Royal: One
//
Sunog-atay man pero hindi talaga mawawala ang tagay niya kahit mag-isa lamang siya every Friday. At ngayon nga, magpapakalango siya sa alak. Buwisit siya sa mga customers niya kanina sa anek-anek store niya dahil may isa sa mga ito na nasira ang bikini sa pagpupumilit na sakto ang size. Ayaw pa magbayad kaya nag-ala dragon siya at dahil natakot ang mga ito na nagbuga na siya ng apoy ay binayaran na lamang ang nasirang bikini. Bakit ba ipinipilit ng mga ito na isakto ang bikini kung malaki naman ang balakang?
Ayaw din siyang samahan ng mga kaibigan niya sa inuman. Nag-overtime si Ayumi sa trabaho nito bilang isang admin staff sa isang IT company. Si Helena naman ay may hinahabol pa daw na orders, pagmamay-ari nito ang online bakeshop kung saan nagdedeliver lamang ito ng pastries at cakes. Si Carter naman ay may gig kasama ang banda nitong Goodnight Streets. Kaya hindi siya masasamahan ng mga ito sa drama niya.
Usapan sa inuman corner na iyon ang pagdagdag ng taxes sa vices-related products/services ng royal government. Edi mas lalong uminit ang ulo niya. Alak na nga lang ang nagpapasaya sa kanya.
Tumungga siya ng ni-order niyang soju. Siya lang mag-isa at ang ingay-ingay ng mga lasenggo doon. Abot sa gilid kung saan siya nakatambay. Sa gilid ni Astrid ay ang Georgeton river na karugtong ng Everion Sea.
"Ah shit, ang ingay ng mga buwisit," bulong niya sa sarili at nagsalin ng soju sa shot glass niya. Maanghang ang kanyang pulutan. Spicy chicken skin na bagong fried lang. Namumula na ang ilong niya pati mga mata niya. Mukha na siyang adik.
Nakatatlong bote na siya nang makaramdam na siya ng pagkahilo. Tine-text siya ng mga tauhan niya sa Nilo's, ang maliit na restaurant na tinayo pa ng biological father niya noong maliit pa siya. Isa itong police officer na naging kaibigan ang mga reformed goons na binigyan nito ng chance na magbagong-buhay at eto nga, ang mga ito ang nagmamanage sa restaurant. Nagkataon din kasi na ang kanang kamay ng kanyang tatay ay marunong at masarap din magluto.
Prinsesa siya ng mga ito at kahit na alam ng mga ito na schedule niyang uminom ngayong Friday ay eto, parang mga bubuyog na nagte-text. Nag-reply siya sa mga ito na ayos lang siya, humihinga pa siya at wala kamong lumalapit sa kanya upang bastusin siya.
Masakit pa rin ang loob niya sa EO na 'yon.
"Leche na Crown Prince. Pogi pero pasakit sa aming mamamayan. Siguro, hindi pinapasaya ni Soleil." Si Soleil ang asawa nitong prinsesa pa ng ibang kingdom. Hindi lingid sa Everion people na arrange marriage ang naganap sa pagitan ng dalawa. Kinurot lamang niya ang chicken skin at dinurog sa bibig niya. "Shet, maanghang."
Tiningnan niya ang mga accounts ng royals. Nanlalabo na ang paningin niya at pinindot niya ang account ng walangyang saksakan ng pogi na Crown Prince. Dahil nga nanlalabo na ang mga mata at nahihilo, nag audio message na lamang siya. Sa dami ng mga messages ng mga ito ay tiyak na matatambak lang ang messages niya.
"Hoy, poging buwisit na Crown Prince." Namumungay na rin ang mga mata niya. Tanging city lights lang ang naaninag niya. "Hindi ka ba kinakalabit ng asawa mo at naghahasik ka ng lagim sa mga pobreng mamamayan ng Everion? EO para sa alak, sigarilyo, casino and what? Pati ba bra at panty ng anek-anek store ko, papatungan mo ng karagdagang taxes? Ano? Tuwang-tuwa kang maging miserable kaming lahat?"
Pagak siyang natawa. Sumisirko na ang utak niya pero inilapit pa niya lalo ang speaker sa bibig niya.
