CHAPTER 2
CHAPTER 2
MASAKIT ANG ULO ni Lash dahil sa hangover. Hindi alam ng lahat ng nasa mansiyon na nang sumapit ang hatinggabi, lumabas siya sa kanyang kuwarto at nagtungo sa bar na nasa second floor ng bahay. And there, he had drunkhimself until he passed out.
Two hours before sunrise, Lash woke up and dragged himself to his room.
And now, at exactly— tumingin siya sa orasan na nasa bedside table niya— eleven o'clock in the morning, he was awake and could feel the grumpiness radiating around his body.
Sana lang ay walang kumausap sa kanya ngayon. Dahil siguradong masisigawan niya kung sino man iyon.
Lash lazily dragged himself to the kitchen. Nang makapasok siya roon, agad niyang nakita si Nay Helen, ang mayordoma ng mansiyon. At the age of sixty-seven, malakas pa rin ito.
"Sir Lash." Nginitian siya ng mayordoma at agad na naglapag ng isang basong tubig at Advil sa mesa. "Kumain na ang daddy at si Tita Elspeth n'yo. Si Sir Lath naman ay hindi pa po nagigising dahil sa kalasingan."
He nodded silently and sat on the empty chair, facing the table. Kinuha niya ang isang basong tubig at Advil, saka ininom iyon.
His head throbbed. "Fuck!" Sinapo niya ang ulo na sobrang sakit.
Fuck! Please, Advil, work your magic, Lash pleaded in silence. Bakit naman kasi napagdesisyunan niyang laklakin lahat ng alak sa bar kagabi?
Bullshit.
Tatayo sana siya para magtungo sa kuwarto niya nang manuot sa ilong niya ang pamilya na pabango ni Nez. He would never forget that smell.
Such a Flirt—A Victoria's Secret Perfume.
Pasimple siyang bumaling sa pinanggagalingan ng amoy. Two meters away from him stood Nez. Yakap nito ang sarili habang nag-aalalang nakatingin sa kanya. No, hindi ito nag-aalala, may pangamba sa mga mata nito.
Nangangamba itong baka sigawan niya o awayin katulad ng dati.
Sinipa ni Lash ang paa ng silya na nasa kanan niya. Gumawa iyon ng masakit sa taingang ingay. "Upo ka."
Walang imik na umupo naman si Nez. "Good morning po, Nay Helen," magiliw na bati nito sa mayordoma. "Kumusta po ang tulog n'yo?"
Ako, hindi mo kukumustahin? Gustong kutusan ni Lash ang sarili. Yeah, right. As if Nez would care what happened as he dozed off like a drunkard.
"Mahimbing akong nakatulog kagabi, Ma'am Nez," tugon ni Nay Helen. "Ihahanda ko na ba ang agahan n'yo?"
Nakita ni Lash mula sa gilid ng mga mata niya na tumango si Nez. Siya naman ay nakatitig lang sa baso na may lamang kalahating tubig. He looked at the glass like it had the answer to every problem he got.
Bigla siyang nag-angat ng tingin nang may inilapag na pinggan na puno ng pagkain si Nay Helen sa harap niya.
"Ano'ng gagawin ko riyan?" tanong niya sa mayordoma habang magkasubong ang mga kilay.
Tinaasan siya ng kilay si Nay Helen. "Kumain ka na. Alam kong hindi ka kakain mamaya kasabay ang daddy mo. Hindi na ako magtaka kung bigla ka na lang mawala, at sa susunod na linggo ka na naman magpakita."
Bumuntong-hininga si Lash, saka nagsimulang kainin ang agahan na inilapag ni Nay Helen sa harap niya. From the corner of his eyes, he could see Nez silently eating her food.
Lash rolled his tongue over his dry lips. "Nez."
Agad itong nag-angat ng tingin at nagtama ang mga mata nila. His breathing was caught on his throat. Damn. Her coffee-colored eyes... they had never stopped stealing his breath away.
"May kailangan ka?" Nez asked silently.
HININTAY NI NEZ na magsalita si Lash. She pressed her lips together when she saw him licked his lips again. Parang nanuyo ang lalamunan niya sa nakita.
"Well?" pukaw niya sa lalaki. "May kailangan ka ba?"
Nagbaba ito ng tingin. "Huwag kang maglalalapit kay Lath."
Nagsalubong ang mga kilay niya at naramdaman niyang tumaas ang presyon niya sa narinig. "Kapatid ko si Lath—"
"Don't even say it." Gumalaw ang panga nito bago sinalubong ng matatalim nitong mata ang tingin niya. "Stay away from Lath, Nez. Kapag hindi mo ginawa ang sinabi ko, I'll see to it that your stay in this fucking house will be a fucking nightmare."
Nanlaki ang mga mata ni Nez. Alam niyang puno iyon ng pangamba. She was afraid but she tried not to show it. Naalala pa niya ang pang-aaway ni Lash sa kanya noon. Those fights and angry shouts of him were the hardest part of her coping up in her new family.
