XV

A/N: Thanks for being so awesome! :)

The damage was done.

But my heart was still working.

Ang lintek kong puso, nagmana ata sa utak ko kasi ayaw ding sumuko. Stubborn!

Kahit sobrang sakit na ng nangyari kahapon, kahit sobrang dami na ng naiyak ko, kahit sobrang namamaga na ang mga mata ko, at kahit sobrang dry na ng lalamunan ko... Mahal ko padin ang kumag na 'yon.

Nang iwan ko siya kahapon sa restaurant, nakabunggo ko si Derick na papasok na sana. Tinawagan niya si Jasmine at inuwi ako ni Jas dito sa amin at simula kahapon ay hindi na ako lumabas ng kwarto ko. Nagmumukmuk na ako dito at alam kong nagaalala na silang lahat sa'kin.

Gusto kong sabihin sakanila na okay lang ako, na malalagpasan ko din 'to at ngingiti na ako bukas pero hindi ko kaya. Wala pa akong lakas para magsinungaling sa sarili ko. Lalo na sakanila.

Hindi ko inakalang ganito pala kasakit. Akala ko noong sinabi niya sa'kin ng unang beses na hindi ako ang type niya ay wala nang mas malala pa kesa doon... pero mali pala ako. Dahil kung noon, nawasak ang pag-asa ko; ngayon, nawasak ang puso ko.

Pero lintek na 'yan. Si Prince lang makakabuo ulit sa'kin—sa hanep na puso ko.

Sa kakaisip ko sakanya, naramdaman ko na naman ang sarili kong humihikbi. Inabot ko ang tissue na kahapon ko pa katabi at mas nainis ako nang makitang wala nang laman 'yon. Naubos ko na ata kagabi pa.

"Belle?"

Tamad na dumilat ako ng mga mata at nakita kong pumasok si papa dala ang isang tray. Kahit nanghihina ako ay pinilit ko ang sarili kong umupo ng maayos para sumandal sa headboard. Kung meron man akong ayaw pakabahin, si papa 'yon. Ayokong mangamba siya sa kalusugan ko o sa katinuan ko. Una palang sinuportahan na niya ako sa kahibangan kong ito at ayokong pagsisihan niya 'yon.

Isa pa, hindi pa tapos ang laban.

Marami pa akong p'wedeng gawin.

Pero hindi ko na muna 'yun aalalahanin sa ngayon. Because for now... I want to nurse my broken heart.

"Belle, anak, okay ka lang ba?" tanong ni papa at mabagal na umupo sa tabi ko.

Mahinang ngumiti ako sakanya. "Magiging okay din ako, pa. Timeout lang siguro 'to."

Hindi siya umimik. Inabot niya lang ang kamay ko at mahigpit na hinawakan niya 'yon. Tatanungin ko na sana kung ano'ng problema pero naestatwa ako nang biglang gumalaw ang balikat niya at narinig ko ang munting pag-hikbi niya.

"Pa, bakit po?" tanong ko at lumapit sakanya.

Tumingala siya at nanlumo ako nang makitang umiiyak nga siya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Anabelle... Tama na."

Nag-init ang mga mata ko at umiwas ako ng tingin. "Papa... Huwag mong hingiin 'yan sa'kin... Please. Mahal ko po siya."

"Pero anak hindi ka niya mahal," sabi niya. Tumulo ang luha ko at agad kong pinunasan 'yon. Masakit din pala kahit marinig ko lang 'yun mula kay papa. Sobrang sakit. "Anak, nasasaktan ka na. At tuwing nakikita kitang ganito... unti-unti ding nawawasak ang puso ko. Hindi ko kaya, anak. Masyado kitang mahal para makita kang umiiyak dahil sa walang kwentang lalaki na 'yon."

Suminghap ako. "Papa."

Mas lalo siyang naiyak at napapasabay nalang ako. "Anak, parang awa mo na. Tama na. Lumaban ka, and I am very proud of you for that. Pinalaki kita ng maayos dahil pinaglaban mo ang isang bagay na gusto mo. Pero..."

Napapikit ako at napahigpit ang hawak ko sa mga kamay niyang nasa mga pisngi ko padin. "Pero ano, pa?"