"Ang yaman na ninyo. Magpapayaman pa kayo ha? Akala mo kinaguwapo mo na yan ha? For all I know, tigang na tigang ka na." Wala siyang pakialam kung malakas na ang boses niya at naeeskandalo ang mga taong makakarinig sa pinagsasabi niya. "Kaya pinagbubuntunan mo kami ng galit."
"Puwede mo namang bawiin ang EO. At nang malaya na akong uminom ng matiwasay every Friday. Bakit di mo gayahin yung kapatid mo? Yung second prince na hindi nakikialam? Second prince na di naman namin ramdam dahil hindi nagpapakita at hindi nagpaparamdam. Bakit? Pangit ba siya? Iyong tipong makita pa lang mukha niya, parang isusuka mo na kinain mo buong araw?" Tumawa siya na parang baliw sa sinabi niya. Pagdating yata sa trashtalk-an, walang binatbat ang iba sa kanya. Ikaw ba naman lumaki mga goons na suki sa kulungan. Nagtino lang ang mga ito ng tulungan ng kanyang ama na ngayo'y wala na sa mundo.
"Pucha naman! Yun na nga kaligayahan ko! Yun na nga alaala ko sa tatay kong natege dahil sa isang operation na di naman nila sinabi sakin dahil bata pa ako. Pucha naman! Tapos ganti niyo lang, papatawan kami ng taxes sa kaligayahan namin? Habang kayo'y lumalangoy sa kayamanan ninyo. Tangina niyong lahat, sana umitim mga itlog niyo at maputol yang mga inaalagaan niyong hotdog."
"Tangina brad, natakot ako para sa itlog at hotdog ko."
"Tama nga siya. Unfair na pinatawan ng sin tax ang inumin natin."
"Hoy, baka marinig ka."
"Hindi naman yan malalaman ng royals."
"Tangina, may personal na galit to."
"Tahimik muna, nakikinig ako. Cute magalit ng babaeng ito. Anong ginagawa mo? Wag mong i-record oy."
Parang mga bubuyog ang mga bulong ng mga tao roon at patuloy lang siya sa sentiments niya sa royal government. Medyo maluha-luha na nga siya kasi naalala na naman niya ang tatay niya na iniwan siya. Wala na nga siyang nanay dahil namatay noong ipinanganak siya. Wala na siyang tatay noong walong taong gulang pa siya. She's an orphan. Napatungayaw siya.
//
Nananahimik si Arzhel Jacques nang bisitahin siya ng mga kaibigan niya sa munting cottage niya sa may Everion beachside. Kung wala siya sa Sinclair Castle, nandito siya sa beachside malapit sa Everion sea.
Tumambay sila sa may terasa ng cottage niya roon. He and Sawyer were sitting on the chairs while Larkin was leaning on the railings. They savored the midnight ocean breeze.
"Friday ngayon, nababato na kami. Chi-neck lang namin kung nagpatiwakal ka na ba. May nabasa lang ako na tinutuligsa ang kapatid mo. Dahil sa EO," bigay-paalam ni Larkin sa kanya.
Isa itong Baron na nakuha ang titulo dahil sa loyalty ng commoner nitong ama. Ito ang pinakamatangkad sa kanila at may start-up na IT company sa Giburgsh Avenue, tawag sa business district kung saan naglalagi kadalasan ang mga start-up businesses.
Ang Executive Order na tinutukoy ang nagpapataw ng sin tax sa mga alak, sigarilyo, casino, at iba pang sugal na mga gawain na desisyon mismo ng Kuya niya. That older brother of his, he desired power and put it to good use but he made sure he reaped benefits - ang gawing maunlad lalo ang Everion Kingdom. Siya? Wala siyang pakialam. He was in the shadows.
Nasa front porch sila at walang tao sa paligid kaya walang makakakilala sa kanya. Also, there may be some of his photos in the internet but not everyone knows his face. Kaya bansag sa kanya 'Hidden Prince' dahil mailap talaga siya.
"I don't care about his whereabouts or his doings in the government." May karapatan naman ito dahil ito ang papalit sa Hari nila na ngayo'y humihina na ang katawan. His father was sick for long.
"Marami ang hindi masaya, lalo na sa mga lasenggo. Check mo nga soc med mo," suhestiyon ni Sawyer.
Isa itong Duke nang mamatay naman ang ama nito sa isang malubhang sakit. Haciendero ito at isang magsasaka na busy sa pagpapayaman.
