XLI . To Infinity
"How are you?" tanong niya sa akin. Nakaupo kami ngayon sa harapan ng 7/11. Hinihintay ko si Mang Delfie dahil pabalik na daw siya mula sa office ni dad.
Nagpresinta pa si Francis na ihatid ako pero hindi ako pumayag. Siguro dahil.. ayoko pa naman din umuwi.
"Im good. Marami akong natutunan sa Seminar. Baguio is a nice place" tinignan ko siya at nginitian. Ngumiti din siya at tumango.
Naghari ang katahimikan sa amin. Minsan ay mag bubuntong hininga ako, minsan naman ay siya ang magbubuntong hininga.
"Birthday ni mommy bukas. Iniimbitahan ka niya, actually buong pamilya mo." tumango ako. Napatingin ako sakanya dahil natahimik siya. Parang may gusto siyang sabihin.
"Uhm.. don't worry, I'll make sure that no one will make a scene there." napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Umiwas naman siya ng tingin. Napalunok ako.. yun ang iniisip niya.
"Wala na akong pakielam kung may video o manggugulo pa don o wala" malakas ang loob na sinabi ko sakanya. Binalingan niya ako.
"What? You stopped caring about me?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano bang pinagsasabi ng lalaking to?
"No.. what I mean is, loving you right now is what matters" nakita ko ang pagkagulat sa mata niya kaya napangiti ako.
Lumapit siya sa akin at yinakap ako muli. Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa inaakto niya ngayon.
"Thank you wife for this chance" natawa ulit ako.
Ito ang gusto ko.. walang mabigat sa dibdib dahil may tiwala at buong buo ang pagmamahal.
--
"Sigurado kabang pupunta pa tayo don?" tanong ni daddy habang inaayusan siya ni mommy ng tie. Nakaupo kami ngayon ni Caly dahil tapos na kami magayos.
Formal ang party, imbitado din sila Kuya Third dahil inimbita sila ni Francis. Nauna pa nga silang maimbita kesa sa akin.
"Bakit dad? Ayaw mo?" tanong ko sakanya. Natapos na siyang ayusan ni mommy ng Tie kaya tumayo na kami.
"Paano pag nandun yung babaeng nangugulo sainyo. I don't want to see you cry again." napangiti ako.
Ngayong kasama ko silang pumunta don, mas hindi ako natatakot.
"I don't care dad. Pinunta ko don ay ang birthday ng mom ni Francis hindi si Elaine" sabi ko
"Really? hindi dahil kay Francis" nanlaki ang mata ko at natawa. Hinawakan naman ni mommy si daddy sa kamay.
"Dad! Stop it" sabi ko at lumabas na kami at sumakay sa kotse.
Gusto ni Francis na sunduin ako pero tumanggi ako. Sinabihan ko siya na samahan nalang ang mommy niya and sasabay nalang ako sa pamilya ko.
"Caly, Zicko will be there" sabi ko kay Caly. Francis told me na inimbitahan niya si Zicko.
"Yah.. its okay" ngumiti siya. Napaliit ang mata ko.. may hindi pa siya sinasabi sakin.
"What's with the look?" tanong niya pero hindi ko inalis ang tingin ko sakanya.
"Fine.. we're getting better. We're friends now" sabi niya sa akin kaya napangiti ako. Zicko is really doing his best pero dapat ay bilis bilisan niya.
Nakarating na kami sa venue at napakaraming tao don. Mukhang almost all of them came from the business world. Pumasok kami doon at hinanap ng mata ko si Francis pero hindi ko siya makita kaya sumama ako kay Caly at na papunta sa mga pinsan namin. Si mom and dad ay naharangan na ng mga ka business nila.
"Camille! Caly!" masayang salubong nila samin. Bea and Kuya Chand are laughing at each other. Mukhang okay na sila.. that's good. Si Alina ay inaakbayan ni Travis. Si Kuya Third ay hindi kasama si Ate Rean.
"Joseph and Josephine? Hindi kasama?" tanong ni Caly. Umiling naman si Alina.
"Iniwan muna namin kay Mommy." tumango nalang kami. Binalingan ko si Kuya Third.
"Where is Ate Rean?" tanong ko sakanya pero umiwas siya ng tingin. Bumuntong hininga nalang ako.. si Kuya Third ang tipo ng tao na hindi mo malalabasan ng impormasyon.
"Hanapin ko lang yung Mommy ni Francis." sabi ko sakanila at tumango sila. Lumayo na ako doon at nagsimulang maghanap. May napagtanungan ako at sinabing nasa waiting room daw kaya tinungo ko iyon.
Kumatok ako at naitigilan ako nung pagbuksan ako ng pintuan ni Felix. Binuksan niya pa lalo para makita ako ng nasa loob. Ang tatlong magkakapatid at ang parents nila. Umiwas ako ng tingin kay Francis.. naiintimidate kasi ako.
"Ija!" ngumiti ako pero hindi parin ako pumapasok.
"Sorry po.. mamaya nalang po sige. Im sorry for disturbing" sabi ko. Akala ko naman kasi, siya lang magisa.
"No! Its okay.. Felix papasukin mo" sabi nung mommy ni Francis kaya pumasok na ako. Lumapit ako at umupo sa tabi ni Franz at sa tabi ko naman ay si Felix, nasa dulo kasi si Francis at hindi ko parin siya tinitignan.
"You are family so don't ever think na nakakaistorbo ka" mismong daddy ni Francis ang nagsabi non kaya napangiti ako.
"Uhm.. gusto ko pong ibigay ang gift ko ng personal. Happy Birthday po" nakangiti kong sabi at inabot iyon. Binuksan niya iyon at nanlaki ang mata niya.
