Chapter 22

Chapter 22

Isang linggo akong wala sa sarili dahil sa nangyari.

I wanted so much to ask Czeila, but then I thought that would be unfair. Why the fuck would I want to see Jed after what I did to him? After hurting him? Kung ako si Czeila ay hindi ko hahayaan ang Kuya kong magkaroon ulit ng ugnayan sa babaeng katulad ko. I don't deserve him, and maybe I never will.

"Hayan na ang ina ni Moana at kumare ni Taylor Swift," nakangising sabi ni Princess pagkababa ko ng sasakyan.

Gusto ko mang gantihan ang ngisi ng dalawa kong kaibigan, isang pilit na ngiti ang nagawa kong ibigay. Namamanhid na tinahak ko ang distansiya sa pagitan namin hanggang sa tuluyan akong makalapit sa kanila. Pakiramdam ko, anumang oras ay tatalon na palabas ng dibdib ko ang puso ko sa sobrang kaba.

Nasa tapat kami ng Mico Moco ngayon.

It had been years since I last came here... At wala na sana akong balak na pumunta pa ulit.

But then what happened last week came into my mind. I was still unsure if it was just a figment of my imagination or a hallucination, pero hindi ko mapigilan ang pag-usbong ng pag-asa na baka sa mga susunod na araw ay magpapakita na siya.

Maybe it was a sign?

With that thought, bahagyang nabawasan ang takot kong tumapak ulit sa bistro. I was still nervous as fuck, but tolerable.

Kaya naman nang biglang mag-aya sina Princess at Czeila na magpunta rito ay pumayag na ako agad bago pa man magbago ang isip ko. Inisip ko na lang na pumayag akong sumama dahil matagal na rin buhat noong huli kaming magkita na kumpleto kaming tatlo.

Nahigit ko ang aking hininga pagpasok namin sa Mico Moco. Halos walang nagbago sa loob niyon mula nang huling punta ko. Kung mayroon man, lumuwang ang espasyo at maraming idinagdag na mga lamesa. The mini stage was still there, the bar counter was still the same... at sa ikalawang palapag ay naroon pa rin sa parehong puwesto ang table na madalas naming upuan noon, nasa dulo at malayo sa ibang lamesa.

Kaunti na lang ang mga tao ngayon kung ikukumpara sa nakasanayan ko noon. Kalmado rin ang buong paligid, malayong-malayo sa eksena noon na laging wild kahit hindi pa nagsisimula ang gig.

Lyricbeat was already upstage and setting up their instruments.

Tahimik akong sumunod sa nagkukuwentuhang sina Czeila at Princess paakyat sa second floor. Agad silang naupo nang marating ang aming table samantalang ako ay dahan-dahan pang napakapit sa couch habang kinakalma ang sarili.

The smell of booze and the smoke in the air brought back so many memories. Parang kahapon lang ay nakikipagtawanan pa si Jed sa table naming laging puno, inaasar ako at tinatawanan ang bawat reaksiyon ko.

Napapikit ako.

"Come and sit, Rhyne," aya sa akin ni Czeila nang mapansin na nakatayo pa rin ako.

Nagmulat ako at kitang-kita ko ang pag-angat ng tingin ni Kuya Mico nang marinig ang kapatid.

Napakurap-kurap siya nang makita ako bago ngumiti, tila natutuwa na nandito ulit ako. "It's nice to see you again, Rhyne. And... your hair..."

Unti-unti ay nagawa ko ngang umupo sa tabi ni Czeila. Kaharap ko ang Kuya niya na hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa akin. Halatang naninibago sa hitsura ko ngayon.

"It's her natural hair, Kuya. Mas maganda siya kapag ganyan lang at hindi nire-rebond, 'di ba?"

"Yeah. You look... kind of familiar."

I get that a lot since I stopped my regular rebond treatments. Of course, I'd look like the international female supermodel, April Alicia Perez, my mother. Ako mismo ay hindi maitanggi iyon dahil araw-araw ko ring nakikita sa salamin ang ebidensiya. Kaya minsan, kapag may natutulala o napapatitig sa akin, alam ko na agad kung ano'ng unang sasabihin nila.

Nabalik sa kasalukuyan ang isipan ko nang ilapag na sa lamesa namin ang mga pagkain at inumin. Everything was so familiar that I actually felt like tearing up. Nandito ang lahat at si Jed lang talaga ang kulang.

I heard my baby's voice inside my head over and over again as guilt and pain tried to creep into my system once again.

