CHAPTER THREE

BRANDEN

"SHIELDON, OKAY ka lang diyan, a?" Mom who just came near the sofa said to a kid sitting beside me. Busy rin 'yong batang 'to sa paglalaro ng maliliit na robots na action figure. Si Mom naman, busy na nag-aayos.

Sa totoo lang, naiirita ako sa kaniya na kani-kanina pa nag-iingay sa loob ng unit namin. Does this kid know the word "silence"? Kulang na lang at pitikin ko na nga siya sa sobrang ingay.

Habang nakaupo kami sa ilalim ng sofa, kinuha ko 'yong isang laruan niya at saka tiningan. Pero hindi ko naman in-expect na hahablutin niya sa akin 'yon.

"Hey, that's mine!" exclaimed by the little imp with his whiny voice after grabbing his toy.

"Go buy yourself!" Then, he continued playing.

"Sa 'yo na kasi!" Sa sobrang inis, nasabi ko 'yon sa kaniya. Sino ba kasing hindi mapupuno sa batang 'to? Baka kanina ko pa nga siya nasapok.

Why on earth my mom adopt this brat?

"O, Branden, may problema ba?" Lumapit ulit si Mom sa amin habang isinandal niya ang sarili niya sa sofa.

"Sino ba kasing maiinis sa bubwit na 'to, e, ang ingat." Napabusangot ako. I scratched my head while still having an Indian sit at the floor. Busy lang ding naglalaro 'yong bubwit sa tabi ko.

"Pabayaan mo na, he's just being playful," pagdadahilan pa niya.

"Hey, let's watch CoComelon!" Bigla pa niyang hinila 'yong braso ko habang itinatapat sa akin 'yong iPad niya. Kulang na lang talaga at kunin ko 'yon at inihampas sa kaniya para manahimik.

"Nye-nye, let's watch CoComelon." I just mocked his annoying whiny voice while I do make face at the back. Pagkatapos, kinuha ko na 'yong gadget niya para mag-search. Mukhang ito lang ang way para mapatahimik siya.

Well, ganito naman lagi ka-mundane ang buong araw ko. Wala namang masiyadong mga ganap and usually, I'm just stuck inside our unit since my memories were lost.

Pero bago pa man ako nag-search, nag-ring na 'yong doorbell at saka binuksan ni Mom ang pinto.

"Good morning!" the lady from the nearby unit greeted.

"Uy, ikaw pala, Remiliza. Pasok ka." Parang close na close na sina ng mom ko at kaagad na niyang pinapasok sa loob ng unit namin.

"Napadalaw lang po, Mrs. Trillo." I overheard what they are saying. Pagkatapos, nagulat pa ako noong tinawag niya 'yong pangalan ko. "Oh, good morning, Branden and..."

"Anak n'yo rin po siya?" tanong pa ni Remiliza habang lumapit siya sa may living room.

Mom explained something to her, "Ay, hindi. Anak siya nina Mrs. Sevilla, 'yong isa nating katabing-unit. E, may dadaluhang seminar kaya sa amin muna pina-babysit." Pagkatapos ay in-approach pa niya ang bubwit, "Come, Shieldon. Meet Ate Remiliza."

"Hey, Baby Boy. Ang cute mo naman." Humarap siya sa bata na busy sa panonood habang hinimas niya ang buhok nito. Pagkatapos, napatingin pa siya sa akin. "Uy, ikaw, Branden. Huwag mong aawayin si Shieldon." Napabusangot na lang ako. Mukhang mas kinakampihan pa yata nila 'yong batang ito.

"Actually, napa-drop by lang po ako. Babalik din po ako sa unit kasi pupunta rin ako ng mall nito to buy some essentials," Remiliza then explained to my mom.

"Wait." Natigilan naman si Mom. Pagkatapos ay nilapitan ulit ako.
"Samahan ka na rin nina Branden, gusto mo?"

"H... huh?" Nanlaki pa ang mga mata ko sa mga sinabi ni Mom sa akin. Wait, bakit sasama kami.

But the lady just gave me an eye-to-eye contact which I had no idea what she meant. "Go lang, Anak. Para at least, hindi ka laging nakukulong sa bahay. Isama n'yo na rin si Shieldon."

"Ay, hindi po ba nakakahiya sa inyo?" Remiliza said in hesitation. Pero hindi ko alam ang ire-react sa mga oras na ito.

"Okay lang. Para maka-bonding n'yo na rin ang isa't isa." My mom just gave this woman an assurance.

---

Good thing that the mall is just few blocks away from the condo building kaya hindi na namin need gumamit ng transportation.

