Chapter 26
"Uhm... I-I'm not the type of man that..." He suddenly couldn't finish his words. "Y-You know? This... this isn't good for us, especially you. Dude, this really won't help your problem-"
"What the fuck?" I rose from my seat and took a step back from him. He got to his feet and looked at me, confused. "Y-You're thinking that I want to have sex with you?"
"What? Uh-Uhm..." he bit his bottom lip, guilty.
I laughed sarcastically. "You are! Oh, my god, I can't believe this. Is that what you think of me? Huh?" He thinks of me that way? Am I looking like a slut to him? Fuck!
"No, not like that... Ah... I didn't intend to think about you that way just..."
I gave him the middle finger and walked out without stopping. Sumunod siya sa akin at naririnig ko pa ang mahinang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya nililingon. Maya-maya pa ay nasundan na niya ako. Kasabay ko na siya sa paglalakad, nasa gilid ko na siya.
"I'm sorry," he said sincerely. "I wasn't really thinking about you that way... It was just your face that... I mean, your eyes... uhm... fuck," he whispered. "It was me. I'm really sorry."
Mahina naman akong natawa. Ang sabi niya it was me... siya talaga ang may problema, dinamay pa ang mukha ko. He apologized, and it just meant that I was right in my suspicion that he thought ill of me. Even though he didn't directly say that I was right, in that way, he just admitted that he was assuming too much.
"Okay," simpleng sabi ko lang. Nagtataka naman niya akong nilingon dahil ganoon ko lang siya kung patawarin. Ayoko lang talaga pagurin ang sarili ko ngayong araw dahil punong-puno na ako, I don't want any more drama. "Where do you live?"
Noong nilingon ko siya ay ganoon pa rin ang hitsura niya. Huminto naman ako sa paglalakad at hinarap siya. I looked at him, confused. Napahinto rin siya at tinitigan ako, hindi makapaniwala ang hitsura niya.
"I said I'm sorry," malumanay niyang sabi.
Tumaas ang kilay ko na nagtatanong kung ano ba ang gusto niyang marinig sa akin. I have accepted his apology, is there anything else I should do or what? Binasa niya ang labi niya at napatango na lang noong makita akong nagkibit-balikat.
Umiling siya at sinabihan akong sumunod sa kaniya. Dinala niya ako sa terminal ng jeep na nasa tabi lang din nitong mall at noong bumaba kami sa isang kanto ay may sinakyan kaming isa pang jeep. Sumunod ay trycicle naman at kung saan-saan na niya ako dinala.
Hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang apartment. Itong tinutuluyan niya ay nasa kanto lang na puno ng mga tambay sa daan. Medyo magulo ang lugar at may mga basura pang nakatambak doon sa isang poste.
"You can take your shoes in." Pagkapasok namin sa room niya ay agad niya akong sinabihan niyon dahil may kung anong mga kalat sa sahig. Dali-dali niya ring nilinis ang center table na may mga pinagkainan niya pa. "Sorry, I really don't have time to clean."
"It's fine," pagsisigurong sabi ko sa kaniya habang inililibot ang paningin sa paligid.
"Thanks," sabi naman niya at tuloy pa rin sa paglilinis.
Bahagya akong napaatras sa isang tabi noong dumaan siya sa harapan ko habang buhat-buhat 'yong kumpol ng mga labahan niya. May kaliitan lang itong room pero iksakto lang din naman para sa isang tao.
Naglakad ako pasilip sa kwarto at nakita ko iyong mga kalat sa ilalim ng table niya. Nandoon ang laptop niya at sure ako na mga scratch papers iyong mga nakakalat sa sahig. Napansin ko rin kung gaano kakapal iyong papel na nasa gilid ng printer, I think those are the hard copies of his novel.
Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin siya natapos sa paglilinis kung kaya ay binaba ko na ang bag ko sa couch at hinubad ang suit ko. Nakapang-business attire pa ako papunta rito. Tinaas ko ang magkabilang sleeve ng polo ko at tinulungan siya sa paglilinis.
Todo tanggi pa siya na siya na lang daw ang gumawa noon pero hindi ko siya pinansin. Minap ko ang sahig at nilinisan ang bintana na hindi ko maintindihan kung tinted ba 'to o puno lang ng dumi. Napamaywang ako noong makita ko ang CR. na ginagamit niya araw-araw, walang linis ang bowl pati na rin ang sahig!
