

Naging mapagmatyag ako dahil baka anumang oras ay isa na namang itlog ang lumipad sa direksyon ko. But there were none. Everyone was aware of my presence pero wala man lamang nangahas na gumawa nang masama.

Ganoon ba sila kagutom para ignorahin na lamang ako?

"Hi! Do you mind if I share table with you?"

Nag-angat ako ng tingin at nagulat ako nang makitang nakatayo sa harap ko ang isang anghel. Okay, that's too much. Maybe just close to an angel!

Napakaganda ng babaeng nakatayo ngayon sa harapan ko. Her skin is so white at kung itatabi ako sa kanya ay magmumukha akong basahan. Hindi naman talaga ako ganoon karungis, but the beauty of this girl in front of me is too godly!

Her teeth are pearly white at mukhang mas makinis pa iyon kaysa sa balat ko. Her face was small and her hair passed her shoulders. Maging ang katawan niya ay napakaganda. Slender arms, average bust, slim waist, at kumpara sa kanya, nagmumukha akong troso.

Eh? Kailan pa ako naging insecure sa katawan ko?

"S-Sure."

She smiled a smile that could wreck thousands of relationships. Napakaganda ng ngiti niya! How could someone smile this way? At bakit ang unfair ng pagkakabigay ng blessings? Lahat yata ng maganda, nasa kanya na!

"I'm Megan Galendez," she said at inilahad ang palad sa harapan ko.

Nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ba iyon o hindi. Oily ang kamay ko dahil ipinahid ko iyon sa mukha ko! Gayunpaman, ayaw kong mangawit siya dahil alam ko ang pakiramdam ng ngawit na ngawit ang kamay. Hello? I just received my punishment.

"Sunny Gallego," sagot ko at ipinahid muna sa damit ko ang kamay bago tinanggap ang palad niya. Narinig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid ngunit hindi ko na lamang pinansin iyon.

"So, Sunny. Saang ward ka galing?"

"3rd Ward," sagot ko at sumubo.

"I'm from 1st Ward," wika niya. "Anong field ng science ang gusto mo?"

"Meron ba n'on?" tanong ko habang panay pa rin ang subo.

Bahagyang naningkit ang mga mata niya, ganunpaman ay ngumiti pa rin siya.

"Of course, like me, I am good in astronomy. The Capital will surely need me in the future since I knaw a lot about the stars, planets and the outer space. Trench Mariano is into biotechnology and genetic modification. Triangle Bermudo is in engineering. He makes bullet train models, aircraft, and other useful things. Ikaw?"

Napatigil ako ng kain at napatingin sa kanya. Oh. My. God. Oh. Really. My. God. Siya ba ang sinasabi nilang Megan? The 'sinulot girl'? The controversial girl between the TT Cousins? Oh my God. Oh my God. Oh my God.

Bigla kong pinulot ang baso at sinaid ang laman niyon. Pinigilan ko ang sariling kunin ang baso niya at maging iyon ay inumin.

"So? Saan nga?" she asked in a kind voice.

"H-Hindi ko pa alam, eh. Pero may mga gusto akong gawin na hindi ko pa nasubukan gaya ng cross-breed ng iba't ibang hayop."

"Really?" She doesn't sound particularly amused on my answer.

"And I want to be an official of the Capital."

She laughed. "Ang baba naman ng pangarap mo. Can't you wish for anything other than that? Like joining the Project: RUM." Mabait pa rin ang tono niya pero alam kong bini-bitch na niya ako sa lagay na ito.

Ibinagsak ko ang kutsara sa mesa at lumikha iyon ng malakas na tunog. Napatingin tuloy sa amin ang iba pang naroon. Ngumit ako sa kanya ng pilit.

"Hindi naman mababa ang pangarap ko, ah? Mas mababa pa rin ang pangarap ng mga babaeng nagpapaalipin lamang sa sistema."

She smiled sweetly pero ramdam ko na ang imaginary bolts of electricity na naglalaban sa pagitan namin.

"Let's eat?" she said, raising her fork.

Gumanti ako ng pilit na ngiti at nagpatuloy sa pagkain.

Bigla na lamang bumukas ang pinto ng canteen at pumasok doon si Triangle. Nagpalinga-linga siya sa paligid at nang dumako ang tingin niya sa mesa namin ay agad siyang lumapit. To our surprise, he grabbed me kung kaya't nahulog ang huli at kaisa-isang hiwa ng karne. Sinadya kong itabi iyon dahil sa huli ko na sana kakainin pero wala na! Wala na ang karne ko!

"Triangle!" bulalas ni Megan at napatayo.

I gritted my teeth and controlled my rising temper. Pinanuod kong bumagsak sa sahig ang karne at agad na nangati ang kamay kong bigwasan si Tatsulok.

"What did you do to her, Megan?" mataas ang boses na wika niya.

Oh no, what did you do to me, Triangle? Look what you've done to my meat! My precious meat!

Hinawakan ni Triangle ang braso ko ngunit agad akong napapiksi. Nagtatakang napatingin siya sa akin at sinalubong ko ang mga tingin niya.

"Look what you've done!" Napatingin ako sa nahulog na karne. His eyes followed mine at napasimangot siya nang makitang karne ang dahilan kung bakit halos manginig na ako sa inis ngayon.

"I'll give you a lot of it later." Muli niyang tinangkang hawakan ako ngunit muli rin akong napapiksi.

"Alam mo bang ang bawat karneng inaaksaya mo ay katumbas na ang kasiyahan naming mga mula sa mababang wards? Palibhasa, wala kayong pakialam sa amin. You live your life quite the way you want it to be while others struggle to get a decent slice of meat!"

