Chapter 35: Napoleon-Gone-Wrong
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains content that might be troubling to some readers, including, but not limited to, depictions of and references to death, self-harm and suicide, graphic violence, sexual assault, strong language and more.
Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
ALISTAIR IS still alive, but he lost consciousness again after directing our attention to the wounded cat. The back of his head was bleeding. Kailangan niya nang maidala agad sa ospital.
Freya is also alive, but she was not moving. Mabilis ko siyang ikinalong sa aking mga bisig. She was breathing deeply as she tried to cling to her dear life. Kailangan din niya ng agarang medikal na atensiyon.
"Just hang on, Freya!" I whispered in her ear as a teardrop fell on her furry face. She wanted to meow, but she could not. She was stabbed somewhere in the belly. Sinubukan kong pigilan ang pagdurugo gamit ang aking panyo.
Thanks to Jamie calling the hospital, mabilis na dumating ang tatlong paramedic sa clubroom. Maingat nilang binuhat si Alistair at inihiga sa dala-dalang stretcher. Hindi pa rin tumitigil ang pagdurugo ng kaniyang ulo.
"Someone hit him with a blunt object," sabi ni Loki habang pinanonood na buhatin palabas ng kuwarto ang clubmate namin. "I've known Alistair as an alert person. Whoever attacked him must have caught him off guard."
"But who would do such a thing?" bulalas ni Jamie. She wiped her tears using a handkerchief. "Alistair's a good guy! Bakit gagawin 'to sa kaniya?"
Our club president turned in my direction, his eyes fixated on our wounded cat. Bakas sa mga mata niya ang lungkot habang hinahaplos ang ulo nito. "Whoever did this to you and Alistair, I'll never forgive that person."
Sunod na dumating ang tinawag naming taga-veterinary clinic. Maingat nila siyang kinuha mula sa mga braso ko at ipinasok sa isang carrier. Ipinaubaya ko na sa kanila ang kaligtasan ni Freya. She shot me one last glance before completely closing her eyes.
I hoped that they would both make it in time.
The atmosphere in the clubroom became depressing. The pool of the blood remained on the floor. Umupo kaming tatlo at ilang minutong natulala sa pader. Just half an hour ago, everything was calm and peaceful. The five of us were complete—Freya included. Now, two of us were fighting for their lives.
But why? Why would someone attack Alistair in our very own clubroom? Nagkamali ako. I should not have let him leave noong sinabi niyang may babalikan siya rito. If I had insisted on him to come with us to the station, he would not have been hurt so badly.
I felt guilty. Something heavy in my chest was giving me an uneasy feeling. Ito na ba ang bagyong nasambit ni Luthor kanina? Did he know that something untoward would happen to one of our own clubmates?
Namayani ang katahimikan sa clubroom, wala ni isang gustong kumibo sa aming tatlo. Loki was tapping his fingers on the table. Jamie was biting her fingernails, her legs fidgeting. Ako nama'y naghihintay ng text message o tawag mula sa ospital at clinic. I wanted to know if those two made it. Hindi ako makahihinga nang maluwag hangga't hindi ko nalalaman.
"Eh?" Kumunot ang noo ni Jamie. Itinuro niya ang corkboard sa tabi. "The pinned photos are missing. Look!"
Sabay na nabaling doon ang tingin namin ni Loki. Kung kanina'y may apat na retratong naka-post, ngayo'y wala na ni isa.
"Nabawasan ng tatlong folder ang mga nandito." Sunod na itinuro ng kasama namin ang mga file sa mesa. "Hindi ako puwedeng magkamali. Something's off with the arrangement of this room!"
"Is that so?" Napatayo si Loki, isa-isang binuksan ang mga folder doon. He was on fire again, but not because of excitement to solve the case. Magkahalong determinasyon at galit ang nakita ko sa mga mata niya. "Whose photos are missing?"