"Pero may mga bagay na dapat ding sukuan," mahinang sabi niya at mas lalo akong napahikbi. "May mga taong dapat pakawalan. At may mga pagkakataon din na kailangan na nating bumitaw para makalaya na."

Hindi ko na napigilan at yumakap na ako kay papa tsaka ako humagulgol. "P-pa, h-hindi ko k-k-kaya. Mahal na-na mahal ko siya, e... Kahit sobrang s-s-s-sakit na. Hindi ko m-magawang pakawalan siya..."

Hinaplos niya ang buhok ko at hinayaan niya akong umiyak sa bisig niya. At 'yun ang ginawa ko: Umiyak.

Iniyak ko 'yung sakit na naramdaman ko kahapon. 'Yung sakit na naramdaman ko sa apat na taon na kasama ko siya, pero hindi naman siya sa'kin. 'Yung apat na taon na paghihintay na sana mapansin naman na niya ako bilang ako—hindi bilang secretary niya. 'Yung mga panahong nakita ko siyang kasama ang ibang babae.

Yung mga panahon na kahit gustong gusto ko nang sumuko... hindi ko magawa.

Umiyak ako dahil mahal na mahal ko siya at wala na akong tinira para sa sarili ko. I lost myself when I loved him.

"Belle, tahan na," malumay na sabi ni papa at humiwalay na ako. May inabot siya sa'king tissue box at mahinang natawa ako bago binuksan 'yon.

"Sorry, papa. Ang hina-hina ko ngayon."

Naiiyak na napailing siya. "Kahit kailan, hindi ka naging mahina, Belle. Tatandaan mong hindi kahinaan ang umiyak—katatagan 'yun kasi hindi ka takot ipakita na nasasaktan ka. Kaya umiyak ka. Hahayaan kong umiyak ka ngayon dahil gusto kong ilabas mo ang lahat ng sakit na nararamdaman mo."

Tumango ako at napapikit nang suklayin niya ang buhok ko gamit ang kamay niya. Ayoko nang umiyak pero hindi ko na pinigilan ang mga luha ko. Tama si papa, kailangan kong ilabas lahat.

"Pero—" Dumilat ako at tinignan siya. "Pero ang tunay na katatagan, hindi 'yung pinaglalaban mo ang isang bagay na mahal mo. Mas matatag ang isang taong kayang pakawalan ang isang bagay na nakakasakit sakanila. Strength, my dear Belle, is letting go."

"Pa, may laban pa ako. Kaya ko pa."

Sunod-sunod siyang umiling. "Kung may laban ka pa, gamitin mo 'yun para ipaglaban ang sarili mo—hindi ang ibang tao. Kung may natitira pang bubog ang puso mo, gamitin mo 'yun para mahalin ang sarili mo—hindi ang ibang tao. Naiintindihan mo ba, anak?"

Kahit ayokong aminin, tumango ako at hinayaan siyang hilain ako para yakapin ulit. Pumikit ako at ninamnam ang proteksyon na dala ni papa sa'kin.

May laban pa ako, e. Marami pa nga akong p'wedeng gawin at may pagkakataon pa.

Pero tama din naman si papa. Dapat mahalin ko nadin ang sarili ko, habang may natitira pa akong lakas at pag-asa. Sarili ko naman. Apat na taon nang si Prince lang ang naging sentro ng mundo ko. Oras na siguro para ako naman.

Siguro kung iba ang nagsabi sa'king sumuko na ako, hindi ako makikinig.

Pero si papa na 'to, e. Ang lalaking sumuporta sa'kin simula pa nung pagkabata. Siya na nagturo sa'kin na kahit kailan ay huwag sumuko—siya ang nagsabi sa'king tama na.

That means something.

At kahit masakit, magiging matatag ako.

Bibitaw na ako.

=•=

Imbes na magmukmok ako, lumabas na ako ng kwarto ko at naligo na din—much to my father's delight. Pumunta si Ari sa bahay at tinuruan nalang niya akong mag-bake para naman daw may alam akong ibang gawin maliban sa trabaho ko.

Speaking of which, hindi ko pa alam ang gagawin ko tungkol doon.