"Tao ba talaga nakatira rito?" Kitang-kita ko na iyong namuong lumot sa gilid-gilid! Pinulot ko iyong boxer shorts niya na nasa kanto nitong CR saka ko iyon inilagay sa basket. "May naiwan ka pang balat dito."
"I said I'll take care of it." Nilapitan niya ako at inagaw sa akin ang mga panlinis sa banyo.
Sinimulan na niyang buhusan ng detergent ang sahig at galit pa yata siya noong inabutan ko siya ng gloves. Nakabusangot kasi siya noong tinanggap iyon. Habang pinapanood ko siyang maglinis ay hindi ko naman mapigilang punahin siya dahil mali talaga ang paraan ng paglilinis niya.
"Tabi riyan! Ako na!" Marahan ko siyang siniko para itaboy dahil pinipilit niya talagang huwag ko na siyang pakealaman. Pero noong matalsikan niya ako ng bula galing sa brush na ginamit niya sa sahig ay napatikom siya ng bibig sa takot at mabilis na lumabas ng banyo.
Mariin kong pinunasan ang bibig ko dahil natalsikan rin iyon. Masama ko siyang tiningnan at inosenteng nag-sorry naman siya kaagad bago siya tahimik na umupo na lang sa isang tabi. I cleaned the bathroom thoroughly and I didn't leave any corners and dirt in it, lahat ng kasuluk-sulukan ay hindi ko iyon tinantanan.
Matapos malinisan ang banyo ay nakita ko naman ang lababo. Nilinis na niya 'to kanina pero parang wala namang nangyari! Ayoko mang laitin pero naninilaw na sa dumi iyong lababo! Habang naglilinis ako ay nakatayo siya sa gilid ko, gustong tumulong pero pinaupo ko na lang siya.
Tahimik lang niya akong pinapanood maglinis ng tinutuluyan niya at noong halos mapakintab ko na ang paligid ng room ay binagsak ko ang katawan ko sa sofa, pagod na pagod. Pumikit ako saglit para magpahinga nang maya-maya ay nasilip ko na lang siyang nilibot ang sariling kwarto niya.
"Woah..." mahinang sambit niya. Namamangha sa linis ng bintana noong pinunas niya ang daliri niya roon.
"Nagugutom ako. Parang gusto ko ng sabaw... gusto ko ng sinigang... 'yong mainit na mainit." Napabuga ako ng malalim na hininga sa pagkatakam doon. At naluluha pa ako sa pag-i-imagine noon. "Ang sarap..."
Mabilis naman siyang kumilos at sinabihan akong mamamalengke lang siya para magluto noon. Tinanong ko pa siya kung seryoso ba siya sa sinasabi niya at pinaalam naman niya sa akin na siya na ang bahala. Kunwari lang na nahihiya ako para hindi ganoon kakapal ang mukha ko.
Noong mahanda na niya ang mga pagkain ay kinakain na nga namin ang niluto niyang sinagang at halos maiyak na ako sa sobrang sarap niyon! Diyan lang siya magaling pero sa paglilinis ay bounce na. Mahina siya roon, walang pinagbago.
Kahit papaano ay nalibang ako. Natulungan ako ng impulsive thoughts ko na maglinis ng hindi ko bahay dahilan para makalimutan ko iyong ginawa kong kabaliwan! Sa paglilinis kong iyon ay nakumbinsi ko pa ang sarili ko na tanggapin na lang ang magiging punishment ko, at sa kung ano man ang mangyayari sa akin sa susunod.
"Ba't pagala-gala ka sa mall?" tanong ko, kahit may laman pa ang bibig ko ay nasabi ko naman iyon ng malinaw, sapat na para maintindihan niya. "Ayos ka lang ba? Nakita ko 'yong motor mo sa baba, ba't 'di mo na lang ginamit 'yon instead na mag-commute ka pa?"
"Do you know the one-question-at-a-time rule?" malamig na sabi niya habang nakatuon lang sa pagkain ang mga mata.
"Hindi." Napa-angat agad siya ng tingin sa akin at nakangising umiling bago muling tinuon ang pansin sa pagkain.
"My answer to your first question is because I'm looking for a job hiring." Maintriga akong napatingin sa kaniya. "Second, that's why I'm looking for a job because I have no money, no money, no change oil."
"Walang magagamit na motor." Pagdudugtong ko sa sinabi niya.
"Exactly." He nodded, agreeing with what I said.
