Chapter 14 : Faint
Chapter 14 : Faint
"Tumigil ka na nga sa pag-iyak, mukha ka talagang ewan. Kanina ka pa umiiyak, hindi ka ba nahihiya?"
Umiling siya pagkatapos ay pinunasan ang luha niya. Kanina pa kami magkasama pero hindi ko pa rin alam kung bakit siya umiiyak. Kasama ko siya kanina nang kuhain ko 'yung cellphone ko sa classroom. Hindi ako nakasama sa palibreng ice cream ni Juo dahil kay Alas.
For some reasons, ayoko siyang iwanan na umiiyak. Hangga't hindi ko alam kung bakit siya umiiyak. Mukha pa siyang tanga kanina sa harapan ng school. Gusto ko ring malaman kung bakit ang daming galos ng mukha niya. Kung sinong gumawa sa kaniya no'n, kung saan niya nakuha ang mga pasa na nasa mukha niya.
"Sorry talaga Jen," aniya kaya automatic akong napa-cross arms.
"Kanina ka pa nagso-sorry, hindi ko naman alam kung anong kasalanan mo sa akin," sabi ko. Sa totoo lang, simula nang makita ko siya kanina sa tapat ng school, hindi ko na nabilang kung ilang sorry ang sinabi niya. Hindi ko maalala na may kasalanan siyang ginawa sa akin.
Muli akong napatingin sa harapan namin.
Nandito kami sa play ground malapit sa school. Naka-upo sa swing. Walang gaanong tao rito bukod sa mangilan-ngilang mga tao. Dito ko siya dinala nang makuha ko ang cellphone ko sa room. Sinabihan ko nalang din sila Juo na hindi ako makakasama dahil nag-alboroto ang tiyan ko, which is a very valid reason. Hindi na nila ako tatanungin pa, dahil as is na 'yon. No more further questions.
"Tama si Juo," aniya kaya bumalik ang tingin ko sa kaniya.
"Tama saan?"
"You don't deserve me," sabi niya kaya mas lalong kumunot ang noo ko. Nakatingin pa siya sa ibaba kaya mas lalo akong na-intriga.
"Anong kadramahan ba 'to? P'wede bang maging straight to the point ka na?" hindi ako sanay na nagkakaganyan ka.
Tumingin siya sa akin. "Ayoko ng sabihin pa sa'yo ang lahat. Nahihiya ako sa katarantaduhan ko. Basta, kung may sinabi man si Juo sa'yo, tama 'yon. Tama siya," sabi niya pagkatapos ay tumayo.
"Te-teka! Hindi ko maintindihan. Dadramahan mo ako tapos hindi mo naman sasabihin sa akin ang dahilan? It's a prank? Gano'n?" Inis kong saad.
Suminghap siya ng hangin. "Look, may kasalanan ako sa'yo. Pero ayokong ipa-alala pa sa'yo dahil nahihiya na ako. Alam kong may sinabi si Juo sa'yo tungkol sa kasalanan ko. And he's right about that," saad niya kaya napatayo na rin ako. Hindi ko kasi talaga siya maintindihan.
"Right about what? Linawin mo na kasi. Sabihin mo na, ano bang kasalanan mo? Bakit kanina ka pa sorry nang sorry. Bakit ang drama mo? Bakit ayaw mong sabihin sa akin kung anong tinutukoy mong tama tungkol kay Juo?" Sunud-sunod kong tanong. Kung hindi ko kasi itatanong sa kaniya, pakiramdam ko sasabog ang puso ko dahil wala akong maintindihan.
Malalim na buntong hininga ang ginawa niya bago siya sumagot sa tanong ko, "Juo's right about my bad motive to you. 'Yung incident sa tapat ng restroom. He's right about that," sabi niya.
Bahagyang kumunot ang noo ko bago nag-isip. Sa tapat ng restroom no'ng isang araw. 'Yung mahigpit niyang hawak, kasalanan niya 'yon? Kasalanan na ba 'yon?
