Chapter 29: Help
Kagaya nang napagkasunduan namin ng Tyrants, bumalik na ako sa Oracle. Hinatid lang nila ako sa may bukana ng gubat at nagpaalam na nababalik muna sila sa Northend para kausapin ang hari.
Wala na akong nagawa pa. Tahimik ko na lamang tinahak ang daan patungo sa gate kung saan ako lumabas kanina. Dere-deretso ang lakad ko hanggang sa tuluyan na akong makapasok doon.
"What happened?" Hindi na ako nagulat pa noong mamataan ko si Isobelle at Enzo 'di kalayuan sa may trangkahan. Mabilis na lumapit sa akin ang kapatid at tiningnan ang kabuuan ko. "Ayos ka lang ba? Bakit ganyan ang suot mo? Nagkagulo raw sa palasyo kanina. Sinaktan ka ba nila?" Sunod-sunod na tanong nito sa akin at hinawakan ang kamaya ko.
"I'm fine," simpleng sagot ko at binalingan ang tahimik na si Enzo. "Maayos na ba ang lagay ng Head Seer?" tanong ko at muling binalingan ang kapatid. "Nakausap ko na ang ama ninyo ni Scarlette. Hindi siya ang dahilan nang kaguluhan sa palasyo ng hari."
Namataan kong natigilan ang kapatid sa tinuran. Kumunot ang noo nito at umayos nang pagkakatayo. "Kung hindi siya, sino naman ang magtatangkang sumugod sa lugar na iyon?" mahinang tanong ni Isobelle na siyang matamang ikinatitig ko sa kanya.
"I need to see and talk to the Head Seer first, Isobelle. Sumama ka na rin kayong dalawa kung nais niyong malaman ang tungkol sa nangyari sa palasyo ng hari," saad ko at nagsimula nang maglakad muli. Tinawag ako ni Isobelle ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa. Dere-deretso akong naglakad hanggang sa marating ko ang gusali kung saan naroon ang opisina at chamber ng Head Seer ng Oracle.
Napakunot ang noo ko sa naabutan sa labas pa lang ng gusali. Tumigil ako sa paglalakad at pinagmasdan ang iilang kawal na nagbabantay sa main entrance nito.
"What the hell is this?" mariing tanong ko habang nasa mga kawal pa rin ang buong atensiyon. "Kagagawan ba ito ni Miss Leigh?" dagdag na tanong ko at binalingan ang dalawang kanina pa nakasunod sa akin.
"Dahil sa nangyaring kaguluhan sa palasyo, naging mas maingat na ngayon ang mga high rank Seers. To protect everyone, they need to do this. Mukhang nasa labas pa rin naman ng Oracle ang iilang Northend Knight kaya naman nag-focus sila sa seguridad natin dito sa loob," lintaya ni Isobelle na siyang mabilis na ikinabaling ko sa paligid.
Napabuntonghininga na lamang ako noong mapansin ang nagkalat na mga Evraren Knight sa buong Oracle. Halos wala rin akong makitang Seer sa oval field kung saan madalas magtipon-tipon ang mga ito kaya naman ay napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi.
"Tahanan pa ba ito ng mga Seer o isa ng kulungan?" mariing tanong ko at tiningnan muli si Isobelle. "Bakit mo hinayaang mangyari ito? Wala pa rin bang malay ang Head Seer hanggang ngayon? Dapat ay wala ng bisa pa ang kung anong spell na ginamit ni Miss Leigh sa kanya!"
"Utos ito ni Miss Leigh kaya naman ay talagang walang magagawa si Isobelle sa bagay na ito," ani Enzo na siyang ikinatingin ko sa kinatatayuan niya. "Hindi mo kagaya si Isobelle. Hindi nito kayang sumuway sa utos ng mga nakakataas na Seer. She can't do anything against them."
"Enzo, tama na," suway ni Isobelle sa kaibigan.
"No, Isobelle," mariing wika ni Enzo at matamang tiningnan ako. "Hindi ka na dapat sumusunod sa babaeng ito."
"Enzo!" bulalas ni Isobelle at hinawakan ang braso nito. "Tama na. Please."
"Let him be," wika ko na siyang halos sabay na ikinabaling ng dalawa sa akin. "Keep talking, Enzo. Sabihin mo lahat nang nais mong sabihin sa akin. I'm listening."
"Scarlette-"
"She's not Scarlette, Isobelle," malamig na turan ni Enzo na siyang mabilis na ikinailing naman ng kapatid. "Hindi mo kapatid ang babaeng nasa harapan natin ngayon!"
"She's my sister!" sigaw ni Isobelle na siyang ikinatigil ni Enzo. Binalingan nito ang kaibigan at hindi inalis sa kanya ang paningin. "Kahit anong mangyari, kahit sino pang nasa loob ng katawan na iyan, kapatid ko pa rin ito. Parehong dugo pa rin ang nananalaytay sa mga ugat naming dalawa!"
