Chapter 10 : Doubts
Chapter 10 : Doubts
Normal ba 'yon?
Kapag 'yung taong gusto mo 'yung kasama mo, iba 'yung pintig ng puso mo? Iba 'yung tumatakbo sa isip mo? Parang walang ibang tao sa paligid kundi kayong dalawa lang? Tapos parang may kung anong nagwawala sa tiyan mo?
Normal naman siguro 'yon hindi ba? Hindi naman siguro ako nababaliw?
"Jen, ang langaw pumapasok na sa bibig mo," sabi ni Yara kaya napa-blink ako sabay ayos ng upo. Napatitig din ako sa kanilang tatlo, lahat sila nakatingin sa akin.
Napatingin ako sa paligid ko.
Canteen.
Nasa canteen pa rin ako pero pakiramdam ko, lumabas na sa kalawakan ang utak ko. Normal lang din naman 'to 'di ba? 'Yung paminsan-minsang natutulala, iniisip kung normal lang ba ang nangyayari sa'yo.
Shuta. Feeling ko talaga nababaliw na ako.
"Jen! Uy!"
Sinamaan ko ng tingin si Juo dahil sa pagsigaw niya sa harapan ko. "Ano ba 'yon!?" Sigaw ko rin sa kaniya.
"Nagtatanong si Yana. Kanina ka pa tulala riyan. Hindi ka ba napapagod kakaisip sa kaniya?" ani Juo kaya bahagya akong napatingin kay Yana. Dedma ito at kumakain lang ng baon niyang biscuit. Si Yara naman, hinihintay ang sagot ko.
"Hindi ko naman iniisip si Alas. Bakit ko naman iisipin 'yon?" umirap pa ako bago kuhain kay Yana ang biscuit na kinakain niya. Pakiramdam ko kasi, alam nila na nagsisinungaling ako. Ayokong mabisto.
"Talaga lang ha?" Nakangising sabi ni Juo bago sila magkatinginang tatlo. Nagtawanan pa sila at alam kong ako ang pinagtatawanan nila.
"Sige. Tawa pa. Wala namang nakakatawa," sabi ko.
"Ikaw, nakakatawa ka. Wala naman akong sinabing pangalan kung sinong iniisip mo, binigyan mo naman ng pangalan. Tapos sasabihin mo, hindi mo naman iniisip. Ano 'yon random guess?" Natatawang sabi ni Juo kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hinagis ko pa sa kaniya 'yung plastic ng biscuit.
"Tse! Wala akong paki!" Sabi ko nalamang.
"Oh stop na. Sagutin niyo nalang ang tanong ko. Saan kayo magbabakasyon?" tanong ni Yana na nakabawi na mula sa pagtawa.
"Sa iloilo ako kami magbabakasyon ng family ko. Nando'n kasi ang mga kamag-anak namin," sagot ni Yara kaya hinampas siya ni Yana.
"Kung makapagsalita ka parang hindi tayo magkapatid. Akala mong ikaw lang kasama sa iloilo," sabi ni Yana kaya bahagyang natawa si Yara. "So ayun nga, sa iloilo kami maglalagi sa bakasyon. Tamang swimming, tamang bonding with the family. Tapos gala na rin sa mga museum at ancestral houses. Kayo?" ani Yana.
"Kung saan-saan siguro kami gagala. Uuwi kasi 'yung pinsan ni Papa galing abroad. Baka i-tour kami kung saan niya gusto. Balita ko Boracay o kaya Baguio ang gusto niyang puntahan. Hindi ako sure," sabi ni Juo.
"Ikaw Jen?" Tanong ni Yana.
"Baka sa Quezon kami magbakasyon. O kaya sa Puerto Galera kasi may ancestral house kami ro'n. Siguro isang buwan kami sa Quezon, tapos mga dalawang linggo sa Puerto Galera," sabi ko bago sila magtanguan.
Dahil sa tanong ni Yana, naalala ko nanaman si Alas. Tinatanong niya kasi ako noon kung pwede raw ba siyang sumama sa bakasyon namin. Wala naman talagang problema kung sasama siya, for sure papayag sila Mama dahil kilala naman na nila si Alas.
Pero baka hindi ko ma-enjoy ang bakasyon ko kapag kasama ko siya.
Hindi ako makakagalaw ng maayos. Baka palagi langa kong nakatingin sa kaniya. Baka palagi lang mabilis ang tibok ng puso ko dahil malapit lang siya sa akin. Baka hindi ko maramdaman ang pagiging masaya dahil sagap siya ng radar ko.
In short, baka kiligin lang ako sa buong bakasyon ko.