Pumayag din naman ang parents ng bubwit na isama namin siya sa mall para malibang din daw siya. On the other hand, Mom gave me money para in case na may bilhin, may maipanggagastos ako.

I'm just wearing my black long-sleeved shirt and navy blue cargo pants, while Remiliza has her white flowing blouse and long denim skirt. As usual, her hair is tied into a messy bun. Siya rin ang humahawak sa kamay ni Shieldon habang naglalakad papunta rito.

Ilang beses na rin akong nakapunta sa lugar na ito since the accident, but usually, it's mom who is always the one who buys our essentials. Siya naman lagi 'yong lumalabas para mamili.

"I want that!" Habang naglalakad ay hinila pa ng batang kasama namin si Remiliza habang napatingin kami sa itinuturo niyang toy store. It's a huge mistake na isinama pa namin ang batang 'to sa pamimili.

Napatigil muna kami sa paglalakad nang lumuhod din si Remiliza sa kaniya. "Oh, later, Baby Shieldon. May kailangan munang bilhin si Ate Remi sa supermarket, okay?" Then, she rubbed his head once again.

"Kung hindi ka marunong maghintay, iwan ka na lang namin." Iyon na lang sinabi ko sa kaniya, pero hinampas naman ako sa braso ni Remiliza.

"Ikaw naman, bata lang 'yan." Panermon pa niya sa akin. E, kahit sino naman, maririndi sa kakulitan niya?

"How weird na ano... familiar sa akin ang lugar na 'to," Remiliza blurted out while we were walking.

"Baka nakapunta ka na rito," I answered while roaming my eyes.

"Hindi, e. First time ko lang kaya rito." Ewan ko lang, pero may pagka-weird din ang babaeng ito. "A, basta."

Dumiretso kami sa may supermarket. Bibihira lang talaga akong makapasok sa lugar na ito, but I'm still quite fascinated sa mga product na inuuwi sa bahay ay galing dito. I don't know, I find it cool na nakikita silang nakaayos sa shelves.

Sinakay ni Remiliza si Shieldon sa may push cart na hinahatak niya habang may tinitingnang listahan.

"Wait, is that your bucketlist?" Mukhang dinala niya 'yong listahan niya rito. Naalala ko tuloy 'yong deal namin noong isang araw.

"Uy, hindi. Pero ito 'yong list ng mga dapat kong bilhin dito," pagpapaliwanag pa niya habang ipinakita sa akin 'yong mga nakasulat sa papel. "Pero we'll get there naman later," patuloy pa niya habang itinuloy ang paghatak sa push cart kung saan nakasakay ang bubwit. Tiningnan pa nga niya ako at saka binelatan.

We've been into long walks while traversing along the supermarket.  Hindi ko inakalang malawak ang buong lugar na ito at ang dami rin ng mga panindang naka-display. Palipat-lipat kami nina Remiliza sa mga aisle para maghanap ng mga bibilhin na inilalagay naman niya sa cart.

Inutusan din ako ni Remiliza na kumuha ng cereals sa kabilang aisle habang busy rin siya na namimili. Good thing nga na nahanap ko 'yong cereals na tinutukoy niya dahil sa pagbibigay niya ng description sa akin.

While grabbing the cereal box, napansin ko na may isa pang kamay ang kasabay na kumuha sa box na kinukuha ko. Napatingin ako sa kung sino ang kasabayan kong 'yon.

A lady older than me smiled, and I started to creep out having no idea who she is.

"Hey, Branden. How are you?" She greeted me. I panicked and I feel agitated. Who the heck is this woman?

"Long time no see, " the lady in white lab coat then continued. Sino ba kasi siya?

I freaked out... pero pingilan ko ang sumigaw at saka tumakbo papalayo sa lugar na 'yon. I found Remiliza and Shieldon who were just at the nearby aisle.

"O, bakit hingal na hingal ka?" pagtataka pang tanong sa akin ni Remiliza habang hinihingal na inilagay 'yong cereal box sa push cart. "May naghahabol ba sa 'yo?" tanong pa niya ulit.

"W... wala. I'm just anxious kasi baka maligaw lang ako," pagpapalusot ko na lang sa kaniya.

"Gusto mo ba ng chocolate milk, Shieldon?" Remiliza asked while we were at the row of refrigerators where different cold beverages are being displayed.

"Yes! Yes! Yipee!" the young lad exclaimed in excitement. Pero himalang behaved ang batang kasama namin. Baka dahil kay Remiliza.

Pero pagbalik niya, napansin kong tatlo ang kinuha niya. Kaya na-curious ako. "Bakit tatlo? Ang dami mo namang paiinumin sa kaniya."