Naaalala ko ang sarili ko sa kaniya noon. I also live in a little flat, and I live there with so much hardship. Uncertain of where to go and what will happen. I was full of hope even though I was pessimistic about the future.
That's my situation, and I know we're different. It must be hard for him to go through this... I know he is naive to this. I still have no idea why he ended up like this. I hope that he can settle everything soon.
"Kumusta 'yong pag-submit mo ng nobela mo sa mga publishing house?"
"Hmm?" When he glanced at me, his eyes were raising questions, and he then hummed. "Olats."
"What? But your work is superb, the sentence structure, plot, and overall story are just perfect. Why?" Hindi ako makapaniwala na ni isa man lang sa pinasahan niyang pubhouses ay hindi natanggap ang nobela niya.
"I was actually hurt because I thought I could do something that... they would appreciate and accept my work." His voice is lifeless, it withers as if the sun will no longer shine for it to live. "But they did not."
"They did not? Bakit?" If those publishing houses don't have a good reason, I will curse them.
"I already submitted a query letter and the hard copy of my manuscript to their head offices." He looked me straight in the eyes. "Then after a month... there was this two pubhouse that emailed me, saying, my manuscript was rejected."
"What's their reason?" Bigla siyang napatahimik, napaisip sa tanong ko. "They didn't say anything? Just... that?" I asked, and he just lightly nodded.
I fell silent. That was so rude!
"Why don't you just self-pub? I'll help you," I said to give him some hope.
"No. That's exactly what I do not want to happen." He gave me a long, meaningful look before he snapped it off and bit his lower lip. "I appreciate your intention to help, really, but that's not what I want. It's just... it will not fill the void inside of me. You know? As a writer, I would be a hypocrite if I didn't want or seek recognition for my work... which I did all alone."
I was speechless and pondered deeply about what he said before nodding slowly. "It will."
"Yeah." He just smiled faintly. "Thank you... and thank you for understanding that... I wanted to do it alone."
"Sure," I uttered and just nodded with a smile.
Natapos na kami sa pagkain at naghuhugas na siya ng mga pinggan doon sa lababo. Nakaupo lang ako rito sa sofa at tahimik na nag-s-scroll sa phone niya. Pinayagan niya naman akong gamitin ang phone niya noong hiniram ko. Wala pa nga siyang pag-aalinlangan na ipahiram iyon sa akin.
Nagtanong naman siya kung bakit hindi na lang phone ko ang gamitin ko, sinabi ko naman agad ang dahilan. Alam kong punong-puno na iyon ng mensahe galing sa office, alam kong sumisigaw na rin sa text iyong OM namin. Kung mawawalan ako ng trabaho, bahala na!
Pinili kong tumambay muna rito sa apartment ni Gino para malayo ang isip ko tungkol sa nangyari. Tumitingin lang naman ako ng mga magagandang place na puwedeng puntahan around Luzon sa phone niya. And while browsing, I came to a stop at a lovely beach near Laguna.
"Anong plano mo ngayon?" tanong ko sa kaniya at nilingon siya roon sa lababo. Wala siyang suot pang-itaas, sabi niya after niyang maghugas ay maliligo siya. Apron lang ang bumabalot sa harapan niya.
"Look for a job," sagot niya. Pero hindi iyon ang tinutukoy ko, ang gusto kong sabihin kung may gagawin ba siya ngayong araw dahil kung wala ay aayain ko sana siyang mag-beach. He faced me. "And you? Why are you... suddenly banging your head on the pole and... in front of a lot of people, you know? Like, you alright? Do you have a plan?"
"Plan?" My brows furrowed. I shifted my seat slightly to get a better view of him.
"To have a consultation with a specialist."
My mouth fell open for a moment at what he said. In disbelief, I burst out laughing. "Tingin mo sa 'kin, baliw? You're the one..." I shook my head.
"You are?"
"You are?" Panggagad ko sa sinabi niya.
"You are," he uttered sarcastically.
"We are?" I shrugged my shoulders.
He snorted, paused, and then nodded. "Sounds better."
Napasinghap na lang ako at umiling bago kinumportable ang sarili. Humiga ako sa sofa paharap sa TV. Binaba ko ang phone niya sa center table at nanood na lang ako ng kung anong palabas sa isang channel. Noong matapos na siya sa ginagawa niya ay umupo na siya roon sa couch, tahimik na nanonood lang din. Siguro kung wala ako rito ay may iba siyang ginagawa.
