Chapter 22
Nilalakaran ko na itong park na malapit lang sa tinutuluyan ko. I took his number para masabihan ko siya ng oras at lugar kung saan niya ako pwedeng hintayin, at dito sa lugar na ito ang sinabi ko. He told me that he lives near the park as well, so I decided that would be the place where we going to meet up.
Ang sinabi kong oras ay 8:00 ng gabi ngunit mas nauna pa siya sa akin dahil dumating ako rito ng late ng limang minuto lang pero nakita ko na siya roon sa bench, tahimik na nakaupo habang nasa kawalan ang tingin. He was dressed in a black denim jacket with a black shirt underneath, all of his tops were black.
"Sa'n mo 'ko dadalhin?" tanong ko habang nakapamulsa ang mga kamay. Dinaanan ko lang siya at nakita ko naman siyang napatayo bigla at sumunod sa akin.
Nakita ng gilid ng mata ko ang pagtabi niya sa akin. "Sa... Calm Street." He stutters.
My brows met. "Calm Street? I didn't know there was such a place like that."
"Uhm..." sambit niya at nang marinig ko ang mahina niyang tawa ay hindi ko napigilang lingunin siya, nagsalubong ang mga kilay ko. He immediately looked away from me and hid his smile. "Uhm, Calm Street is a restaurant."
Napasinghap na lang ako. "Bakit? Anong nakakatawa? There's nothing funny about ignorance. Educated people like you should know that."
Nakita ko siyang napayuko. "I'm sorry," sabi naman niya at napairap lang ako.
Sa katotohanan niyan ay sa mga oras na ito, hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko. Tinitimpi ko lang ang sarili ko pero gusto ko nang maglaho, baka kapag nakakuha ako ng tiyempo ay may masabi ako sa kaniya... Marami, marami akong gustong sabihin at itanong pero nawawalan ako ng lakas sa tuwing naiisip ko ang ginawa niya.
I'm furious, gusto ko siyang saktan, gusto ko siyang pagpira-pirasuhin! Ayoko sa presensya niya, ayoko siyang makita. Ni wala akong kaide-ideya na magpapakita pa siya sa akin matapos niya akong gaguhin, hindi ko siya maintindihan. But I also couldn't understand myself why I was still able to give in to him.
Huminto kami sa isang kalsada at pumara siya ng tricycle. Lumapit ito at huminto sa tapat namin. Umatras siya para paunahin akong sumakay. Nang makasakay ako at noong papasok na sana siya sa loob patabi sa akin ay hinarang ko ang braso ko. Napahinto siya at nagtatakang tiningnan ako.
Tinaasan ko siya ng kilay at sinenyasang doon siya umupo sa labas katabi ng driver. Napaawang naman saglit ang bibig niya at nakangiting tatango-tango bago naglakad paikot. Bumaba na ako ng tricycle noong huminto ito sa tabi at humuhugot pa lang ako ng pambayad ay nag-drive na kaagad paalis iyong driver.
"Teka, 'di pa tayo nagbabayad." Aligaga akong naglakad pasunod doon sa driver pero laking pagtataka ko kung bakit niya ako pinigilan. Huwag niyang sabihin na mag-o-one two three kami? "Magbabayad ako. H'wag mo 'kong idamay kung balak mong gumawa ng krimen!"
He smirked. "Nabayaran ko na. Bago pa tayo umalis binayaran ko na si Manong."
Napatanga ako at ibinalik na lang ang perang nahugot ko sa wallet. Sarkastiko naman akong natawa sa sinabi niya.
"Okay?" I raised an eyebrow. "So saan na 'yong sinasabi mong restaurant?"
"Ah!" Napahimas siya ng batok, nahihiya. "Ayos lang ba sa 'yo na maglakad? Sa kabilang kanto pa kasi 'yon."
"Ha? Eh, kung sa kabilang kanto bakit mo sinabi sa driver na dito tayo ibaba? Are you tripping on me?"
"Ano kasi, kuan... hindi siya allowed doon, may check point sa ganitong oras, hindi pa kasi lisensyado si Manong."
"Sinabi niya sa 'yo?"
"Hmm..." Tumango siya at napakunot naman ang noo ko. "He actually tells me a lot habang nasa biyahe tayo."
Napalingon ako sa isang tabi. "That made no sense," I whispered.
Nagsimula na kaming maglakad, nang tahimik. Dinala niya ako sa isang pasilyo at paglabas namin ay bumungad sa akin ang hagdan pababa, may puno sa gilid namin at light post. Just then I realize it's about the little things in life that somehow matters as I walk down the stairs, the streetlights were almost illuminating the sky.
It was so hushed that I could hear the trees' leaves singing in the wind. I'm not sure why I get this safe sense... and if I think about it, what we're doing is quite simple. We're simply walking, yet it appears extraordinary because of the surroundings and the scenery... I feel like I was revived.
"Ang ganda..." Namamangha kong sabi noong nilalakaran na namin itong street, bawat kanto ay may kainan at fairy lights. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako at napansin naman niya iyon. Inalis ko agad ang ngiti ko. "Ano?"
Naipit niyang pareho ang labi niya saka pakunwaring may hinahanap. Umirap na lang ako. Noong makaramdam ako ng pagod ay salubong na ang mga kilay ko habang nakatingin sa kaniya. Akala ko ang tinutukoy niyang kanto ay nasa kabila lang, hindi ko alam na may kasunod pa pala.
"Malayo pa ba?" tanong ko.
Bigla siyang huminto kaya napahinto na rin ako sa paglalakad. Napanguso naman ako noong hindi niya ako sinagot at nakatingin lang sa likuran ko. Hinarap ko iyong tinitingnan niya at nakita ko na isa 'tong restaurant na sarado... The restaurant he was telling me about, Calm Street.
"N-Nandito na tayo," kabadong sabi niya. Agaran ko siyang hinarap at handa ko na sana siyang patamaan ng suntok ngunit napakuyom na lang ang kamay ko sa ere at gigil na diniinan iyon. "I... I-I didn't expect that they were closed today."