Sure, pinipili ko na ang sumuko. Pero hindi naman 'yun ganon kadali, lalo na't may dalawang linggo pa ako na natitira para magtrabaho kay Pr—

Pumikit ako ng mariin. Don't say his name, Belle! Just don't!

Hindi ako agad makaka-move on, alam ko 'yon. Sa tagal ba naman ng panahon na minahal ko siya at sa tagal kong nanatili sa tabi niya. Sana lang makaya ko kapag nakita ko na siya ulit bukas at kung paano ako mabubuhay sa susunod na mga araw. Sana lang ay hindi ako mag-break down sa mismong harap niya.

Tama na 'yung nangyari kahapon.

"Belle, are you sure babalik ka pa bukas?"

I sighed. "Ari, kahit ayoko, kailangan kong maging professional. Business woman ako."

Sumimangot si Ari at malambing na yumakap sa'kin. "Basta, Belle ha? Andito lang kami."

I smiled mildly. "I know..."

Bago kami mag-dinner, dumating bigla si Erella kasama si Richard at sinabing susunod si Jasmine na nagpasundo kay Bruce. Na-excite din ako ng konti at medyo sumigla ako kasi andito silang lahat. Sayang din at hindi ko nakita si Bruce kahapon kasi nga nag-drama ako sa kwarto ko. Ang tagal ko nadin na hindi siya nakita. Magi-isang taon nadin.

Dahil sa mga kaibigan ko, nakalimutan ko kahit saglit lang 'yung drama ko. Ayokong ipakita sakanila na sirang-sira ako, kasi alam kong maski sila ay masasaktan. At noong dumating si Jasmine kasama si Bruce at tuluyan nang nag-ingay ang buong bahay, na-realize ko na kahit ilang beses akong wasakin ni Prince, andito ang mga taong nagmamahal sa'kin na lagi akong bubuuin.

Love isn't so bad after all.

=•=

Kanina pa ako hinga ng hinga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Siguro nagtataka na ang ibang tao kasi kanina pa ako sa elevator. Ilang beses nang tumigil ang elevator sa floor ko pero hindi pa ako bumababa. Hindi ko alam kung kaya ko pa.

Huminga ulit ako ng malalim at sisigaw na sana nang may tumawag sa pangalan ko. "Ha?"

Nakita ko si Liz na nasa harapan ko at parang hindi siya mapakali. "Uh, hindi pa po ba kayo bababa? Nakadating na daw po si sir Prince."

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa phone ko. Ang aga naman ata niya? Napairap ako. Nananadya ata ang lalaking 'yon, e!

"Miss Belle?"

Tumikhim ako. "Salamat, Liz."

Ngumiti siya at nagpaalam na. Bumaba na ako ng elevator, kasi baka kapag manatili ako doon maabutan pa ako ni Prince sa loob. Mas manghihina lang ako kung magsasama kami doon ng matagal.

No, thank you!

Inayos ko ang desk ko at binuksan na ang email ko para naman magmukha akong busy mamaya. Ayokong bigyan ng dahilan si Prince para isipin na hindi ako okay. Dahil bilang secretary niya lang ang gusto niyang papel ko sa buhay niya, and Belle Roxas is okay and well.

Belle Farrajo is not.

Nung dumaan si Prince sa harap ng desk ko ay ginawa ko ang dati kong gawi at tumayo tsaka siya binati. Naramdaman kong napatingin siya sa'kin pero diretso lang akong tumingin sa table na nasa tabi ng pinto ng office niya.

Tumikhim siya. "To my office."

"Yes, sir," sabi ko sa pinaka-malamig na tono ng boses ko. Hindi naman ganon kahirap kasi gamit ko 'yun sa dealings ko with the Chinese. After all, isang Chinese magnate's daughter noon ang kliyente namin. Kailangan professional. Kailangan distant. Kailangan walang emosyon.

Hindi siya gumalaw kaya wala sa sariling napatingin ako sakanya at nakita kong sa'kin na siya nakatingin. Magkasalubong ang kilay niya at halos murahin ko na ang sarili ko dahil kahit gaano pa niya ako sinaktan, bumibilis parin ang tibok ng puso ko.

