xx . Missing you
Pagkagising ko ay nakita ko si Alina na kalalabas lang ng banyo. Napatingin ako sa tatlong lasing at tulog na tulog pa rin sila. Tumayo ako at kumuha ng damit at twalya.
"Gising ka na pala. Goodmorning" ngumiti ako sa bati niya.
Naisip ko kagabi na.. masyadong maraming oras ang nasayang samin ng totoo kong pamilya. Hindi ko naman sinisisi sila nanay pero alam kong kailangan kong gumawa ng paraan para mapalapit sakanila.
"Yup. Goodmorning. Mag aayos lang ako" tumango siya kaya nagpatuloy ako sa banyo.
Naligo ako at nag ayos na din. Pagkalabas ko ay narinig kong may kausap si Alina sa cellphone niya.
"Ma, kayo na munang bahala diyan ah. Yes, yes, Opo.. nag eenjoy naman po ako. Hindi ko lang mapigilan mag alala." napangiti ako. Malamang ay tungkol ito sa mga anak niya.
Napatingin siya sa akin at ngumiti.
"Ma, I need to go. Mag papa reserve pa kami for breakfast. Yes si Camille po, you'll meet her soon. Bye Love you" sinara niya na ang call at kinuha ang bag niya.
"Tara, pareserve na tayo for breakfast" tumango ako at kinuha din ang body bag ko.
Sinabit niya ang kamay niya sa braso ko at lumabas na kami.
"Ilang taon na yung mga anak mo?" nagkaroon ako ng feeling na dapat ko silang makilala.
Sabagay, pamangkin ko ang mga yon.
"Ah! My twins? 4 years old" nagulat ako. Hindi ko akalain na kambal. Natawa naman siya sa reaksyon ko.
"Wow. Twins. Gusto ko na sila makilala" excited na sabi ko. Mahilig talaga ako sa mga bata. Lalo na at pamangkin ko ang mga yon.
"Yup. Invited naman kami sa birthday mo. They'll be there." tumango ako at nagpatuloy na kami sa restaurant.
Nagulat ako nung makita kong nandun si Francis na may mga ka meeting.
Naramdaman ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko. It's early in the morning.. pero siya agad ang bumungad sa akin.
"Ikaw ng bahala mag order ah. Ako ng kakausap about sa reservation natin" tumango ako sa sinabi ni Alina. Nakita ko namang lumapit si Francis sa amin.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Nandito si Alina. Papansinin ko ba siya?
Tumingin si Alina sa akin pagkatapos ay kay Francis at nagbuntong hininga.
"Fine. Mag usap kayo but five minutes lang ah. Pasalamat ka Francis at ganyan din si Travis dati kaya naiintindihan kita" may halong pagkainis sa boses ni Alina nung sinabi niya yon pero walang emosyon ang mukha niya.
Bumaling siya sa akin at lumambot ang ekspresyon niya.
"Tss! Pag sa ibang tao ang sama ng mukha mo. Pag kay Camille ay kulang nalang ay lumuhod ka. Bahala ka nga diyan."
Umirap siya kay Francis at bumaling sa akin. Ngumiti si Alina at tinapik ako sa balikat ko.
"Yung orders ah" tumango ako at umalis na siya.
Pumunta ako sa front desk at mukhang alam na nung babae ang kailangan ko dahil binigyan niya ang papel.
"Mam. Sulat niyo nalang po lahat ng gusto niyo diyan. Kahit wala sa menu ay gagawin namin dahil yun po ang bilin ni Sir Brian samin." tumango nalang ako nagsimula ng magsulat.
Naramdaman ko naman si Francis sa tabi ko.
Paano ako makakapag isip kung nandito siya?
"Hanggang kailan kayo dito?" tanong niya.
Hindi naman ako makatingin sakanya. Bakit ba kasi sobrang lapit niya.
"Hanggang bukas pa" sagot ko pero hindi parin ako humaharap sakanya at nagpatuloy magsulat.
"I need to go home later" malungkot niya sinabi kaya napatingin ako sakanya.
Gusto kong matawa sa ekspresyon niya. Para siyang batang inagawan ng candy.
"Ayos lang. Alam kong may trabaho ka." ngumuso siya sa sinabi ko kaya gusto ko na namang matawa.
"But I want to be with you" mas bumilis naman ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.
Nagiwas ako ng tingin at nagsulat ulit.
"Ikaw? Ayaw mo ba ako makasama?" natigilan ako sa tanong niya at tumingala para makita siya.
"Gusto" mahina kong sabi.