Matapos niya akong palakarin ng pagkahaba-haba, matapos niya akong in-assure na maganda ang restaurant na 'to, matapos niya akong paasahin na makakakain ako dahil sinabihan ko siyang mamamatay na ako sa gutom, tapos ganito? Ganito ang maabutan namin? Sarado?
"Ayos, pati pala sa ganitong bagay magaling ka ring manira," asik ko.
"Ah... Uh-uhm..." nauutal na sambit niya. He was in a panic and obviously had no idea what to do next.
"Uuwi na lang ako," tamad kong sabi.
Pasiring ko siyang nilagpasan at nakita ko naman siyang dali-daling sumabay sa akin. Nasa harapan ko na siya, naglalakad siya habang nakaharap sa akin.
"I-Is it too much kapag sinabi ko na sa ibang restau. na lang tayo?" tanong niya habang naglalakad paatras.
"Oo," diretsahang sabi ko. "And there's nothing you can do if this is the last time we meet. Just stop it, now."
Huminto siya nang sabihin ko iyon at napapreno naman ako ng mga paa. He looked me in the eyes, he may be trying to size me up. Kung tinatanong niya ako na seryoso ako sa sinasabi ko ay hindi na kailangang sagutin pa iyon, napilitan lang naman talaga akong tanggapin ang alok niya.
"Don't ever show up again," sabi ko. Napayuko siya at nagkibit-balikat lang ako, nilagpasan ko na siya.
I have no idea why he is here in Manila. If he wants to say something and if he wants closure, he should have done it right away, there should be no need for us to be together in the same place. There's no sight of sense na magkita pa kami, because, for me, it's really over.
Napasunod ako ng tingin sa kaniya noong makita ko siya sa gilid ng mata ko na kumaripas ng lakad papunta roon sa isang tindahan, may kung anong bibilhin. Huminto naman ako sa paglalakad. Hindi ako pwedeng mauna, hindi ko alam ang daan papunta sa terminal.
"Can we just walk and stop interrupting with things?" I complained but he just shrugged.
"Dalawang balut po," sabi niya sa vendor at nang maabutan siya niyon ay kinawayan niya ako. Sinesenyasan niya akong lapitan siya. Pinagkrus ko lang ang mga braso ko sa dibdib. Lumapit naman siya sa akin at inimuwestra iyong isang balut sa harapan ko. Ngumiti siya. "Masarap 'to... try mo."
I raised an eyebrow. "'Di ako kumakain niyan."
"I know but... subukan mo lang. I promise it's delicious, you won't regret it." He maintained his smile.
I sighed. "Siguro wala ka talagang pera kaya sinadya mo 'kong dalhin doon sa restaurant na 'yon na sarado..." I shook my head. "And end up, balut talaga ang ipapakain mo sa 'kin."
"Hindi..." Umiling siya kaagad. "I really didn't know they were closed today."
I hissed. "Whatever... Basta hindi ako kakain niyan."
Ngumuso siya at napatango-tango. "Ikaw bahala... Guess I'll be here for a long, long time."
"What do you mean?"
"Bitin 'tong dalawa sa 'kin..." Iwinagayway niya sa harapan ko iyong hawak niyang balut saka ako tinalikuran. Sinumulan na niya iyong balatan doon sa harap ng tindahan. He sipped the juice of it. "Sarap!"
Salubong ang mga kilay ko noong nilapitan ko siya. "Gusto ko nang umuwi. Iuwi mo 'ko, ngayon na!" impit na sabi ko.
Hindi niya ako pinakinggan at binabalatan niya lang iyong balut. Napasinghap ako at tumingala noong nilapitan ko siya ng kaunti. Nababanas ako sa mukha niya at sa ginagawa niya sa akin ngayon, pinag-ti-trip-an niya ako.
Nang mabalatan niya ay nilagyan niya iyon ng asin at suka bago inabot sa akin. "Eat this first."
I smirked. "I'm not fooling around."
"Well, so am I. Hmm..." Nilapit niya iyon sa mukha ko, nakangiti pa siya. He tried so hard to make me taste it.
Kumulo bigla ang dugo ko. Masyado siyang mapilit. Nang hindi ko na mapigilan ang galit ko ay padarag kong hinawi ang kamay niya. Nabitawan niya iyong balut dahilan para mahulog, nabigla siya sa ginawa ko.
"You made me do that," I said and turned my back at him. Naglakad ako paalis ngunit ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay napahinto rin kaagad ako nang marinig ko ang sinabi niya.
"Naaalala mo 'yong dinaanan nating hagdanan?" I turned to face him and failed to notice him coming my way. Nasa harapan ko na siya kung kaya't napatingala ako sa kaniya. Salubong naman ang kilay akong umatras, masyado siyang malapit! "Madilim na do'n... Sa ganitong oras nakapatay na 'yong mga ilaw."
Napatawa naman ako ng sarkastiko. "Sinong tinakot mo? Betlog ko?"
"Okay, unless kung natatandaan mo pa kung sa'n tayo dumaan. Mapupuntahan mo 'yon at makakauwi ka."
"Then tell me," I said as I chinned up.
"Huh?"
"Sabihin mo 'yong daan!"
Nakaawang ang bibig na tumango-tango siya. "Ganito gawin mo. Nakikita mo 'yong poste ro'n?" Turo niya sa tinutukoy niyang poste, kahit medyo naguguluhan ay tumango naman ako. Isinantabi ko na muna ang inis ko sa kaniya dahil ituturo niya sa akin ang daan.
"Malamang, nakikita ko! May mata ako, eh!" sabi ko naman.
He tsked.
"'Di ba, may daan doon paliko?" pagpapatuloy na sabi niya. Napapatango ako habang iminumwestra niya ang daan. "Just go in there tapos pumasok ka ulit sa eskenita... then just go straight ahead. Pagkatapos no'n, ikaw na bahala sa buhay mo."