Lumipas ang ilang oras ay napapansin ko sa kaniya na napapalingon siya doon sa bintana. Maya't maya niya rin ako kung tingnan na parang iyong mga mata niya ay sinasabihan akong dumidilim na sa labas at kung may balak pa ba akong umuwi.
Hindi ko siya pinansin at pinakilaman na lang ulit ang phone niya. Napansin ko rito sa phone niya na wala man lang siyang messenger, o kahit anong social media apps. Iyong mga application lang ng phone niya ay iyong mismong mga naka-install na talaga rito.
I glanced at him and saw that he didn't care what I was doing, so I couldn't help but open his contact and message. I noticed that there were only two registered numbers when I opened it... my contact number and Ggohn's? Noong binuksan ko ang message ay sa akin lang at kay Ggohn lang din ang laman niyon.
Magkaibigan sila ni Ggohn, iyong ex noong Summer. Ngayon ko lang nalaman iyon. I remember who this guy was, Prince told me about him. And I still remember what happened at the party, where Summer just walked out.
"It's getting late," sabi niya habang nakadungaw sa labas. "Do you have a plan-"
"Yes, I have." I cut him off. I rose from the sofa and set his phone on the center table. "Plano kong pumunta ng beach. Gusto mong sumama?"
I saw his reaction, it was like when I told him that I would accompany him to the concert. He couldn't believe that I was so casual with him, as if he was asking why I had no hesitation to say what I wanted to say to him. As if I could reveal all I was thinking.
"I'm... not sure if I can go since I'm looking for a job-"
"Okay." Naputol ang sasabihin niya noong sinabi ko iyon. Tumayo ako. Napasunod siya ng tingin sa akin noong maglakad ako papuntang bathroom. Nilibot ko ang tingin sa sink at hindi ko nahanap ang sadya ko roon. Binuksan ko iyong drawer na nasa gilid ng salamin at agad na kinuha ang pang-shave. "Do you mind coming here?!"
"Why?!" rinig kong malakas na sabi niya roon sa sala. "Do you need a helping hand for that?!"
"Fuck you!" I heard him laugh. Lumabas ako ng banyo at sinamaan siya ng tingin. "Can you just stand your fucking ass up and come here?!"
"Was that a threat?"
"A love language." He stopped and stared deeply at me. "Come on in, my little fucking sweetheart, to our love nest!" I yelled out of my mind and smiled.
Para naman siyang nabuhusan ng malamig na tubig at agad na tumayo saka lumapit papunta sa puwesto ko. Inismiran ko lang siya at pinasunod siya sa loob. Saglit akong lumabas para kumuha ng bangko at nagtataka naman siya sa kung ano ang gagawin ko sa kaniya.
"A-Anong gagawin natin?" parang batang inosenteng tanong niya.
"You'll be looking for a job, right?" tanong ko at tumango naman siya. "Good. Dapat presentable ka munang tingnan."
"You'll shave my beard?"
"Don't talk," saway ko sa kaniya bago ko nilagyan ng foam ang baba niya. When I saw that he was about to speak and it was obvious that he didn't want me to shave his beard, I glared at him, and he then immediately went shut. "Kung ayaw mong mahiwa ko 'yang balat mo... don't make any movement. I'm serious." I raised a brow, and he just carefully nodded.
Such a very good puppy!
Maingat kong shinave ang left part ng balbas niya hanggang sa sinunod ko ang sa kabila. Sa katotohanan niyan ay wala namang kaso kung mag-a-apply siya ng may balbas, pero base na rin sa mga naririnig at na-experience ko, it is better if you look presentable and clean, that's a factor.
Nagsalok ako ng tubig sa kamay at nilinisan ang baba niya gamit iyon. When I finished cleaning his face and saw how neat it was... I didn't realize that I was staring at him. I felt my throat tighten, causing me to be unable to speak, and I couldn't even get away from his eyes staring at me.
Naiwan lang ang kamay ko na nakalapat sa gilid ng pisngi niya habang nakatingin kami sa isa't isa. I swallowed the tension I felt, but it intensified when I watched his throat move. Agad naman akong nagising sa reyalidad at tumayo.
"O-Okay na. Tapos na," nauutal na sabi ko at halata pang tensyunado noong magaslaw kong nilapag ang pang-shave sa sink. Nahulog ko iyon sa sahig at pinulot naman niya kaagad. "Sorry."
