CHAPTER 19
CHAPTER 19
ONE WEEK LATER, Lash found himself outside his father's mansion. Napatitig siya sa pinto ng bahay ng ama niya. Ayaw na niyang umapak sa bahay na 'yon, pero may kailangan pa siyang gawin.
It was time to use his charm to get the woman he loved.
Huminga siya nang malalim, saka kumatok sa pinto ng mansiyon. Ilang segundo lang ang lumipas ay pinagbuksan siya ni Nay Helen. Ngumiti ito nang malapad nang makita siya.
"Sir Lash." Bahagya itong yumuko. "Kanina ka pa po hinihintay ni Sir Lath."
Napangiti siya. "Dumating na siya galing Baguio?"
After drinking with his best buddies, nagpalit sila ni Lath ng puwesto. Ito na ang tumira sa Baguio ng isang linggo kasama ang asawa nito na halos paulanan ng mura ang kakambal niya.
Siya naman ang naglayag. One week in the sea gave him time to think his next move.
Lash decided that he would not act desperate to get Nez' attention. Oo nga at mahal niya ito at kailangan niyang malaman kung mahal din siya nito. Pero nasisiguro niyang hindi ito aamamin kung may nararamdaman ito sa kanya. He had to think of a wicked ploy that would make Nez confess her love for him.
Ang una sa plano niya, huwag itong pansinin at sana magawa niya. Sana.
Humakbang siya papasok sa loob ng mansiyon at huminga nang malalim.
Time to play dirty, baby.
SUMIKDO NANG MABILIS ang puso ni Nez nang marinig ang boses ni Lash. Sa tatlong linggong inilagi niya sa Baguio na kasama ito, napansin niyang may pagkakaiba sa boses nina Lash at Lath.
Lath voice was baritone, while Lash was baritone with a sexy edge.
Napalunok siya at binuksan ang pinto ng kuwarto, saka lumabas. Agad siyang napaatras nang mapansing papalapit sa kanya si Lash. He could smell his Calvin Klein perfume.
But her heart tightened inside her chest when Lash just passed her like she was not there.
Umawang ang mga labi niya. Nagsisinungaling ba ito nang sabihin ang tatlong katagang 'yon? Kasi hindi gagawin ng lalaking nagmamahal na basta na lang lampasan ang babaeng mahal nito na para bang wala ito roon.
Lash must be lying when he confessed to her in Baguio.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi pero bigo siya, hinarap niya ang papalayong bulto ng lalaki.
"Lash."
Lash stopped and then faced her. Walang emosyon ang mukha at mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Actually, his eyebrow were furrowed like he was irritated or something.
"May kailangan ka?"
Nagsitaasan ang mga balahibo niya nang marinig ang boses nito. Napakalamig niyon katulad ng pakikitungo nito sa kanya.
"Ahm..." Talk, Nez! "Ahm..."
Lash rolled his eyes and turned his back on her. "Kausapin mo na lang ako kapag kaya mo nang magsalita."
Her heart bled. That was the Lash she knew ten years ago. Ang Lash na masama ang ugali at palagi siyang sinisinghalan.
God. Why did she miss the new Lash Coleman? The Lash whom she was with in Baguio?
Bumalik siya sa loob ng kuwarto na nagdurugo ang puso. Nangingilid ang luha sa mga mata niya habang nakahiga sa kama.
And then a knock startled her tears. Mabilis niyang pinunasan ang luha.
"Pasok. Bukas 'yan," malakas ang boses na sabi niya, saka umupo sa gilid ng kama.
Pumasok ang nakangiti niyang ina. Pero agad na naglaho ang ngiti sa mga labi nito nang makita ang namamaga niyang mga mata. Worry replaced her mother's smile.
"Baby." Agad itong lumapit sa kanya at niyakap siya. "Ano'ng nangyari?"
Mabilis siyang umiling. "Wala po, Mommy."
Nagpakawala ito ng buntong-hininga, saka umupo sa gilid ng kama, sa tabi niya. Hinawakan nito ang mga kamay niya at pinisil. "Nez, talk to me. Akala mo hindi ko napapansin na palaging namamaga ang mata mo sa kaiiyak? You've been crying for a week now. Please baby, sabihin mo naman kay Mommy ang problema mo. Nag-aalala na ako sa 'yo."
Tumingin siya sa mommy niya at halata ang pag-aalala sa mukha nito. Would she dare tell her the reason behind her tears? Would she understand and not judge her? Ina niya ito, at magdarasal siya na sana hindi siya nito husgahan. Pero hindi na rin niya kayang ilihim pa iyon. Pakiramdam niya ay nasasakal siya sa sariling sekreto.