Salubong ang mga kilay ko nang lingunin siya, binulsa niya ang mga kamay niya at bumalik doon sa tindahan. Iniwan ako?! Ang lakas ng saltik ng isang 'to!
"What?! May galit ka ba sa 'kin?!" pasinghal na tanong ko and he didn't even respond! I knew it, he was messing with me! I let out a sarcastic laugh and rolled my eyes in irritation. "Tell me!"
"Pag-isipan ko," he dared to talk back!
"Seriously?!" My hand just formed into a fist! "You!" Agad kong kinalma ang sarili ko. I sucked my teeth and took a deep breath. "Oh, please, Lord, grant me more patience with this man! For I don't want to have sin!" I mumbled.
After he brought me to this place, he would just leave me like that? Alam kong nasa 30s o himigit na ang edad niya pero ang pag-iisip niya ay pangbata pa rin! Napakuyom ulit ako ng kamao at pumikit nang mariin bago nagbuga ng hininga.
"I told you it's already dark in that place. I want to ensure that you're safe and not harmed," he manly said. Napatanga ako. "Since you're with me, if anything happens to you, I'll be considered a suspect."
Napaisip ako nang malalim sa pinunto niya. Napahinga na lang ako nang malalim bago siya nilapitan. Nang marating ko ang puwesto niya ay hinawi ko siya dahilan para mapahinto siya sa pagkain. Nagtatakang tiningnan niya ako. Naglabas ako ng pera at inabot iyon sa vendor.
"Pabili ng isa," sabi ko at inabutan ako kaagad niyon. I just accepted my defeat. Noong iuumpog ko na sana itong balut ay bigla niyang kinuha iyon sa akin. Pinaikot niya iyon at ang inumpog niya ay iyong sa kabilang pwetan nito.
Inabot niya iyon sa akin nang mabalatan niya at malagyan ng asin at suka. "Sa bandang hindi pointed masyado 'yong basagin mo... Nandiyan 'yong sabaw. Here, take a sip?" Gino smiled, and I just found myself lost in his smile. So I quickly snapped myself back to reality.
Pasiring ko iyong tinanggap. Una ay nagdadalawang isip pa 'kong inumin iyon, inaamoy-amoy ko pa iyon na ikinatawa naman niya. Pumikit ako bago iyon hinigop. Nang mapadilat naman ako ng mga mata noong malasahan ang sabaw... masarap! Masarap iyon, ayoko lang ipahalata sa kaniya.
"Masarap?" inosenteng tanong niya.
Iningiwi ko kaagad ang mukha ko para ipakita sa kaniya na kunwaring hindi ko iyon nagustuhan. "Sakto lang. Hindi na masama."
Tumango-tango siya habang nasa balut na hawak ko ang tingin niya. "Nice... kainin mo na." Nginitian niya ako.
Umirap ako, pakunwaring napipilitan. Kinain ko ang laman niyon at nakita ko na lang ang sarili ko na nagbubudbod na ng asin at nilagyan ito ng suka saka kinain lahat. Nang makita kong may isa pa siyang hawak ay napansin niya akong nakatitig doon.
"Hmm..." sambit niya at binigay iyon sa akin. Walang pag-aatubiling tinanggap ko naman iyon, masarap siya! Swear to god... akala ko ay sobrang malansa 'to pero mali ang akala ko! "Sakto lang 'yan, ah?"
Napahinto ako sa pagkain at sinamaan na lang siya ng tingin. Ganito pala kapag gutom ka, ayaw ko nang magpaistorbo! Nang makatatlo ako ay pinaalalahanan niya kaagad ako na enough na iyon, hindi na raw kasi maganda sa kalusugan kapag nasobrahan. Ayaw ko mang huminto sa pagkain ay sinunod ko na lang siya, iniwan niya ako bigla roon sa tindahan noong ayaw kong magpaawat.
"I haven't finished eating yet... rude!" I pouted.
Binulong ko lang ang mga sinabi ko kung kaya't inaasahan kong hindi niya iyon maririnig ngunit nakita ko siyang napatawa ng mahina. Biglang nagbago ang mood ko, kung kanina ay galit ako dahil pinag-ti-trip-an niya ako ngunit ngayon ay galit ako dahi nabitin ako sa pagkain!
"Gusto mo pang kumain?" nakangiting tanong niya.
Pinagtaasan ko naman siya ng kilay. "Who said that?"
He chuckled softly. "I've caught you already."
I imitated what he said insultingly ngunit hindi naman siya nainsulto dahil tinawanan niya lang ako. Maya-maya pa ay nagulat na lang ako nang hawakan niya ako sa palapulsuhan at hinatak doon sa helera ng mga stall. Iba-iba ang mga paninda, itong nasa harapan namin ay mga lutong ihaw. Ang nasa tabi naman ay soft drinks at flavoured shakes.
"Prepare your stomach, buy what you want... libre ko." He wiggled his brows.
"Whatever I want? Are you sure?" tanong ko at tumango naman siya. "Okay, sinabi mo 'yan, ah? I hate liars."
Namili na ako ng gusto kong bilhin at kainin, natatakam naman ako rito sa mga grilled. Kumuha ako ng limang stick ng isaw, dalawang hita ng manok, at tatlong laman ng baboy. Pinaihaw ko na agad iyon at tumapat naman ako sa stall nitong flavored shake. Um-order ako ng large ng strawberry milk at pagkatapos makuha ang order ay tumabi naman ako sa kaniya roon sa stall ng sisig.
He ordered two even after my protests that I don't eat this weird part of pork, hindi ko pa naman iyon natitikman pero alam kong ayaw ko niyon. Base sa naririnig ko ay tainga iyon ng baboy at kapag iniisip ko pa lang na doon ito gawa ay kinikilabutan na agad ako. Pero pinilit niya pa rin ako at kinakain ko na nga iyon ngayon.