Napakamot siya sa batok niya. "Seriously, you're pissed over that?" Lumipat ang tingin niya kay Megan. "Don't talk to her again, Megan, or else."

"Or else what?" sagot ni Megan na may halong pagbabanta ang boses. "What will you do, Triangle?" Puno ng hinanakit ang boses ni Megan. Oh, come on! I don't have time to watch over their little drama.

Pinulot ko ang hiwa ng karne at pinagpag iyon. Kinuha ko ang table napkin at inilagay roon ang hiwa ng karne bago iyon inilagay sa bulsa. I was about to take a step away from the scene nang biglang nag-flash sa malaking LED screen ng cafeteria ang breaking news ng Capital.

"Isang malaking problema ang kinakaharap ngayon ng Capital dahil sa patuloy ng pagdami ng populasyon. Sa pinakahuling census, halos dumoble ang bilang ng tao kumpara noong nakaraang taon. Patuloy ang pag-angat ng mortality rate ng Capital pero ganoon rin ang pag-angat ng bilang ng populasyon.

"Hindi inaasahan ang surplus sa bilang ng mamamayan mula sa iba't ibang ward at mas lalong hindi inaasahan ang shortage sa supply ng pagkain. Sa pahayag ng mga opisyal ng Capital, ang maitutulong nila para sa bawat pamilya ay ang pagkupkop sa mga matatandang sakop ng household upang hindi na madagdag sa pabigat ng bawat pamilya.

"Naglaan ang Capital ng mahigit isang daang milyon para sa budget ng tirahan, medical services at daily ration ng mga matatanda."

Biglang tumunog ang bell ng Academy, tanda na tatlumpung minuto na lamang ay tapos na ang breaktime. Lumabas ako ng canteen at naramdaman kong sinusundan pa rin nila ako ng tingin. Tuloy-tuloy lang ako sa labas hanggang sa tuluyan kong maisara ang pinto ng canteen.

Agad akong tumakbo patungo sa classroom ng prep class at naabutan ang mga kaklase kong nakasimangot habang nakaupo.

"Anong problema n'yo?" tanong ko sa kanila.

Si Jeffrey ang unang sumagot. "I received a call from my mom. Sinabi nilang kinuha ng mga sentinel ng Capital ang lolo ko para ipasok sa Senior Citizen Shelter."

"Eh? 'Di ba mas mabuti nga iyon dahil maaalagaan doon ang lolo mo?" I asked.

"Yup, pero hindi ko na siya maaabutan kapag uuwi ako sa amin."

I sighed. Sabagay, may point rin naman si Jeffrey. Bumaling naman ako kay Iris na tila nabagsakan din ng langit at lupa.

"Oh, ikaw anong problema mo?"

"Same with Jeff. Ang lola ko rin, kinuha na," sagot niya.

"Cheer up, guys! Napanood ko ang balita sa canteen. Malaki ang budget para sa kanilang tirahan, medical assistance, at kung ano-ano pa. Don't worry. Tiyak na magiging maayos ang kalagayan ng mga lolo at lola ninyo," wika ko sa kanila, trying to cheer them up.

"Wala namang problema roon, Sunny, pero syempre iba pa rin naman na kasama mo sila sa iisang bubong, hindi ba?"

"Siguro naman, pwede silang bisitahin kaya 'wag na kayong malungkot." Inilabas ko ang hiwa ng nalaglag na karne mula sa bulsa ko. "Ito may karne ako, bakit hindi natin pagsaluhan?"

Tila asong ulol na napatalon si Coco patungo sa akin. He grabbed the meat from me ngunit agad natigilan.

"Bakit may mga buhangin 'tong karne?"

"Nahulog kasi—"

Bigla niyang ibinalik sa akin ang karne. "Thanks, but no thanks. Nahulog tapos ipapakain mo pa?"

I pouted. Hindi pa naman 'to madumi, ah! Nasa libro lang ang dumi. Naniningkit ang matang kinain ko ang karne at masarap na nginuya iyon. The meat tasted so good. It melts in my mouth. Ang pagkalaglag nito sa sahig ay malamang mas nagpasarap pa sa karne.

"Sunny, masyado kang PG!" bulalas ni Margo.

"PG?" I asked, raising a brow.

"Patay-Gutom!" sabay nilang wika.

Agad silang napaayos ng upo at bumalik sa kanya-kanyang mga upuan. Saka ko lang napansin na papasok na si Miss Venna Ruiz. I swallowed the meat immediately at umayos na rin ng upo.

Nagpunta siya sa harap at inilapag doon ang dalang printouts. Malamang, kung nasa regular class pa ako, may kanya-kanyang PC sa bawat desk kaya hindi na kailangan ng ganoon, pero dito? Nah, traditional way—handouts.

Ipinamigay niya sa amin ang printouts—oh no, not printouts but clean sheet of papers.

"Class, isulat ninyo sa mga papel na iyan ang mga naiisip ninyong maaaring solusyon sa kinakaharap nating problema ngayon." She glanced at her wristwatch. "You have half an hour to do it. Start now."

Agad na nagsulat ang mga kaklase ko. Pinigilan ko naman ang sarili kong magpalingon-lingon sa kanila dahil baka pag-initan na naman ako ni Ma'am Ruiz.

Solusyon sa pagdami ng populasyon? Solusyon sa kakulangan ng supply ng pagkain? Seriously, hindi ko nga alam kung ano ang solusyon upang matanggal ang blackheads sa kilikili ko tapos gagawa ako ng solusyon para sa problema ng Capital? Ayos lang ba sila?

I sat there and stared at the blank paper hanggang sa natapos na lamang ang kalahating oras. Napatingin ako sa blankong papel ko. What should I do now?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top