Tahimik na uminom ako ng juice. Napansin kong medyo may kakaiba na sa tingin ni Kuya Mico sa akin ngayon kaya hindi ko na naman tuloy mapigilang magduda. Lalo akong kinabahan at naisip na baka dahil darating ngayon si Jed o baka nasa paligid lang siya. Baka totoong bumalik na siya. Baka totoo ang nakita ko noong nakaraang linggo.

My suspicion became stronger because whenever I tried to talk to Czeila, she wouldn't even look at me for more than a second. Natriple ang kaba ko. Pero nang mapansin ko namang may hawak siyang drumsticks, medyo nakahinga ako nang maluwang.

That means Jed is not here, then?

Naguguluhan na rin ako sa sarili ko. Gusto ko siyang makita ulit pero parang ayoko rin. Hindi na ako sigurado pero aminado akong mas matimbang ang kagustuhan kong muli siyang makita.

Downstage, Lyricbeat greeted the small crowd. Pagkatapos ng maiksing kamustahan with the fans ay nagsimula na silang tumugtog. And Czeila was still here eating...

"Stop eating. They're already starting, Czeila," hindi ko napigilang saway sa muli niyang pagsubo.

Nagkibit-balikat siya habang ngumunguya pagkatapos saglit na sulyapan ang Lyricbeat. "They said no need for drums for the first part."

Ah... okay?

Hindi yata nakatulong ang sagot niya sa kaba ko. Bumalik iyon at mas lalong nagwala. Lalo na nang talagang magsimulang tumugtog ang banda. I couldn't even look at the stage!

Kasabay ng paglakas ng bulung-bulungan sa crowd ay ang tila pagtambol din ng dibdib ko nang magsimulang kumanta si—oh, God... I know that voice. I remember that voice...

Sari-saring emosyon ang naramdaman ko nang maalala ko kung saan ko unang narinig iyon. How could I forget? I first heard that voice at the anniversary party of APH almost three years ago.

'Tangina. Was Jed... really here?

He was singing Secondhand Serenade's "Never Too Late." I was almost certain it was him. Pero natatakot akong mag-angat ng tingin dahil baka produkto na naman ito ng aking imahinasyon. Baka dinadaya na naman ako ng pandinig ko.

Both Princess and Czeila were silent beside me, while Kuya Mico was looking directly at me, as if waiting for my reaction.

Sa loob-loob ko ay ilang beses akong napailing. This couldn't be. Unang apak ko pa lang ulit sa lugar na ito pagkatapos ng ilang taon. Imposibleng magkita kami agad. 'Tangina, imposible. Ayokong umasa sa naririnig na pamilyar na boses.

Nag-angat ako ng tingin, nilakasan na ang loob bago pa man ako maunahan ulit ng matinding kaba. At doon ko lang napagtanto na kanina ko pa pala pinipigilan ang sariling paghinga.

Mas dumami at lumakas ang bulungan sa paligid.

At nagtama ang mga mata namin.

Nanginginig ang mga labing napasinghap ako sa biglaang atake ng sakit dahil doon. I badly wanted to cry when I saw the coldness in his eyes. I realized I was still not ready to face his wrath. Hindi ko pa kaya.

I frantically looked down and grabbed my phone. I wanted to get out of this place as soon as possible.

"I want to go home." I texted Liam.

Agad naman ang reply nito. "Where are you?"

"Mico Moco."

Itinago ko sa ilalim ng mesa ang nanginginig kong mga kamay pagkatapos kong ipadala ang sagot ko. Patuloy pa rin si Jed sa pagkanta sa ibaba at tahimik pa rin ang tatlong kasama ko. Did they know? At... kailan pa siya bumalik?

Mabilis na kumalat ang balita sa biglaang pagpapakita niya. Ang kaninang crowd na kalmado, ngayon ay unti-unti nang napupuno at mas lalong lumakas ang bulungan. The flashes of cameras started pouring in, so I was sure that there were reporters already.

Kuya Mico stood up and scanned through the crowd, looking for something or someone. He muttered a curse when he realized the situation. Nagtutulakan na ang mga reporter para lang makalapit sa kapatid niya nang matapos itong kumanta. With eyebrows creased with worry, he instructed his security team to never let the fans and reporters get near his brother.

Nang bumaba ito ng stage ay mas lalong nagkagulo ang mga tao. Nagpatuloy ito sa paglalakad patungo sa hagdan, hindi pinapansin ang sunod-sunod na katanungan mula sa mga reporter, at tuluyang pumanhik sa ikalawang palapag.

Still shocked by what was happening, napalunok ako habang pinagmamasdan siyang palapit sa amin. I couldn't believe this!

I looked at my phone again in panic. Why wasn't Liam texting me back?!