Nakaupo kami rito sa isang table na nasa ilalim ng puno. Maganda ang ambiance ng lugar lalo na't hindi ganoon ka-dagsa ang mga tao. Kalmado lang, kahit may mga taong nag-uusap ay hindi naman iyon abala dahil hindi rin naman sila ganoon ka-agresibong nag-uusap. The atmosphere is serene, and I can almost feel the cold wind blowing, which stimulates my appetite even more.
"Ang sarap pala niya," I said out of nowhere.
I saw him smile. "Nino?"
I quickened my frown. Tinuro ko itong sisig na nasa harapan ko. "Ito... Itong sisig." He bowed a little and laughed softly. There has been no change in your nature, you're still an idiot.
"Mahirap ka palang gutumin," dinig kong bulong niya habang nakangising pinapanood akong kumain.
"May sinasabi ka?" tanong ko habang may laman pa ang bibig.
As his lips slightly pressed, he innocently shook his head. "Nothing."
We spent the time chatting... we talked about things, life, current events, politics, and other stuff. There was even a time when I didn't realize he made me laugh, just like before when I didn't realize he made me tell a lot of stories. In less than a few seconds, he immediately made me feel that he was open to taking everything I had to say... It became I instantly felt comfortable with him.
"So, how long have you stayed here in Manila?" I asked suddenly and he stopped eating.
He leaned on the backrest of the chair. "I'm not sure, but it may have been weeks. Mga tatlong linggo pa lang siguro."
I nodded and took a bite of food. "Do you have any business here or something? What drove you to come here?"
Hindi siya nakasagot kaagad at nakatitig lang siya sa akin. Pinagkunutan ko naman siya ng noo, nagtatanong kung ano ang problema. Saglit na napayuko lang siya at at muli akong tiningnan sa mga mata.
He smiled a little. "You," he said.
"M-Me?" I stammered. I was surprised by his answer. Napaubo ako at uminom rin kaagad ng tubig bago napatanga, iniisip ang sinabi niya. I grinned. "Don't be silly."
"I mean it." The tone of his voice suddenly became serious.
I shifted my gaze to the other side, thinking about what he had said. I'm at a loss for words. Why did he feel obliged to do so? We're done, there's no longer any connection between us.
And one more thing, he doesn't need to make any extra effort to do that because it will just be in waste... If he's hoping that there's still a chance to get ours back... there is no reason for that to happen anymore, I'm with Prince now.
"Oh, please. Please don't say that..." I laughed nervously. "Masaya na ako, sanay na rin ako... na wala ka," I whispered the last words.
Naiilang ako. Nakita ko ang reaksyon niya nang sabihin ko iyon, napatingin siya sa baba at marahang tumango-tango, iniintindi ang sinabi ko. All I can concentrate about is fidgeting with my foot. Maya-maya pa ay naguguluhang napatingin ako sa kaniya nang makita siyang tumatawa.
"I came here because of you... para ayain kang magkape." He shook his head and chuckled, and I pretended that I got his joke as I laughed along with him. "To talk to you as well."
I assumed things! Napahugot na lang ako ng hininga at sumubo ng pagkain. Nakahanap naman ako ng ginhawa nang malamang nagbibiro lang talaga siya. Gusto lang niyang makipag-kumustahan!
Umiling ako habang may ngisi sa labi. "That thing... I admit that I'm quite mad at you for what you did there. You should've told me that earlier. You can ask for my number and text me about it."
He sniffed. "If only it were that easy."
I frowned, confused. "Why? Am I that unapproachable? Or, is there anything stopping you?"
"Hm-hmm..." Marahan siyang tumango. "I knew there was a small chance you would accept my invitation through text so I went there personally, but... yeah, a lot happened, and I'm sorry."
I snickered while nodding. Unconsciously, I smiled. Kabisado niya talaga ako. When he knows I'm mad, he no longer expects me to answer his calls and texts.
"By the way, is what, Althea, accusing you of, true?"
He shook his head. "Never. Didn't she tell you that the load of the elevator was too crowded? So there's a big chance of touching something on her body but I did not."
"Someone else did?" I asked and he nodded. "So, paano niya nasabing..."
"She's the one lying... I know she has a grudge against me because of the way I looked that day. People see me as creepy... beggar." He shrugged his shoulders.
I pursed my lips, I was guilty. I can't deny that I'm one of those people, that because of his appearance, I immediately judged him and didn't listen... at mas lalong naging sarado ang isipan ko dahil sa nararamdaman kong galit sa kaniya... Hindi ako naging makatao.
"I'm sorry," I said as he raised his head to look at me.
He smiled shyly. "No, I should be the one saying that."
"Pero nagkamali ako no'ng araw na 'yon." Pagpupumilit ko.
"But I should be the one to apologize, I was the one who screwed up that day."
"Hindi..." natatawa kong sabi. "You shouldn't have waited for that long if I didn't let you to wait. I should've just let you talk to me right off the bat."
"But you still got into trouble because of me," batong sabi naman niya.
Umiling ako. "You shouldn't get in trouble if I let you talk to me pretty soon."
Nang magpapaliwanag pa sana ako na ako dapat ito ang humingi ng sorry ay napahinto ako. Nakita ko siyang nakangiti, magkakrus ang mga braso sa dibdib habang nasa akin ang tingin. Nagtaka naman ako kung kaya ay pinagtaasan ko siya ng kilay.
"God..." he uttered, shaking his head with a smile.
He shook his head and laughed after taking the drinks in front of him... I caught him laughing behind the cup as he sipped it. Tumatawa lang siya at nakuha ko naman kaagad ang gusto niyang iparating. It's just comic because nothing has changed between the two of us, even if our physical looks have changed, but our simple behaviors have not.
"Kumusta ka sa Cebu?" tanong ko bigla sa kaniya. Naglalakad na kami pabalik doon sa sakayan at binabagtas na rin namin itong hagdan. Totoo ang sinabi niya na nakapatay na ang mga ilaw rito pero hindi naman ganoon kadilim, bilog ang buwan kaya nakikita pa rin namin ang daan.
"In Cebu? Uhm... first, I had a hard time and a lot of things happened, but I was able to handle all of them, I braved all of them, fortunately..." he proudly said. "You? How's life here?"