Umiwas ako ng tingin. "Anything else, sir?"

Walang imik na napailing siya at pumasok na ng office niya. Napatalon pa ako sa gulat nang malakas niyang isara ang pintuan.

Napairap ako. "Ikaw pa galit, ganon?" inis na bulong ko sa sarili at padabog na umupo na. Bahala siya sa buhay niya.

Weh?

Okay—I still care. Pero kunwari hindi.

Kunwari lang.

Aalis na sana ako para pumunta na sakanya pero biglang umilaw ang email icon ko sa personal account ko. In-open ko 'yun.

From: HR Department

Subject: Applicant

Message:

Good morning, Belle.

We contacted a local hiring agency and they have two highly recommended applicants who are interested in taking over your position when your two weeks are up. Down below are their resumés and contact information.

Please check them out so I could schedule a meeting with either/or, maybe both of them.

Thank you.

Claire Sanchez
Manager, HR Department, Royal ICON

Sumimangot ako at dinownload na muna ang mga documents, titignan ko nalang pagkatapos kong kausapin si Prince.

"Come in," mabilis na sabi ni Prince nang kumatok na ako.

Pumikit muna ako at huminga ng malalim bago pumasok ng office niya. Nakatingin ako sakanya pero hindi sa mga mata niya. Nakakapanibago lang na nakatingin din siya sa'kin at hindi sa desktop niya—kung saan siya madalas nakatingin kapag pumapasok ako.

"Sir, ready for your schedule?" tanong ko at hinanda ang company tablet.

Sumandal siya sa inuupuan niya at tumango ng isang beses. "Go on, Miss Roxas."

Tumikhim muna ako bago sabihin sakanya ang buong schedule niya sa linggong ito. Nakita kong napangiwi siya pero wala akong magagawa. Siya 'tong bigla nalang na nawala ng isang linggo, kaya malamang ay maka-cram lahat ng appointments niya. Gusto kong tanungin kung okay lang ba siya noong himasin niya ang noo niya, pero pinili ko nalang na manahimik.

Miss Roxas would never show compassion—she's too much of a professional.

Shit ka, Belle. Even in pain, you give him whatever he wants..

Napatiim-labi ako sa naisip pero winaksi ko nalang 'yon. Kunwari wala na akong pakialam. Kunwari naka-move on na ako in one day. Kunwari hindi ko na siya gusto. Kunwari okay lang ako.

"Thank you, Belle," sabi niya at maski ako ay gulat na napatingin sakanya. Naiilang na tumikhim siya. "Miss Roxas," pagtama niya.

"May kailangan pa po ba kayo, sir?" tanong ko at ni-lock na muna 'yung tablet. Sayang 'yung charge, madedehado pa ako mamaya.

Tahimik na tumitig na naman siya sa'kin at kahit gusto kong mapangiti ay pinigilan ko ang sarili ko.

Kunwari hindi ka na affected, Belle.

"No..." He sighed. "That's all."

"Okay, sir," sabi ko at mabilis na lumabas ng office niya. Pagkasara ko ng pinto ay agad akong sumandal doon. Humawak ako sa dibdib ko at ramdam ko agad ang pamamasa ng mga mata ko.

Ang hirap palang magkunwari.

=•=

Nagta-type ako ng response nung mag-ring ang telepono. Awtomatikong inabot ko ito. "Hello?"

"Belle, si Mal 'to."

Napatigil ako sa pag-tipa. "Mal, bakit?"

"Andito na naman siya. 'Yung si Cecilia Mendez," pabulong na sabi niya at narinig ko ang isang masungit at matinis na boses na kabilang linya kasunod nun.

Saglit akong natigilan sa sinabi niya pero pinaalala ko sa sarili ko na wala akong karapatan na magalit, mainis, o magselos. Fiancé siya; secretary lang ako.

"Sige, Mal. Ipapaalam ko lang muna kay sir."

"Thank you, Belle," sabi niya at nilagay ko muna siya on-hold.

Huminga ako ng malalim bago pindutin ang 1 sa speed dial, dahil naka-connect naman 'yon kay Prince. Akala ko parang dati na matagal akong maghihintay kaya nagulat ako nang sagutin niya agad 'yung tawag ko. Napaubo ako. "Sir, Miss Cecilia Mendez is downstairs."