"Akyat na tayo. Time na oh," sabi ni Juo kaya tumayo na kaming tatlo.
Habang naglalakad kami pabalik sa classroom, may kung anong kinukwento sila Yana at Yara. Hindi ko masyadong maintindihan dahil nasa bakasyon ang isip ko. Ang alam ko lang, tungkol sa BTS ang kinukwento nilang dalawa. Hindi ko tuloy ma-enjoy dahil naiisip ko 'yung mangyayari sa bakasyon.
Kung sasama nga si Alas, kakayanin ba ng puso ko?
Shuta Jen. Bakasyon lang 'yan. Isipin mo nalang kapag nandiyan na.
Nakarating na kami sa classroom.
Maraming nagtatanong sa akin kung ano raw nangyari sa gawa ko. Kung natapos ko raw ba 'yung painting ko, at kung anong ipininta ko.
Alinman sa mga tanong na 'yon ay hindi ko sinagot. Ayokong sabihin sa kanila kung anong nasa painting na 'yon. Ayokong sagutin ang kahit alin sa mga tanong nila dahil hindi ako kumportable. Ayokong pag-usapan ang tungkol sa painting lalo pa't nakatingin sa akin ngayon ang dahilan kung paano ko nabuo ang pinta na 'yon.
Si Alas.
Buong klase namin, ramdam kong nakatingin lang siya sa akin. Hindi tuloy ako mapakali. Hindi ko alam kung bakit nakatingin siya sa akin, kung bakit niya ako minamasdan. Gano'n ba ako kaganda kaya palagi siyang nakatingin sa akin?
"Uy Jen, kanina pa nakatingin si Alas sa'yo ah. Baka pinagnanasaan ka na niyan sa isip niya," sabi ni Juo. Nakatingin siya sa teacher namin pero ako ang kausap niya. Ang galing talaga magpanggap na nakikinig siya.
Bahagya akong lumingon sa likuran. Nakita kong nakatingin nga si Alas. Para siyang tulala sa pwesto ko kaya agad kong iniwas ang tingin ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, this time hindi kilig ang nararamdaman ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung bakit.
"Ha-hayaan mo na siya. Nagagandahan lang sa'kin 'yan," tugon ko na lamang, pagkatapos nagsulat na ako sa notebook ko. Kahit hindi naman kasama sa lesson ang sinusulat ko.
"Ihahatid kita pauwi mamaya," sabi ni Juo, nakatingin na siya ngayon sa akin.
"Palagi mo naman akong hinahatid pauwi ah," sabi ko pagkatapos ay bahagya akong tumawa. Ang seryoso kasi ni Juo, sobrang seryoso to the point na kinabahan ako sa tono ng boses niya. Bakit bigla siyang naging gano'n? Ang weird niya.
"Feeling ko may hindi magandang mangyayari kapag hindi kita hinatid mamaya," aniya. Mahina ang pagkakasabi niya no'n. Para ngang sinabi lang niya sa sarili niya 'yon pero narinig ko pa rin.
Hindi na ako sumagot pa.
Itinuon ko ang atensyon ko sa lesson. Kahit sa totoo lang, iba ang nasa isip ko ngayon.
Kung bakit nakatingin si Alas sa akin sa buong klase. I mean, yes, sanay ako sa mga palihim niyang tingin sa akin kahit nasa loob kami ng classroom. Pero ngayon kasi, ibang-iba. Hindi na ata niya tinatanggal ang tingin niya sa akin. Hindi ako kumportable. Hindi ako kinikilig, seryoso.
Naisip ko rin kung bakit ang seryoso ni Juo. Kung bakit iba 'yung way ng pagsasabi niya sa akin na ihahatid niya ako pauwi.
May mali bang nangyayari na hindi ko alam?
O baka nag-ooverthink lang ako?
***
Uwian.
Hinintay ako ni Juo na mag-ayos ng mga gamit ko. Kami nalang ang naiwan sa loob ng room. Sila Yana at Yara, nauna na sa amin. Mamimili yata sila ng groceries ngayon dahil sinundo sila ni Tita Tina, ang mama nila.
"Bakit ba ang seryoso mo?" tanong ko kay Juo habang naglalakad kami pababa ng hagdan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tanungin siya.
"Akala mo naman ngayon lang ako naging seryoso," aniya bago kuhain ang bag ko. Dinala ulit niya 'yon na para bang obligasyon niyang dalhin 'yon. Bigla tuloy akong nahiya dahil pinamukha ko sa kaniya noon na hindi siya gentleman.
"Pero ngayon ka lang naging seryoso ng ganito. May problema ba?" nagdadalawang isip kong tanong.