I sighed and smiled. "How come na pareho lang din ang nangyari sa 'ting dalawa?"
The corner of his lip tugged up. "Well, I'm proud of both of us. Yet, there isn't a big celebration for me because it would be more appropriate for you." He smiled. He's referring to my current profession.
"No... it shouldn't be in a comparison... we both did great though." Napasinghap lang ako roon at umiling. "When you were in Cebu... were you happy?" I could still wish that he would have been happy despite what he did to me.
I caught sight of him smiling, a genuine smile and it seems no one can steal that from him. "Now that I've found this someone, I can say that I'm truly happy."
I just found myself unable to understand my own emotions. When I heard those words, my shoulders just slumped. I couldn't look away and suddenly felt a heaviness in my chest. Even if I try to deny it, the truth remains... am I in pain? But why?
"Y-You found... someone?" I stuttered obviously! Based on the smile he had before saying that, he must love that person a ton. "What does this someone you're saying look like? I-I know you both are lucky to have each other... Uhm, a-ano ba siya... Is this someone..."
"A woman or a man?" He continued what I had to say. He shook his head in disbelief and smiled widely. I gulped and looked over my shoulder, nahalata niyang interesado ako!
Narinig ko lang siyang mahinang tumawa at hindi sinagot ang tanong ko hanggang sa mahatid niya ako sa sakayan. Sa katotohanan niyan ay gusto niya akong ihatid hanggang doon sa bahay na tinutuluyan ko pero ako na mismo ang tumanggi.
Nag-book na lang ako ng grab na maghahatid sa akin doon dahil iyon din naman ang sinuggest niya sa akin. Tahimik lang kami habang hinihintay na dumating iyong driver na mag-pi-pick up sa akin.
Noong dumating ay hinarap ko muna siya. "I hope you two stay strong... and congrats." I tried to put a smile on my lips.
He took a deep breath before putting his hands in his pockets, he smiled at me. "Congratulations, too."
I hummed. "Bale... uuwi na 'ko. Thanks for the treat... nag-enjoy ako."
"Hmm. Welcome. Me too." Nakangiti pa rin siya ngunit tila ang akin ay halatang pilit na.
I just let out a small smile and waved to say goodbye to him. When I was about to get inside the car, I faced him again when he called me, "Yshawn... w-when will I see you again?"
Napaisip naman ako. "Anytime, we can meet anytime. The usual thing that friends do?" His smile widened when he heard what I said, and I just smiled lightly before completely getting into the car.
His smiles are so pure. I'm surprised how he kept them secure despite what happened. He owes me, therefore I can't hide the fact that I have a grudge against him. I was deeply hurt when he cheated, and I still hold that even now that we are in our 30s... But regardless of who we were back then, that episode has no bearing on the present.
Now that there is someone there for him, someone who can say he is not alone, someone who is ready to accept him, someone who is more than me, better than me, and most of all, someone who can love him... Sapat na iyon para kalimutan ko na ang lahat, bitawan ang nakaraan... To move forward. This is the point for me to deem that for myself.
What he is now is what I should see more of, and I should weigh that. I'm absolutely in awe because he proved to me today how strong he is by keeping and showing his smiles... He kept his word when he said he would be strong and brave, just like me. It's just a shame he didn't fulfill what he wanted for both of us... and to take care of me.
Matapos ang pagkikita naming iyon ay hindi na iyon nasundan. Tatlong buwan na rin ang lumipas, inaasahan ko pa ang text niya pero wala akong natanggap. Halos hindi pa ako mapakali noon kaiisip kung mag-te-text ba siya, sa tuwing tutunog ang phone ko ay nakakaramdam ako ng kaba... I assumed he had sent me a message.
"Yshawn... sorry natagalan ako ang dami kasing nangyari sa bahay!" Lumingon kaagad ako nang marinig ko ang boses ni Ate Carra. Tumayo naman ako noong nasa harapan ko na siya. "Aalis naman talaga sana ako ng maaga kaso namalengke pa pala 'yong magbabantay kay baby Kelly."
Si Baby Kelly ay ang pang-apat na anak ni Ate Carra. Madalas niyang pinapabantay sa iba si Baby Kelly dahil hanggang ngayon ay wala pa rin silang nahahanap na Yaya. Sinabihan ko naman siya na pwede akong tumulong sa paghahanap kaso ay tumanggi siya, sila naman na daw kasi ang may responsibilad noon.
Nagpasama siya sa akin dito sa mall dahil mamimili siya ng mga bagong damit. Sinabi ko rin naman sa kaniya na sasabay na lang din ako dahil dadaan din naman ako rito, kailangan ko ring bumili ng mga materyales para roon sa lababo, nagbara iyon at kakailanganin ng panibagong parts.
"Ayos lang, hindi naman ako masyadong mainipin. Saka minuto lang naman akong naghintay," pampalubag-loob na sabi ko.
Napahawak siya sa kaniyang dibdib. "Nako, thank you talaga... Sige, hanapin muna natin 'yong iyo, malapit lang naman dito 'yong hardware."
Pinuntahan na namin iyong hardware at matapos mabili ang pakay ay namili naman kami ng mga damit ni Baby Kelly. Hindi na rin ako nakialam sa pamimili niya dahil wala naman akong alam sa ganito. Umupo lang ako sa tabi malapit sa counter at hinayaan siyang maghagilap ng hinahanap niya.
When I got bored, I took out my phone and just scrolled. Ganoon lang ang ginagawa ko kahit hindi ko naman tinitingnan ng maayos ang mga dumadaang status sa feed. Ang madalas ko lang tingnan ay iyong mga tanawin lalo na ang beach. Hindi lang ako sanay na walang ginagawa habang may ibang tao ang nasa tabi ko.
"I already checked the prices but nothing's shown here. How much is this bundle, miss?"