Tumango lang siya at inilagay iyon sa drawer. He looked in the mirror, but his image was blurry since the mirror was covered with moist. Pinunasan niya iyon gamit ang kamay at noong tiningnan niya ang sarili niyang repleksyon sa salamin ay walang emosyon siyang napatulala roon.
I could also see my reflection there, and when I turned my eyes at him, our gazes locked in that reflection cast by the mirror. I got the chance to look at his face again, which was bare, at his eyes, which seemed to flow with the gentle waves of the sea... it was peaceful, but drowning in loveliness.
"You're so beautiful," I heard him mumble while he was staring at me.
Napatitig ako sa kaniya ngunit agad ko ring naputol iyon dahil sa nararamdaman. My heart races as if it's trying to escape, and my chest tightens as if it's trying to contain the feeling. My cheeks grew hot just like that, like it was only 'three words,' but the impact was so deep.
"Uh-uhm..." Nagbigkas ako ng salita pero hindi ko iyon maituwid.
Nag-pa-panic pa akong nag-ayos ng sarili bago lumabas ng bathroom. Mabilis kong sinipat ang suit ko at sinuot. Nang maayos ko na ang sarili ko ay pinulot ko ang bag ko saka iyon sinukbit at nagpaalam sa kaniya na uuwi na ako.
"Hatid na kita." I almost jumped in shock when I felt his grip on my wrist. He immediately let it go when he saw my reaction. "Uhm, it's dangerous outside. I should take you home. You came from my place, so you're my responsibility."
Kahit hindi ko naman sinabi sa kaniya na ihatid niya ako ay nagpumilit siya, nilagyan niya kaagad ng tuldok ang usapan. He intentionally put an obligation on himself to take care of me, even if I'm not asking for it. Napalunok na lang ako at tahimik na tumango.
Hinatid niya ako sa terminal ng jeep na didiretso na papuntang mall. Doon ko kasi iniwang naka-park ang kotse ko. May balak pa sana siyang ihatid ako hanggang doon pero hindi ko siya pinayagan, baka siya pa ito ang mapahamak pag-uwi.
Noong makauwi ako ay sunod-sunod na mensahe kaagad ang bumungad sa akin mula sa landline ng telepono ko, boses ni ni sir Choy! Nakasandal lang ako sa table habang pinag-iisipan kung sasagutin ba iyon. Nang mapagdesisyunan kong balewalain na lang ay umakyat na ako ng kwarto at nag-ayos.
Ibinagsak ko ang katawan ko at binuhay ang phone. Mabilis ko namang tinap ang silent mode nang sunod-sunod na nag-no-notif. ang mga mensahe nila! I buried my face on the pillow and screamed. When I looked back at the phone, his message caught my attention.
From: Gino
I'm free next saturday
let's see the beach.
A wide smile spread across my lips. Umahon ako sa pagkakahiga at umupo pasandal sa head board. Mabilis naman akong nagtipa ng i-re-reply sa kaniya.
To: Gino
Sa Anawangin Cove in Zambales go ka?
From: Gino
anywhere with you
I pursed my lips as I read his reply.
To: Gino
ok bud
Simpleng reply ko lang dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko. Wala akong maisip. Hanggang doon na lang ang pag-uusap namin, hindi na nasundan ang reply ko. Sineen niya lang din iyon. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at natulog.
Dalawang araw akong hindi nagparamdam sa kumpanya at hindi nag-respond sa pangungulit nila. Ano ba naman kasi ang sasabihin ko at isasagot sa tanong nila? Dapat ko bang sabihin na sorry dahil pinakyu ko ang vice president? Sorry dahil nadala lang ako ng galit?
Sorry hindi ko na uulitin iyon? Kapag ba sinabi ko ang mga iyan ay maayos na ang lahat? Kilala ko iyon si tanda, mas magmumukha pa akong masama kaysa sa kaniya. Eh, kung sabihin ko na lang kaya na sorry pero deserve niya iyon? Mas gaganahan pa yata akong mabuhay kapag ganoon.
Habang nagluluto ako ng kakainin ko para sa tanghalian ay napahinto ako sa ginagawa. Nakarinig ako ng busina ng kotse sa labas kaya dali-dali ko namang hinubad ang suot kong apron at inilapag ang mga sahog na ilalagay na sana sa nilulutong adobo.
"Let's talk," seryosong sabi sa akin ni Prince noong dumaan siya sa harapan ko matapos kong mabuksan ang gate. Kasama niya si Ate Carra na saglit na napatingin sa akin bago sumunod sa kaniya.