But she answered while we were in front of the refrigerators, "Ano ka ba? Sa ating tatlo 'yan." She then smiled. But I don't know what to feel... hindi ko alam kung familiar ang mga ngiti niyang 'yon sa akin.

Oh... baka namamalik-mata lang ako.

"Mukhang okay na 'to. Nasa push cart na lahat ng bibilhin ko galing sa listahan, e," she said once again, kaya nagpunta na kami sa may hilera ng mga cashier para magbayad na siya. Wala rin naman akong nabili kasi hindi naman ako pinakiusapan ni Mom.

Pagkalabas namin sa supermarket, nabigla na lang ako nang kalabitin ako ni Remiliza.

"Pakibigay na lang ito sa mom mo mamaya." Ipinakita niya sa akin 'yong isang paper bag ng goods. "Pa-thank you ko na lang sa pag-aasikaso sa akin."

"H... hala... nakakahiya naman," I insisted. This is too much for her good deeds.

"Nah, it's okay. Gusto ko lang na suklian kabutihan n'yo sa akin." And I just sighed in defeat. Well, siya na naman ang panalo.

"Saan mo gusto next, Baby Shieldon?" pagtatanong pa niya sa bubwit na nakababa na sa push cart. It seems he enjoyed the ride.

"Arcade!" he said while drinking his chocolate milk.

"Okay, sa arcade naman tayo." It seemed they are happy going to arcade. Nakikisabay lang din naman ako sa kanila, kaya kung saan sila, doon na lang din ako.

Pero sa dami ng mga pinamili ni Remiliza, inilagay muna namin ang mga 'yon sa may baggage counter, at saka na nagpunta sa may arcade which was a very long walk, lalo na at nasa third level pa iyon ng mall. Kaya gumamit din kami ng escalator.

I would never thought that the arcade is going to be a bizarre place. It's composed of different sounds and lights. Different sorts of entertainment are also in this area which made me awed. Hindi ko alam kung nakapunta na ako rito even before my memories were lost, but I can feel that I'm going to like this place.

"Diyan lang kayo, a? Bibili muna ako ng coins," pagpapaalam ni Remiliza sa amin ng bubwit na si Shieldon habang nasa row naman kami ng mga malalaking box na may stuffed toys sa loob. Tapos, pansin ko pang may parang claws din na naka-attach sa loob.

"Behave ka lang, a?" pasabi ko naman sa bubwit na kasama ko. I'm just making sure that he will not make some fiasco while we're here, or else iiwan ko na lang siya rito sa loob. Kanina pa kasi ako kinukulit nito habang nakaturo sa may boxes.

"Ta-da!" Remiliza came back with some small bags of coins. "Let's go."

"Ate Rem, I want that toys," pagtuturo naman ni Shieldon sa mga nasa likod namin.

"Oh, gusto mong makakuha?" She agreed kaya lumapit na kami sa isa sa mga claw machine.

"Uy, Branden... medyo may doubt ako sa gagawin ko. Pero alam ko namang nakakuha na ako rito noon pa," she then said while getting herself prepared.

"Sige, go ka lang," that's what I said to her.

"Go, Ate Rem!" the kiddo cheered her.

"Okay, here we go." She then dropped a coin on the slot and manuevered the joystick that controls the claw. After few seconds, she pressed the red button that dropped the claw onto the plushies.

Pero pag-angat naman ng claw, walang nasama na stuffed toy.

"Ano ba 'yan, sayang!" I witnessed how she blurted out in such dismay. Pero nag-drop ulit siya ng barya at inulit ang mga ginawa niya.

But in an instant, the claw dropped at saka naman may nasamang laruan.

"Yipee!" The brat ecstatically grabbed the toy from the huge slot.

"Akala ko, kinalawang na skills ko riyan," Remiliza said to me. Mukhang bilib na bilib siya sa sarili niya.

Pagkatapos sa may claw machine, marami pa kaming nilaro sa loob ng arcade, which I find enjoying. Naglaro pa nga kami ng basketball. Tapos, 'yong may ihi-hit ka na mga bulldog na lumalabas sa butas. Wala, ang saya lang, lalo na kapag nakakakuha rin kami ng tokens kapag nananalo kami. Sumakay pa nga kami roon sa may bump car, which is thrilling.

In my life, I would never thought that I will be overjoyed by the colors and vibrance around me. Mukhang enjoy na enjoy rin ang mga kasama ko rito. It's just... overwhelming. 