"Luthor Mendez, Rye Rubio, and Cedric Castillejos," sagot ni Jamie. "Meron ding photo ni Inspector Morales sa bandang dulo."
"Did you talk to the three of them?"
"Al assigned one suspect to each of us," paliwanag ko. Nanginginig pa rin ang aking mga kamay. "Pinuntahan namin ang tatlo at tinanong kung meron silang alibi kanina. Ako ang nagtanong kay Luthor, si Al ang kay Rye, habang si Jamie ang kay Cedric."
"Rye and Cedric have an alibi," dagdag ni Jamie. "May kasama silang CAT officers na nagsabing never silang umalis sa kanilang tabi sa kasagsagan ng evacuation."
"Only your brother doesn't have an alibi." Inobserbahan ko ang mukha ni Loki, naghihintay ng reaksiyon niya pagkasabi ko n'on. Walang kahit anong pagbabago. May halong galit pa rin ang itsura niya.
"Luthor isn't capable of harming anyone physically. That's not his style. Say what you want about him, but he won't try to frame me up. Only a fool will, but he isn't a fool."
"Do you think isa sa kanila ang umatake kay Al?" tanong ko. "Kung wala sa kanila, bakit pakikialaman ng attacker ang mga file natin? Our list must be correct."
"Let's cross my brother off the list. The inspector, too. He was in the station the entire time I was being interrogated. Unless he teleported from there to here, he couldn't have hit Alistair and hurt Freya."
"So it's between Rye and Cedric—" Napatakip ng bibig si Jamie, bahagyang nanlaki ang mga mata. "Teka, 'di ba si Al ang nagtanong kay Rye kung meron siyang alibi? What if pumunta siya rito sa clubroom para nakawin ang files natin? Hinintay niya tayong umalis bago siya pumasok. Kaso 'di niya alam na babalik ang kasama natin dito!"
Rye Rubio fit the physical description of the Bastien copycat. Noong hostage-taking incident sa gymnasium, siya mismo ang nagpatumba sa isa sa mga armadong lalaki. May katangkaran din siya, halos kasing-takad ng kababata ko. If he and Alistair would engage in a one-on-one hand-to-hand combat, he probably had a chance of putting up a good fight.
But something did not make sense.
"Rye has made it clear to me that he's our ally, like Margarette and Sir Morayta," sabi ko. "I don't think he has any connection with Moriarty's organization. And remember, meron siyang alibi."
"Don't forget that he's an execom member, the second highest student organization!" kontra ni Jamie. "Puwede niyang utusan ang CAT officers na mag-testify para sa kaniyang alibi!"
"No."
Pareho kaming lumingon kay Loki. Muli siyang umupo, sumandal sa upuan, at ipinagdikit ang dulo ng kaniyang mga daliri. Medyo napakalma na niya ang sarili.
"What do you mean by no, Loki dear?" Nakapamaywang na tanong ni Jamie. "You don't think that Rye Rubio is the Bastien copycat?"
Mabagal siyang umiling habang nakatitig sa blangkong corkboard. "All suspects are in the position to ask anyone to lie for them. Thus, they can claim alibi around the time that the crime was committed."
"Who is it then?" tanong ko.
Nagawi ang kaniyang tingin sa amin. "Before Alistair lost consciousness, he gave us a clue to the identity of his attacker."
Sinubukan kong alalahanin kung may naibulong na clue ang kababata ko. But no matter how hard I tried to recall, wala akong natandaan. He only pointed at Freya. Wala rin siyang iniwan na kahit anong scribbles sa sahig.
"Enlighten us please, Loki dear!"
"What did he do before he passed out?" Mula siyang tumayo at naglakad sa palibot ng mesa.
"Itinuro niya si Freya." 'Yon ang tanging natandaan ko. "Ano'ng meron sa kaniya—"
Nanlaki ang mga mata ko nang aking napagtanto ang clue na itinutukoy ni Loki. I was wrong . . . Alistair was not just directing our attention to our injured pet. He was pointing at a hint!
