ii . Gradually
"So Mr. Salazar sisimu--"
Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa titig niya. Sobra naman kung makatingin 'to. Kumunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay.
"Mr. Salazar? Are you okay?" tanong ko at mukha naman natauhan siya. Ngumiti siya sa akin. Well that is creepy.
"Yes.. it's just I think you are too young to be working" sabi niya sa akin at nanliit naman ang mata ko sakanya.
Ano bang meron sa lalaking to?
"Sir, I think I should be the one interviewing you not the other way around?" sabi ko at natawa naman siya. Mag sasalita na ulit ako dapat pero may pumasok sa office niya. Bwisit naman.. daming abala.
"Sir! May emergency meeting po.. lahat po ng board members ay nasa barko na po, kailangan daw po kayo doon" sabi nung sekretarya niya. Tumayo siya at aalis na dapat pero hinabol ko siya at hinawakan sa braso kaya napatingin siya sa akin.
"Sir.. Paano ako?" tanong ko at nakita kong bumaba ang tingin niya sa kamay ko. Bigla ko naman inalis yung kamay ko sakanya. Nakaka panglambot ang lapit naming dalawa.
"I mean.. paano po yung interview?"tanong ko ulit pero ngumisi lang siya.
Lakas ng sira ng taong 'to.
"Okay let's go" natigilan naman ako sa sinabi niya. Anong let's go?! Wala sa plano ko ang sumakay sa barko! Napatingin ako sa orasan ko.. 1 hour after nito, dapat nasa isamg coffee shop ako nag kakape hindi sa barko!
"What? No.. I won't go there" sabi ko sabay atrad pero ngumisi lang siya.
"Then you won't have your story written. Ganon lang kadali yon.. so ano? Sasama ka ba?" tinignan ko siya ng masama, tama naman ang sinabi niya. UH! Sirang sira ang mga plano. Wala akong nagawa kung hindi sumama sakanya.
Kailangan ko lang siyang tiisin. Pagkatapos nito.. makakahinga na ako ulit.
Nung marating namin yung barko.. sumakay siya agad doon kaya sumakay din ako. Namangha ako sa nakikita ko.
Ang lakas ng saltik ng mga tao dito! Mag memeeting nalang sa barko pa?!
"Wait for me here" sabi niya bago umakyat sa hagdan. What?! Grabe.. kanina pa ako inuutusan nito ah! Wala sa mga plano ko ang mautusan!
Umupo muna ako sa unang palapag ng hagdan at tinignan ang orasan ko. Grabe! Ilalakad ko pala si poodle mamaya dapat. Mukhang masisira lahat ng plano ko ngayong araw. Okay lang yan Camille.. bukas ay ayos na ang lahat dahil sisiguraduhin kong hindi na kami magkikita ni Francis Salazar. Tinext ko si nanay na gagabihin ako ngayon dahil may tinatapos ako.
Napasandal ako sa pader. Grabe.. nakakapagod, umidlip na muna ako para makapagpahinga.
"Hey"napabalikwas ako nung may magsalita. Ganito naman kasi ako.. mababaw lang ang tulog ko palagi.
Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Francis Salazar, naka t-shirt nalang siya at hindi na naka suit. Napatingin ako sa orasan ko at nagulat ako eleven o'clock na.
Napasapo ako sa noo ko.
"Sorry po nakatulog ako" sabi ko at tumayo. Ngumiti naman siya.. ito nanaman yung mga ngiti niya eh.
Nakakainis!
"It's okay, kakatapos lang din namin. Pinahanda ko na yung kwarto mo, dito ka na matulog" halos mabingi ako sa sinabi niya. Ako?! matutulog dito? No way! Hindi ko hahayaan na pati ang bukas ko ay masira.
"No sir.. tapusin nalang natin to, mabilis lang po ito.. ayos lang po sakin" sabi ko kaya natawa siya. Anong nakakatawa don?
"Sayo.. ayos lang, sa akin hindi. Pagod na ako" napanganga ako sa sinabi niya. Kasalanan ko bang mapagod siya? Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko eh.
"Actually even though you really really want go and leave, you wouldn't be able to, because we are in the middle of the sea" sabi niya sakin at lalo akong nalungkot.. Goodbye plans. Tinawag niya ang sekretarya niya.
"Bring her to her room" Utos niya sa sekretarya niya. Wala naman akong nagawa kung hindi sumama.
Pinipigilan ko talagang mainis ng sobra. Kailangan ko ng tanggaping ang kapalaran ko sa dalawang araw na 'to.
"Pag pasensyahan mo na si sir.. Biglaan kasi eh, mukha lang walang puso yun kasi sarili lang iniisip pero mabait naman siya. Ganon lang talaga silang buong pamilya"sabi niya at ngumiti sa akin. Mukhang mabait naman to.