Wala akong narinig sa kabilang linya kaya hindi din ako nagsalita.

Don't ask if he's okay... You don't care!

"Don't let her up."

Napakurap ako. "Sigurado po kayo, sir?"

"Yes. And clear my lunch schedule."

Nanlaki ang mata ko. "P-pero... Si sir Rey po ang lunch schedule ninyo."

"Exactly. Cancel it. We'll only talk about this damn wedding anyway."

Ay, tinanong ko ba?

Napatiim-labi ako. "Okay, sir. Masusunod."

"Thank you, Belle."

Nasapo ko ang noo ko. "Miss Roxas, sir," pagtama ko sa sinabi niya at binaba na ang tawag. Wala akong pakialam kung magalit man siya sa'kin. Ayoko na, e. Titigil na nga ako. Pinatigil na niya ako kaya dapat tumigil na din siya sa kaka-"Belle" sa'kin.

Kung talagang gusto niyang kalimutan ko na siya, huwag na sana niyang ipaalala pa. Mas nahihirapan lang ako sakanya.

Binalewala ko nalang at tinapos na ang dapat kong tapusin. Kailangan kong umuwi ng maaga ngayon dahil malapit na ang Andres wedding at kailangan naming pagtuunan ito ng pansin. Tamang-tama din na last week ko na next week, magagawa ko na ang tungkulin ko bilang CEO ng Clishique.

Hindi na lumabas si Prince ng opisina niya pero maraming lumalabas-pasok sa office niya dahil dito naka-schedule lahat ng meetings niya. Ginawa ko 'yun para hindi siya mahirapan at medyo nagsisi ako. Sana pala pinahirapan ko nalang siya! Tsk.

Nang matapos ang last meeting niya, pumasok ako ng office niya para tanungin kung may kailangan pa siya. Imbes na sagutin ako ay nagulat ako nang tumayo siya at lumapit sa'kin. I stepped back. Pero hindi siya tumigil hanggang sa nasa harapan ko na siya.

Naramdaman ko na naman ang pamimilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit hindi pa ako tumatakbo papalayo. I'm frozen.

"Prince... B-bakit?"

He sighed at halos mapapikit na ako sa bango ng hininga niya. Pero pinilit ko ang sarili kong huwag ma-apektuhan—na huwag ipakita kung gaano kalaki ang epekto niya sa'kin. "Belle."

Pumikit na ako ng mariin. "Please. Huwag."

Napahawak siya sa bewang ko at kung hindi niya ako sinusuportahan ay baka nahulog na ako. Napunta ang isang kamay niya sa pisngi ko. "Are you OK?"

Seryoso ba siya?

No—hindi ako okay. Tingin ba niya maayos lang ako pagkatapos ng mga sinabi niya sa'kin noong nakaraang araw?

Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko ipapakita sakanya kung gaano niya ako sinaktan, pero ang hirap lang dahil mismong siya ang nagtanong. Mismong siya ang nagpaalala.

At ano'ng karapatan niya para tanungin kung OK lang ba ako? Alam niya ang ginawa niya...

"Belle?"

Tinulak ko siya papalayo at humakbang ako patalikod ng dalawang beses. Nakita kong nagsalubong ang kilay niya sa'kin kaya umiwas ako ng tingin. "I'm fine, sir. May kailangan pa po ba kayo?"

Dahan-dahan siyang napailing at nakita kong kinuyom niya ang mga palad niya. "Uuwi ka na ba?"

Kumunot ang noo ko dahil nag-Tagalog siya pero hindi ko na 'yun pinansin. "Yes, sir."

"Did you bring a car?"

Shit, ano ba 'to? Bakit ba siya umaakto na parang ganito? Hindi ba dapat lumalayo siya sa'kin—hindi 'yung parang may pakialam siya?

He shouldn't be caring!

He shouldn't make me love him more!

"Yes, sir." Kahit nagpahatid lang ako kay Ari papunta dito. Si Bruce ang susundo sa'kin. Pero hindi na niya kailangang malaman 'yon.