Noong maisara ko ang gate at matapos kong inalis ang kawali sa induction stove ay taas noo ko silang pinuntahan sa likod ng bahay. Nakita ko silang nakaupo roon sa isang table sa gilid ng pool. Nasa kalayuan pa lang ako ay kita ko na agad ang hindi maipintang mukha nilang dalawa.
"Good morning..." nakangiting bati ko sa kanila nang makaupo na ako. I carefree crossed my legs. Noong walang nagbago sa ekpresyon ng mukha nila ay nawala ang ngiti ko. "Morning lang, I guess?"
Prince shook his head, disappointed. "What's going on?"
"What's going on?" Binalik ko ang tanong sa kaniya.
I saw his restrained annoyance. "Stop the game, Yshawn."
I uncrossed my legs, lifted the chair, and moved in closer to them. "Wait, what are we playing?"
Biglang tumayo si Prince at napausog pa iyong upuan dahil sa agresibong pagtayo niya. Nakita ko ang pagpipigil niya bago niya nilingon si Ate Carra na nakayuko lang, natakot sa naging reaksyon ng lalaki.
"Pagsabihan mo nga 'yang kaibigan mo!" may diing utos niya rito.
Agad namang nagpanting ang tainga ko sa narinig.
"What did just you say?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatayo na ako. Mabilis naman akong hinarangan ni Ate Carra at pinapakalma ako. Mariin akong pumikit at huminga ng malalim bago bumalik sa pagkakaupo. I glared at Prince. "She's older than us. You have no respect!"
"Me?" Tinuro niya ang sarili niya, hindi makapaniwala. "Ako pa ang walang respeto? How about what you did to the vice president? What do you call that? A modern respect?"
"Obviously disrespect, stupid." I snapped my head off.
"Watch your mouth, Yshawn." May panggigigil siyang nilapitan ako pero pinigilan agad siya ni Ate Carra.
"Tell that to yourself!" I pointed out. Muli akong napatayo sa inis. "That vice president you're defending, he deserves to be disrespected but Ate Carra, she did nothing to you."
"Tama na! Tama na..." sumigaw na si Ate Carra sa pagitan namin at agad naman kaming naawat. Prince was about to throw some words at me but he just kept his mouth shut. "Ako na, sir Prince. Ako na ang kakausap, okay?"
Matalim ang titigan naming dalawa at hindi ko pinuputol ang tingin ko sa kaniya. He then stormed out, biting his lower lip.
"Grow up, Yshawn!" he shouted behind me.
"You, grow up!" I shouted back.
"I am!"
"In your nightmares!"
Noong wala na siya sa paligid ay huminga ako ng malalim. Nag-aalala namang nakatingin sa akin si Ate Carra. Hindi na bago sa akin na sigawan niya ako kahit pa sa harap ng ibang tao pero si Ate Carra, ngayon lang yata niya nakitang ganoon si Prince sa akin.
"Okay ka na ba? Kalmado? Ano?" sunod-sunod na tanong niya sa akin at tumango lang ako.
"You, are you okay, Ate Carra?" I know she was shocked by what happened.
Tumango lang din siya. I took a deep breath and sat back in the chair, leaning against the backrest. He came with a hot temper and even yelled at me, can't he come here without bringing too much emotion? Nadadamay ako sa init ng ulo niya.
Tumahimik kaming pareho, parehong malalim ang iniisip. Hindi kaagad nagsalit si Ate at nag-aalalang tiningnan lang niya ako. Ilang saglit ay nakita ko na lang siyang napahilamos ng mukha, stress na stress sa nangyayari.
"Pa'no ba 'to..." She hummed. "Prince, he became aggressive because... Yshawn, pinagalitan siya ng kuya niya dahil do'n sa ginawa mo. Dahil din do'n nagtalo silang dalawa, nadamay pati buong fam. niya."
"Buong fam?" nagtatakang tanong ko.
"Oo, hindi niya sinabi sa 'kin 'yong buong detalye pero... gano'n 'yong nangyari."
What can his family do about the issue? Labas na sila do'n. Issue ko 'to, hindi sa kanila.
"Fuck..." I swore under my breath.
