Chapter Eight
HINDI GUSTO NI MAXIMILLIAN na nakakasalamuha si Renante. Pero dahil nalaman na ni Sonny ang tungkol sa arranged marriage, palagay niya ay alam na rin iyon ni Renante. It could be from his own father or from Sonny herself. Baka nga kinumbinsi na ni Sonny si Renante na huwag pumayag. Pwede ring mag-usap ang mga ito at makumbinsi ni Renante ang babae na makisakay na lang sa arrangement.
He had no fucking clue.
So, to be sure, Maximillian arranged to meet Renante on his lunch break. Alas-onse pa lang ng umaga nasa biyahe na siya papunta sa napagkasunduang restaurant. Maaga siyang umupo. Kinontento ni Maximillian ang sarili sa pag-inom ng kape habang nagba-browse ng mga news article sa cellphone. Hinihintay pa rin niya ang kakatagpuin.
Dumaan siya kanina sa tinitirahang unit, kaya heto at suot ang grey na pantalon. Sinamahan niya iyon ng grey na short-sleeved button-down patterned shirt. Maayos na nakahawi sa kanan ang kanyang dark blond na buhok habang seryoso na nagbabasa. Nag-angat siya ng tingin nang may mapansing bagong customer na pumasok. It was not Renante, pero ang sumunod sa customer na iyon ay ang kanyang hinihintay.
In-off ni Maximillian ang cellphone at sumimsim ng kaunting kape bago tumayo para kamayan si Renante na nakalapit na sa mesa nila.
It was a cold, short handshake. Nagpapaunahan pa sila sa pagbitaw sa kamay ng isa't isa bago umupo. Renante gave him a nod.
"For the first time, you invited me for a chat or so," pormal nitong ngiti sa kanya, taliwas sa pagdududang nasa mga mata ng binata. "Should we talk first or order first?"
"Order then talk while waiting," ani Maximillian. They would rather place their orders first, para hindi agad-agad na makaalis si Renante kapag naisipan nito.
Mabilis silang nakapag-pasya ng o-order-in na pagkain. Pagka-alis ng waiter, hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Maximillian.
"I just want a talk to you to know if you already have an idea about what Sam and your father agreed upon?"
Renante threw him a knowing look. Tumaas ang sulok ng labi nito habang relaxed na napapasandal na lamang sa kinauupuan.
"I knew you'd want to see me because of that," sagot ng lalaki. Hindi maipaliwanag ni Maximillian kung bakit naiinis siya sa tuwing nahihimigan ang confidence sa pananalita ng lalaki.
Renante always displayed this mild, gentlemanly appeal. 'Yung tipo ng lalaki na madaling karagin dahil hindi ito makikitaan ng tapang o aggression. Pero para sa kanya, that made Renante more wicked. He was good at making himself appear to be some sort of saint-like type of guy.
"You already knew then," he nodded upon receiving the confirmation. Pinigilan ni Maximillian ang mapainom ng kape. Dapat na magmukha siyang mas kampante kaysa rito. "And what are your thoughts about it?"
"Too impatient to get me married with Sondra already?" mahina nitong tawa. "Aren't you sort of traditional? Masamang ikasal ng sabay ang magkapatid. Sukob daw iyon."
He mockingly grinned. Magaling talaga si Renante sa pang-iinis sa kanya.
"Hindi kami magkapatid," angat niya sa tasa ng kape. Sa huli, hindi niya napigilan ang impulse na mapainom.
"Oh, yeah, right, sorry," may halong tawa roon na hindi niya alam kung may intensyon na asarin siya o masayahin lang ba talaga si Renante. But newsflash, hindi palatawa ang lalaki. So, he already knew he was mocking him. "So, you are like... envisioning a double wedding, hmm? You and Yrina, me and Sonny... You really want to make an explosive headline in the news, huh?"
Naningkit ang mga mata niya rito. "I don't need you and Sonny to gain good publicity, Renante."
"Cut to the chase and tell me that what you really want to know."
