Chapter Twelve

NAKABABAD si Walter sa swimming pool nang dumating si Clint. Tuwing Linggo ng hapon kasi ay binibisita siya nito. Malapad ang ngiti ng kanyang best friend nang lapitan siya. Kaswal ang porma nito— simpleng jeans at polo-shirt na striped habang naka-ponytail ang buhok.

He squatted by the pool to talk.

"How's swimming?" ngiti ng kaibigan.

"I'm just taking a dip," aniya. "To relax my muscles."

Mahina itong tumawa. "Wow, looks like someones' muscles are getting overworked lately."

Pinatong lang ni Walter ang mga braso sa ibabaw ng gilid ng pool.

"You want something? Juice? Sandwiches?"

"Nah, I won't be long."

Naningkit ang kanyang mga mata. "Bakit? Dahil sa palagay mo ay wala ka nang mairereport kay Doc Jared?"

Nakatatandang kapatid ni Clint si Doc Jared. Ito ang makulit na doktor na laging nagmamanman sa kanya. At kahit hindi man direkta na sabihin ni Clint, marunong naman siya maka-sense. Alam niya na ang iniisip ng mga ito na kondisyon niya ang dahilan kaya tuwing Linggo ay tumatambay sa bahay niya ang matalik na kaibigan.

Alanganing tawa ang sinagot ni Clint sa kanya.

"Please, bro, alam mo naman na, ikasasaya mo lang ang concern ko. How's that woman and you? Still enjoying? Is she a beast?"

Umatras siya at nagsalok ng tubig para basain ito. Gulat na napaatras ang lalaki at tumayo na.

"Hey!" natatawang atras nito. "May pupuntahan pa ako! I can't get this shirt wet, bastard!"

Ngisi lang ang sinagot niya rito.

"Never show interest in my woman ever again," he murmured. Binasa niya ulit ito para lumayo na. "Now, scram!"

***

NAGMAMADALING bumaba si Beta mula sa sasakyan nang matanaw ang lalaking papanhik ng hagdan. Nasa harapan siya ngayon ng mansyon na tinitirahan ng mga magulang. Tulad ng naging usapan, magdi-dinner siya kasama ang mga ito.

"Dexter!" tawag niya sa lalaki kaya napalingon ito.

His curly hair was swept nicely, his tight jeans and light shirt complimented his physique neatly.

Huminto ito at naghintay na makalapit siya. Walang anu-anong dumapo ang palad niya sa pisngi ng lalaki. Lumagitik ang sampal kaya napahawak ito sa pisngi.

She hissed. "Ano pa ang ginagawa mo rito?"

"Your mother called," aburido nitong sagot pero nagtitimpi. "Magdidinner daw tayo rito."

"Ang kapal din naman ng mukha mo!" hasik niya. "Pagkatapos ng ginawa mo sa akin, may kapal ka pa ng mukha na harapin sila Mom!"

"Do you think I have a choice?"

"I have a choice with the kind of sex I want, right?" mimic niya sa sinabi nito noon. "So why not with having dinner or not with my parents!"

"Not here, Beta, please lang."

"Why not?" tulak niya sa dibdib nito. "Nahihiya ka na malaman nila Mom ang kalokohan mo?"

"Beta," hawak nito sa mga braso niya pero pumalag siya. "Please, Beta. Just this once, let's be civil first. Hindi naman natin sila pwedeng biglain tungkol sa break-up natin, 'di ba?"

Pinili na lang niya na huminahon nang makita ang paglabas ng kanyang nanay sa pinto para salubungin sila. Mukhang pinaalam na ng gwardiya sa gate ang kanilang pagdating.

"Darling!" nagmamadaling lapit ng ginang.

Her mother was the voluptuous type, fair-skinned and had permanently curled her short blonde-dyed hair. Nagpapakulay na talaga noon pa ng buhok ang kanyang ina dahil maagang pumuti ang hibla ng mga iyon.

"Mom!" tabingi niyang ngiti bago pumanhik ng hagdan para yakapin ito.

Nakasunod din agad si Dexter na bumeso sa kanyang ina na si Alice. Kinuyom na lang ni Beta ang mga kamao at nagpigil. She faked a smile at Dexter, but her eyes were threatening him. Hanggang ngayon kasi ay kumukulo pa rin ang dugo ni Beta sa galit para rito.

"Luto na ang dinner," ani Alice. "We better get in and eat first."

Hinayaan na muna ni Beta na makakain ang lahat ng matiwasay. Masaya na nagkuwento ang kanyang ama tungkol sa pamamasyal nila sa Ecuador. Nang maubos na ni Beta ang kinakain, pinanood niya ang tawanan ng mga ito.

Nagkukwento na kasi ang kanyang ama tungkol sa nakitang mga llama at sa monumento sa Mitad del Mundo, ilang kilometro ang layo sa Quito sa Ecuador. Tuwang-tuwa na kinuwento nito ang tungkol sa itlog na balanseng nakakatayo sa tuktok ng isang pako.

Ipapakita pa raw ng mga ito mamaya ang mga litrato sa camera ng ama.

Her mother noticed her silence.

"Oh, darling, tapos ka na kumain?"

She smiled. "Yes, Mom."

At nagbabantang sinulyapan si Dexter bago binalik sa mga magulang ang tingin. She didn't want to break their hearts. Magiging masakit sa loob niya kapag nakita ang dismaya o lungkot sa mga ito, pero presensya pa lang nga ni Dexter hindi na niya makaya. Baka tuluyan na siyang sumabog kung magpapanggap sa harap ng mga ito.