"Uy, bakit parang kayong dalawa ang nagkakaintindihan?" padabog na tanong ni Jamie. "Isali n'yo naman ako para hindi ako ma-out of place!"
Sumulyap ako sa kaniya. "Freya is our club cat, remember? A cat!"
"Cat is spelled as C-A-T, obviously. Alistair was trying to tell us that a CAT officer attacked him," paliwanag ni Loki. "Bastien copycat is none other than the corps commander."
"Pero meron siyang alibi—"
"He's the boss of their organization," agad na putol ng club president namin sa sinasabi niya. "He could have asked his cadets to lie for him. His officers follow orders without question. They wouldn't want to disobey him."
"Nakapasok din siya kanina sa clubroom natin no'ng pinababa niya tayo," dagdag ko sabay tingin sa malinis naming board. "He must have seen the photos on the corkboard and the folders on the table. Malamang na-curious siya sa progress ng imbestigasyon natin."
"He was probably alarmed no'ng nagtanong ako sa kaniya kanina." Napahawak si Jamie sa baba niya, nagawi sa ibaba ang tingin. "Binalak siguro niyang nakawin ang files natin kaso nadatnan niya si Al dito sa clubroom. 'Tapos . . ."
"CAT officers are also physically strong," komento ni Loki. "They train their bodies every day with push-ups and other exhausting activities. Frederick can match Alistair's strength. Now that we've identified him, why don't we pay him a visit?"
"Now na?"
"It's about damn time to close this case once and for all. For Alistair and Freya, and the other victims. Lorelei, don't forget your stun pen. It may come in handy."
Kinuha ko mula sa aking bag ang gadget na likha ni Herschel at ibinulsa 'yon. Kapag nagkaroon ako ng opportunity mamaya, agad ko itong itatarak sa leeg ng corps commander. He would pay for what he did to my friend and Freya.
Nang handa na kaming tatlo, lumabas na kami ng clubroom at nagmadaling bumaba ng hagdanan. Dahil nakapunta na si Jamie sa office ng mga CAT officer kanina, she led the way. Seryoso ang mga mukha namin. Habang papalapit kami, lalong lumakas ang bawat kabog sa dibdib ko.
I hoped that everything would be all right.
We stopped in front of the door that bore "CAT OFFICE" sign. Loki held the knob and turned it, but the door did not budge. Lumingon-lingon muna siya sa paligid bago napaupo. Inilibas niya ang kaniyang lock picking kit at kinalikot ang key cylinder ng pinto. Mabuti't wala masyadong dumaraan sa part na ito kaya walang nakapansin sa ilegal niyang ginagawa. It took him only a few seconds before we heard a clicking noise. He pushed the door and it swung inward.
To our surprise, a tall guy with crew cut hair and muscular build was waiting for us inside. His back was turned to us. Dahan-dahan siyang humarap sa amin, may nakapintang ngiti sa kaniyang labi.
So this guy hurt Al and Freya? Nagawa pa talaga niyang ngumiti sa amin na parang wala siyang atraso.
"You're from the QED Club, right?" bati niya sa amin. "May mga tanong pa ba kayo tungkol sa alibi ko kanina? At bakit tatlo na kayo ngayon?"
Ipinasok ko ang aking kamay sa bulsa at mahigpit na hinawakan ang stun pen. Lalo pang lumakas ang kaba sa aking dibdib at namawis ang mga palad ko. This was the same intense feeling when we confronted the late Officer Montreal at the abandoned building.
There was no doubt in my mind. The guy standing before us is the Bastien copycat.
"Drop the act now, Frederick," Loki spat the name—though incorrect—like poison. May pagbabanta sa tono niya, pero tila walang epekto 'yon sa kaharap namin. "We know you're behind the recent incidents on campus. It's only a matter of time before you get caught."
