CHAPTER 20
CHAPTER 20
A WEEK later and Shun was a messed. He didn't shave. He seldom took a bath. He seldom eats. He never answered his calls and messages. And he never leaves his house. He's mending his broken heart and it wasn't healing at all.
Damn it!
He dropped his phone on the floor as he drink the remaining content of the bottle of rum in his hand. Nakahiga siya sa mahabang sofa habang nilalasing ang sarili para makalimutan ang babaeng 'yon. Sa halip na maka move on at makalimot, mas lumalala pa ang pangungulila niya kay Themarie.
Nababaliw na nga yata talaga siya. He was even contemplating if he will put himself in a Mental Institution.
Bumuga siya ng marahas na hangin saka pinulot ang cell phone niya sa sahig. Then he called Ymar.
"Hey, my man." His voice was slurred, halatang lasing siya.
"Shun?" Paninigurado ni Ymar. Maybe he doesn't sound like himself.
"Yeah. It's me." Sinubukan niyang umupo sa sofa pero wala siyang lakas kaya napahiga siya ulit. "Hey, ahm, can you tell your girlfriend to make a reservation for me?"
"Reservation?" Naguguluhang ulit ni Ymar.
"Yes. Reservation in the Mental Hospital." Mahina siyang tumawa. "I'm losing it, Ymar. And it's because of a fucking woman who i love so much but she's getting married. Nababaliw na ako. I want to go back to Tuscany. Pero paano kung hindi na niya ako tanggapin? Paano kung nagbago na ang isip niya at hindi na niya ako mahal? Baka magpakamatay na talaga ako, Ymar, hindi lang ako mabaliw. Kaya pa reserve mo ako, ha? As soon as I can pull myself together, I'll go back to Tuscany. If I have to drag Themarie back to the Philippines with me, I will. Siguro magagalit siya pero lilipas din naman 'yon diba? I thought I'm moving on, pero pinagloloko ko lang ang sarili ko. I wasn't! And I need her to stay sane!" God. It feels so good to confess those things to someone.
"Ayos ka lang ba, Shun?" Ani Ymar.
Pinatay niya ang tawag at binitawan ang cell phone dahilan para mahulog na naman 'yon sa sahig. And the next thing he knew, he was dozing off.
Hindi alam ni Shun kung ilang oras ang nakalipas ng magising siya. He can hear voices near him. Hindi nga lang niya maimulat ang mga mata dahil masakit ang ulo niya at hindi siya makagalaw sa sobrang kalasingan.
But can hear the voices clearly.
"What do you know?" Boses iyon ni Ymar na parang nagtatanong.
It was Lash's or Lath's voice who answered, hindi siya sigurado. "Ang alam ko ikakasal na ang babaeng mahal niya. And to top of it all, she's a Duke's daughter."
"So what? Tutulong pa rin tayo. How many times did this punk help us?" Boses iyon ni Iuhence. "Oo nga at kinukutungan niya tayo pero para naman 'yon sa mga batang lansangan. Wala akong pakialam kahit anak pa siya ng hari. Let's stop that freaking wedding."
"Moron." It was Knight. "Nasa Tuscany ang babaeng 'yon at narito tayo sa Pilipinas. How can we stop that wedding? And yeah, i, too, am not scared. I'm a Spaniard Count for Christ's sake!"
"Ano naman ang nakapagmamalaki sa titulo mo?" Boses iyon ni Valerian at mukhang galit ito kay Knight. "Count ka lang. The fact still remains na inalila niyo kaming mga Pilipino. At hindi lang 'yon, minaltrato niyo pa kami at tinuring na mga bobo. At bakit ko tutulungan 'tong singkit na 'to? I hate Japanese as much as i hate Spaniards."
"Shut up, Valerian. You're so sour and bitter." Si Knight ulit iyon at mukhang nasisiyahang makipagbangayan kay Valerian.
"Shut up you two." Si Dark iyon. "Let's get down to business. Anong gagawin natin?"
"Oo nga. Nasa Tuscany 'yong babae." Si Ymar ang nagsalita. "And Shun is really broken hearted."
"Okay. What do we do?" Si Tyron 'yon.
"Whatever it is, I'm in." Si Lander.
"Count me in." Si Calyx.
"Lath can't join us. Busy siya kahahabol sa love of his life niyang si Haze." Ani Lash.
"Ano na nga ang gagawin natin?" Si Train iyon at mukhang naiinip na.
"We stop the wedding, lunatics." It was Cali who answered.
"Nasa Tuscany nga diba?" Sabad ni Ream na ikinagulat niya. Anong ginagawa nito rito? "Anyway, Dark, can you please tell your beloved Anniza that she owes me a thousand pesos for the necklace."
"Shut up, Ream." Dark hissed. "Paano natin pipigilan kung nasa Tuscany ang kasal?"
"We have planes, morons." Ani Valerian. "We fly."
Knight grumbled under his breath. "I am not a moron. I excel in my studies, thank you very much."