Gusto ko na lang maglaho rito sa kinauupuan ko. Hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong gawin, ang manatili rito at tiisin ang buong sitwasyon o ang tumakbo na lang palayo?

Sa huli, wala akong nagawa kundi manigas sa puwesto ko.

Everyone was frantic and excited about Jed's sudden appearance. It was a total chaos.

And here I was, sitting silently but also having my own chaos inside of me. It was too loud, both inside and out. I was already internally panicking.

Ramdam kong hinawakan ako ni Czeila sa kamay, pinipigilan sa kung ano mang balak ko.

Napailing-iling ako.

I'm so sorry...

Sa dami ng taong nagawa pa ring sumunod kay Jed at sa Lyricbeat hanggang dito sa second floor, walang nakapansin sa pagpuslit ko sa aming mesa. The noise from the crowd was getting louder and louder. Napadiretso ako sa powder room at saka lang nakahinga nang maluwang dahil walang tao roon. Obviously, everyone was outside, curious about Jed's past whereabouts.

I tried calling Liam, but he still wouldn't answer. Where the fuck was he?! Galit ba siya dahil nandito ako sa Mico Moco ngayon? 'Tangina! Hindi ko na talaga kaya!

Lumabas na ako at nagmamadaling bumaba.

Marami pa ring tao at pakiramdam ko ay magkaka-stampede na rito dahil sa pagtutulakan. Hindi ko magawang umusad para tuluyang makalabas. Nakipagtulakan na rin ako. Malapit na ako sa exit nang matigilan ako dahil biglang nasa harap ko na si Jed. Hindi lang siya ganoon kalapit kaya hindi halatang sa akin siya nakatingin nang diretso.

Dear God, I just wanted to get out of here in peace... not in pieces.

Maingay pa rin ang mga tao sa paligid namin ngunit bahagyang humupa nang magsalita ang isang reporter sa malakas na boses. "Totoo bang nakabuntis ka kaya ka nawala?"

'Tangina. Saan nanggaling iyon?

Ang ingay na saglit na natigil ay muling nanumbalik. Dahil sa tanong na iyon ay mas marami ang nadagdag na katanungan. Mas marami ang gustong lumapit. But amidst the chaos, Jed didn't care at all and was just looking at me, expressionless and cold as ice.

"Damn it, Danique!" dinig kong iritableng sigaw ni Kuya Mico na nagawang makalapit. Hinawakan niya sa siko ang babaeng nagtanong pero agad nitong pinalis. Ni hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang lalaking nagpupuyos na sa galit dahil sa ginawa nito.

I realized it was that journalist Czeila mentioned before.

Binalingan ni Kuya Mico ang kapatid nang matantong hindi niya mapipigilan ang babae. "Asher, don't fucking answe—"

"Yes," Jed firmly answered, without even blinking. And he was looking directly at me!

'Tangina! Gusto ba niyang parusahan ako?

Mas lalong dumagsa ang mga panibagong katanungan.

"Who's the lucky girl?"

"So, did you get married?"

"Can you show us a picture of your baby? Babae ba o lalaki? We're sure kamukha mo siya, Asher."

Sa dinami-rami ng mga tanong na ibinato sa kanya, sa pinakahuli lang siya nagpakita ng reaksiyon. Still looking at me, he smiled bitterly.

Awtomatiko ang pangingilid ng aking mga luha. Ayoko mang makita niya iyon pero hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya. Gusto ko ring malaman kung ano ang isasagot niya.

"I'm sorry. Pero hindi rin ako nabigyan ng pagkakataon na makita at mahawakan siya."

That was it. Hindi ko na talaga kaya.

Umatras ako at muling nakisiksik palayo sa kumpulan ng mga tao. Hindi na ako sa exit dumaan. Lumiko ako at dumiretso sa secret back door. When I finally got out, I gasped for air. Nagkandabuhol na ang buong sistema ko dahil sa sari-saring emosyon na nararamdaman.

Where the fuck was Liam?! He still wasn't answering my fucking calls!

Naglakad ako palabas ng eskinita at nagpasyang maghintay kahit hindi ako sigurado kung darating ba siya. I texted him where I was, just in case. Pakalma na ang puso ko nang maramdaman kong may papalapit mula sa likuran ko.

"Going home already?" mahinang tanong niya.

Nanlalaki ang mga matang napalingon ako kay Jed. How did he manage to escape from all those people?

"J-Jed..." Halos hindi lumabas ang boses ko. Kung kanina ay gusto kong tumakbo palayo sa kanya, ngayon naman ay naestatwa na ako sa kinatatayuan ko.

