BUOD
Pagsumamo sa Una't Huli
Siyamnapu't limang tula para sa mga salitang kusang pinagtugma. Siyamnapu't limang paalala na siya ang pinakapaborito kong obra. Pinuno ko ang bawat araw ng pag-ibig. Pinuno ko rin ang aking sarili ng damdamin ko't pagsinta na siya ang nasa sentro ng lahat.
Patuloy ako sa unti-unti kong pagkahulog habang nag-aabang sa kusa niyang pagsalo sa akin. Nakahanda lang ang mga kamay kong idadampi sa mga palad niya kung sakaling nais na niya akong saluhin. Ito rin ang nagmistula kong talaarawan sa loob ng ilang buwan kong pagkubli sa pagmamahal na hindi magawang aminin. Ang hinimlayan kong kanlungan sa bawat gabing ang kaluluwa'y sinubukan ang pusong paghilumin. Kasabay sa bawat paghigop ng kapeng mainit na may bahagyang pait, ang palagiang pagtitig sa mga mata mong nasa larawan na kay rikit. Habang tinatanaw ang rosas na pinahahalagahan kong wagas. Mula sa inumpisahang pag-aklas hanggang sa pagtingin hindi magwawakas.
Sa pagtanggap niya ng humigit isandaang tula, para niya na rin akong tinanggap sa loob niyang iingatan ko. Sa huling mensaheng sigurado't totoo. Magsusumamo sa patuloy na pagkakaguluminahang hindi na muli pang ikakaila. Rosas para sa'yo. Kape para sa'yo. Ako, ang 'yong Ginoo, para lang sa'yo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top