Renante was smiling wider. Kahit ano yatang kalma ng approach niya, may paraan ang lalaki para maaninagan ang iritasyon niya rito. O marahil sanay na roon ang lalaki. Noon pa man, 'di ba, nagpapakita na siya ng disgusto rito? Hindi niya ito gusto dahil masyado nitong kinukunsinti ang mga trip sa buhay ni Sondra.
"Pumayag ka na ba?" deretso ang tingin niya sa lalaki.
Renante shrugged. Umiwas ito saglit ng tingin. "I have to talk to Sondra first before I agree. I don't think Sondra will object to the idea of getting married to me, but we have to be prepared somehow."
Hindi niya napigilan ang pagak na mapatawa. "Really, huh? You really think she won't object?" disbelief was in his mocking tone followed by his murmuring, "You are one confident bastard."
"It's not confidence," chill lang ang lalaki. "It's a possibility that I am aware of."
Tumango-tango na lang si Maximillian. "I don't think she's ready. Masyadong na-excite lang si Sam. I invited you here to let you know that. Ayoko kasing malaman-laman na pine-pressure mo si Sondra na paghandaan ang magiging kasal ninyo. It's still just a plan in process."
"So, it means, we will have to wait for a year or so before we go on with this arrangement?"
Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mga labi ni Renante.
"Yes."
"Would you mind to tell me why? I don't think na dahil sa sukob kaya magkakaroon ng kaunting delay ang arrangement namin, 'di ba?" Renante's eyes sparked.
"Why bother so much about it?" ngisi niya rito. "Does it mean, you really agree with being married to your best friend?"
"Personally, I don't see any problem with it," masigla nitong wika. "Wala namang masama kung ikakasal ako kay Sondra. Like what you said, we're best friends. We understand each other much better, and the strongest marital relationships came from being best of friends, right?"
Tumiim ang pagkakatitig niya kay Renante. May gusto ba ito kay Sondra?
Lumingon saglit ang lalaki, tsinek kung may papalapit na waiter sa kanila. Wala naman, kaya bumalik ang tingin nito sa kanya. Renante caught his glare.
"Is there something wrong?"
"I just don't think she's still ready. I hope you don't mind waiting," dampot niya sa tasa ng kape at sumimsim ulit doon.
"How come she's not ready? I believe that she already earns money for herself from modeling. It means, kaya na ni Sondra ang sarili niya, 'di ba?"
"She still gets careless," mariin niyang sagot. "Did you know that after your date night, she still managed to have a night out with her friends in a club, Renante? She got drunk, Renante. And she got a little bit irresponsible," he locked his gaze on Renante. Sinisigurado ni Maximillian na walang makakaligtas sa paningin niya na reaksyon nito. "And she's grabbing guys and kissing guys, Renante. Imagine being married to that kind of woman."
Tumango-tango lang ang lalaki, bahagyang lumambot ang mukha ngunit naaaninagan pa rin ito ni Maximillian ng confidence. Ayaw niyang aminin sa sarili, pero nababahala siya kung gaano kakalmante si Renante.
"That's why," he continued, sounding more self-assured, "Sondra is not yet ready. She needs to grow up some more, to be more responsible, to be more caring about her image..."
"If Sondra agrees to that idea then I'll agree," ngisi nito. "But if she feels that she's ready to get married, then tuloy ang set-up na ito."
"Gusto mo ituloy kahit na ganoon pa ang status ni Sondra?" naiintriga na siya sa sagot ni Renante, pero heto at kontrolado pa rin ni Maximillian ang sariling tono at reaksyon. "Have you just listened to what I said?"
"I'm her best friend, Maximillian," ngiti nito. "Kahit gaano kapangit ang image ni Sondra, kahit gaano pa siya kairesponsable o ka-immature sa ngayon, if she agrees to get married already, I will still accept her like I always did. I will still accept her--" tango-tango nito, "--which is something that other men out there can't do for her because I have the balls and they don't."
Naningkit ang mga mata niya sa lalaki.