"Isobelle-"
"Tama na, Enzo!" sigaw muli nito at humakbang ng isang beses palayo sa kaibigan. Naiiyak itong bumaling sa akin at mabilis na naglakad palapit sa kinatatayuan ko. "Minsan mo na kaming niloko noon, Enzo, at napatawad na kita sa ginawa mo. Pero kung magpapatuloy ka sa ginagawa mo, sa paninira sa kapatid ko, magkalimutan na lang tayong dalawa. Gawin mo na lamang ang kung anong misyon mo rito sa Oracle. Hindi ka namin pipigilan basta ba'y hindi mo rin kami papakialam sa kung paano namin ililigtas ang lugar na ito."
"I did not betray you, Isobelle."
"No," anito at umiling sa kanya. "You did but... it's okay. You're a Knight. I understand. I forgave you, just like how I forgave my own father. Pareho kayong Knight at alam kong mas matimbang sa inyo ang tungkulin kaysa sa sariling pamilya, sa kaibigan."
Tahimik ko lang pinagmasdan ang dalawa. Hindi na ako nakisali sa sagutan nila at noong bumaling sa akin si Isobelle, namataan ko ang sakit sa mga mata nito. "Let's go and save Oracle, Scarlette. Ito na lamang ang mayroon tayo sa mundong ito. Let's save our home."
Tumango na lamang ako kay Isobelle at napatingin sa kamay kong hinawakan niya. Humugot ito ng isang malalim na hininga at hinila na ako palapit sa main door ng gusali kung saan naroon ang opisina ng Head Seer.
Mabilis naman kaming hinarang ng dalawang knight noong tuluyan kaming makalapit sa main door. Napakunot ang noo ko sa ginawa nila at wala sa sariling napatingin kay Isobelle noong humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko. I sighed.
"We're here to see the Head Seer," matamang sambit ko sa dalawang knight sa harapan. "Pamangkin kami ni Miss M kaya naman ay may karapatan kaming puntahan at kausapin ito."
Hindi gumalaw sa kinatatayuan nila ang dalawang Knight. Nanatili silang nakaharang sa dinaraanan namin kaya naman ay muli akong nagsalita.
"Narinig mo ba ako? I said, we need to see and talk to our Head Seer."
"At kapag makausap mo na ito? Ano na naman ang susunod na gagawin mo, huh, Scarlette?" Natigilan kami ni Isobelle noong may nagsalita sa gawing kaliwa namin. Halos sabay kaming bumaling sa gawi nito at namataan ko ang seryosong ekspresyon ni Everlee habang nakatingin sa amin. "Guguluhin mo na naman ba ito?"
"Everlee, wala kaming panahon para sa kamalditahan mo," ani Isobelle na siyang ikinataas ng isang kilay ng bagong dating. "Puwede ba, hayaan mo na kami ni Scarlette. We're doing this for Oracle. Kung wala ka rin namang maitutulong sa amin, leave us alone!"
"For Oracle," ani Everlee at umiling sa harapan namin. "Tell me, ano ba talaga ang ginagawa niyo para sa Oracle? Ano ba ang mangyayari sa lugar na ito at talagang hindi kayo mapirmi sa mga chamber ninyo? Come on, tell me. I'm curious about it, Isobelle. Simula kasi noong magising iyang kapatid mo mula sa aksidenteng nangyari sa kanya, wala na kayong ibang bukang-bibig kung hindi ang bagay na iyan."
Nagkatinginan kami ni Isobelle at hindi agad nasagot sa tanong ni Everlee. So, hindi pa rin nila alam kung tungkol sa mangyayari rito sa Oracle. Hindi pa marahil nasasabi ni Miss M sa kanila ang tungkol dito.
Napabuntonghininga akong muli at tiningnan si Everlee. Tahimik itong nag-aabang sa sasabihin ni Isobelle at noong hindi nagsalita ang kapatid, humakbang ako ng isang beses palapit dito.
"You're a Seer too, Everlee. May kakayahan kang malaman ang kung anong nakita ko," seryosong saad ko na siyang mahinang ikinatawa ni Everlee. Natigilan ako at hindi inalis ang paningin sa kanya.
"You're a better Seer, Scarlette. May mga bagay kang kayang gawin na hindi kaya naming mga normal na Seer ng Oracle," anito na marahang umiling. "Kahit na ayaw ko mang tanggapin ang katotohanang iyon, alam ng lahat na mas magaling at talentado ka kaysa sa akin at sa ibang Seer sa batch natin."
Hindi na lamang ako nagkomento sa sinabi niya at wala sa sariling napabaling kay Isobelle noong bumuntonghininga ito.
"Hindi mo na kailangan pang malaman ang tungkol dito, Everlee," simpleng sambit ni Isobelle at umiling.
"But why? I'm a Seer and I live here too. Wala ba akong karapatang malaman sa kung anong mangyayari sa tahanan ko?"
"Everlee, wala ka rin namang maitutulong!"
"Isobelle," suway ko sa kapatid kaya naman ay natigilan ito sa tabi ko. Umayos ako nang pagkakatayo at hinarap nang maayos si Everlee. "Kung sasabihin ba namin sa'yo ang tungkol dito, tutulungan mo ba kaming makapasok sa opisina o 'di kaya sa chamber mismo ng Head Seer?"