"Moron." Valerian said again, sounding delighted.
"Tumahimik nga kayong dalawa." Si Ymar iyon. "Okay. We have planes. Pero hindi kaya tayo makulong sa gagawin natin?"
"Isama natin si Evren." Suhestiyon ni Dark. "He's the best Lawyer i know. Kaibigan ko siya."
"Evren Yilmaz?" Nagtatanong na ani ni Tyron. "That guy is a legend in court."
"Oo nga." Segunda ni Iuhence. "He could be useful."
"So, it's settled then, we're going to Tuscany." Excited na sabi ni Calyx.
Someone snorted. "Yeah. But before we leave, magpaalam muna kayo sa mga asawa niyo." Boses iyon ni Valerian. "Ayokong magka-world war three pagbalik natin."
"Right. Kita-kita nalang tayo sa airport in an hour." Boses iyon ni Train na mukhang papalayo na.
Shun heard muffle of voices murmuring 'okay', pagkatapos ay narinig niyang nag-si-alisan na ang mga may-ari ng boses.
Thanks God. Parang may mga bubuyog kanina sa sobrang ingay ng mga ito. Pipilitin ulit sana niyang imulat ang mata ng may panyo na sumapo sa ilong at bibig niya.
He couldn't even move in so much drunkenness, so paano niya bubugbugin ang taong may hawak ng panyo.
At bago siya mawalan ng malay, narinig niya ang boses ni Ymar.
"Sorry, man, but we need to do this."
"BABALIK siya." Iyon ang palaging sinasabi ni Terron kapag nagkikita silang dalawa kapag binibisita siya nito sa bahay niya.
Themarie is sick of it!
"Kailan?!" Sigaw niya sa sobrang frustrasyon at sakit. "Kapag kasal na tayo? Terron, six days from now, ikakasal na tayo. Nawawalan na ako ng pag-asa na babalik pa siya, na ipaglalaban niya ako." Isa-isang tumulo ang luha niya.
"Don't lose hope. Babalik siya." Ani Terron na umaasa pa ring hindi matutuloy ang kasal nila.
"Ayoko nang umasa. Mas nadodoble ang sakit kapag lumilipas ang isang araw na walang Shun na nagpapakita."
Inakbayan siya ni Terron. "Kung hindi siya darating, mag-iisip tayo ng ibang paraan."
"Like what?"
"Basta, ako na ang bahala." Tumayo ito. "Dito ka lang at hintayin mo si Shun. Naniniwala akong babalik siya para sayo. Kung mahal ka niya, babalik siya."
Lumuluha na tumango siya at sinubukang ngumiti. "Okay. I'll wait."
Terron patted her head and then left.
Naiwan si Themarie na umiiyak. "Shun, please, balikan mo ako." Pagmamakawa niya sa hangin.
Napaigtad at napatingin siya sa pinto ng kaniyang silid ng bumukas iyon at pumasok ang kaniyang ama.
Mabilis niyang pinahid ang mga luha at tumayo. "Hi, Dad."
"Themarie," lumapit ito sa kaniya at hinaplos ang mamasa-masa pa niyang pisngi. "I'm sorry if I'm doing this to you. It's just that, i want to make sure if this man really loves you. When i fall in love with your mother, there are lots of hindrances to our happy ever after. But that didn't make me stop. I fought hard to keep your mother. I fought until i won. I even left Tuscany to go after her in the Philippines. That's why I'm doing this. I want that man to fight for you. I want to see what he can and will do to keep you."
"He loves me, Dad." Sabi niya sa mahinang boses.
"Then he must prove it." He affectionately caressed her cheek. "You have to be like your mother. Even when my parents ship her off to the Philippines and told her that i don't love her anymore and she was just a passing fancy, she didn't believe them. She trusted me. She never doubted my love for her. That's what you should do. Believe in the man you love. He will come. If you believe he loves you, then he will return to fight for you."
Themarie nodded. "Yes. Shun loves me and he will come back for me."
"But if he didn't," tumalikod ang kaniyang ama at naglakad patungo sa pinto ng kaniyang silid, "you will marry Terron."
"I don't want to."
"You don't have a choice." With that, her father left.
Nahiga siya sa kama at tumingin sa kisame. "Nasaan ka na ba, Shun? Kapag nakita kita, kakaratehin at susuntukin talaga kita sa pagpapaiyak mo sakin."
"LUNATICS, we just enter Tuscany. Buckle up and let's fucking descend." Ang boses ni Valerian sa speaker ang gumising kay Shun sa pagkakaidlip.
Babangon sana siya ng mapansing nakatali siya sa kinahihigaan. Pinukol niya ng masamang tingin ang taong may hawak ng panali: Ymar.
"Untie me!" Sigaw niya na nito.
Ymar was startled and then chuckled. "Relax." Tinanggal ni nito ang pagkakatali sa kaniya. "There you go."
Mabilis siyang bumangon at ipinalibot ang paningin. His head is throbbing, umiikot din ang paningin niya pero hindi siya puwedeng magkamali. Nasa eroplano siya!