Napalunok ako ng laway at lalong hinigpitan ang aking hawak sa stun pen. Halos bumaon na ang mga kuko ko sa namamawis na palad. Basta magkaroon ng opening, patutumbahin ko na agad ang lalaking 'yon. Just one small window of opportunity. For Al and Freya.
"Cedric, not Frederick," pagtatama ng corps commander sa kaniya. Umupo siya sa mesa. "Sinagot ko na ang tanong ng kasama n'yong babae rito. Meron akong alibi no'ng nasaksak si—Ano nga ulit ang pangalan niya?—Ah, Monica Segundo!"
"We both know that's not true. Your alibi is a lie. Your underlings are ready to lie for their commander, aren't they?"
Napahawak si Jamie sa kaliwang braso ko, may bakas ng takot sa itsura at boses niya. "S-Something's wrong. Masama ang pakiramdam ko rito. Maybe we should retreat for now?"
"Don't worry," bulong ko. Once I hit that guy with my stun pen, the threat would be neutralized. Tamang timing ang kailangan ko. Isang metro lang ang layo niya sa akin. Either ako o siya ang kailangang lumapit.
"Inaakusahan mo akong namemeke ng alibi. Pero nasaan ang ebidensiya n'yo? Nakita ba ang fingerprints ko sa icepick na ginamit bilang panaksak? O baka circumstantial evidence ang hawak n'yo? Tama ba ako?"
Kumuyom ang mga kamao ni Loki. Nanginginig ang mga 'yon, nangangati na sigurong ipatama sa mukha ni Cedric. Pero alam niyang hindi siya mananalo sa mano-manong labanan. If only Alistair was here, we could stand a chance against the Bastien copycat kahit walang tulong ng stun pen.
"We usually surrender suspects to the police." Sinubukan niyang manatiling kalmado. "But just this once, I'll make an exemption. Tell me everything you know about Moriarty's organization. Only in that way you can redeem yourself."
"Moriarty?" Biglang natawa si Cedric, sandaling yumuko ang ulo niya. Tumayo siya para lumapit sa amin. "For the sake of argument, sabihin na nating may koneksiyon ako sa kaniya. Bakit ko ibubulgar sa inyo? Do you take me for a fool?"
He's within my reach! Habang abala siya sa pakikipagsukatan ng tingin kay Loki, mabilis kong inilabas ang stun pen at umabante. Handa na akong itarak ito kay Cedric. Malapit na siyang tamaan ng tip nito . . . nang bigla akong napahinto.
"Ugh! Ugh!"
May nagtakip ng ilong at bibig ko mula sa likuran. Kakaiba ang amoy galing sa panyo. Nakahihilo. Nakasusuka. My senses began to blur. I was so focused on Cedric that I failed to notice someone springing from behind me. Napansin kong sky blue rin ang uniporme ng mga humahawak sa akin at kay Jamie, tulad sa kanilang corps commander.
It's a trap!
Pinilit naming magpumiglas, pero masyadong madiin ang pagkakatakip sa aming ilong. Jamie was the first to pass out. Loki tried to fight off the guy behind him, but the effect of whatever chemical was in the cloth kicked in.
"Inasahan ko nang pupuntahan n'yo ako rito," sabi ni Cedric nang tumalikod siya sa amin. "You're the prestigious QED Club after all. Mabuti't nakapaghanda kami sa inyong pagdating. Better luck next time, if there will be any."
Unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko at umikot ang aking paningin. Pinilit kong labanan ito, pero masyadong matapang ang chemical.
I gave in to the darkness. I let it cradle me in its cold arms.
"AAAAH!"
Napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga sa malamig na sahig. Was it just a dream that Alistair and Freya were hurt? That Loki, Jamie, and I fell to the trap of that b*stard Cedric?
No, it's not. Everything that happened was real. But I wished that this was just a horrible nightmare.
