Chapter 11: The Return
Mark's POV
"Hoy! Luke tara inom tayo!"
"Sige ba!"
"Sagot ko na lahat.."
"Mark? Ikaw ba yan? May sakit ka ata pare?!"
Hahaha grabe talaga itong si Luke, ngayon na nga lang ako manglilibre eh...
"Oh bakit? Ayaw mo ba? Sabihin mo lang kung ayaw mo mag hahanap ako ng ibang kainunaman..."
"Nag bibiro lang naman ako Mark! Sineryoso mo naman! Tara na nga! Hahahaha!"
Hay nako Luke...
Nakarating na kami sa isa sa mga Bar namin...
Hindi pa kami tumatagal sa Bar pero nakaka dalawang bote na ng alcohol 'tong si Luke... Aba! Matibay sa inuman ang lolo ko!
"Hoy Luke! Baka mamaya maubos mo ang alak dito sa bar namin... Hinay hinay lang pare!"
"Hahahaha! Enjoy enjoy muna tayo ngayon pare!"
May baliw na ata akong kaibigan...
Matanong nga tungkol sa nararamdaman niya kay Lexa...
"Luke? Kamusta? Aaminin mo na ba kay Lexa ang nararamdaman mo para sa kanya?"
"Hindi pa ngayon, sa tamang panahon na lang pare..."
Aba! May nalalaman pang tamang panahon....
"Kailan naman ang tamang panahon na yan ha??"
"Basta.."
"Kung kailan may kaagaw ka na?"
"Hindi ako papayag na may kahati ako kay Lexa..."
"Ako lang ang nararapat na lalake para sa kanya!"
"Lakas naman ng fighting spirit!"
Nag smirk lang si Luke.. Ibang klase rin ang kaibigan ko...
*ring*
May tumatawag sa phone ko.... Sino kaya toh?
Sinagot ko na ang tawag...
"Hello? Who's this?"
"Aray naman! Umalis lang ako sandali nakalimutan mo na kaagad pangalan ko?!"
Teka?!! Parang familiar ang boses netoh ah! 'Di kaya.....
"ZANDER??!!"
"Yes Mark! Its me! Sa wakas naman at naalala mo!"
"Nandito ka na ba sa Pinas???!!"
"Let me just say.... Yes!"
WHAT?!! SI ZANDER AUSTIN NANDITO NA SA PINAS?!
LAGOT KA LUKE?!!
TSK.
THIS IS A BIG MESS!!!
TWO BOYS GOING TO FIGHT OVER A GIRL?!
INTERESTING...
GOOD LUCK LEXA!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top