KABANATA 7
In life you need to feel pain, in able for you to grow as an individual...
GOLD’s words echoed on Amber’s mind. Paano nangyari ’yon? Malakas ang kapit ng pamilya ni Cristlyn. Isa din ito sa mga stockholders, her mom is the president in SSG...so how come?
I still can’t believe that Cristlyn Fuentabella is no longer in this school...
Dapat masaya siya dahil wala nang mangbubully sa kaniya, pero hindi niya pa rin maiwasang mag-alala. After all of what Cristlyn has done to her, she never feels mad towards her. She knew there’s always a reason why she’s like that, she just doesn’t want to meddle.
Every person had a reason behind those emotions, actions they showed us. Sometimes, we prefer to pretend than to show our true emotions to other’s.
Maybe we’re just insecure. What if they didn’t care? What if...there are so many what-ifs. But the truth is we’re just scared. Scared, that maybe they didn’t give a damn. Scared about what will be their reactions. Scared to tell them the truth. Scared of so many things. Until we forget that there is a person who sees us, cares for us, and loves us.
It was easy to say things, but it’s hard to do.
Base on what Goldy told her. May nakabangga na malaking tao si Cristlyn. Hindi nito nagustuhan ang ginawa nito and the next thing everyone knew.
Cristlyn was kick-out.
Dahil sa napakalalim ng iniisip ni Amber, hindi niya namalayang may makakabangga siyang ginang na nagmamadali sa paglalakad. Kakalabas lamang nito sa restaurant habang busy sa bag na dala-dala, kaya hindi din siya nito nakita.
Nahulog ang mga gamit na dala ng ginang kaya dali-dali niyang pinulot ang mga ito at paulit-ulit na humingi ng tawad habang nakayuko.
Ba't ba palagi na lang akong nakakabangga?
Nang matapos na siya sa pagpulot, tsaka niya lang inangat ang kaniyang tingin at bumungad sa kaniyang ang isang ginang na nasa mid 50's ang edad pero makikita pa rin ang taglay na kagandahan.
She has this black shade of eyes na nakatitig, pabalik sa kaniya. Parang napako sa kinatatayuan ang ginang habang nakatitig sa kaniya na tila may inaalala.
Dahil sa awkwardness na nararamdaman tumikhim siya at ngumiti ng kaunti bago nagsalita, "Sorry po talaga ma'am, hindi po kasi ako tumingin sa daan. Sorry po."
Napaawang ang labi ng ginang at unti-unting napangiti. Hindi mababakasan ng galit o inis ang mukha nito, tanging kasiyahan lamang.
"Sorry iha, did I scared you? It's just that, you rem-"
"Mom!"
Isang baritonong boses ng lalaki ang tumawag sa ginang, na nagpakunot ng noo ni Amber. Nang makita niya ang buong mukha, hindi niya maiwasang mapanganga dahil sa kagwapuhan nito.
Hindi lumilingon sa kaniya o sabihin na nating hindi siya nito napansin, nagsalita ito using his British accent, "I've been finding you for hours, I thought you'll be missing again. What do you think father will do, again? You scared the shit out of me, mother."
Ngayon niya lang din napansin na may pagkakahawig pala ang dalawa. The only difference is their eye's colors. The guy has a gray shade of eyes, it's like he's luring you to stare back at him. While the ma'am, which she bet is his mother based on how he called her, has those two pairs of black eyes.
Napakunot ang noo ng lalaki nang dumako ang tingin nito sa kaniya. Tila pinag-aaralan ang kaniyang mukha. She looks cute with those glasses, hmm?
Kumurap ng ilang beses si Amber at yumuko dahil sa hiyang nararamdaman na nagpangiti sa huli, na nakita ng ginang. Nakakahiya!
Nanliliit ang matang tumingin ang ginang sa anak, bago bumaling kay Amber na ngayon ay nakayuko pa rin.
"Iha-"
"Ma'am-"
Napaangat ang tingin ni Amber sa ginang dahil sa pagkakasabay nila at napakamot sa gilid ng tainga.
"Sorry po-"
"It's ok iha, are you in a rush?" pagputol nito sa kaniyang sasabihin, sabay tanong habang nakangiti.
Doon lang naalala ni Amber ang kaniyang pakay. Pero dahil sa mga iniisip nakalimutan niyang pupunta pa siya sa kaniyang trabaho, which is ang nilabasan na restaurant ng ginang. Tiningnan niya ang lumang orasan sa kaniyang bisig at nakitang five minutes nalang, ay late na siya. Kaya ngumiti si Amber sa ginang at nagsalita, "Ahm, I'm going to my work po. Sorry po talaga kanina ma'am, titingin na po ako sa daan sa susunod. Sorry po. If you don't mind po, pwede po bang mauna na po ako sa inyo?"