Lumunok siya at sinalubong uli ang mga mata nito. Anger vibrated from her. Hindi na siya ang batang is Nez na iiyak tuwing aawayin o tatakutin ni Lash.
She was now a woman. A woman ready to fight.
"Ano ba'ng problema mo sa akin?" Nez slammed her palms on the table. "Wala naman akong ginawang masama sa 'yo, ah? Ano ba ang ginawa ko at ganyan na lang ang galit mo sa akin?"
Sa halip na sagutin siya, itinulak ni Lash palayo ang pinggan na may lamang pagkain, saka tumayo at umalis ng hapagkainan.
Napanganga si Nez sa papalayong likod ni Lash. He's such as asshole! But a very handsome asshole!
"Pagpasensiyahan mo na si Sir Lash."
Napaigtad si Nez at biglang humarap kay Nay Helen. She tried to smile but failed. "Hindi ko ho siya maintindihan, Nay Helen. Wala naman ho akong ginawang masama sa kanya."
"Alam ko." Masuyo itong ngumiti sa kanya. "Presensiya mo pa lang ay galit na si Sir Lash. Alalahanin mo, sina Lash at Lath ang anak sa unang asawa. Si Sir Lath naka-move on na, pero si Sir Lash, sa tingin ko ay hanggang ngayon hindi niya matanggap na nag-asawang muli ang ama niya na hindi man lang ipinapaalam sa kanila."
Nag-iwas siya ng tingin. "Alam ko naman ho 'yon pero kasalanan ko ba kung nag-asawang muli ang daddy niya at ang mommy ko pa? Just like them, I was kept in the dark. Nalaman ko lang na nagpakasal si Mommy uli nang lumipat na kami rito." Nagpakawala siya ng buntong-hininga.
"Pasensiya ka na, Ma'am Nez. Mahirap talagang intindihin ang ugali ni Sir Lash pero mabait naman siya kung kikilalanin mo nang maigi."
Nez snorted. "Imposible kaming magkakilala nang maigi."
Tinapos na niya ang pagkain ng agahan, saka bumalik sa kuwarto niya. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makakita ng native necklace na nakasabit sa labas ng doorknob ng kuwarto.
What the hell?
Mabilis niyang kinuha iyon at itinaas para masuri. It was a native necklace with a rectangular glass box as pendant. At sa loob ng box na pendant ay may nakapaloob ng kulay-itim na perlas.
Napaawang ang mga labi niya sa ganda ng kuwintas na iyon. Napangiti siya nang makitang may kulay-dark blue na Post-it note na iniwang nakadikit sa pinto.
Welcome back. – L
Mas lumapad pa ang ngiti niya. Lath was really sweet. Mamaya na niya ito pasasalamatan.
Itinago niya ang kuwintas sa kanyang jewelry box at pumasok sa banyo para maligo at magbihis. Pupunta siya mayamaya sa dalampasigasan. She missed the beach. Noong nasa London siya, hindi siya bumisita sa beach dahil abala siya sa pag-aaral. At nang makatapos siya sa kolehiyo ay naging abala siya sa kanyang career.
Twenty minutes later, Nez was walking near the shore. She felt fresh as the salty breeze of air slammed against her body. Habang naglalakad, nahagip ng tingin niya si Lath. Nakaupo ang lalaki sa buhangin at nakatingin sa karagatan.
Actually, hindi siya sigurado kung si Lath 'yon o si Lash. Well, one way to find out.
Nilapitan niya ang lalaki na ngayon ay nakatingin na sa kanya. Hinintay niyang singhalan siya nito pero hindi 'yon nangyari.
Instead, the man gave her a small smile.
Agad siyang ngumiti at masayang umupo sa tabi nito. The man was Lath. Kung si Lash iyon, baka hindi pa siya nakakalapit ay marami nang lumabas sa bibig nito na masasakit na salita.
"Kumusta ang hangover mo?" tanong niya.
Lath shrugged. "I'm good."
Napatitig siya kay Lath. "May sakit ka ba? Sisipunin ka ba? Your voice sounds different."
Umiling ito. "Okay lang ako."
"Ah, okay." Tumingin si Nez sa karagatan at ikinuwento niya kay Lath ang nangyari sa kanila ni Lash sa kusina. "Nakakainis siya. Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Kung may problema siya sa pagpapakasal ng mga magulang natin, labas na ako ro'n."
"He's an asshole," bulong ni Lath sa hangin. "Hayaan mo na siya."
Agad na gumaan ang pakiramdam ni Nez. Lath had always understood her. Mula noon hanggang ngayon, si Lathlang ang itinuring siyang kapamilya.
Pero hindi n'on natanggal ang inis na nararamdaman niya para sa kakambal nito.
