Fourth Game : King and Queen


[ EDITED ]


JOYA'S POV


Hindi... Sana nagkakamali ako

Pero malakas Ang kutob ko na sya iyon. Third Ang nakasulat sa papel Ni Melvin samantalang saaming lahat numbers na.

Sana namali lang ng sulat. Third Wave....

Papunta ako sa canteen di ko parin maiwasang maawa sa lalaking nakabigti sa harap ng canteen. Napalunok ako.

Anong klaseng laro ba iyon ? At Hindi sila nakakalagpas.

Hindi pwedeng mamatay si Melvin pero di pa ako sure sa mga naiisip ko.

"Para sa Pangatlong Laro ng kamatayan. Baguhan Ang maglalaro kakapasok lamang at nabunot na kagad sya. Nakakaawa hahaha" mas lalo akong kinilabutan.

Nasan na ba sya ??

Mabuti nalang ay nakita ko si Jess sa bandang dulo ng canteen "Jess !! Si Melvin nasaan ??" Nagkibit balikat lamang ito saakin na para bang Hindi ako kilala. Napa kunot Ang noo ko.

"Jess nasan ba si Melvin ??!" Medyo napataas Ang boses ko kaya't ilang mga estudyante ay napatingin saakin.

"Aba Malay ko Joya !! Bakit sakin moba tinatanong ?? Hanapan ba ako ng nawawalang Tao ??" Napailing nalang ako sa nakikita ko Kay Jess. Di ako makapaniwala.

Melvin nasan kanaba ??!!

Tumakbo ako papunta ng hagdan paakyat sa Main building. Napatigil ako sa nakita ko.

Si Melvin at isang Babae magkahalikan. Ang mas kinagulat ko ay Ang pagakyat nila sa itaas naiwan akong tulala.

Oo. Matagal na akong may gusto kay Melvin, at ipinagsawalang bahala ko nalang iyon. Dahil kaibigan lang Ang Turing nya sakin.
Baka nga napapraning na ako. Imposible namang sya iyon. Coincidence lang ata yung nasa papel nya.

Bahala na. Ayokong magmagaling. Baka mas lalo pang lumalaki Ang lahat.

Naiiyak ako.

Naabutan ko sila Isabelle at Kris na naguusap.

"Ui Joya, Ikaw ba yung nag laro kanina ?" Naglaro saan ??

Mukhang nahalata nilang Hindi ko maintindihan ang mga pinag sasasabi nila

"OK Joya Hindi Ikaw iyon ? Ngunit sino Ang naglaro sa Third Wave ?" Mukhang Hindi nga ako nagkakamali. Si Melvin nga kaya iyon

"Joya yung naglaro sa Third Wave nakaligtas sya, at may kutob akong si Melvin iyon" tumama si Kris. Yun din Ang kutob ko. At Masaya akong nakaligtas sya.

"Usap usapan sya ngayon Joya " Sambit ni Isabelle.

"Syà rin Ang kutob ko" aniya ko.

-*-

Nandito kaming lahat sa Grounds at may Event daw. Ang sabi ng iba ipapakilala daw Ang Hari at Reyna ng school. Hindi parin namin nakikita si Melvin. Sana'y ligtas sya.

"Students... We are gathered here tonight to celebrate the birth of Our king. Tonight we will have some fun but a little bit scary night. The third wave is done he Survived and we're all amazed. And Finally the Fourth Wave is about to come...... Tonight.. please all stand to honor our Beloved king. King Erik Whitecrown" palakpakan Ang iba pang studyante at sabay sabay kaming tumayo.

Erik Whitecrown... Ang gandang pangalan.

Isang mestizong lalaki Ang bumungad sa amin naka salamin at naka coat and tie. Ang Gwapo nya.

Ngunit sa kabila ng mga ngiting
Ibinabato nya sa amin alam kong may kademonyohan parin doon. I should not be deceived by anyone.

Because in here I should trust myself and my friends only.

Fourth Wave is about to come.

At ngayong gabi iyon. Dalawa na ang namatay sana naman ay makaligtas ang pang apat na maglalaro. Sana ay wala sa aming magkakaibigan.