Mabilis akong napahinto sa pag-scroll at tiningnan ang taong nagsalita. It was Gino, and he seemed to have just finished a jog dahil sa suot niyang sweatpants and hoody. Nang masabi noong kahera ang presyo ng bundle noong mga pang-baby na damit ay binili niya kaagad iyon. Mabilis naman akong yumuko noong lumingon siya sa paligid.
Noong makaalis siya ay nag-angat ako ng ulo at sinundan siya ng tingin. Bumaba ang mga mata ko roon sa hawak niya... He was holding a bag, which caught my attention. It was packed with baby supplies, he didn't tell me that they already had a baby.
Napaiktad naman ako nang maramdaman ko ang kalabit ni Ate Carra sa akin. Tinanong niya ako kung sino ang tinatanaw ko pero hindi ko na lang iyon sinagot, inaya ko na lang agad siya na kumain. Ngunit akala ko ay hindi na siya magtatanong pero napatanga na lang ako noong sabihin niya na mukha raw akong malungkot at matamlay.
"Medyo napagod lang ako," palusot na sabi ko at tumango-tango lang siya. Was my action so obvious? And why do I feel this way? It's over... tapos na hindi ba? I shouldn't feel like this anymore because he, he already moved on and so should I!
"Hoy! Kanina ka pa tulala riyan. Ano nangyayari sa 'yo?" Tila nagising naman ako nang magulantang sa boses ni Ate Carra. Hindi ko namalayan na nailagay na niya lahat 'yong mga gamit sa kotse at itong hawak ko na lang ang hinihintay niya. Kumilos naman agad ako at inilapag iyon sa trunk noong kotse.
"Uh-uhm... N-Nagugutom na 'ko! Sa'n ba tayo kakain?" palusot na sabi ko matapos mailagay iyong mga pinamili. Isinara ko na rin ang pinto ng trunk at hinarap siya. "Suggest ka nga."
Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Ay, kaya... kaya ka pala lantang-lanta e, pagkain naman pala ang problema," pabirong sabi naman niya. "Mag-buffet tayo, libre ko na."
"Talaga ba?" Lumawak ang ngiti ko.
"Ayaw mo?"
"Wala akong sinabi, ah." I forced myself to laugh and pulled her back into the mall. "Magpapasalamat na kaagad ako sa 'yo kahit wala pa tayo ro'n."
Sabay kaming tumawa at naglakad-lakad na sa loob para puntahan iyong sinasabi niyang buffet. Sa paglalakad namin ay nahagip na naman ng mata ko si Gino, naroon siya sa tindahan ng mga suit. Kinuha ko kaagad ang atensyon ni Ate Carra at sinabing mauna na lang muna siya. Noong magtanong siya kung bakit ay sinabi ko lang na may sasaglitin lang ako.
Naglakad na ako papasok sa store at nakita siyang naghahawi noong mga suit, mukhang namimili ng bibilhin. Tumabi ako sa kaniya at nagkukunwaring namimili rin pero hindi niya ako napansin. Nang may nakita akong babagay sa kaniya ay kinuha ko iyon at tinapat sa kaniya. He was stopped, dead in his tracks and seemed surprised when he saw me.
"Ito, bagay na bagay sa 'yo." I smiled at him.
He grabbed onto it but did not even glance at it instead, he just fixed his gaze on me. "You're here? Hi?"
I snorted and just put it back. "I said this suit looks good on you, not me."
I just heard him laugh softly. Kinuha naman niya iyon at tiningnan, sinuri niya pa iyon mula top hanggang bottom pati na rin ang mga tahi nito at butones. Chini-check kung maayos ba ang pagkakatahi at kung wala ba 'tong damage.
"What are you doing here?" tanong niya habang doon lang nakatingin ang mga mata niya.
"May anak ka na pala?" Napahinto siya sa ginagawa at sinampay niya iyong suit sa braso niya. Halatang nabigla siya sa tanong ko.
"How's that even possible?" He laughed a bit and he then shook his head.
Nagsalubong naman ang mga kilay ko sa sinabi niya. "I saw you there at the baby's clothing store."
"You're there, too? Why didn't you approach me?" He didn't answer my question.
Tipid lang akong napangiti at naghahawi ulit noong mga suit. Kumuha ako ng isa at binigay iyon sa kaniya. Kumuha ulit ako at ginawa ko na iyong tatlo saka muling isinabit iyon sa braso niya. I saw him struggling but he didn't complain.
"I didn't expect a reply like that," I said.
He chuckled quietly. "Just think whatever comes to your mind." Napangisi lang siya at binigay niya iyong mga pinili ko sa saleslady.
I crossed my arms over my chest. "I'm just asking, is that too demanding to answer?"
He sighed and seemed like he was done with me. "If I have, what would you do then?" He raised an eyebrow.
Napatameme naman ako roon! Why did I ask him those questions? He'll just think that I can't accept that he has someone else already and that I'm bitter since he already has a family and a child. Or maybe I'm jealous? He might think of me that way. For Pete's sake!
"Nothing, gusto ko lang malaman," I honestly said. "Masama ba?"
Napangisi lang siya at umiling. Hindi ko namalayan ay nasa counter na pala kami at napatingin naman ako sa kaniya noong makita ang napili niyang suit, iyon iyong sinabi kong bagay sa kaniya.
"Why did you choose that?" Marami namang choices at may mas maganda pa yata ang mga 'yon kaysa rito pero ito pa rin ang pinili niya.
"'Cause I know you know what suits and does not for me."
I was taken aback. It's just small details he still remembers, it's in the past and seems to be dead. It should be like a ghost, but it appears as if we were haunted by each other's memories because those details are still there in us, hunting us down.
As we walked, I was just speechless. When he came back into the sequence of my dash of existence, I became like this, became more interested in him. I can't help but feel something when he's around... and I'm mad, I'm so mad because I know to myself that...
"I still love him." I looked at him and saw him staring at a big banner in the middle of this mall. "It's been a decade since I first heard his song."
"Ghost In My Room?" Iyon din ang unang kanta na pinarinig niya sa akin.
He looked at me and smiled before looking back at the banner. "You still remember."