"You bought me the one I told you before! My favorite perfume!" natawa kami sa reaksyon ni Tita. Dati kasi ay nabanggit niya sakin na may gustong gusto siyang bilhing perfume pero wala daw nito sa Pilipinas at wala daw siyang oras na pumunta ng ibang bansa para bumili ng perfume. Sakto nung nasa L.A ako ay naalala ko siya at binili ko iyon.
"Thank you so much Ija! Siguro ay binili mo ito nung iniwan mo si Francis. Don't get me wrong.. sana nga ay ginawa mo ng 5 years para naman natagalan ang pagsisisi nitong anak ko" natawa kaming lahat sa sinabi ng mommy ni Francis. Doon ko lamang nagawang tignan si Francis na matamang nakatingin sakin. Ngumiti naman ako sakanya at siya rin sa akin.
"Mom!" narinig kong reklamo niya nung umiwas na ako ng tingin.
"Franz, palit nga kayo ni Camille" napaawang ang labi ko pero sinunod yun ni Franz kaya nagpalit kami. Dumikit ang balat ko kay Francis at tumibok nanaman ng mabilis ang puso ko. Nagsimula na silang magusap ulit about sa plans ni Felix na magaral sa pampanga for College. Ayaw daw niya sa Manila.
"Bakit sleeveless ang damit mo? You're too sexy, sana ay nag dress ka na may sleeves" bulong niya sa akin. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga. Napatingin ako sakanya.
"Okay na to. Ikaw talaga" sabi ko at ngumiti. Pumungay naman ang mata niya sa akin.
"I missed you" kumunot ang noo ko. Miss agad?
"Asus. Ikaw talaga.. birthday ng mommy mo no" mahina kong sabi sakanya. Puro bulungan lang kaming dalawa.
"Yes I know.. I can't wait na masolo kita" natawa ako at kinurot ang pisngi niya.
"I miss seeing the two of you together" napatingin kami sa mommy ni Francis na nakatingin samin.
"Tita.. sorry po kung nahirapan po si Francis sakin" sabi ko. Hinawaka ni Francis ang kamay ko.
"Camille, I told you to call me mama and ayos lang yun. Francis deserves it" natatawang sabi ng mommy ni Francis kaya natawa din kami. Hinigpitan naman ni Francis ang hawak sa kamay ko.
Natigilan kami nung bumukas ang pinto. Napalunok ako nung makita si Elaine, nakangiti siya. derederetso siyang lumapit at napawi ang ngiti niya nung makita ako.
"Akala ko ba iniwan mo na si Francis? Linta ka rin no?" napaawang ang labi ko. Tumayo naman yung mommy ni Francis at sinampal si Elaine kaya napatakip ako ng bibig.
"You're filthy mouth is not invited in my party" matigas na sambit ng mommy ni Francis. Tumayo din si Tito at hinawakan sa kamay si Tita.
"T-tita" nauutal na tinignan siya ni Elaine.
"Stop ruining my son's life Elaine" hinila ako patayo ni Francis. Tinignan ko siya at nakita kong seryoso ang mukha niya.
"I won't allow you to ruin us again. Tandaan mo yan. Hindi na ako mapipigilan ng sino man pag binangga mo ako. Even Camille can't stop me from hurting you pag ginulo mo pa kami." sabi niya sa malamig pero matigas na boses.
"Mom. Lalabas lang kami" bumaling siya sa mommy niya at hinila ako palabas doon. Hila hila niya ako hanggang makarating kami sa garden. Biglang may pumutok na fireworks kaya napaawang ang labi ko. Napahilamos siya sa mukha niya.
"We're f*cking late! I hate this! Dahil to kay Elaine eh! Kung hindi dahil sa argument na yon! Urg!" naiinis niyang sunod sunod na sabi. Natawa naman ako at linapitan siya. Sobra akong na ooverwhelm sa ginagawa niya.
Hinawakan ko siya sa mukha at hinaplos ko ito. Inalis ko ang pagkakakunot ng noo niya.
"Its okay.. sobrang appreciated ko parin." Sabi ko sakanya habang nakatitig kami sa isa't isa.
"No.." Sabi niya pero umiling ako.
"I like it. Masaya ako na nag effort ka. Masaya ako. Yun lang" sabi ko at nakita kong umaliwalas na yung mukha niya.
"Sorry kung nandun si Elaine. I didn't invite her" ngumiti ako at tumango.
Hindi ako makapaniwala na ang taong kausap ko ngayon ay ang taong kinakatakutan ng mga tao. Ang boss na sobra kung magpatrabaho.
"Shh.. Tandaan mo. Para sa akin ngayon.. tayo lang ang importante. Ikaw at ako lang" sabi ko sakanya. Pinalupot niya ang braso niya sa bewang ko.
His favorite gesture..
"I love you" sabi niya kasabay ng pagputok ng bagong set of fireworks. Napanganga ako. Akala ko late na?
"Im a boyscout wife" sabi niya na para bang nababasa niya yung nasa isip ko.
"Hindi ko na hahayaan na humingi ka ng space tulad ng dati. I won't allow it aymore. Kung hihingi ka ng space, I'll come with you" sabi niya at naramdaman kong nangingilid ang luha ko.
Tumango ako at yinakap siya.
"Im so sorry Francis, for being weak" sabi ko. Im not really a weak person but when it comes to him.. I became one.
"No wife. Im sorry for not stepping up" mahina niyang sabi at ginantihan din ang yakap ko sakanya.
"You, me, to infinity" napangiti ako sa sinabi niya. Minsan nasosobrahan sa kacornihan ang taong to.
"I love you to infinity" bulong ko bago nagsiputukan ang bagong fireworks at may nahulog na petal mula sa isang helicopter.
I felt like.. it was all a dream. If it is, I don't wish to wake up.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top