"Mommy." Nag-uunahang bumagsak ang mga luha niya. "I fell in love."
Agad na tinuyo ng kanyang ina ang mga luha niya at masuyong hinaplos ang pisngi niya. "Anak, bakit ka umiiyak? Love is a wonderful feeling."
Umiling siya. "It's not wonderful if your love is wrong. It's not wonderful if you're in love with your stepbrother."
Sa halip na panghuhusga, ngumiti ang kanyang ina at pinisil ang kamay niya. "I figured as much. Noong binisita ka namin sa Baguio, alam kong nagpanggap lang si Lash na Lath. At nang sabihin niyang uuwi ka kasama namin at nakita ko ang gulat at sakit sa mukha mo, alam kong doon pa lang na may namamagitan na sa inyong dalawa." Nawala ang ngiti nito at napalitan iyon ng pagkunot ng noo at pagdilim ng mukha. "Ngayon ang tanong ko, Nez, pinauwi ka ba ni Lash? Sinaktan ka ba niya? Is this the reason of your tears? Did he just use you and discard you afterwards?"
Mabilis siyang umiling. Ayaw niyang mag-isip ng negatibo ang mommy niya tungkol kay Lash. He was a very wonderful man.
"No. Galit siya sa akin ng araw na 'yon kasi sinabi kong walang kami at kailangan na naming tuldukan kung ano man ang namamagitan sa amin." Namumula ang pisngi niya habang nagsasalita. "May nangyari na sa amin, Mommy." Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang suminghap ang kanyang ina. "Itinulak ko siya palayo kasi hindi kami puwede. He's my stepbrother and I don't want to disappoint Tito Leandro. I owed him so much. We owed him. Nagalit si Lash at pinauwi ako. Pero noong gabi bago ako umuwi kinabukasan, sinabi niyang mahal niya ako. I got scared, Mom. Natakot akong mas masaktan kami pareho, kaya tumakbo ako at umalis nang hindi nagpapaalam.
"Alam kong kaduwagan ang ginawa ko, pero ayokong mahalin niya ako, kasi alam kong masakit ang mahalin ako. I can't give him the things he wants, I can't tell him I love him, even if want too. Kayo ni Tito Leandro ang iniisip ko. I know it's my happiness at stake, but I don't want to disappoint my parents who love me and nurture me. I love Lash with all my heart, but, Mom, I love you too and it will kill me if you hate me because I love my stepbrother. Hindi ko kayang itakwil mo ako. Hindi ko kayang mawala ka. I already lost my dad, I don't want to lose you too."
Tears filled her mother's eyes. "Oh, my baby." Niyakap siya nito nang mahigpit at hinagod ang likod niya. "Hindi mo kailangang isakripisyo ang kaligayahan mo para sa amin... para sa akin." Sinapo nito ang mukha niya at hinalikan ang noo niya. "Anak, napakasaya ko kasi inisip mo ako at pinahalagahan mo kung ano man ang magiging opinyon ko. But, my baby, keep in mind that true love will only find you once. If you found true love the second time, it's a miracle. So I say, love Lash with all your heart. Huwag mo kaming isipin o ibang tao. Hindi ka inampon ni Leandro dahil hindi ako pumayag kaya nanatiling Fernandez ang apelyido mo. Hindi kayo magkadugo ni Lash kaya walang masama sa pag-iibigan n'yo. Napakasuwerte mo nga kasi nakahanap ka ng lalaking magmamahal sa 'yo. Huwag mo na siyang pakawalan, kasi katangahan ang gawin 'yon."
Napahagulhol siya at yumakap sa ina. "Nandito si Lash. Nakita ko siya." Humikbi siya. "Pero hindi niya ako pinansin. Siguro nagsisinungaling lang siya na mahal niya ako. Siguro may iba na siya, siguro—"
"Nez, maraming nasasaktan sa maling akala. You should know that by now. Nasaktan ka dahil sa maling akala mo na itatakwil kita." Tinapik-tapik nito ang pisngi niya. Tenderness was present in her mom's eyes. "Confront him. Ask him. Tell him you love him. Nasisiguro kong hindi ka niya pinansin kasi nasaktan mo siya. Nez, hindi sa lahat ng pagkakataon ay lalaki ang nanunuyo. Sa sitwasyon niyong dalawa at sa nangyari sa inyo, dapat ikaw naman ang manuyo. If you love him, work for it."
Tumango siya at niyakap uli ang mommy niya. "Natatakot ako baka hindi naman talaga niya ako mahal."
"Only one way to find out."
Suminghot-singhot siya at kinagat ang pang-ibabang labi. There was only one way to find out indeed.