Sana.....

"Please give a hand for our queen. Queen Belle Alcantara. All hail" at lahat sila ay nag Bow maliban sa akin.

Na ngayon ay gulat na gulat parin sa nakikita ko.

Hindi... nagkakamali lamang ako

"Belle..." bulong ko

Bakit sya nandito ?

Itinaas narin ng lahat ang kanilang ulo at umupo na kami sa kanya kanya naming upuan.

Ang ganda ni Belle. Nandito lang pala sya

Ngunit paano ?

Matagal na syang wala. Hindi parin ako makapaniwala. Marami pa nga akong kailangang matuklasan dito sa paaralang ito.

"Students maari na kayong mag saya ngayong gabi but please be informed that all of you will play the fourth Wave. Yes tama kqyo ng narinig. Kayong lahat ang mag lalaro sa Fourth Wave. Bukas ng umaga. Pinagpaliban nalang namin ito para masayang gunitain ang kaarawan ng ating Mahal na hari. Enjoy Students" rinig ko ang boses ni Ma'am Veronica. Nakakatakot talaga ang malamig nyang boses.

Pero teka. Lahat kami maglalaro ??

Maraming studyante ang umalma.

Shit. Kinakabahan ako

"Joya What do you think ?" Tanong ni Isabelle

Napailing ako. Hindi ko rin alam ang gagawin ko. O magiging reaksyon ko.

Ang tanging alam ko lang sa sarili ko ay natatakot ako.

Ano ba tong pinasok ko.

"Hooooo ! Exciting to Jess !!" Rinig namin nila Isabelle kris at Adrian ang hiyawan nila Kuya Maximo. Ewan ko ba. Parang hindi na kaibigan ang turing nila sa amin.

"Tignan mo sila Ligaya. Ganyan ba talaga sila ?" Tanong ni Adrian sa akin. Naglakad kami papunta sa canteen upang mag hapunan.

"Hindi naman sila ganyan Adrian. Di ko nga rin alam kung bakit sila nagkaganyan e" aniya ko

Sumang ayon naman si Kris at si Isabelle.

Dahil nga bagong sabit palang si Adrian sa grupo ay hindi nya pa alam ang ugali ng bawat isa sa amin.

Umupo na kami sa bandang dulo ng canteen.

"Guys ano naman kaya yung Fourth Wave nayun ?" Napaisip rin ako kung anong klaseng laro iyon ng kamatayan e.

"Ano sa tingin mo Joya ?" Napatingin ako kay Isabelle ng magtanong ito.

"Sa palagay ko. Ibang klaseng laro ito. Pero ang ipinagtataka ko sa ngayon ay kung nasaan ba si Melvin." Dahil hanggang ngayon ay wala parin sya.

Oo kinakabahan na ako para sa kanya.

"Ligaya Ligtas daw sya sabi nila hindi ba ?"

"Sana nga..." sana nga ligtas sya.

"Adrian kayo ni Isabelle ang magkasama sa Dorm right ?" Tumango naman si Adrian sa tanong ni Kris.

"Ano naman ngayon ?" Tanong pabalik ni Adrian

"Naisip ko lang kung bakit hindi pa isinama sa inyo si Melvin or kahit sa amin diba ?"

Nakapagtataka rin kung bakit pinag isa lamang si Melvin.

"Siguro nagkataon lang Kris" sabat ni Isabelle.

"Tama na muna ito Guys. Kumain muna tayo. Libre naman daw ngayon dahil Birthday ng hari ng school" singit ko sa usapan dahil futom na talaga ako.

Tumayo na kami upang kumuha ng order namin.

"Anong klaseng laro naman kaya iyon bes ?"

"Usap usapan e patayan daw"

"Bes wag kang nagbibiro ng ganyan"

Natigil kaming apat sa paglalakad ng marinig namin ang usapan ng dalawang babae sa bandang gilid.

Nilingon namin sila.

Shit. Sana hindi ganon ang laro.

Mga demonyo sila.

[ TO BE CONTINUED... ]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top