Jen think deeper!
Juo's voice echoed in my head.
"Putangina. Buti hindi kita iniwan! Buti dumating ako! Paano kung hindi ako dumating kanina?! Baka kung ano nang nangyari sa'yo!"
Ang sabi ni Alas, tama si Juo. Hindi ko alam kung saan, pero kung ang tinutukoy niya ay 'yung hinala ni Juo tungkol sa masamang balak ni Alas sa akin no'ng isang araw...
"May... masama kang..." hindi ko alam kung paano sasabihin. Hindi ko naman kasi alam kung paano iisipin na si Alas, kaya akong gawan ng masama. Matagal ko na siyang kilala, never pa niya akong nasaktan.
Pero sa kaniya na mismo nanggaling, na may mali siyang binalak noong isang araw.
"I'm sorry Jen. Kaya kita gustong kausapin kahapon. Gusto kong magpaliwanag. Pero kahit saang anggulo man tingnan mali ako, alam ko 'yon," saad niya. "Jen, kaya kita nilalayuan kahapon ay dahil hiyang-hiya ako sa nagawa ko. Naisipan kitang gawan ng masama. Hindi kita masisisi kung hindi mo ako mapapatawad. But please, hayaan mo akong gumawa ng paraan para gumaan ulit ang loob mo sa'kin."
Nakatitig lang siya sa akin. Na para bang sorryng-sorry talaga siya sa nagawa niya. Kahit pa wala naman talaga siyang nagawa sa akin dahil dumating si Juo no'n.
Gusto kong mainis dahil pinagtangkaan niya ako ng masama, pero hindi ko magawa. I know that he's sincere. Nakikita ko 'yon sa mga mata niya. Gusto kong sabihin sa kaniya na buti nalang pala, nando'n si Juo no'ng araw na 'yon. Ano kayang nangyari sa akin kung wala si Juo?
Gusto ko siyang sampalin. Gusto kong magalit sa kaniya dahil tama ang hinala ni Juo. Gusto ko siyang awayin dahil inisip ko na mali ang lahat ng iniisip ni Juo tungkol sa kaniya.
Pero hindi ko magawa. Bakit hindi ko kaya?
Gano'n ba talaga kapag mahal mo 'yung isang tao? Handa kang magpakatanga sa kaniya kahit pa alam mong niloko ka na niya ng harap-harapan?
"'Wag ka sa'kin mag-sorry," saad ko. "Dapat kang mag-sorry kay Juo. Nagtiwala ang mga kaibigan ko sa'yo. Pero sinira mo ang tiwala ng isa sa kanila. Sinira mo ang tiwala ni Juo sa'yo. Pasalamatan mo na rin siya. Dahil kung hindi siya dumating no'n, malamang napatay ka na ng angkan ko ngayon," sabi ko.
Paulit-ulit siyang tumango. "Yeah, you're right. Juo saved you from me. I'm sorry," aniya.
"P'wede bang tigilan mo na ang kaka-sorry mo sa akin. Wala na tayong magagawa ro'n dahil nangyari na. Buti kamo wala ka talagang nagawang masama sa akin. Kundi, naku! Baka umuwi ng wala sa oras si Kuya Concon," sabi ko kaya bahagya siyang natawa. Dahil sa ginawa niya, sumakit ang pasa sa gilid ng labi niya.
"A-ah. Ang sakit," sabi niya habang hawak-hawak ang gilid ng labi niya.
Doon ko lang naalala kung gaano kasaklap ang itsura niya ngayon. "Napano ka pala? Bakit ang dami mong sugat at pasa? Nakipag-away ka ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Kahapon, hinintay kita sa kanto niyo," aniya. "Pero hindi ka naman dumating."
"Nakatulog ako pag-uwi ko sa bahay. 8pm na nang magising ako kaya tingin ko naka-uwi ka na no'n. Hindi na ako pumunta," sabi ko. "Teka, naka-uwi ka naman na no'n hindi ba?" Kabado kong tanong pero umiling siya.