"Nasaan ako?" Tanong niya habang isa-isang tinitingnan ang mga kaibigan niya na komportableng nakaupo at nagbabasa ng iba't-ibang klase ng magazine.
Si Lash ang sumagot kaniya. Ibinaba nito ang magazine sa hita nito at tumingin sa kaniya. "Tumingin ka sa labas ng bintana."
"Hindi na kailangan, alam kung nasa loob ako ng eroplano." Aniya.
Bumuntong-hininga si Knight at nagsalita. "Look, man, we're just trying to help."
"By?"
"By taking you to Tuscany, moron." Sagot ni Ymar. "Pipigilan mo ang kasal."
Umawang ang labi niya. "What? Nababaliw na ba kayo? O baka hindi niyo pa alam na anak siya ng isang Duke?"
"Alam namin." Sabad ni Tyron. "Pero wala kaming pakialam. Tutulungan ka pa rin namin."
"Pero hindi niyo naman desisyon kung pipigilan ni Shun ang kasal diba?" Anang boses ni Valerian na lumabas mula sa cockpit.
"What the fuck, man? Sinong nagpipiloto?" Kinakabahang tanong ni Iuhence.
"Auto-pilot." Lumapit sa kaniya si Valerian. "Malapit na tayo sa Tuscany, Shun. Ang kailangan ko lang gawin ay ilapag ang eroplano at naroon na tayo. We already did our part and that is to bring you to Tuscany, the rest is yours. Kaya tatanungin kita ngayon, ilalapag ko ba ang eroplano at pipigilan mo ang kasal o uuwi tayo at hahayaan mong makasal ang babaeng mahal mo sa iba?"
"Yeah, Shun, pick." Segunda ni Knight. "You clearly love this woman. Are you willing to give her up to another man? Kaya bang tanggapin ng puso mo na may ibang lalaki na humahalik at nakikipagtalik sa babaeng mahal mo?"
Shun's heart tightened in pain. Parang sirang plaka na nag-replay sa isip niya ang mga ala-ala niya na kasama si Themarie.
The first time he meets her. Their first kiss. Their first love making. When he offered her to live in with him. Their first date. The time that she left him and he search for her like a mad man. When he saw her again in that ball. When he learned that she is her partner. Their love making in the condo and in her room in her house. And their last kiss in the car.
Lahat ng ala-alang iyon ay may kaakibat na kasiyahan at sakit. Pero kahit nasaktan siya, hindi nawala ang pagmamahal niya para kay Themarie. And his friends, these lunatics who are with him now in this plane were right, he have to stop that wedding one way or another.
Hindi niya kakayaning may humahalik na ibang lalaki sa babaeng mahal niya. Hindi niya kayang tanggapin na may ibang makakakita sa katawan nito na halos sambahin niya kapag nagtatalik sila. Hindi kayang tanggapin ng puso niya na ang babaeng mahal niya ay makikipag-isang dibdib sa isang lalaki, lalo na kay Terron.
Shun already plan to come back in Tuscany, at ngayon, malapit na siya sa nasabing bansa. Themarie is mine! Hindi siya mabubuhay ng masaya kung wala ito sa tabi niya.
He has to stop the wedding. But how? Ang tanging pinanghahawakan lang niya ay ang kaalamang mahal din siya ni Themarie.
In that moment, an idea hit him.
Isang paraan lang ang naiisip niya para mapigilan niya ang kasal, kailangan niyang kausapin ang ama ni Themarie. He has to show the Duke, Themarie's father, that he loves his daughter from here to the moon and back.
Humugot siya ng isang malalim na hininga saka tumingin kay Valerian. "Land this plane. I'm stopping that fucking wedding."
Valerian grimaced. "I don't take orders from a Japanese." Tumalikod ito at pumasok sa cockpit kapagkuwan ay nagsalita sa speaker. "Put your seatbelt on, buckle-up, we're about to descend."
Mabilis siyang umupo sa bakanteng upuan saka nagsuot ng seat-belt. Nang mag-angat siya ng tingin, napakunot ang nuo niya ng makita ang hindi niya kilalang lalaki na katabi ni Dark.
"Sino ka?" Tanong ni Shun sa lalaki.
Sinalubong ng lalaki ang tingin niya. "I'm Evren Yilmaz. And I'm here in case you all go to Prison for what you're about to do and you need an awesome Attorney to bail you out." He grinned. "Nice to meet you Mr. Shun Kim."
"Same here." Tinaggap niya ang pakikipagkamay nito saka tumingin sa labas ng bintana. Malapit nang lumapag ang eroplanong sinasakyan nila.
I'm coming for you, Themarie. But first, i will have a talk with your father.
A/N: It's really cute when Possessive boys get together and help each other. They're weird but downright gorgeous. Who agrees with me? Itaas ang dalawang paa at ibuka. Haha. Kidding aside, hope you like this chapter. These men really know how to help a brokenhearted lad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top