Pagkatapos ng pag-uusap nila ng mommy niya, umalis na ito ng kuwarto niya. Siya naman ay inayos ang sarili hanggang sa magmukhang presentable. Huminga siya nang malalim bago lumabas ng kuwarto at hinanap si Lash.
HALOS ISANG ORAS nang hinahanap ni Nez si Lash pero hindi pa rin niya makita ang lalaki. Kaya laking pasasalamat niya nang makasalubong si Lath habang patungo siya sa dalampasigan.
Nez instantly smelled Lath's perfume—Armani. "Lath."
Nginitian siya nito. "Hey, sister-mine."
"Nakita mo ba si Lash?" Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa.
Mas lumapad ang ngiti ni Lath. "Hmm. Si Lash?" Tinapik-tapik nito ang baba na parang nag-iisip, saka mahinang tumawa. "Nasa Black Pearl Yacht."
Agad na dumako ang tingin niya sa yate na nakadaong sa dalampasigan.
"Thanks." Akmang iiwan na niya ito nang pigilan siya ni Lath sa braso.
"Don't hurt my twin brother again, Nez." His voice was menacing. This was the Lath she met ten years ago. "I swear, kapag sinaktan mo pa siya, sa akin ka mananagot. At wala akong pakialam kung stepsister kita, lagot ka sa akin."
Tumango siya. "Hindi ko siya sasaktan—"
"Good." Lash flashed a wide grin. "Now, go."
Pinakawalan siya nito kaya tumakbo siya patungo sa yate na nakadaong sa dalampasigan. At dahil medyo malayo iyon, nabasa siya hanggang sa tuhod habang papasok doon.
When she entered the yacht, she inhaled, and exhaled after.
Maingat ang bawat hakbang niya habang nililibot ang buong yate para hanapin si Lash. Pero hanggang sa mapuntahan niya lahat ng parte ng yate, hindi niya nakita ang lalaki.
Naiinis na nagpapadyak siya at ihinilig ang mga siko sa railings. Mula sa kinatatayuan, kitang-kita niya ang malawak na karagatan at ang likuran na bahagi ng mansiyon.
Nez sighed. Baka pinagtitripan lang siya ni Lath. Wala naman doon si Lash. O baka pinagtataguan siya nito?
A tear slid down to her cheek. Mabilis niyang pinahid iyon, saka tumingin sa karagatan. "Where are you, Lash?"
NAGTATAGIS ANG MGA BAGANG ni Lash nang lumabas siya sa library ng ama. Madilim na madilim ang mukha niya at gusto niyang manuntok. How dare that old man did that? No! He couldn't do this to him! He couldn't!
Pagkatapos siya nitong itakwil sa makasariling kadahilanan, ngayon naman ay iyon ang gagawin nito?
No way!
"What happened?" Boses iyon ni Lath.
Nag-angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata nila. Agad nitong nakita ang galit sa mga mukha niya.
"Ano ba'ng nangyari?" tanong uli ni Lath sa kanya.
Bumuga siya ng marahas na hangin. "Pinuntahan ko si Dad sa library para kausapin siya. I want to know how he can disown me just like that. Good God, anak niya ako. His flesh and blood, yet he disowned me for a selfish reason! But before I can talk to him about it, he showed me an adoption paper." Nagtagis ang mga bagang niya. "He's adopting Nez, Lath. Adopting!" Galit na ihinilamos niya ang kamay sa mukha at napailing-iling. "Magiging magkaapelyido na kami! Wala na talaga kaming pag-asa! Bullshit!"
Napailing-iling ang kakambal. "Sumosobra na si Daddy." Tinapik nito ang balikat niya. "'Di bale, pahangin ka muna. Pumunta ka sa Black Pearl Yacht. May kakausapin lang ako."
Kumunot ang noo niya. "Sino? Si Dad?"
"Nope. I'll tell you later." Nilampasan siya nito at nagtungo sa kung saan.
Bumuntong-hininga siya, saka tumingala sa kisame. Gusto niyang puntahan si Nez sa kuwarto nito para halikan at yakapin pero pinigilan niya ang sarili.
He had to do something about the adoption first.
Ano ang magagawa niya para mapigilan 'yon? But before he stopped the adoption, he needed to know if Nez wanted to be adopted. Baka gusto nitong maging totoong Coleman at siya lang ang ayaw.
Bullshit!
Naguguluhang nagtungo si Lash sa Black Pearl Yacht. Nang makapasok siya at makarating sa top deck, agad niyang nakita ang babae na nakahilig sa railing at malalim ang inisiip habang nakatingin sa malawak na karagatan.
Nez...
Tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito. Agad naman itong lumingon sa direksiyon niya. At nang magtama ang mga mata nila, ngumiti ito nang pagkatamis-tamis.
And his heart... stopped.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top