Pagdilat ng mga mata, inilibot ko ang aking tingin sa madilim na paligid. Mukhang nasa lumang gusali kami na inabandona na. Maalikabok, butas-butas na ang mga kisame, may crack ang mga pader, at nakakalat ang malalaking tipak ng bato sa sahig. Tanging ang liwanag mula sa maliit na butas ng bubong ang dahilan kaya nakikita ko ang mga bagay rito.
Nakahiga si Jamie sa aking kaliwa. Sinubukan ko siyang hawakan para gisingin, pero nakagapos pala ang aking mga kamay. Pati ang mga paa ko, nakagapos din.
Nabaling ang tingin ko sa kanan. Wala si Loki sa aking tabi o kahit saan sa kuwartong kinalalagyan namin. Saan siya dinala? Nasa campus premises pa rin ba kami? Bakit kami nandito?
"Jamie, gising! Jamie!" bulong ko. We got no time to waste. Kailangan naming makaisip agad ng paraan kung paano makatatakas dito.
"Where are we, Lori?" tanong niya nang nagkamalay na siya. Her eyes were half-closed as she panned her head. "Bakit ang dilim dito? Nasa'n ba tayo?"
"I have no idea. It looks like an abandoned building."
"N-Nasaan si Loki dear?" Bumalikwas siya mula sa pagkakahiga at tuluyang nanumbalik ang kaniyang kamalayan. Her eyes were wide open, searching for our missing club president. "Bakit wala siya rito?"
"Baka nakatakas siya o kaya dinala siya sa—"
"AAAAH!"
Halos napatalon kami sa gulat nang narinig namin ang malutong na tunog ng paglatigo at ang malakas na pagdaing ng isang lalaki. Bigla akong kinutuban. Posible kaya na ang sigaw na 'yon ay—
"AAAAH!" Muling umalingawngaw ang pagdaing ng lalaki. Hindi ako maaaring magkamali. Kay Loki ang boses na 'yon!
"L-Loki dear, ikaw ba 'yan? Loki dear, please sumagot ka!" Pinilit ni Jamie na umusad sa maduming sahig para malapitan ang pintuan sa harapan namin. "Please don't hurt my Loki dear! Don't do him any harm!"
Lumikha ng kaluskos ang pagbukas ng pinto. We gasped as we saw Loki hanging by a rope. Nakatali ang mga kamay niya at idinuduyan ang kaniyang katawan na walang saplot na pang-itaas. Kahit ilang metro ang layo namin, napansin ko ang marka ng mga latay.
My goodness! What have they done to him?
"LOKI?!" sigaw ni Jamie na sinabayan niya ng paghagulhol. If only she could run to him, she would have already. Kaso nakagapos ang mga paa niya gaya ko. "Please don't hurt him! Nagmamakaawa ako sa inyo!"
I wanted to yell at those bastards who hurt him, but the words got stuck in my throat. Sa pangatlong pagkakataon ngayong araw, halos nadurog ang puso ko. Hindi ko maintindihan. Cedric is one of Moriarty's minions. And the mastermind's golden rule was Loki shall never be harmed! Paano niya nagawang saktan ang kasama namin?
The devil stood before our club president, grinning at us. May hawak-hawak siyang latigo na muli niyang iwinasiwas sa walang kalaban-labang lalaki sa kaniyang harapan.
"AAAAH!"
"PLEASE STOP!" sabay naming sigaw ni Jamie. We could not stand hearing the cries of our dear club president anymore. He was not supposed to be harmed! What was Cedric doing? He was not supposed to be harmed!
Lumapit ang isa sa mga kasamang CAT officer ng demonyong nakangiti kay Jamie. I got a vague vision of what transpired in their office, but I recognized the face of that accomplice. Sinakmal niya ang panga ng katabi ko at iniangat ang ulo.
"Huwag kayong masyadong maingay, ha? Nagwa-warm up ang boss namin."
"P-Pwease! Pakawawan n'yo na si Woki! He doesn't desewved this tweatme—KYAAA!"
