XLV . Glimpse

"Caly, wag ka ng sumama! Ichecheck ko lang naman ang shop" pilit kong pinagsasabihan si Caly na wag ng sumama pero nagbihis pa rin siya.


"This is a important part of your life and this shop is important to you" sagot niya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako at hinayaan na siyang makisakay sa kotse ko.


I drove to my shop. Maayos na maayos na ang exterior. Sa interior ay konting retouch nalang.


Pumasok kami doon. Nilibot ko ang buong shop. I was smiling as I saw the kitchen where I'll bake. Well, I hired bakers too and people that can help me but as much as I can. Gusto ko magbake para sa mga customers.


"This is fantastic!" Masayang nakangiti si Caly habang tinitignan ang buong shop.


"Sayang ay wala akong hilig dito. I like cooking but baking is not for me" sabi niya sa akin kaya natawa ako.


Tumunog ang phone ni Caly kaya sinagot niya iyon.


"Kuya Third?" Normal niyang sagot sa tumawag. Hinintay ko siyang sumagot ulit pero nanlaki ang mata niya.


"Gusto mong makita ang shop ni Cams? Edi pumunta ka dito" sarcastic na sagot ni Caly.


"Nasiraan? Edi tawagan mo ang driver niyo" pasarcastic ng pasarcastic ang boses ni Caly at tumataas na rin ang kilay niya. Medyo natatawa na nga ako dahil may point si Caly.


"Duh! Ano?! Bakit siya pa ang tinawagan mo?! Alam mo naman ang kalagayan eh! Bumaba ka na diyan!" Tumaas na ang boses ni Caly kaya napakunot na ang noo ko. Humarap ako sakanya at nakita kong inis na inis siya.


"Bahala kayo! Lagot kayo kay Cams!" Naiinis na binaba niya ang phone at humarap sa akin.


"What's wrong? Pupunta si Kuya Third dito?" Tanong ko sakanya pero kinagat niya ang labi niya at tumango.


"Anong masama don?" Tanong ko. Nagiwas siya ng tingin.


"Nasiraan daw siya at ang tinawagan niya ay si Francis. Papunta sila dito" napalunok ako. Tinitigan niya ako na para bang sinusuri ang magiging ekspresyon ko.


"Ah! Ganon ba? Ayos lang" ngumiti ako at tumalikod. Huminga ako at nagikot ikot. Pinicturan ko din para mas masuri ko mamaya sa bahay.


"Ayos ka lang ba talaga? I can stop them for you" ngumiti ako at umiling.


Hindi ko to maiiwasan panghabang buhay.


"Mangyayari at mangyayari parin ito. Maybe I should face it now." Ngumiti rin siya sa akin at yinakap ako.


Tumalikod ako at nagsimulang mag picture ulit.


Natigilan ako nung narinig kong bumukas ang pintuan ng shop ko. Nakatalikod parin ako.


"Kuya Third! Wala ka talagang kwenta!" inis na inis si Caly. Hindi ko magawang tumalikod at tignan sila.


"Cams. Ang ganda ng shop mo! Kailan opening?" unti unti akong lumingon at nagtagpo ang mata namin. Umiwas agad ako at tinignan si Kuya Third.


"Within this month. Maganda ba, Kuya?" tanong ko atsaka ngumiti.


"Yup. Diba Francis?" napalunok ako nung binalingan niya si Francis. Tumingin si Francis sakanya pagkatapos ay sa akin.


"Yup. Its good" his voice.. its really something. My heart is beating faster again.


"Pagbake mo naman kami." sabi ni Kuya Third. Meron ng konting ingredients kaya tumango ako. Umupo sila sa available sits doon at kinuha ko yung mga ingredients.


Sa harap nila ay nagbake ako. Habang nagbebake ay naiisip ko na nasa harapan ko siya. Ang lalaking pinakamamahal ko ay nandito sa harap ko ngayon. Lalo nga siyang gumwapo, naisip ko tuloy na masyado akong nagfocus sa career at hindi ko na napatuonan ng pansin ang sarili ko.


If loving him will cause me pain. Hindi na siguro ako gagaling.. I want to love him freely. Hindi yung may pangamba and if that happens. I will be the happiest girl in this world.


I baked the cupcakes thinking of mom, dad, Caly, my friends, cousins and him. Hinintay ko itong mag bake. Sinigurado kong sakto ang bawat lagay ko ng ingredient.