"Don't mind me," aniya sa malamig na tono.
Anong problema niya?
Hindi nalang ako sumagot dahil nakakatakot 'yung pagiging seryoso niya. Lately talaga, nagiging weird 'tong si Juo. Parang hindi na siya si Juo na palagi kong kasama kapag tumatawa. Hindi na rin siya palakwento. Iniisip ko tuloy kung may kasalanan ba ako sa kaniya kaya ganito siya umakto.
Nang makababa kami sa ground floor, nagpaalam ako sa kaniya na magsi-CR lang muna ako. Nate-tense kasi ako sa cold treatment niya sa akin.
Sinabi naman niya sa akin na hihintayin nalang niya ako sa gate ng school kaya tumango nalang ako bago dumiretso sa CR.
Wala ng tao sa CR dahil uwian na. After kong umihi, naghugas na ako ng kamay.
Paglabas ko sa CR, tumalbog ang puso ko dahil bumungad si Alas sa harapan ko. Nakangiti ito sa akin kaya alanganin din akong napangiti sa kaniya.
"Alas? A-akala ko nakauwi ka na," sabi ko.
"Hindi pa. Hinihintay talaga kita. Ihahatid na kita pauwi," aniya kaya bahagyang kumunot ang noo ko.
Ihahatid ako ni Alas.
Ihahatid niya ako?
Ilang beses palang niya ako nahatid pauwi simula nang manligaw siya sa akin. Hindi niya ako inihahatid pauwi dahil palagi siyang pinagti-tripan ni kuya Denden. Ako ang nagsabi noon na 'wag na niya ako ihatid pauwi. Kasabay ko naman palagi si Yana at Yara.
Pero bakit... ang weird sa pakiramdam.
Ihahatid niya ako pauwi, anong big deal do'n?
"Tara na?" aniya bago hawakan ang braso ko.
"A-ah Alas. Ang sakit," daing ko. Ang higpit kasi ng hawak niya sa akin.
"Jen." Napalingon ako sa nagsalita. Si Juo. "Ang tagal mo naman umihi," aniya bago ngumiti sa akin. Napatingin din siya kay Alas pero nanatili siyang nakangiti.
"J-Juo," ani Alas.
"Akala ko nakauwi ka na 'tol. Kayo ha. Lampungan sa loob ng CR?" Sabi ni Juo habang nakatingin sa kamay ni Alas na nakahawak sa braso ko. "Sorry 'tol pero kailangan ko na iuwi si Jen sa kanila. Nag-text kasi mama niya sa'kin. Kailangan na raw umuwi ni Jen. May pupuntahan daw sila ngayon," sabi ni Juo kaya napakunot ang noo ko.
Wala namang sinabi ni mama sa akin na aalis kami ngayong araw.
Nagsisinungaling ba si Juo?
Naramdaman kong lumuwag ang hawak ni Alas sa akin. "Si-sige," sabi niya.
Hinatak na ako ni Juo. "Una na kami. Bye," madiin na sabi niya bago kami lumayo kay Alas.
"Nag-text s-sayo si mama?" Agad kong tanong pero 'di niya ako pinansin. Ang bilis at lalaki ng mga hakbang niya kaya halos tumakbo na ako. Hindi ko alam kung bakit ganito siya umasta, pero seryoso na ulit ang mukha niya. "J-Juo," pagtawag ko sa pangalan niya pero hindi niya ako nilingon.
Nakalabas na kami sa school gate nang bitawan niya ang kamay ko.
"Juo! Ano ba talagang nangyayari sa'yo!?" Sigaw ko rito, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.
Lumingon siya sa akin.
Natakot ako sa itsura niya. Galit na galit at para bang sasaktan niya ako.
"Putangina. Buti hindi kita iniwan! Buti dumating ako! Paano kung hindi ako dumating kanina?! Baka kung ano nang nangyari sa'yo!" Sigaw niya kaya bahagya akong napa-atras. Galit na galit siya.
"S-si Alas 'yon. W-wala siyang gagawing masama s-sa akin," sabi ko.
"Alam kong ramdam mo na may mali kay Alas," mahinahong sabi ni Juo. "Sana nga mali lang ang mga hinala ko," aniya pa bago maunang maglakad.
Hinala?
Anong mga hinala?
Naguguluhan ako.
--
An : ako rin naguguluhan. Haha. The story's twist starts here. Malay niyo psychopath si Alas. Jonks. Haha. Thanks for reading! Mahaba ang chapter na 'to kaya sorry sa mga tinamad magbasa. Ang bilis ko magupdate, baka bumagal sa mga susunod na araw. Haha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top