"Ang sabi... hindi raw napigilan ni sir Choy na pagsalitaan ka ng 'di maganda. Napaka unprofessional mo raw, walang modo, uneducated tapos kaya uminit 'yong pagtatalo nila kasi nagawa ka pang ipagtanggol ni sir Prince kay, Sir. Saka do'n na sumingit si Mrs. Susan, 'yong lola nila. Tapos 'ayun... nagkagulo na no'ng nasigawan ni Sir Choy 'yong lola nila. Nakita mo 'yong pasa ni, Sir Prince? Nagpambuno raw kasi sila kaya siya may pasa-pasa! Kaloka, 'di ba?"
I frowned and looked up at Ate Carra. "I thought you didn't know the details?"
"Ha? N-Narinig ko lang naman." Nag-aalangang ngumiti si Ate Cara at napakamot pa siya ng ulo.
Napailing na lang ako. My head started hurting all of a sudden. The situation worsened, at nagkaroon pa ng pagtatalo sa pamilya ni Prince dahil sa akin! I had no idea that it would end up like this. Pumasok ako sa loob ng bahay at nasipat siyang nakaupo roon sa sofa, salubong ang mga kilay.
"I'm sorry," sabi ko noong makaupo ako sa tabi niya. "I'll apologize to, sir Choy."
"As you should," paanas na sabi niya at hindi man lang ako tinitingnan. "To the vice president?"
"I will apologize to, Sir Choy, for not being professional, and as for the vice president..." I looked down and thought about what to say. "He really deserves that."
Nakita ko siyang napahinga ng malalim. "I can't believe you have such a side, Yshawn... You should've made a sign or something. I can't... I can't take it anymore..." He stood up and ruffled his hair in annoyance.
"Why?"
He faced me. "Could you just please apologize to the vice president? Stop feeling entitled or proud of yourself... or, just put down your pride!"
"It's not about my pride or entitlement you're saying... it's about my stand."
"Stand to insult the vice president?!" he said with a high pitch.
"Teach him to grasp his actions, and to realize his wrongdoings within the company." I stood up, facing him. "He should be a good example to the employees, but what, because he's part of something greater, he'll just step on us? He didn't respect us, does he deserve it?"
He acted like he was going to speak and say something that would contradict what I said but he just clenched his fists and turned his back on me, stopping himself from exploding. Bumuntong-hininga ako at tinabihan siya.
"He'll earn my respect if he did the simple appropriate thing that people should do, but he always chooses not to. Who's to blame then?" I looked at him and saw that he was deep in thought. When I held his hand, he turned to me. I smiled a bit. "Don't worry, I will resign. You don't have to worry anymore. Just... go and make up with, Sir Choy."
"Resign?" he asked in a bit of a surprise.
"Hmm," I uttered. "I've already planned it, mag-aaral ulit ako. I'll go back to the profession I love."
"Being a nurse?" May pag-aalangan ang boses niya tungkol doon.
"Yes," I said.
Napatitig lang siya sa akin at napatango na lang. Our conversation ended with me fixing things on our side, at ganoon din kay Sir Choy. I even went to their house to apologize, and although I caused issues in their family, they still welcomed me warmly. Sir Choy didn't get sore anymore, when I apologized, he just nodded and didn't say anything further.
I had a proper conversation with him, and I told him the truth about what was going on below his company. The vice president, I know what he did to Jasper, an intern on the 10th floor. He's smart, a breadwinner, very dedicated to work, and very kind. Mataas ang pangarap niya pati na rin ang mga magulang niya para sa kaniya but they just made him dirty.
Pansin ko ang tensyon sa kaniya at trauma sa tuwing nakikita ko siyang lumalabas sa opisina ng vice president, kita ko pa ang pigil na pag-inda niya ng sakit sa bawat parte ng katawan niya. Tinatago niya pa ang mga pasa niya sa ilalim ng kaniyang suit. I tried to ask him but he didn't speak, but I already knew the answer was, the day when he was fired. It was an abrupt termination.
It was so suspicious, so I looked into the financial records and documentation related to his termination. Then I found the evidence, their severance and nondisclosure agreements, and more. It is not only the vice president who does wicked deeds internally but also the general managers. They were all involved in such an engagement, and I explained that to Sir Choy. In the end, I settled the problem.
Naayos ko na ang problema sa pamilya ni Prince pero sa matandang vice president na iyon, dedma. Kinabukasan ay nagpunta ako ng company hindi dahil para humingi ng sorry sa kaniya, kundi mag-file ng resignation. Mag-re-resign na ako at hindi ko kahit kailan babalaking humingi ng sorry sa matandang iyon.