"Ako nga pala si Abigail, ikaw anong pangalan mo kasi?" tanong niya at iniabot ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman iyon at kinamayan siya.
"Camille, Camille ang pangalan ko" nag shake hands kami.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok ako doon.
"Sige magpahinga ka na" sabi niya sa akin at sinara na ang pintuan ko. Napatingin naman ako sa kwarto ko.. maganda siya. Teka! Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si nanay at nagpaliwanag sakanya buti nalang ay hindi siya nagalit.
Humiga na ako at natulog..
Sana bukas ay maging okay na ang buhay ko ulit. Pakiramdam ko, everything is out on proportion.
Nag bebreakfast ako ngayon kasama ang mga board members ni Francis Salazar.
"Sino ang napakagandang babaeng ito, Cousin?" napatingin ako sa lalaki na nagsalita. Medyo may pagkakahawig siya kay Francis Salazar. Cousin? Ito ba ang boss ng kapatid ko.
"She is a writer.. she's supposed to write a column about me and the interview should be yesterday but we have this emergency meeting so I brought her here, nakakaawa naman kasi 'eh." sabi ni Francis Salazar at ngumiti naman ako sa mga board members.
Tumingin ako sakanya at tinignan ko siya ng masama, ngumisi lang siya. Apat lang silang mukhang bata at ang iba ay matatanda na.
Nakakaawa? Mukha ba akong naglilimos ng interview?
Shit. Mukha ba?
"Ija, why did you choose to write on a newspaper, why not write your own books? Mas maganda yon at malaki ang kita" sabi nung matanda na kaharap ko. Ngumiti naman ako.
"Actually yun po ang pangarap ko, pero syempre hindi naman po agad makukuha yon so nagsisikap muna po ako na makilala para magkaroon ng chance" sabi ko at tumango naman sila. Sobrang nakakahiya naman na nandito ako.
They're all businessman habang ako.. extra lang dito.
Habang nagkkwentuhan ay napapasama ako.. natutuwa naman ako kasi mukhang natutuwa sila sa akin. Mahilig akong magbasa kaya nakakasabay naman ako sa mga pinag uusapan nila.
"Alam mo ija, I really want to have a daughter pero tatlong sakit sa ulo ang ibinigay sa akin"sabi ni Mr. Salazar, yung tatay nila Francis Salazar.
Hindi ko napigilan ang mapahagikgik dahil doon. Tinakpan ko ang bibig ko at tumawa ng konti. Napatingin ako kay Francis na masama ang tingin sa akin.
"Dad!" naiinis na sabat ni Francis Salazar.
Natawa naman kami sa reaksyon niya at natawa. Sinamaan niya ako ng tingin.
What? Masama ba mag react?
Natapos ang breakfast at kaming dalawa nalang ang natira. Napansin ko naman na iniiwasan ni Abigail yung pinsan ni Sir Francis.. siguro natatakot lang siya. Nakakatakot naman kasi sila..
"Let's start this"sabi ko ng walang emosyon. Tinignan niya ako ng masama.
"What?"tanong ko at tinaasan siya ng kilay.
"Kanina, tawa tawa ka pa diyan. Ngayong ako lang ang kasama mo ang sungit sungit mo." sabi niya at kaya lalong napataas ang kilay ko, kung may itataas pa to.
Hindi ko alam na ganito pala ang mga mayayaman na businessman.
Madaldal at maraming satsat!
"Sir.. let's be professional. Let's start" sabi ko at nagsimula na kami.
Maganda naman ang daloy ng interview. Napaka ganda ng kwento niya, he has a very loving family. Tatlo silang mag kakapatid, Siya ang panganay, pangalawa si Sir Franz at bunso si Sir Felix. Yung nanay niya ay nasa ibang bansa at may ibang pamilya na pero kahit ganon daw ay mag kaibigan sila ng tatay niya, meron siyang limang kapatid pa sa nanay niya pero ayaw niya ng banggitin yon.
"Okay sir, thank you for your time" sabi ko at ngumiti ng pilit.
Tumalikod na ako sakanya. Sa pagtalikod kong 'yon, parang nakakita ako ng rainbow.. babalik na ako sa buhay ko.
"I hope we can see each other again" sabi niya pero umiling ako. Ayoko na noh.. sirang sira na nga ang mga plano ko.
"I hope not" sabi ko at pinuntahan na si Abigail para samahan akong umalis sa barko.
Hinatid ako nung driver sa coffee shop na dapat ay pupuntahan ko kahapon. Kailangan ko magawa to.. nagpaalam ako kay Abigail at pumasok sa coffe shop at umupo sa isang bakanteng upuan don.
Babalik na rin sa dati ang lahat. Nag order ako at inaayos na ang format ng storya ni Sir Francis. Habang sinusulat ko 'yon ay bumabalik ang mga ala-ala sa barko. Hindi ko na namalayan na nakangiti na pala ako habang nagsusulat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top