Tumango siya at nakita kong ginulo niya ang buhok niya. Umiwas ako ng tingin. "Okay. I'll see you tomorrow, Belle. Take care."

Napatiim-labi ako pero imbes na sumagot at tumango nalang ako at lumabas ng office. Hindi ko alam kung bakit biglang namuo ang inis sa puso ko. Naiinis ako sakanya at hindi 'yun dapat pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Naiinis ako sakanya. Nakakahilo siya.

Gusto ba niya ako o hindi?

Nakakainis siya. Sobrang nakakainis.

=•=

"Kailan ka babalik ng States, Bruce?"

"Hmm. Mga next week. Na-transfer na ako sa NYC kaya doon na ako," sagot niya habang nagmamaneho parin. Siya na ang naging sundo ko mula sa opisina. Dumidiretso na kasi ako sa Clishique pagkatapos ng trabaho at nag-prisinta si Bruce na sunduin nalang ako araw-araw dahil malapit lang 'yung gym na pinupuntahan niya sa office.

Dahil higit isang linggo na niya akong sinusundo, hindi maiwasan na nakita siya ni Prince. Hindi nag-komento si Prince pero alam kong nagalit siya at kung dati ay sasabihin ko sakanya na wala lang, hindi ko 'yun ginawa. Nandoon parin 'yung inis na nararamdaman ko para sakanya kaya nung pinahirapan niya ako at sinusungitan na naman pagkatapos niyang makita si Bruce, mas lumaki ang inis ko sakanya. Kung maka-asta parang may ginawa akong kasalanan, wala naman.

"Belle?"

Napakurap ako. "Sorry. May naisip lang."

Natawa si Bruce. "Iniisip mo si prinsipe?"

Mapaklang napangiti ako. "Tuesday na. Tatlong araw nalang at—" Napalunok ako at napatingin sa labas ng bintana. Hindi ka iiyak, Belle. Hindi ka iiyak.

Naramdaman kong hinawakan ni Bruce ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya. "It's gonna hurt more when you really leave him."

"Ganon ka ba noon kay Shiela?" I was referring to his ex-fiancé, 'yung babaeng iniwan siya sa altar sa araw ng kasal nila. The one who hooked up with Casper, Erella's step-brother.

Tumango si Bruce at humigpit ang hawak niya sa kamay ko saglit. "It hurt when I let her leave. May pagkakataon pa naman ako noon para pigilan siya, at sinabi din niya sa'kin na hindi siya aalis kung pipigilan ko siya."

Nanlaki ang mata ko. "Pero hinayaan mo siya?" Tumango siya kaya napasinghap ako. "Bruce, bakit? Akala ko ba mahal mo siya?"

Napangiti ng malumay si Bruce at binitawan ang kamay ko para mag-park. Nang matapos siya at hinarap niya ako. "Sometimes, Belle, we have to let go of the people we love. Not because it will make them happy—kahit 'yun ang dapat na rason. Pero madalas hinahayaan natin silang makawala para ma-realize nila kung ano ang nawala sakanila."

Kumunot ang noo ko. "Teka... Ibig sabihin ba nun ay pinakawalan mo siya kasi gusto mong magsisi siya at bumalik sa'yo?"

Napangisi si Bruce. "If there's one thing that proves to be a better push than desperation, it's regret."

I scoffed. "Bruce, bakit mo naman iisipin na magsisisi siya? Hindi naman niya ako mahal."

Natawa si Bruce at hinaplos ang pisngi ko. "A jealous guy is a guy in love, Belle."

"He wasn't jealous."

"Because he still is."

Napailing ako at tumingin sa labas. Ayokong makinig dahil alam kong aasa na naman ako. Ayoko nang umasa. Hope correlates with disappointment and pain—I'm done with that.

Tumawa ulit si Bruce. "You'll see, Belle. That man will regret everything he did and will become a desperate piece of crap who won't deserve you," sabi niya at ramdam kong naiiyak na naman ako. Shit naman. "But you love him. And you deserve such a crappy man like him. Alam mo kung bakit?"

"Bakit?" mahinang tanong ko.

"Because you deserve the person you love—no matter how much of a douche he is."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top