Pwede ko namang e-e-mail iyong resignation letter pero pumunta na ako ng personal dahil kukuhanin ko na rin ang mga gamit ko sa office. Lahat ng mga mata ng empleyado rito ay nakatingin sa akin. Para akong isang sikat na artista na dumaan sa harapan nila na sa ilang segundo lang ay agad kong nakuha ang atensyon nila.
"Autograph, gusto mo?" tanong ko kay Neo na isa rin sa nakatingin sa akin.
He nodded and immediately took a pen and quickly unbuttoned his polo shirt. He opened his polo shirt to reveal his chest to me, he wanted me to sign there. Natawa ako sa ginawa niya at pinirmahan ko na lang ang dibdib niya.
A secretary even called me to meet with the vice president but I refused. Nakuha ko naman na ang pakay ko, nabigay ko na rin ang resignation letter ko, ano pa ba dapat ang pag-usapan? Ang mga ganoong bagay ay 'matic na, it's up to him to fix himself or not.
Noong wala na ako sa toxic na kumpanyang iyon ay para naman akong nabunutan ng malaking-malaking tinik sa dibdib. Sapat na ang ipon ko para sa pag-aaral ko, at kaya ko namang mag-working student kung kakailanganin. Pinutol ko na rin ang partnership ko para sa itatayong business. Nakakapanghinayang man pero buo na ang desisyon ko.
Sa una ay tutol si Prince sa plano ko dahil malayo na rin daw ang nasimulan ko pero wala siyang nagawa noong sinabi ko sa kaniya ang dahilan. I genuinely want to be a Nurse, and I don't want him to stand in my way. It's time for me to choose what I want.
"I'll start over," panimulang sabi ko. Nandito kami sa restaurant na ako ang pumili. We didn't go to the old restaurant that he said was his favorite that I didn't like. I mustered up the courage to tell him that. "I already have plans, too."
"You're really going to study again?"
"To get a degree, yes. And to get a title." That's just my common aim but what I really want is to help. I also plan to join the outreach and volunteers.
He suddenly stopped speaking and kept his gaze fixed on his glass wine while he fiddled with it.
"Should I call Liam to ask for help-"
"That's what you should never do." I cut him off. "I'll work on my own this time. You've done a lot for me. Tutulungan ko naman ngayon ang sarili ko, Prince."
Matagal siyang napatitig sa akin, binabasa ang reaksyon ko kung desidido ba talaga ako na huwag nang humingi ng tulong sa kanila. Hindi ko naman pinutol ang tingin ko at napatango na lang siya, pumapabor na sa desisyon ko.
"I understand," matamlay na sabi niya at kumain noong pagkain na nasa harapan.
"I'm moving next month, I'm better off in an apartment." He suddenly dropped the cutlery in his hand after I said that.
"No, not that one... I made provision for that... You will stay there," may diing sabi niya habang umiiling. "And please, don't put a contradiction... I already told you that, Yshawn."
"That house is too expensive, I'm not in the company anymore, and I'm going to be a student, Prince. Do you really understand what's going on?"
"Okay, fine! It's fine!" Napatingin sa amin ang mga tao sa ginawa niyang ingay. Napahilamos siya ng mukha bago seryosong bumalik sa pagkain na parang walang nangyari. "Do whatever you want! Sino ba naman ako, 'di ba?"
I didn't say a word. I just kept quiet until I finished my food. I'm getting tired. I can't handle this anymore. Parati na lang kaming nagtatalo sa ganitong bagay. Maliit lang naman 'to, e. Simpleng desisyon lang din ang pinili ko pero bakit parang hirap na hirap siyang suportahan iyon?
Kapag nagtatalo kami ay nakakarinig na lang ako ng mga salita galing sa mga kaibigan niya. Kung hindi ako ang masama, ako ang may kasalanan. Hindi niya ako pinakikinggan. Kapag may rason ako sa mga nagawa ko ay didiretso siya kaagad sa mga iyon at doon lang siya nakikinig, hindi sa akin.
"What are we?" I asked when we got into his car. He came to a halt as he was about to start the engine.
"We're dating?" he answered aggressively. "I love you, and we feel the same way. Why asking?"
"But how come I can't feel it?" I bent my head down and bit my bottom lip, stopping myself from crying.
"Oh my god." He laughed sarcastically. "Don't start, please. Yshawn, stop it... Just stop it right now! Stop with your overthinking!"
"You made me..." I cried, facing him now. "How come, that you always say you love me, but I can't find where that is!"
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top