Dexter threw her a warning look. Ah, sino ba ito? She's Elizabeta, for Pete's sake! Hindi siya mai-intimidate ng bwisit na taksil na ito.

"Nabo-bored ka na ba sa pagkukwento ng Dad mo? Gusto mo na ba makita iyong mga pasalubong?" excited nitong tanong. "Oh, darling, you will be super happy to see what we got for you! Ang mumura lang ng mga silver sa Ecuador, my darling! And they are pretty! You can sell some in Corinstones, if you like!"

Beta lowered her head. "Mom, I actually came here, hindi dahil sa pasalubong, okay? I came here to say—"

"Beta—" sisingit pa sana si Dexter pero deretso ang naging tingin niya sa ina at ang pagsasalita.

"—that Dexter and I have already broken up."

Nakita niya ang panggigigil sa mukha ng lalaki. Nag-chin up lang siya.

Suck it up, cheater.

Naguguluhang nagkatinginan ang mga ito bago sinulyapan si Dexter. Huling huminto ang mga mata nito sa kanya.

"Is that true?" sulyap ni Alice kay Dexter.

Ang ama niyang si Robert naman ay sa kanya nakatitig. Stern disapproval were in his eyes.

"Apparently, Dexter had been fucking around with someone else," matalim niyang titig sa lalaki na nanigas na sa kinauupuan sa kanyang binulgar. "I can't comprehend how he can manage to sit here and eat our food without his conscience gnawing him." Sumulyap siya saglit sa mga ito, matagumpay na ang ngiti. "Marahil ganoon nga talaga kapag manloloko. Makapal ang mukha na magpanggap at makikikain pa sa iyo."

Namula ang mukha ng kanyang ama sa galit at pinukol ang tingin kay Dexter.

"Is that true?" nagtitimpi nitong tanong.

Umiwas lang ng tingin si Dexter kaya napabulyaw na ang ama niya.

"Dexter! Sagutin mo ang tanong ko!"

Nag-aalalang inawat ito ng kanyang ina. Alice turned to them.

"Can we talk about this some other day? Please," makaawa ng mga mata nito.

"Hindi pwede!" tayo ni tatay niya na susugurin na sana si Dexter.

Niyapos ito ni Alice. "Beta!" makaawa nito.

Tumayo na siya at hinila si Dexter palabas ng mansyon.

Galit na hinatak ni Dexter ang kamay nang makalabas na sila. Dumeretso ng baba si Beta sa hagdan, hindi man lang ito nililingon. Sinabayan muna siya ng nagpupuyos na lalaki sa paglakad bago siya hinarang.

"Wala ka talagang kaluluwa, hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ng mga magulang mo!" bulyaw nito sa kanya.

"Wow," sarkastiko niyang tawa. "Ikaw na nga itong nagloko, nakuha mo pa na magalit sa ginawa ko! Bakit parang kasalanan ko pa?"

Sinapo niya ang dibdib at pagak na tumawa.

"Ang kapal mo, Dexter! Akala mo sasakyan ko pa iyang mga kalokohan mo?" tinulak niya ito. "Excuse me!"

Binilisan niya ang mga hakbang. Kaunting trigger pa kasi nito ay matatampal na naman niya ito sa pisngi.

"Our companies are already in the process of merging!" pahabol ng lalaki na nagpatigil sa kanyang mga hakbang.

Ayaw niya sana itong lingunin, pero tila nais ni Beta na siguraduhing nanggaling nga iyon mismo kay Dexter. She turned and faced him.

"Our companies?"

"Ang kumpanya ng Dad mo at ng Papa ko," nanginginig man sa galit, binabaan na nito ang tono ng pananalita. "Hindi ito ang tamang oras na sabihin mo sa kanila na hiwalay na tayo dahil panigurado na isa sa kanila ay gugustuhin na iurong ang merging. At malaking aksaya iyon ng pera, Beta."

"So, our relationship is their basis for their companies' fate," iling niya. "I'm getting tired of being just an investment for someone else's profits."

"They are merging it para iregalo sa ating dalawa!" angil nito. "They want to step down from managing their companies! They want us to take over! They want us to get married soon because they are already processing it! They believed that we will be the power couple who can handle it!" His eyes shone with determination. "We are capable and smart. And with the two of us together, we can make our merged companies powerful than the rest, a monopoly rather!"

Ngumisi na lang siya. Masyado siyang mautak para loko-lokohin lang.

At dahil naloko na siya ni Dexter, mas alerto na siya sa mga binibitawan nitong salita. He was a pleaser after all. He would make it a point to say things that people want to hear to make them do him favors.

And Beta would not be stoked by his false flatteries anymore.

"I have Corinstones. And we have so much money, Dexter. Kahit na i-pull out ni Dad ang pakikipag-merge, we won't lose so much." Napayuko si Beta at mahinang tumawa. "So, pasensyahan na lang kung iatras ni Dad ang pakikipag-merge dahil pinairal mo ang katarantaduhan mo."

Mataray na pumihit si Beta para talikuran ang nag-gagalaiting lalaki. Anumang mura ang gawin nito sa kanyang likuran ay inignora na lang niya. She was overcame by rage now more than the pain Dexter caused in her pride. And this was the sweetest taste of revenge she had.

She did not ask for it, but karma helped her exact her revenge.

Sumakay na siya ng kotse at pinaharurot iyon palayo sa mansyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top