---

"Alam n'yo, para tayong one big happy family nito," Remiliza just explained while we were eating at a fast food place for lunch. Nagutom kaming lahat galing sa arcade kaya nag-decide na kaming kumain.

"Huh?" I just asked with curiosity while gulping at the coke float.

"Ay, slow lang?" Remiliza just raised her eyebrows in disbelief before eating her burger. 

"Family, kasi may mommy." Tinuro pa niya ang sarili niya. "Tapos, daddy." Tapos, ako.

"Siyempre, may baby." At saka naman niya hinawakan ang ulo ni Shieldon na katabi ko kumakain naman ng spaghetti. Sa gilid namin, nandoon 'yong stuffed toy na nakuhang prize sa may claw machine. Nandoon din 'yong prize na maliliit na cars na nakuha namin sa pagpalit ng tokens. Binilhan din ng laruan ni Remiliza si Shieldon na kasama sa meal na in-order namin.

"No, I want you to be my girlfriend." Ngumuso naman ang bubwit habang may stains pa ng spaghetti sauce sa bibig niya.

"Girlfriend?" Remiliza then chuckled, then grabbed some paper napkins and rubbed it around Shieldon's face. "You're so bata to have a girlfriend."

"But mommy said I'll wait for my 18th birthday for me to have a girlfriend," the kid insisted.

Natawa ulit si Remiliza habang kumakain, "Matagal pa 'yon, Baby."

"It's okay. I'll wait for you after 18 years. Just don't let Kuya Branden to win over you." Nagkatinginan tuloy kami ni Remiliza sa sinabing iyon ni Shieldon. Ewan ko lang kung ano 'yong nasa isip ng batang ito.

Napatingin siya ulit sa bata, "O siya, eat your food na, ha?"

And we just ate silently. Kanina pa kasi kami gutom na gutom.


Memorable talaga sa akin ang araw na 'to. Grabe, ang dami pala nating nagawa. Ang dami kong isusulat sa notebook pag-uwi." Napakuwento ulit si Remiliza sa naging experience namin.

Upon hearing that, I stated to think of everything that happened since we got here.

"Same, I really enjoyed this day. Ganito pala feeling ng sa labas." I would never thought that I just explored something from the outside world. Marami pala akong makikita at malalalaman.

"Sabi sa 'yo, e. It's fun," she also said.
Mukhang tama nga si Remiliza, I should really enjoy making new memories. It's like a blank slate has been filled with different lines.

I admit, seeing her happy makes me happy, too.

---

"Hey, wake up!" I was suddenly awakened by that sound. Napainat pa nga ako sa hinihigaan kong sofa and I saw the vision of that woman approaching me. My mouth was agape for a second on what I saw.

"Uy, gising na kayo ni Shieldon." But I realized that it's just Remiliza who's waking me up. I was also surprised that Shieldon was also sleeping beside me. Na-realize kong nasa unit na namin ako. Naalala ko tuloy na napagod kami sa kalilibot sa mall kaya ako nakatulog pag-uwi sa amin.

"Shieldon, nandiyan na mommy mo," Mom said to the twerp while waking him up. Lumapit naman sa kaniya 'yong isang babae at saka niya ito binuhat.

"Mukhang nag-enjoy ang baby ko sa gala kanina," she also said before leaving our unit. "Thank you sa inyong dalawa. I hope, hindi kayo naabala ng anak ko."

"Naku, hindi po, Mrs. Sevilla. Ang bait-bait nga po ni Shieldon."

"Ay, gano'n ba?" Napatingin naman siya ulit kay Shieldon. "O, say good bye to them, a?" Then, they bid their farewell and then left.

Lumapit naman sa akin si Remiliza, "Ang cute n'yong dalawang matulog. Para kayong mag-ama." Then, she showed me a picture from her phone. Magkasama kaming natulog ni Shieldon na kayakap din ako.

"Ang cute siguro kapag nagka-apo na ako sa 'yo." Sumingit naman si Mom sa usapan namin and gave me a look. Pero tumingin din siya kay Remiliza. I have no idea what she meant, but I know that the way she looks have some sort-of meaning.

I also saw how Remiliza's face turned red and averted her gaze in awkwardness and chuckled.

"Naku, Mrs. Trillo, alis na rin po ako. Mag-aayos pa po kasi ako sa amin." Napatingin din siya sa akin. "Branden, see you na lang ulit. Thank you sa time."

After she left, I was just stumbled at the sofa and realized something... hindi ko alam kung bakit kapag kasama ko si Remiliza, nakararamdam ako ng kakaiba. i don't know if it's impactful to me or something. I just feel that there's something in her that made me... flustered.

-O-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top