Nag-iwas siya ng tingin at huminga nang malalim. "I'm sorry about what happened inside."

Hindi ako nakasagot.

Was he really here... right beside me? Hindi na guni-guni at totoo na talaga? I wanted so much to touch him and caress his face to make sure he was real. But then what if he wasn't? What if he disappears the moment I touch him?

Nang hindi pa rin ako nakaimik ay tiningnan niya ako. His eyes were now cold and dark, unlike before when they were warm and bright. He was towering over me, looking like a captor, eyeing his prey.

Napansin ko kanina sa loob na medyo naging kayumanggi ang kulay ng balat niya. With his clean haircut, he looked ruggedly and dangerously handsome. Even in the dark, I could perfectly and clearly see his face.

Muli siyang bumuntong hininga at unti-unting lumapit sa akin. Bahagyang lumambot ang ekspresiyon niya at sa isang iglap ay muli kong nakita kung paano ako tingnan ng dating Jed.

Bago ko pa man mahulaan kung ano ang gagawin niya, naramdaman ko na ang pagdantay ng kamay niya sa aking likod at bahagya akong itinulak palapit sa kanya. Wala akong nagawa kundi sumunod. Mas lalo akong nawalan ng lakas.

When I felt his lips on my forehead, I closed my eyes and let the tears fall one by one. Hanggang sa hindi ko na makayanan at sabay-sabay na silang bumuhos.

Jed was silent during my breakdown. Nanatili ang kanyang mga labi sa aking noo.

There were so many things I wanted to tell him. Pero ngayon ay hindi ko mahagilap ang boses ko at wala akong maisip ni isa. Sa halos tatlong taon na nagdaan, akala ko ay wala na akong mailuluha pa.

But then look at me right now. Unang araw pa lamang naming nagkita ulit at ito na agad ang isinalubong ko sa kanya. I should've had enough of these tears. Ang akala ko ay unti-unti na akong nagiging maayos. Pero nakita ko lang siya ulit, I was immediately sent back to zero base. Magsisimula na naman ako pagkatapos nito.

"Kazandra..."

Naimulat ko ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Liam.

Bumaba ang kamay ni Jed at tuluyang lumayo sa akin.

I looked up at him and I watched how the little amount of warmth in his eyes faded away. Nanumbalik ang lamig at dilim niyon lalo na nang makita si Liam hindi kalayuan mula sa amin. Walang salitang umatras siya at tuluyan nang tumalikod. He went back to the dark alley, back to Mico Moco's secret back door.

"Are you... alright?" mariin ngunit mahinang tanong ni Liam. Realizing what his own question meant, he clenched his jaw.

"I'm sorry it took me so long," he said with frustration. "Let's go home now."

Tahimik na iginiya niya ako patungo sa gamit niyang sasakyan.

Ang mga luha ko'y tumigil at unti-unti nang natutuyo sa aking pisngi.

Binuksan niya ang pintuan ng kotse at walang imik na pumasok ako roon. Ni hindi na ako nagulat nang makita ko sa harap si Aphrodite, with a worried look on her face.

I looked back at the dark alley. Jed wasn't there anymore. I realized I hadn't told him what I should've told him the moment I saw him. I never got to apologize for what I did, even if it wasn't intentional.

Mabuti na lang at hindi na nang-usisa pa si Liam kung ano ang nangyari. Parehong tahimik ang dalawa sa harap habang ako ay nakakaramdam na ng antok dahil sa matinding pag-iyak kanina.

Walang imik na bumaba ako ng sasakyan nang makarating na kami sa basement parking ng condo. Natigilan ako nang makitang nasa harap ko na agad si Liam. Nasa gilid kami ng shotgun seat at nakatunghay sa amin si Aphrodite.

"Ihahatid muna kita," seryosong sabi niya habang madilim ang tingin. Nakatunghay sa mukha ko at halatang ayaw ang nakikita.

"I want to be alone, Liam."

"A-Ate..."

Napaangat ako ng tingin kay Aphrodite.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Liam. Kapagkuwan ay inabot sa akin ang notebook-sized box na nakabalot sa newspaper. Tinanggap ko iyon at ni hindi na ako nakapagpasalamat sa dami ng iniisip.

When I was finally alone in my room, I removed the wrap. Bumuhos ang luha ko sa aking nakita.

It was a graphic illustration of me spacing out in front of my computer on my first day at APH after the darkest year of my life. Iyon ang background at ang pumunit sa puso ko ay ang mga katagang inilagay ni Aphrodite sa aking larawan.

"It's not your fault, Mama."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top