"I do, naka-repeat 'yon sa phone mo." I grinned and he laughed softly.
The song tells the story of someone who had a best friend, and their connections grew more and closer until the girl finally confessed that she loved the man. They were in a stable relationship, until the man discovered the girl was cheating on him, and now he has a new girlfriend but whenever he says babe, he thinks of his ex.
I read what was written there on the banner. "It says his concert here is on February fourteenth, do you want to go?" Ilang months na lang din bago ang D-Day ng concert na iyon.
He didn't answer me and he just started walking, I followed him. "I'm still thinking about it."
"Why? Haven't you wanted to see him for a long time?"
"I do," he simply said.
"Then why are you still thinking about it? It's your waste if you don't go."
He sighed. "I'm fine with just listening to his songs."
"Eh?" I frowned. "Iba pa rin kapag nasa concert ka... Kung gusto mo, samahan kita? Let's go to his con. Two of us."
Nilingon niya ako, nagtatanong ang mga mata niya. Mukhang hindi niya pa maproseso ang sinabi ko. Nginitian ko naman siya para sabihing seryoso ako sa sinabi ko. Umiwas naman siya ng tingin sa akin.
"Hm-hmm... sure." Tumango siya.
Lumawak ang ngiti ko ngunit hindi ko iyon pinakita sa kaniya. Hindi ko inaasahan na papayag kaagad siya na pumunta dahil halata naman sa kaniya na kumbinsido na siya na hindi pumunta roon... Pero pumayag siya, kasama ako.
Nang nasa tapat na kami noong restaurant ay hinarap ko siya. "Are you sure you won't join us for dinner?" Inaaya ko siya kanina kaso ay may pupuntahan pa siyang mahalagang lakad.
He nodded. "Just enjoy the food. This restaurant... really met my tongue standards. Good choice," he said as he looked behind me, towards the restaurant.
"I'll see you at the concert then." I smiled at him, and he smiled back.
Tipid na tumango lang siya. "Don't think too much while you eat."
I frowned at what he said. "Ha?"
"I bought this suit and baby items 'cause I was chosen as Ninong. It's Ate Kirs baby," he said and I couldn't say anything. He just smiled a little before turning his back on me. "See you."
He left me like that, with a smile on my lips. I don't know, but when I found out what I thought was wrong, I seemed to have come back to life... My heart leaped with joy. Nahalata pa iyon ni Ate Carra habang kumakain kami.
When I came home, I lay in bed and felt as though I were in the clouds as I thought back on what had happened. Although I know what I'm doing is wrong... I just can't help but adore this feeling.
That's how I feel all the way to the office, while I'm making reports, while talking to those prospective investors, and while in meetings. Wala akong kamalay-malay na nasa loob na pala ng office ko si Ate Carra, pinagmamasdan akong nakangiti.
"K-Kanina ka pa ba diyan?" nauutal kong sabi. I immediately stood up and pretended to fix something on the table, I needed to feel less ashamed!
Lumapit siya at umupo sa swivel chair na nasa harapan. "Ikaw ah... Bakit feeling ko may tinatago ka sa 'kin?"
"A-Ako?" I'm trying not to show off but it's hard!
"Ay, hindi... alamang ako? Siya?" She pointed to the huge frame of this company's late CEO behind me. "Siyempre ikaw! Ikaw ah... siguro may alam ka na, 'no? Noong isang araw pa kita nakikitang pangiti-ngiti."
"Alam na ano?" I frowned and sat down again after organizing the papers on the table.
She looked at me with crossed arms and brows raised. "He will ask you to be his boyfriend... Si Prince!"
Hanggang sa pag-uwi ko ay iniisip ko ang sinabi ni Ate Carra. Malalim ang buntong-hininga ko habang kaharap ang kape. Nagtimpla ako para uminom niyon pero wala akong gana.
Si Prince... Ito ba iyong sinasabi niya na i-set ko sa date ko iyong unang week ng January? Ang pag-aakala ko ay para sa trip namin ang tinutukoy niya. Nakasanayan ko naman na hindi pa man malapit ang lakad namin ay siya pa ito ang mas nauunang magplano.
Hindi ko alam na, plano niya rin pala akong tanungin sa araw na iyon. Isn't that too sudden? Is he ready to commit to anything like this? He planned to ask me on that day, and I didn't know what am I going to answer.
Napalingon ako sa phone na nasa tabi ko noong maramdaman ko ang pag-vibrate nito. Malalim ang pagbuntong-hininga ko bago kinuha iyong kape at tinapon ang laman sa sink. Hindi ko pinansin ang tawag pero nang mag-ring ulit ito ay kinuha ko iyon at sinagot.
[Hello, sino po 'to?] tanong ng nasa kabilang linya.
Suddenly, my head began to heat up. I laughed sarcastically. "Baliw ka ba? Ikaw 'to ang unang tumawag tapos tatanungin mo kung sino ako?" Lately, I keep getting fraudulent phone calls and texts, so maybe he is another one of the scammers.
Narinig ko siyang tumawa at ibababa ko na sana ang tawag nang makilala ko naman kung kanino ang boses na iyon. Napaayos kaagad ako ng tayo at mabilis na nagtungo sa labas at umupo sa sofa. My spirits soon fired up, and I soon felt like my heart was racing. I was surprised when he called.
[This is Gino, Yshawn,] he said, laughing.
"I-I know!" I pretended to be annoyed. "Please end your jokes now. My day today wasn't fun for me."
[Hmm... Okay.] he said. [I'm sorry.]
"Bakit ka napatawag? Sa December pa naman ang con., ah?"
[That wasn't the reason I called.]
"Ano?" tanong ko. When I didn't hear his voice, I adjusted my seat. "If you have something to say, just say it now."
[Okay.] He even spoke briefly. He still didn't utter what he was going to say after a few seconds.
"Go ahead!" My patience is about to run out!
[A-Are you... are you free tonight?]