Pumikit siya at nagiwas ng tingin. Halatang pinipigilan niyang ngumiti pero halata naman na gustong gusto niya lalo na at namumula siya. Pinalo ko siya sa kamay kaya hinuli niya yung kamay ko.
"I'll miss you so much. I'll just see you at Manila?" tumango lamang ako sa sinabi niya.
Tumingin ako sa table nila.
"Go back. Kailangan ka doon" sabi ko at tumango siya. Binitawan niya ang kamay ko at lumapit sakin lalo.
Hinalikan niya ako sa noo at tumalikod na sakin. Bumaling nalang ako sa papel at nagsulat na ulit.
Nagulat ako nung may umakbay sa akin. Napatingin ako at nakita ko si Kuya Third. Kasama niya sila Ate Rean pero dumiretso sila sa table namin.
"What are you doing?" tanong niya. Ipinakita ko naman ang papel na sinusulatan ko.
"Okay na ba to kuya? Eggs, hotdogs, pancakes, waffles, bread? Magdagdag pa ba ako ng bacon? Sa drinks ano? Coffee? Water? Juice?" sunod sunod kong tanong at mukhang nagisip naman siya.
"Sige dagdagan mo na ng bacon. Sa drinks.. Coffee, water and pineapple juice. Mas maraming pagpipilian mas maganda" nakangiti niyang sabi. Sinulat ko naman lahat ng pinapasulat niya.
"Miss eto na" sabi ko sabay bigay sa babaeng nasa front desk.
Kinuha niya ito at naglakad na kami pabalik sa table. Tumabi siya kay Ate Rean at tumabi ako sakanila.
Wala pa si Bea? Sila nalang ni Kuya Chand ang wala.
"Nasaan si Bea at kuya Chand?" tanong ko. Bumaling naman sakin si Kuya Daniel.
"Ayun. Nag aaway pa, Chand is like a lion. A mad lion." natatawa niyang sinabi kaya pati ako ay natawa din.
"Hindi pala makakasunod sila Ram and Ella. Nasa Austria pa" sabi ni Alina at tumango naman sila. Nalaman ko na malapit na kaibigan din pala si Ram at Ella.
Hindi tumagal ay dumating din si Kuya Chand at Bea. Kasunod non ay ang mga orders namin. Tumabi naman sakin si Bea.
"Thank you pala kahapon. Kung wala ka ano nalang nangyari samin" natatawa niyang sabi.
Tumawa naman ako at tumango. Nakita ko siyang napatingin kay Kuya Chand at umirap. Mukhang hindi pa sila okay.
"Hoy! Kayong dalawa! Mag ayos na nga kayo. Si Third at Zicko hindi naman ganyan Chand ah tsaka si Bea? Makikipaglandian ba sa iba yan, patay na patay sayo yan simula pa noong bata tayo tapos pagpapalit ka niyan?" sabi ni Kuya Daniel dahil napansin narin namin na mukhang hindi sila nagpapansinan. Sinamaan naman siya ng tingin ni Bea.
"Okay lang Kuya Daniel. Hindi ko kayang makipagbati sa walang tiwala sakin at sa isang tao na magtatawag sakin ng mga pangalan na hindi naman tama" natigilan kami sa pagkain at napatingin kay Kuya Chand na mukhang nainis sa sinabi ni Bea.
Bumaling naman sakin si Bea.
"Camille. Ikwento mo nga kay Chand kung may kasayaw kaming lalaki kahapon. Makatawag ng flirt wagas eh" mukhang naluluha si Bea pero hindi niya yun pinakita.
Napasinghap naman sila. Flirt? Tinawag ni Kuya Chand na flirt si Bea.
"Kuya Chand, walang kasayaw kahapon na lalaki. Si Caly nakita ko lang na nakaupo sa table at napsobra ng inom. Si Ate Rean at Bea ang nagsasayaw pero sila lang ang magkasama kaya nga nakita ko sila agad eh" nagiwas naman ng tingin si Kuya Chand pati na din si Bea. Tumango at ngumiti si Caly sa akin.
"Sige na. Ayusin niyo mamaya yan. Kumain na muna tayo" nagsimula na kaming kumain ulit at puro tawanan na dahil kay Travis at Zicko.
Nang matapos kami ay tumayo na kami at napagdesisyunan namin na mag swimming. Huli ako sa pag lalakad. Nasa harap ko si Kuya Zicko at Ate Rean.
Nung madaanan namin yung table nila Francis ay naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sakanya at nginitian siya. Binitawan niya ang kamay ko kaya sumunod na ako.
Gosh.. I miss him so bad.
I must be crazy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top