Tumawa ang ginang dahil sa kaniyang sinabi na mas lalong nagpakunot ng noo sa lalaki.
"Again, it's ok iha. Just be careful next time," tiningnan nito ang kaniyang anak na kanina niya pa napapansin na nakatitig sa dalaga at tinawag. "Rhyle, you okay?"
"Yes mother," sagot nito ng hindi iniiwas ang tingin sa dalaga.
"I'll go ahead na po," paalam ni Amber.
"Sure, take care darling," with that cue Amber walk away. "By the way you can call me Mrs. Dawson. Ciao!" pahabol na sigaw nito at tuluyang tumalikod paalis kasunod ang anak.
"Did she did something on you-"
"No my son." sagot nito at bahagya pang tumawa. Sabi na nga ba, mag-aala-father din ito. Like father like son nga naman, masyadong protective, "Did you also see it? She really reminds me of someone close to me."
"Yes mother, if only she's here," he replied looking up at the sky, as well as tears starts falling from his eyes.
"It's ok son, we'll find her. We'll see her," paulit-ulit niya itong sinabi hanggang sa tumahan ang anak habang yakap-yakap. Lord, please keep her alive and safe wherever she is.
SAME scenario but different situation. Hindi pa tuluyang nakakapasok sa bahay si Amber, nang marinig niya ang malakas na sigawan ng kaniyang mga magulang.
This is the first time she heard her parents arguing on something. Hindi niya alam kung ipagpapatuloy ba niya ang pagpasok dahil sa lakas ng sigawan nang mga ito. Ayaw niyang madagdagan ng panibagong pasa at sugat ang kaniyang katawan na nabugbog kagabi, dulot ng labis na sakit. Kaya mas minabuti niyang pumasok sa bahay gamit ang likod ng kanilang tahanan, na maghahatid sa kaniya sa kanilang kusina.
Pagkapasok niya sa kusina. Binitawan ni Amber ang kaniyang bag na dala at kumuha ng tubig dahil sa uhaw. Papaalis na sana siya nang makita niyang may nakatakip na pagkain sa lamesa. Binuksan niya ito at nakitang may pagkain. May kaunting ulam na kaniyang paborito at rice na nakasandok.
Hindi na sana niya ito gagalawin at tatakpan nalang, nang mag-alburuto ang kaniyang tiyan sa gutom. Oo nga pala, hindi pa siya kumakain ng hapunan. At mag-aalas-nuebe na din nang gabi, tiyak na magkakasakit siya kapag hindi siya kumain. But who cares?
Disregarding her thoughts. Umupo siya at nagsimula ng kumain. Sarap na sarap siya sa kaniyang kinakain ng marinig niya ang isang malakas na pagkabasag, na sinundan ng malakas na sigaw at kalabog.
Losing her appetite, she gets up and starts to wash the dishes. Napapikit ng mariin si Amber at hindi maiwasang mapahikbi ng mahina. Binilisan niyang tapusin ang ginagawa dahil hindi niya kayang marinig na nag-aaway ang kaniyang mga magulang.
Pagkapasok niya sa kaniyang kwarto, nagbihis siya at inayos ang kaniyang mga gamit para sa eskwela.
Sa dami nang nangyari ngayong araw hindi niya alam kung anong gagawin. Tila hindi pa maproseso ng maayos nang kaniyang utak ang mga nangyari at matanggap. Hindi niya akalain na sa loob ng isang araw sasakit ang kaniyang ulo sa kakaisip ng mga imposible at posible na bagay. Kailanman hindi niya naisip na hahantong sa ganitong sitwasyon ang kaniyang buhay. Paano pa kaya kung may mas lalala pa nito? Kaya pa kaya niya? Makakamit pa kaya niya ang mga pangarap na gusto niyang matupad? Kasiyahan, pagkatapos ng lahat nang sakit. Kailan kaya? All we need to do is pray and trust him. Always remember, there's a reason kung bakit nangyari sa iyo ang isang bagay. Just trust in Him and worship Him.
Dala sa pagod, nakatulog si Amber habang yakap ang kaniyang unan na may bahid pa ng luha.
Ang akala'y hindi na dadalawin nang bangungot at sakit. Ala-alang hindi alam kung totoo ba o hindi. Sakit na nagsimula sa nakaraan, walang kamuwang-muwang na bata sa mga pangyayari ang magigising.
Ano kaya ang kaniyang susundin. Ang sinisigaw ng kaniyang utak na minsan ay naisipan na ding sumuko o ang itinuturo ng puso na minsan din ay nadurog?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top