"Depende sa kung anong sekreto ang sasabihin niyo sa akin," ani Everlee na siyang ikinaangal agad ni Isobelle. Hindi ko pinansin ang kapatid at pinagmasdan ang bawat galaw ni Everlee. "Hindi man ako naging mabuting kaibigan sa'yo Scarlette pero isa akong tapat na Seer. Nasa Oracle ang loyalty ko at kung may kailangan akong gawin para sa lugar na ito, gagawin ko ito ng walang pag-alinlangan."
"Don't believe her, Scarlette. Kilala natin ang ugali ng babaeng iyan. Walang totoo sa mga salitang binibitawan nito," mahinang turan ni Isobelle sa tabi ko at umayos na rin nang pagkakatayo.
Hindi agad ako nakapagsalita.
Kung nagawa kong manghingi nang tulong sa Tyrants at Phoenix Knights, malamang ay magagawa ko ring magtiwala sa mga Seer. But... they can't fight. Hindi sila katulad ng mga knight na kilala ko! Ano nga ba ang kayang gawin ng isang normal na Seer? Maliban sa paggamit ng kakayahan nilang makita ang hinaharap, wala ng iba pa! It's a risk to gamble and trust them with this one!
An ability to see a glimpse from the future. Ability to use their mind.
I froze. Napaawang labi ko at mayamaya lang ay binalingan si Isobelle. Namataan ko ang pagkatataka nito sa biglang pagbaling ko sa kanya at maingat na nagtanong sa akin.
"What? May nakita ka na naman ba?" nag-aalalang tanong nito sa akin.
Mabilis naman akong umiling at binalingang muli si Everlee. "We will tell her about my precognition."
"What? Scarlette, we can handle this alone!"
"If we really can handle this, dapat ay hindi na ako humingi pa nang tulong sa Tyrants at kay Atlas," mahinahong sambit ko at tiningnang muli Isobelle. "We can't do this alone, Isobelle. Kailangan nating nang tulong. Sa mga taga ibang realm man o sa mismong Seer ng Oracle." Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at matamang tiningnan ang kapatid. "Hindi maganda ang estado ng palasyo ngayon. May mga rebelde ang Evraren at kung mangyayari na ang precognition ko, hindi tayo matutulungan ng hari. We need help, Isobelle."
"Oo, kailangan natin nang tulong pero kay Everlee talaga? Scarlette, walang magandang ginawa ang babaeng iyan sa'yo!"
"I'm just right here, Isobelle. Naririnig kita," maarteng wika ni Everlee na siyang ikinairap naman ng kapatid. "At hindi pa naman ako nagdesisyon kung tutulungan ko kayo o hindi. Let me know your precognition first and after that, let me decide."
"Wala kang makukuhang impormasiyon mula sa amin, Everlee, kaya naman-"
"Sooner, Oracle will be burned. Iyon ang nakita ko sa precognition ko," putol ko sa kapatid. Hindi ko naman inalis kay Everlee ang paningin at pinagmasdan ang buong ekspresiyon nito sa mukha. Seryoso ito habang nakatitig din sa akin. "Maraming Seer ang masasaktan, lalo na ang Head Seer. Fire. Screams. Help. Iyon ang nakita ko sa hinaharap."
Ang kaninang kalmadong itsura ni Everlee ay unti-unting nagbago. Namataan ko ang pagkurap nito at napalitan nang pag-aalala ang buong mukha nito.
"Totoo ba iyan?" mahinang tanong niya at nagpapalit-palit ang tingin sa amin ng kapatid ko. "No way. Hindi iyan totoo. Hindi iyan mangyayari sa Oracle!"
"Alam mong hindi maaaring magkamali tayong mga Seer. Our ability to see the future is accurate. Hindi maaaring magkamali si Scarlette," turan ni Isobelle at napabutonghininga na lamang. "Ngayong alam mo na ang tungkol sa precognition ng kapatid ko, ano na ang gagawin mo? Tutulungan mo ba kami?"
"No." Umiling ito na siyang ikinatigil ko. "Hindi ko kayo tutulungan dahil hindi naman mangyayari iyan dito sa Oracle. No one will dare to ruin this place!"
"Kung ang palasyo ng hari ay inatake ng mga rebelde, ang lugar na ito pa ba?" asik ni Isobelle at binalingan ako. "Ano na ang gagawin natin? Sabi ko naman sa'yo na wala kang mapapala sa babaeng ito."
Napakagat ako ng pang-ibabang labi at tiningnang muli si Everlee. Halata pa rin ang gulat sa mukha nito at noong mamataan ko ang pag-atras nito at mabilis na tumalikod sa amin ni Isobelle, napaawang ang labi ko.
"Coward," bulong ni Isobelle at hinawakan muli ang kamay ko. "Let's go, Scarlette. Kung hihingi man tayo ng tulong, sa ibang Seer na lang. Mas maraming mas magaling na Seer kaysa sa babaeng iyon. Hayaan mo na siya," saad pa nito at hinila na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top