The bastard groped her breasts. Her moans must be music to that person's ears. Darn it! Naiinis ako sa sarili ko. Without the stun pen, I was useless. Kung sanang hindi nakatali ang mga kamay ko, sinapak ko na ang lalaking 'yon. Kainis! Hindi ko man maipagtanggol ang mga kaibigan ko.
"Kapag narinig pa namin kayong sumigaw, kayo ang susunod naming ibibitin," nakangising banta ng lalaki. Gusto kong paulanan ng suntok ang nakaiirita niyang mukha. "Kaya behave kayo, okay?"
Agad kong nilapitan si Jamie nang bitiwan na siya. Tears were coursing down her cheeks non-stop. Bukas-sara ang bibig niya, pero walang boses na lumalabas.
I'm sorry, Jamie. I wish I could have done something.
"Dapat yata'y matagal ko nang ginawa ito." Hinawakan ni Cedric ang panga ni Loki at inilapit ang kaniyang ulo rito. "Kabilin-bilinan niya sa amin na huwag kang sasaktan. Sorry kung kailangan kong gawin 'to sa 'yo, pero this is the only way para mapansin ako ni Moriarty. Binalewala niya ako noon, pero hindi na ngayon—"
Dinuraan siya ni Loki sa mukha. Bilang ganti, walang habas niyang nilatigo ang kasama namin. Sunod-sunod na pagdaing ang narinig namin. Wala kaming nagawa kundi mapapikit at manalanging sana'y matigil na ito.
Who else was there to save us? The three of us were unfortunately stuck here. Alistair was in the hospital. Herschel was not aware of our situation. Probably no one in Clark High knew that we had been taken away.
My hope was like flickering light. Unti-unti nang nilalamon ng kadiliman ang pag-asa namin. If only someone out there could be our beacon in the dark time.
"Twinkle, twinkle, little star~ How I wonder what you are~"
Biglang tumigil ang paglatigo ni Cedric at ang pagdaing ni Loki. Hinugot ng corps commander ang kaniyang phone na patuloy sa pag-play ng children's song na 'yon. Dahil sa liwanag ng screen nito, napansin ko ang ngisi niyang tulad sa demonyo.
"Kanina ko pa hinihintay ang tawag mo, M," bati niya sa tumawag. Napa-thumbs up pa ang demonyo sa mga kasama niya. "Alam mo na kung ano'ng hinihingi kong kondisyon. Pakakawalan ko si Loki kung personal kang makikipagkita sa 'kin at pag-uusapan natin ang request ko. Ayaw kong makipag-usap sa proxy mo. Gusto kong ikaw mismo ang makaharap ko."
M? The person on the other line must be Moriarty. Could he be our last hope? Would Stein Alberts save the day for us?
"Mukhang kailangan naming ipadala sa ospital si Loki. Medyo nagalusan kasi siya matapos niyang manlaban sa amin." Pinigilan ni Cedric ang tawa niya pati ng kaniyang mga kasama.
Anong nanlaban? How could Loki fight back with his hands tied?
"Untie him," utos niya sa dalawang cadet sabay baba ng phone. He was in a good mood again. "Bring Loki to the nearest hospital. Moriarty will come here in a few."
"Paano 'yong dalawang babae?"
Napasulyap sa amin si Cedric. "Mananatili muna sila rito hangga't hindi pa natatapos ang deal namin ni Moriarty. Kapag okay na ang lahat, alam n'yo na ang gagawin. As long as that person gives me what I want, I don't care whatever you do to them. Consider those two as my gifts to you."
Abot-tainga ang ngiti ng mga kasama niya. Halatang may masamang balak sila sa amin. Kailangan na naming makaalis dito bago pa mangyari 'yon.
"Painumin n'yo muna ang dalawa. Ayaw kong may makasagabal sa pag-uusap namin ni Moriarty mamaya."