"Naghintay ako hanggang madaling araw. Akala ko kasi galit ka sa akin kaya hindi ka sumipot. Ayun, nang paalis na ako, napag-trip-an ako ng mga tambay sa kanto. Kaya hindi ako nakapasok ngayong araw," pagkukwento niya.
Biglang kumirot ang isang bahagi ng puso ko.
"Sorry," sabi ko. "Sana pala pinuntahan pa rin kita. Akala ko naman kasi naka-uwi ka na."
Tumawa siya ng mahina. "Ano ka ba. Wala 'to. Hindi mo naman kasalanan kung naghintay ako do'n ng walong oras."
"Walong oras!?"
"Oo," natatawa niyang saad kaya mas lalong nalukot ang mukha ko. "O bakit ganiyan ang mukha mo?"
"Eh kasi, ang tagal mong naghintay sa akin. Pero ako, ayun. Tulog habang ikaw naghihintay. Nabugbog ka pa tuloy dahil sa akin," sabi ko bago yumuko.
"Wala nga ito. Hindi masakit," aniya kaya muli akong tumingin sa kaniya. Nakangiti siya kaya ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko.
"Hindi masakit?"
"Hindi."
"Talaga?"
"Talagang talaga."
"Promise? Hindi talaga masakit?"
Lumapit siya sa akin bago hawakan ang kamay ko. Nilapat niya 'yon sa mga sugat niya at pasa. "Hindi na talaga masakit. Promise," aniya pagkatapos ay ngumiti.
Owemji Jen. Why so rupok?
"Sige na nga. Naniniwala na ako," sabi ko.
Nanatili kami sa gano'ng posisyon, hanggang sa mag-ring ang cellphone ko.
"Sandali, sasagutin ko lang 'to," paalam ko kay Alas kaya binitawan niya ang kamay ko. Sinagot ko naman ang tawag. "Hello ma?"
[Jen anak! Umuwi ka na dalian mo!]
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Para kasing nagmamadali si mama. Para siyang balisa. "Ba-bakit po?" tanong ko. Napatingin ako kay Alas. Nakita niya sigurong worried ang itsura ko kaya tumaas ang kilay niya. Bahagya rin siyang lumapit sa akin.
[Si Kuya Denden mo! Bigla nalang nag-faint! Papunta na kami sa ospital ngayon. Walang tao sa bahay na maiiwan kaya tinawagan na kita. Dalian mo Jen!]
Hindi na ako nakasagot dahil binaba na agad ni mama ang telepono.
"Bakit daw?" agad na tanong ni Alas.
"Si kuya Denden daw, sinugod sa ospital. Nag-faint daw bigla," sabi ko. "Uuwi na 'ko," dagdag ko pa.
"Ihahatid na kita," sabi ni Alas kaya tumango nalang ako.
Nagmamadali akong maglakad.
Parang hinahabol ako ni Taehyung sa bilis kong maglakad--- hindi sa malanding way, pero sa tarantang way.
Bigla akong pinagpawisan ng malamig.
Ito yata 'yung kabang nararamdaman ko kaninang umaga. Baka ito na 'yung feeling ko na hindi ko maipaliwanag kaninang umaga. Finally! Mamamatay na si kuya Denden! Chos.
"Umuwi ka na," sabi ko kay Alas nang makarating kami sa tapat ng bahay. Tumango lang siya at ngumiti, pagkatapos ay umalis na rin siya.
Sobrang tahimik ng bahay. Hindi ko alam kung may tao pa sa loob.
Malibis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko kasi alam kung anong naghihintay sa akin sa loob. Para bang ang kakaiba sa feeling... parang...
"Surprise!"
Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat nang buksan ko ang pintuan. Para akong mamamatay sa gulat nang bumungad sa akin ang mukha ng isang lalaki. Nasa likuran niya sila Mama at Papa, pati na rin si Kuya Denden na parang walang interes sa nangyayari.
"Ku-kuya Concon!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top