Nagpakawala siya ng buntong-hininga. "Alam kong asshole ang kapatid mo, but that doesn't stop me from trying to get into his good side. Of all people, Lath, alam mong ayokong nakikipagbangayan sa kakambal mo. I want a peace between me and Lash. Pero hindi ko hahayaan na ituring niya akong parang utusan niya. My goodness! Did I tell you that he told me to stay away from you?" She huffed in anger. "The nerve of that guy!"
Lath chuckled and it sent her heart into frenzy. Natigilan siya at napatitig sa katabi. It was just a simple chuckle but her heart reacted.
Dahan-dahang nanlaki ang mga mata niya. No way! This was not happening! Nagre-react lang nang ganoon ang puso niya kapag si Lash ang kausap niya. She thought that that the reason why her heart was beating so fast around Lash was because she was nervous and afraid. 'Yon ang conclusion niya. Kaya naman hindi niya iyon puwedeng maramdaman kay Lath!
Lath didn't make her nervous. Lath didn't—oh, no. Kung tama ang inisiip niya, siya na ang pinakatanggang babae sa balat ng lupa!
It couldn't be, right? This man couldn't be Lash!
Para masiguro ang naiisip, inilapit niya ang ilong sa leeg nito at inamoy ang lalaki.
Nez' eyes widened when a Calvin Klein scent perfume penetrated her nostrils. Napalunok siya. Hindi ito maaari! Lath's scent was Armani Perfume, and Calvin Klein's was... Lash's perfume.
Oh, God! Kill me now! This is embarrassing.
"Ano'ng—" Mabilis na lumayo sa kanya si Lath nang makitang napakalapit ng mukha niya sa leeg nito. She was almost kissing him. "Ano'ng ginagawa mo?"
Tumingin si Nez sa kulay-lilang mga mata ng lalaki. They were guarded not carefree like Lath's.
"Nez, umayos ka nga ng upo." Halata ang pagkairita sa mapupungay nitong mga mata. "And please, put a goddamn space between us."
Napangiti siya. He wasn't shouting and not pissing her off. That was a good sign, right? Pero bakit ito nagpapanggap na si Lath? He could easily correct her earlier.
Was he doing this to make fun of her? Agad na nawala ang ngiti sa mga labi niya.
"Inaamoy lang kita," sabi niya. "Mukhang nagbago ka na ng pabango at tumulad sa kakambal mo."
Kung gusto nitong magpanggap na si Lath, sige, magpapanggap din siyang hindi pa ito buko at walang kaalam-alam.
"Anyway, ano'ng ginagawa mo rito sa dalampasigan? Akala ko nasa bahay ka pa at tulog dahil lasing na lasing ka kagabi."
Matiim siyang tinitigan ni Lath na para bang inaarok ang laman ng isip niya bago sumagot. "Hiding," sabi nito.
"Nagtatago ka kanino?" puno ng kuryosidad na tanong niya.
Kinagat ni Nez ang pang-ibabang labi habang hinihintay ang sagot ni Lath. Please, Lash, answer me.
Iyon ang unang pagkakataon na nag-usap sila nang hindi nagsisigawan. Maybe because he was pretending to be his twin and she was pretending ignorant of who he really was.
He rolled his tongue over his dry lips. It was Lash's habit. Alam niya iyon kasi minsan sa buhay niya, nagkaroon siya ng crush dito na agad din namang nawala nang mag-umpisa itong singhalan siya at awayin.
"Hiding from ..." Lumunok ito at hinuli ang mga mata niya. "Dad."
"Bakit ka naman magtatago sa daddy mo? Last time I check, okay naman kayo. May nagawa ka bang hindi maganda, Lath?"
At the mention of Lath's name, his eyes become hard and lifeless.
Lath smirked. "Hmm... magagalit ka ba kapag ang pinapahalagahan mong bagay sa mundo ay gusto kong kunin sa 'yo? Magagalit ka ba kapag iyang bagay na mahalaga sa 'yo ay gusto kong angkinin?"
Bumuka ang mga labi niya para sumagot pero walang lumabas na salita sa bibig niya. Honestly, she didn't know what to say.
Lath chuckled humorlessly. "That's the reason why Dad and I doesn't see eye to eye. Kasi may bagay siyang pinapahalagahan na gusto ko. Nang malaman niya na gusto ko ang bagay na importante sa kanya, nagalit siya. And your ears are not yet prepared to hear what happened next after he found out." Tumayo ito at humakbang palayo sa kanya.
"Lath—" Nez shut her mouth shut when Lath turned around. Bahagya itong umuklo sa harap niya, saka hinawakan ang baba niya at iniaangat ang mukha niya para magtama ang mga mata nila.
"Nez," he said her name softly as he brushed his lips against her. "It's Lash, not Lath." Pagkasabi niyon ay binitiwan nito ang baba niya, saka naglakad palayo sa kanya.
Napalunok siya at dumapo ang kamay sa mga labi niya. Imposible. Imahinasyon niya lang ang nangyari.
Lash would not kiss her, right?
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top