Hapong-hapo na ang katawan ni Loki nang ibinaba na siya. Hindi na siya makatayo. Ni hindi na niya maigalaw ang kaniyang mga kamay at paa. Halos nadurog ang puso ko na makita siya sa gano'ng lagay. Jamie tried to crawl her way to where he was lying, but I whispered her to stop.
One of the cadets carried our club president out of the building. Kahit paano'y nakahinga ako nang maluwag dahil madadala na siya sa ospital at magagamot ang mga sugat niya. We heard a car engine starting. A few minutes later, it drove away from this place.
"Heto, uminom muna kayo." Lumapit sa amin ang naiwang cadet at binigyan kami ng tig-isang paper cup ni Jamie. Nanunuyo na rin ang mga lalamunan namin. Dahil nakatali ang aming mga kamay sa likod, kinailangang ilapag sa sahig ang baso at ilapit ang bibig namin doon na parang aso upang makainom. "Dahan-dahan, ha? Baka masamid kayo."
Dala ng pagkauhaw, Jamie drank hers straight and almost emptied the cup. Nang ako na ang iinom, aksidenteng nasagi ng aking ulo ang baso kaya nabuhos ang tubig sa sahig. Hanggang sa pag-inom ba naman, minamalas ako?
Isinara ng cadet ang pinto sa kuwartong kinalalagyan namin. Mukhang hindi 'yon tuluyang sarado. Dinig ko pa rin kasi ang mga sinasabi ni Cedric tungkol sa kaniyang plano kapag nakapasok na siya sa inner circle ni Moriarty.
"Lo . . . ki . . . dear . . ." bulong ni Jamie. Pumikit ang mga mata niya at pumatong ang kaniyang ulo sa balikat ko. Posible kayang may gamot ang kanilang ipinainom sa amin? She was still breathing so it must not be poison. Pampatulog kaya? They probably did not want us overhearing the conversation between Cedric and Moriarty.
Kahit hindi ako nakainom ng tubig na hinaluan ng drug, napapapikit na rin ang aking mga mata sa kahihintay ng susunod na mangyayari. Muling nagising ang aking diwa nang narinig ko ang pagbukas ng pinto sa labas. It was followed by footsteps that echoed across this forsaken building.
Moriarty—or Stein, rather—had finally arrived. Would our sworn enemy be our salvation?
Kinabahan ako sa mga posibleng mangyari kapag natapos na ang pag-uusap ng dalawa. Kahit saang anggulo ko tingnan, kami ang agrabyado sa sitwasyon.
"At long last, I'm meeting you face to face, sir." Cedric sounded like a fanboy who met his idol after how many years of waiting. Walang isinagot ang bagong dating niyang bisita. "Alam kong masyado kang busy sa duties mo kaya pasensiya na kung naistorbo kita."
Dahil nakaharang ang pinto ng kuwarto, wala akong makita sa kanila. Tanging ang boses nila ang dinig ko.
"Aaminin ko, sir, nagulat akong makita ang totoong mukha sa likod ng letrang M. Ang akala ko talaga, si Stein Alberts ang tunay na Moriarty. Masyado akong nagpaniwala sa Loki na 'yon.'"
Teka, anong sinabi niya? Hindi si Stein ang kausap niya ngayon? If not that person, then who? And what's with the sir?
"Stein Alberts is only a front to give my other persona a name and a façade in this cat-and-mouse game between Loki and me. Only a fool would reveal their true identity to the person who has been hunting them all this time."
It can't be. Napalunok ako ng laway nang narinig ko ang kaniyang boses. Baka nagkamali ako ng dinig. Baka sobrang pagod ko na kaya kung ano-ano ang pumapasok sa tainga ko.
"Bago natin simulan kung anuman ang dapat nating pag-usapan, why don't we have some tea first?"
"An afternoon tea? Perfect for a long overdue conversation."
