CHAPTER 22

CHAPTER 22

TUMUWID ng tayo si Lysander kaya naman bumangon si Jergen sa pagkakahiga sa mesa at naupo sa gilid niyon. Samantalang si Lysander ay umupo sa upuan na nakaharap sa kanya, nakapalibot ang matitipuno nitong braso sa baywang niya na para bang aalis siya at ayaw siya nitong paalisin.

Hindi pa rin makapaniwalang nakatitig si Jergen sa asawa na matiim na nakatitig sa kanya. Puno ng samu't saring emosyon ang mga mata nito at sa unang pagkakataon, nababasa niya ang nilalaman niyon.

She could see love in his eyes. At para sa kanya ang pagmamahal na 'yon. He did say that he loved her, right? Hindi niya iyon guni-guni lang.

"P-pakiulit nga ng sinabi mo..." nauutal niyang sabi habang hindi pa rin makapaniwalang nakatitig sa asawa.

"I love you." Puno ng sensiredad ang boses nito habang matiim na nakatitig sa kanya. "So darn much, my baby."

An unexplainable happiness filled her heart. "Y-you do?"

Tumango si Lysander. "Matagal na." Humaplos ang kamay nito sa baywang niya at tumigil iyon sa mga hita niya. "Hindi ko lang masabi sa 'yo."

Lalong umawang ang labi niya. "T-totoo talaga 'yan?"

"Yeah." He smiled softly at her while he looked lovingly at her. "Five years, baby. I'd been loving you for five years now."

Parang sasabog ang puso ni Jergen sa sobrang bilis ng tibok niyon. "F-five years? Ganoon na katagal?"

He nodded. "Yeah. Ganoon na katagal. Ganoon na kita katagal kamahal, Jergen." Mahina itong tumawa, saka napailing-iling na para bang hindi makapaniwalang limang taon na nga siya nitong minamahal. "You got me with 'I'm really, really starving to death.'" Natawa na naman ito habang nakatingin sa kanya at hawak ang kamay niya. "You got me with your answer. You caught my attention with your hair color. And you made me fall irrevocably with your feisty attitude. Kapag pinapagalitan mo na ako, hindi ako naiinis, natutuwa ako kasi napapansin mo ako. Hindi ako pumapasok kasi may tiwala ako sa 'yo na hindi mo ipapahamak ang kompanya ko, at natutuwa ako kapag pinupuntahan mo ako sa barn o kaya dito sa bahay para lang pagalitan ako o magpapirma. I felt so special because of that." Tumawa na naman ito at napailing-iling na parang may naaalala. "Hinahayaan nga kitang insultuhin ako at kotongan samahan mo lang akong mag-hiking. Kasi parang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita. Kaya naman sinamahan kita nang umuwi ka sa inyo, kasi hindi ko kaya, eh. Alam ko sa sarili ko na hahanap-hanapin kita at maiinis ka na naman sa 'kin kapag tinext kita nang tinext at tinawagan."

Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa kilig na nararamdaman. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Kaya pala sumama ka sa 'kin..." Napailing siya. "'Tapos ang dami mo pang rason, gusto mo lang naman pala akong makasama."

He chuckled. "Yeah... I just don't know what to say to you that time."

Inirapan niya ito. "Alam mo ba kung anong klaseng kaguluhan ang ginawa mo sa puso't isip ko?"

"Same with me, baby." Lysander kissed her hand then he looked intently at her eyes. "At first, I tried so hard to erase what I felt for you. I, ahm..." Parang nahihiya itong ngumiti at napakamot ng ulo. "I tried going out with a lot of women, hence your judgement that I am a playboy. Gusto kong pigilan ang nararamdaman ko, ako kasi iyong tipo ng lalaki na hindi naniniwala sa bagay na 'yan. Hindi ko matanggap sa sarili ko na nababaliw ako sa sekretarya ko. Hindi ko matanggap na 'yong kaligayan ko, nasa mga kamay mo, na ngitian mo lang ako, tingnan nang matagal, masaya na ako, kumpleto na ako. Hindi ko matanggap na baliw na baliw ako sa 'yo pero ikaw, wala lang. Ni hindi mo nga yata ako napapansin noon. At higit sa lahat, hindi ko matanggap na kahit ano'ng gawin ko, kahit saang bansa ako magpunta para makatakas sa presensiya mo... wala, eh, bumabalik pa rin ako rito sa Pilipinas para makita ka.