.
.
HUMUGOT MUNA NG MALALIM NA PAGHINGA SI SONDRA bago tinuloy ang pagpindot sa buton ng elevator. Pagkatapos kasing maka-heart-to-heart talk ang mga kaibigan, nagpahinga lang siya ng kaunti sa mansyon at nag-lunch bago nag-ayos ulit. She had her wavy hair ponytailed and put on a fitting black halter-neck dress with black high heels. Then, she headed to G & C to meet Maximillian. Alam niyang abala lagi ang lalaki sa trabaho, pero mas sigurado siyang kung dito ito kakausapin, papaunlakan siya nito.
Alam naman ni Sondra na ayaw ni Maximillian na may masabi ang mga tao rito na hindi maganda. For sure, hindi siya itataboy ng lalaki. For sure, kapag kinuwestiyon na niya ito tungkol sa arranged marriage nila ni Renante ay kakausapin na siya ng lalaki nang maayos.
Nag-back out kasi ang bruha niyang mga kaibigan tungkol sa Operation: Seduction kay Maximillian. Sa tulong ng mga ito, nakapagpasya si Sondra na magmala-Paul McCartney.
Let it be.
Hayaan muna niyang mangyari ang mga dapat mangyari. Mag-oobserba muna siya kung ano ang magiging takbo ng sitwasyon. A solution for her will surely come along the way. Sa ngayon, dapat niya munang alamin kung bakit nagkaroon ng ganoong kasunduan ang mga tatay nila ni Renante. Were they considering to have them married to merge their companies? Isa pa, hindi pa niya alam ang pasya ni Renante. May posibilidad pa ring hindi rin ito pumayag.
Kung ganoon kasi, ibig sabihin, wala na siyang dapat alalahanin pa, 'di ba?
Kahit hindi worth it ang pagda-drama niya kanina sa sobrang shock sa nalaman dahil hindi naman pala papayag si Renante na ikasal sa kanya, at least, sa huli, hindi iyon matutuloy at magiging masaya na sa ganoon si Sondra.
She tried to contact Renante, pero hindi siya nito sinasagot. Nung tumawag si Sondra sa office nito, nag-lunch out daw. Kaya nauwi rin siya sa pasya na si Maximillian mismo ang kausapin. Ayaw naman niyang magkaroon ng ideya si Maximillian na pupuntahan niya ito kaya heto siya at walang paalam na dumating sa kumpanya ng lalaki.
Hindi basta-basta nagpapapasok ang sekretarya nito o sinumang staff sa opisina ni Maximillian para roon ito hintayin dahil may waiting lounge naman. Pero dahil kilala na siya ng mga ito, ginabayan siya ng sekretarya nitong si Marissa sa opisina ng lalaki at doon na lang mismo pinaghintay.
She sat on the visitor's chair, in front of Maximillian's desk as her eyes looked around. Nakakabingi ang katahimikan doon. Tulad ng dati, impressed pa rin siya sa sobrang ayos ng silid nito. Maayos na magkakapatong ang mga folder ng lalaki sa desk. Malapit sa penholder nito ang isang transparent na glass ashtray.
That made her frown. Ibig sabihin kasi may habit pa rin ang lalaki na paninigarilyo.
Bahagya siyang napapitlag nang marinig ang paglagitik ng pinto. Nang makita ang pagpasok ni Maximillian, tumayo agad si Sondra. She composed herself. Nilihim niya ang kakaibang paglalaro ng kanyang imahinasyon habang pinapasadahan ng tingin ang lalaki. He looked more casual today in the office-- nakasuot ito ng grey na pants at grey na short-sleeved button-down patterned top. Puno ng kaseryosohan ang gwapo nitong mukha at lalo iyong lumukot nang mapunta ang mga mata sa kanya.
"Why are you here?" masungit nitong saad at umikot para okupahin ang desk nito.