Ipinikit ko ang aking mga mata at nag-concentrate sa pakikinig. Sa kaniya ba talaga ang boses na 'yon? Gising na gising pa ang diwa ko kaya imposibleng nagkamali ako ng dinig. That voice . . . That familiar voice! It only belonged to one person in Clark High—someone whom I did not expect to be here.
"Sana'y naiintindihan mo kung bakit ko ginawa ang lahat nito. Gusto kong patunayan na kaya ko ring gawin ang ginawa noon ni Montreal."
"I understand it very well, Cedric. You want to prove that you deserve a spot in my inner sanctum. That's why I have opted to come here in person. I want to see for myself if you have what it takes and to let you know my verdict."
It can't be. Why him?
"Malaking karangalan sa 'kin na mapabilang sa mga pinaka-pinagkakatiwalaan mo, sir. Nakahanda akong gawin ang lahat para sa 'yo, gaya ng ginawa ko kina Benjamin, Adonis, at Monica."
"I do not mind sacrificing pawns for the sake of the game. The way you dealt with the loose ends does not pose any serious concern to me. However . . ."
I must be dreaming, right? There's no way that person could be Moriarty. Could someone please pinch my cheeks to wake me up or tell me that this was just a bad joke?
"However . . . ? May mali ba akong nagawa, sir?"
"You have violated my golden rule. I have made it quite clear to everyone that Loki Mendez shall never be harmed."
This must be some kind of trick! Imposibleng siya ang kausap ngayon ng corps commander.
"H-Hindi ko siya s-sinasadyang saktan. A-Ang totoo niyan—"
"Lying to me is a grave mistake, Cedric. I have eyes and ears everywhere."
Of all people, why would he be here? Why him?
"Let me exp—ACK!"
There was a loud thud outside followed by a cup shattering on the floor. Narinig ko ang malalalim na paghingal ni Cedric na tila hinahabol ang kaniyang hininga.
"N-Naging loyal . . . ako . . . sa 'yo!"
"You have disobeyed me, Cedric. And disobedience has a cost."
"M-Mo . . . riar . . . ty!"
The heavy panting stopped. An instant silence ensued. Kahit hindi ko nakikita ang nangyari sa labas, I could imagine the scenes. But there was one thing that I did not want to imagine: the face of the guy who introduced himself as Moriarty.
"You have done well arranging his punishment. Have you prepared the suicide note?"
"O-Opo. Pineke ko ang pirma ni Cedric gaya ng inutos n'yo"
"Good. How about the two female QED Club members? Where are they?"
"Nandiyan sila sa kuwarto. Pinainom namin sila ng pampatulog kanina."
"I would like to see them."
"Right this way, sir."
Habang palapit nang palapit sa amin ang mga yabag nila, palakas nang palakas ang tibok ng puso ko. Parang sasabog na ito sa sobrang kaba. Ilang beses akong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko, pero tila walang epekto.
Sana'y mali ang iniisip ko. Sana'y mali ang narinig ko kanina.
Bahagya kong isinara ang aking mga mata nang bumukas ang pinto. Siniguro kong may makikita pa ako kahit kaunti. The darkness in the room would make it hard for them to notice if my eyes were totally shut.
I wanted to see that guy's face. I wanted to prove myself wrong.
Una kong nakita ang disenyo ng mga sapatos niya. Same design with that person's footwear. No, that can be a coincidence.
Mabagal kong iniangat ang aking tingin. Una ang kaniyang pantalon. Sunod ang kaniyang blazer . . . 'tapos ang metal badge sa lapel niya. Tuluyan akong nanlambot nang nakita ko na ang mukha niya.
His cold gaze sent chills down my spine as always. My suspicion was confirmed.
Luthor Mendez.
q.e.d.
A/N: And there you have it! Thank you for reading the second volume of PROJECT LOKI! I hope you've enjoyed reading every chapter as much as I've enjoyed writing each of them!
Oh, by the way:
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top