"Yes!" Take me anywhere, somewhere, just far away from here. Oh, I'm so lucky, someone just finally invited me out. I want to get out of this house, I'm getting more depressed in this place. Tumayo na ako paakyat sa kwarto para mag-ayos. "Pick me up at the park, I'll wait for you before eight."
[O-Okay.] Nauutal na naman siya.
I'm tapping my foot on the floor and checking the time on my phone second by second. Maya-maya pa ay natanaw ko na siya hanggang sa hininto niya ang motor niya sa harapan ko. Bumaba siya ng motor at naghubad ng helmet, mag-so-sorry pa sana siya nang nilgapasan ko lang siya.
Kinuha ko iyong spare helmet na dala niya at sinuot iyon. "Ano pang tinatayo-tayo mo? Take me out of this place! Quick!"
Kumilos kaagad siya at minaniobra ang motor. Tinanong niya ako kung saan ko gustong pumunta pero wala akong maisip. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin... Hinayaan ko na lang na siya ang magdesisyon.
Hanggang sa makita ko na lang na nasa tuktok na kami ng bundok kung saan mayroon ding kalsada na madadaanan. Pamilyar ang lugar dahil natatanaw ko pa iyong bulkan doon sa gitna ng dagat... Dinala niya ako rito sa Tagaytay.
Bumaba ako ng motor at tiningala ang pangalan nitong restaurant, the arch says it's a viewpoint restaurant. Pagkapasok namin sa loob ay mas lalo ko pang natanaw iyong bulkan. Kahit may kadiliman ay natatanaw pa rin naman iyon dahil sa buwan at mga ilaw sa paligid.
He placed the order, and all he did while we were eating was just staring at me. He immediately turned his attention to the food after I glared at him. Natutuwa yata siya na makita akong kumakain na parang walang bukas.
"Ang sarap..." naluluha kong sabi. At hindi ko naman mapigilang dumighay. Napalakas iyon kaya nakita ko siyang tumawa. Hindi ko magawa ang mga ganito! Sa tuwing dinner kasi ay dapat presentable at malinis akong tingnan dahil kaharap ko ang mga kilalang tao. Prince always takes me to dinner with people he knows, and they're all boring.
"D-Do you want to see the stars?" Nautal na naman siya.
"Oo, sige! Gusto ko 'yan!" I couldn't stop being happy and so was he.
Umalis na kami sa kubo matapos bayaran ang bill. Pinuntahan naman niya iyong counter para humingi ng upuan. Pagpabalik niya ay bitbit na niya ang mga iyon, at doon kami sa gilid ng puno umupo para magpalipas ng oras. Natatanaw ko ang buong lugar dito.
"Ang ganda..." namamangha kong sabi habang nakatingala sa langit. "Kitang-kita 'yong mga stars!"
"Due to light pollution of the cities, it hinders you from seeing the stars," he remarked unemotionally. "Now the lights are calm here, you can even count them."
"Wow..." I smiled and he did the same when we looked at each other.
"Do you see that one? The one next to the moon." He pointed to what he was referring to.
"Hmm..." I nodded and looked at him questioningly.
"When we were in high school, I called her, Starry." Natawa ako sa sinabi niya at nagtataka naman siya noong nilingon niya ako. Hindi pa rin pala talaga siya magaling pagdating sa pagbibigay ng pangalan... walang pinagbago. "Why?"
"That's the third ugly name that I've heard from you." And as far as I know, it's not a star, it's a planet. Siguro, hahayaan ko na lang siya sa pinaniniwalaan niya. I don't want to kill his imagination.
He just smiled and shook his head. "Starry, she was always next to the moon... Even after a few years she still never left. She was always watching the moon, so when I found out your Dad was hurting you..." Napatanga ako sa sinabi niya. He bowed and shook his head with a smile on his lips. "I cried and asked her to watch over you, too, and not leave you."
Nilingon ko siya at iksakto namang nakatingin na pala siya sa akin kung kaya ay nagtama ang aming mga mata. Ilang segundo rin ang lumipas bago ko pinutol ang tingin sa kaniya.
Hindi kami masyadong malapit sa isa't isa noong nasa high school pa lang kami. Iyon din iyong time na parati ko siyang tinataboy... Hindi ko alam na ganoon pala siya noon.
"But..." sambit ko.
"We weren't close then?" The corner of his lip tugged up. "I know... but for me, yes, I already feel close to you. No'ng tinulak mo 'ko sa imburnal, sa pagkonyat mo sa 'kin no'ng gusto kong bitbitin bag mo... 'yong iniirapan mo 'ko kapag nagkakasalubong tayo ng daan... Para sa akin ay walang pinagkaiba 'yon."
I just laughed softly at what he said. "Matagal na 'yon... everything has changed. Hanggang alaala na lang ang mga 'yon."
He nodded and he suddenly fell silent, after a while he sighed. "You're right. As we grow older... I also found that the thing next to the moon is not a star, it's a planet."
I was dumbfounded when I heard that from him. The absence of life can be heard in his voice. I thought he wouldn't know that.
"But even if it's not a star I know, the important thing is that it fulfilled my wish." Malawak ang ngiti niya habang naroon ang kaniyang mga mata.
Napaka positibo niya sa mga bagay noon pa. Ayaw ko ring ipagkaila na hindi siya naging mabait sa lahat ng oras. Simula pagkabata niya pala ay ibang tao na ang iniisip niya, napaka selfless.
Siguro kung hindi lang nangyari ang mga bagay na iyon sa pagitan naming dalawa ay malayo na ang narating namin, nang magkasama. Siguro ay hindi masisira ang tiwala ko sa kaniya, siguro ay... hindi ko pipiliing magbago.
"Is it true that time can change everything?" tanong ko habang nasa malayo ang tingin.
He hummed. "I think... not at all. It does nothing but watch and observe how things change."
He was right. There's a change at the end of whatever we do every moment. And we are also the reason why there is change if we choose it. After all, time does not change everything, it can, but some things, not all.
I chose to change for a reason, and it seems he chose to be stocked in time... But I don't know what the reason is.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top