Walang anu-anong kinuha nito mula sa drawer ang itim na pack ng sigarilyo. He tapped one stick out, pulled it and placed it between his lips. Her heart sank. She didn't want cigarettes, yet never mind if she would be given the chance to kiss Maximillian's cigarette-stained lips all day.
How rebellious her heart is.
Tinitigan siya ni Maximillian na medyo pasalampak ang pagkakaupo sa swivel chair nito. His eyes were dark and intense against hers. Nanlalambot na agad siya sa titig pa lang ng lalaki. Heto at umupo na siya ulit.
"Hindi ko kasi ma-contact si Renante," composed pa rin niyang wika. "So--"
Mabilis na nawalan ito ng interes. He pulled out his Zippo lighter. "Well, I am sorry to say, Sonny, but this is not Renante's office."
"I know," kontrolado niya at napipigilan ang udyok na sagut-sagutin ang lalaki sa tila pabalang nitong sinabi sa kanya. She needed to stay cool. Kapag inaway niya ito ngayon, baka hindi niya makuha ang mga sagot na gustong malaman mula rito. "I can't contact him kaya ikaw na lang ang pinuntahan ko."
Nakita niya ang pagliwanag ng dulo ng sigarilyo ng lalaki. The cigarette stayed on his lips as he nonchalantly returned the lighter and pack in his drawer. Pagkatapos, hinawakan ni Maximillian ang stick at inalis sa mga labi nito. Bumalik ang mga mata ng lalaki sa kanya.
"Is this about the marriage?"
"Yes."
"Why so interested about it?" he scoffed and spread a devilish grin. "Hindi pa naman kayo ikakasal."
"I know, arrangement pa lang, ie-engage pa lang kami--"
"I think," he grunted and left his seat. Pumuwesto ang lalaki sa gilid ng desk nito, nakatagilid sa kanya pero mas malapit-lapit sa kanyang kinauupuan, "you forgot what I said this morning. You are not yet going to marry that man unless you are fit to be married."
"Mukha ba akong nagmamadali?" hasik niya rito, kanina pa kasi hindi pinapatapos ng lalaki ang mga sasabihin niya.
"You look so interested," he puffed a little. Pagkaalis ng sigarilyo sa mga labi ay nilingon siya nito. "What could that possibly mean, Sonny?"
"I want to know kung bakit kailangan niyo akong i-engage kay Renante," iritable niyang wika. "Does it even matter to you or to Dad if I want it or not?"
"So," bored na lingon nito sa kanya, "do you want it?"
Piniling mabuti ni Sondra ang mga sasabihin. "Depende sa reason," tingala niya rito. "Kung may mabigat na dahilan kaya kailangan akong ikasal kay Renante, then why not? Ikaw nga kinaya mo kay Yrina because it is reasonable, so why can't I, right?"
His jaws tensed, followed by Maximillian's nodding as his face darkened. Hindi na siya nilingon pa ng lalaki. Nakatutok lang ang matiim nitong mga mata sa pader at humithit na ulit ng sigarilyo.
"And to think na kay Renante niyo lang naman ako ipapakasal. He's my best friend, and I think I will have more freedom if I get to live with him or be married with him," matapang na patuloy ni Sondra, pilit na hinahagilap ang dahilan ng pagseseryoso ng mukha ni Maximillian. "Kaya favorable siya for me."
"Renante really knows you so well," he muttered, a faint grin formed on his lips.
"How did you say so?" naningkit ang mga mata niya. "Have you already talked to Renante?"
"Look, Sondra," tayo ng lalaki attumapat ito sa kinapapatungan ng ash tray. Maingat na pinagpag nito roon angabo ng sigarilyo. Tumaas ang mga mata ng lalaki sa kanya, "Just leaveeverything to me, will you? Let me deal with it and I'll let you get involvedwhen I know it's the right time. Don't get too excited about your arranged marriagewith Renante. Malay mo--" baba ulit ng tingin nito sa sigarilyo parasipatin kung bumagsak na lahat ng abo. Then his sharp gaze shadowed darkly byhis face pierced on her, "--hindi matuloy."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top