"Here it is" sabi ko at binigay sakanila ang cupcakes na gawa ko. 10 pieces lang iyon pero sapat na sa amin. Linapag ko sa lamesa at umupo ako sa harap ni Francis.


Tinikman nila at nakatuon ang mata ko kay Francis. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko sa paghihintay ng ekspresyon niya. Ngumiti siya at tumingin sakin.


"Its delicious." sabi niya at kumagat ulit.


Napabuntong hininga ako at napangiti.


"Fantastic!" natatawang sabi ni Kuya Third at sinubo ng buo ang cupcake.


"You're really my sister" natatawang sabi ni Caly at nagpatuloy ng kumain ng cupcake.


Naubos namin iyon kaya tuwang tuwa ako. Atleast nagustuhan nila.. niya.


"Ako na ang maghuhugas" sabi ni Caly kaya tumango ako. Tumayo si Kuya Third at bago ko pa siya matanong kung saan siya pupunta ay nakaalis na siya.


Napatingin ako kay Francis. Ngumiti ako at huminga..


Awkward.


"How are you?" basag niya sa katahimikan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ito na yun.. after 5 months maguusap na kami.


"Im good. Ikaw?" tanong ko sakanya. Ngumiti siya at mukhang nag isip. Ilang beses bumuka ang bibig niya na parang may gustong sabihin pero hindi niya natutuloy.


"Honestly.. I miss you. Ayokong magsinungaling. Gustong gusto na kitang makita" I was taken a back by his answer. Napalunok ako. Pang ilang lunok ko na ba?


"Ah.. ganon ba?" hindi ko alam ang isasagot ko kaya yan nalang ang nasabi ko. He smiled and reached for my hands.


"Pinakiusapan ako nila Third na hintayin ka. I was watching you from a far for so many times. Hindi ko na kaya. You're so unfair right now pero ayos lang para sa ikabubuti ng nararamdaman mo but I can't stay away for so long. Hindi ko na yun kaya" naisip ko sila Caly. Bakit ang tagal nila? I don't know what to answer.


"There are things na kailangan pahilumin muna. I hope you understand. Our love before is giving us self destruction" matapang kong sinabi. Tumayo ako at tumalikod sakanya.


Napahawak ako sa counter dahil unti-unti ng tumulo ang luha ko. Im crying not because Im hurt but because I miss him..


Naramdaman kong may pumulupot na kamay sa bewang ko. Napapikit ako, I can smell hid manly scent. His warmth gave me shivers.


"I am sorry. Hindi kita naprotektahan. Inaamin ako, I haven't been the man for you" lalong nagsituluan ang mga luha sa mata ko.


"I told my self that you deserve someone much better but just thinking that someone out there will touch you. I want to kill, Camille" lumingon ako sakanya at nagtama ang mga mata namin.


Mukhang nagulat siya dahil sa mga luha ko.


"I am sorry. Are you still hurt until now? I thought this is the right time." Umiling ako sa sinabi niya.


Tinapat niya ang kamay niya sa pisngi ko pero hindi niya iyon hinawakan.


"Can I?" Marahan akong tumango at dinama ko ang pagpunas niya sa aking luha.


"Why are you crying? It pains me" malambing niyang tanong.


"I just miss you." Matapang kong sagot. I missed him, that's a fact.


"Is it time? Tapos na ba ang space na hiningi mo?" Napalunok ako sa mga tanong niya.


"I am scared Francis. I am not angry anymore but I am scared. Takot akong masaktan muli. Takot na wala ng katapusan to. I don't want to be scared but I do" sabi ko sakanya. Yinakap niya ako at ginantihan ko iyon ng yakap ko.


"Don't be. I promise to be man enough for you. I want and need you in my life. I'll remove that fear from you I promise." Napapikit ako sa sinabi niya.


"I thought before that if I choose Elaine, everything will be half normal again but by just thinking that you'll be with someone else.. I'll loose my everything, Camille. I'll rather choose a messy life than a life without you" sabi niya sa akin kaya napangiti ako.


"Please go back to me." Napaawang ang labi ko. Ngayon talaga? Ngayon talaga ako magdedesisyon.


"See me at the opening of this shop. I'll tell you my answer there" mahina kong sabi sakanya.


"Okay. I'll wait." Tumango ako at lumayo na sakanya.


"I love you" napangiti ako sa sinabi niya.


"Opening, Francis" yun ang ang sagot ko. Napatango nalang siya.


"Trust me" malumanay kong sabi sakanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top