Si Sawyer mismo ang nagkalikot sa soc med account niya. Nag-iisa lang iyon dahil hindi naman siya mahilig. Naka-verified iyon at maikli lang ang username. Walang mga posers dahil official royal IT team ang nag-delete sa mga accounts ng posers.
"May audio messages ka. Bago pa lang." Ano na naman? Bukod sa hate messages, may mga messages din na baliw na baliw sa kanya. Si Sawyer madalas ang umusyuso ng social media niya. Mistula na itong manager niya pagdating roon.
"Pakinggan nga natin," usyuso ni Larkin.
Nagimbal silang tatlo sa kailaliman ng gabi sa audio messages ng isang babae na nagngangalang 'Baeley Suzanne'.
"Leche na Crown Prince. Pogi pero pasakit sa aming mamamayan. Siguro, hindi pinapasaya ni Soleil. Shet, maanghang."
"Hoy, poging buwisit na Crown Prince. Hindi ka ba kinakalabit ng asawa mo at naghahasik ka ng lagim sa mga pobreng mamamayan ng Everion? EO para sa alak, sigarilyo, casino and what? Pati ba bra at panty ng anek-anek store ko, papatungan mo ng karagdagang taxes? Ano? Tuwang-tuwa kang maging miserable kaming lahat?"
Naiinis ang tono ng naturang babae. Hindi matinis ang boses nito. Malalim pa nga para sa isang babae o ganito lang talaga boses pag lasing. Patuloy pa rin sa pagtawa ang dalawa niyang kaibigan.
"Ang yaman na ninyo. Magpapayaman pa kayo ha? Akala mo kinaguwapo mo na yan ha? For all I know, tigang na tigang ka na.Kaya pinagbubuntunan mo kami ng galit."
Halata namang lasing ang babae. Nadala lang sa kalasingan. Kapag narinig to ng Ina niya, tiyak na ekis na ito sa mga babaeng ipapakasal sa kanya.
"Puwede mo namang bawiin ang EO. At nang malaya na akong uminom ng matiwasay every Friday. Bakit di mo gayahin yung kapatid mo? Yung second prince na hindi nakikialam? Second prince na di naman namin ramdam dahil hindi nagpapakita at hindi nagpaparamdam. Bakit? Pangit ba siya? Iyong tipong makita pa lang mukha niya, parang isusuka mo na kinain mo buong araw?"
Doon na nagsalubong lalo ang mga kilay niya sa narinig. Nainsulto siya at tiyak niyang namumula ang tainga niya sa inis. Hagalpakan naman ng tawa ang mga tinamaan na magaling niyang mga kaibigan.
"Isusuka kinain pag nakita ka? Ganyan ba kasama hitsura mo, Arzhel?" Hawak na ni Sawyer ang tiyan nito at maluha-luha pa.
Napatiim-bagang tuloy siya. Who's this brazen lady?
"Pucha naman! Yun na nga kaligayahan ko! Yun na nga alaala ko sa tatay kong natege dahil sa isang operation na di naman nila sinabi sakin dahil bata pa ako. Pucha naman! Tapos ganti niyo lang, papatawan kami ng taxes sa kaligayahan namin? Habang kayo'y lumalangoy sa kayamanan ninyo. Tangina niyong lahat, sana umitim mga itlog niyo at maputol yang mga inaalagaan niyong hotdog."
Hindi na nakayanan ng mga kaibigan niya kaya ngayo'y gumulong na sa sahig at natumba pa ang inuupuang silya ni Sawyer.
Naisip tuloy niya kung paano patahimik ang bibig ng babae na bulgar magsalita. He gritted his teeth. Mas lalong hindi maipinta ang mukha niya sa sunod na sinabi nito.
"Siguro hindi marunong humalik 'yung Second Prince? O baka talaga eh totoo yung tsismis na bakla siya." Tumawa pa ito. Tawang ikinapanting ng tainga niya.
"Na pumapatol siya sa mga kalahi niya! O sigurado akong panget talaga siya. Ni-photoshop lang pagmumukha niya para katanggap-tanggap. Hindi naman lahat ng royals pogi! O baka juts siya!"
Pinatay na niya ang audio messages. Tiningnan niya ang pangalan ng account ng babaeng lasing habang nasa background niya ang maluluha-luha at humahalakhak niyang mga kaibigan.
Baeley Suzanne Earhart.
What a nice name, he scowled.
Wait, she's an Earhart?
//
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top