"I tried to settle down in Seattle like my parents, but hell, after a week of not seeing you, I went nuts, baby." Masuyo nitong sinapo ang mukha niya habang puno ng emosyon ang mga matang nakatingin sa kanya. "I just can't survive without you because you literally complete me and to hell with everyone and everything, I'm really, really okay with that. I don't know how I fell in love with you, baby, I just did. I am madly, irrevocably, unconditionally in love with you. Hindi ko masabi sa 'yo noon kasi natatakot ako, nakikita ko kasi na parang wala namang epekto ang kakisigan ko sa 'yo, eh. You look at me and you see your lazy boss, not me, Lysander Callahan who's loving you so darn much.

"But my pent-up feelings for five years had been slipping. Hindi ko na 'yon mapigilan. That's why I'd been kissing you and touching you whenever I get the chance. I just can't stop it. And when I tasted those lips..." Hinaplos nito ang mga labi niya habang doon nakatitig. "I got so addictive with your lips and to you. I can't go back to the way we were." Marahas itong umiling. "Akin ka dapat. Akin lang. Minahal kita nang limang taon, dapat sa 'kin ka." Tumalim ang mga mata nito. "Hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba, lalo na't natikman ko na ang pakiramdam na kasama ka. You're mine. No one else will have you but me. You. Are. Mine. Jergen."

Tumayo si Lysander, saka mapusok na inangkin ang mga labi niya. Ipinikit na lang niya ang mga mata habang ninanamnam ang halik. His kiss felt so good because she could feel his love for her in every move of his lips against hers. This was it. This was what she wanted to hear and feel.

"Baby?" Hinaplos nito ang pisngi niya nang pakawalan ang mga labi niya. "Look at me."

She opened her eyes and looked into Lysander's. "Hmm?"

"I love you." Matiim itong tumingin sa kanya. "And I want to hear you say that you love me too. Because if you don't, I still won't let you go. You're stuck with me. Wala ka nang kawala, kasal na tayo. So yes or no, mahal mo ba ako?"

Mabilis siyang tumango. "Mahal." Pinanggigilan niya ang pisngi ng asawa. "Ilang taon na kitang pinagnanasaan, Boss, baka akala mo." Mahina siyang natawa, saka pinisil ang tungki ng ilong nito. "Nakakainis ka alam mo 'yon? Palagi kang nagpaparamdam pero wala namang sinasabi. Akala mo nakakatuwa 'yon?" Inirapan niya ito. "Para sa babaeng mahal ka, hindi sapat ang puro paramdam lang. Dapat magsalita ka rin para hindi ako lumabas na assuming."

Lysander just smiled. "I love you, you love me, still thinking of leaving me? Because I won't let you leave me, baby. You're mine and I love you. So I'm keeping you." Tumaas ang sulok ng labi nito. "At hindi ko hahayaang mapunta lang sa wala ang pakikipagkuntsabahan ko sa tatay mo na ipakasal tayo."

Halos malaglag ang panga niya at lumuwa ang mga mata sa rebelasyong nalaman. "You did what?!"

Lysander's face hardened. "You heard me, baby. Akin ka lang. Hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba. And I would do anything and everything in my power to have you. Lalo na't hindi pa ako sigurado n'on kung mahal mo rin ako kaya ginawa ko 'yon."

Hindi pa rin makapaniwala si Jergen habang nakatitig kay Lysander. "You... you... did... that?"

"Yeah." He looked so smug. "Do you think I would let your father marry us if I don't love you?"

Nakaawang pa rin ang labi ni Jergen. "You... what?"

"I love you, Jergen Carbonell Camince," madamdamin nitong sabi. "At saka wala namang masama sa ginawa ko. I just secured my relationship with you. From single to married." He grinned. "How's that, baby?"

Nakaawang pa rin ang labi niya. "And here I thought you were force to marry me..." Napailing-iling siya. "Guilty na guilty ako sa ginawa ng tatay ko sa 'tin, 'tapos ikaw pala may pasimuno niyon?" Pinukol niya ito ng masamang tingin. "You are very cunning, boss. Ano ba ang sinabi mo sa tatay ko para mapapayag siya sa kabaliwan mo?"

Malapad na ngumisi si Lysander. "Oh, nothing much. Sinabi ko lang sa kanya na may nangyari na sa 'tin at handa kitang panagutan. Ang problema ang anak niya." Iminuwestra nito ang kamay sa kanya. "Na hindi makaramdam na mahal ko siya kahit panay naman ang paramdam ko. Ang manhid-manhid mo, baby."

She glared at Lysander. "So ako pa ngayon ang mali. Sino kaya iyong panay ang paramdam pero wala namang sinasabi?" Namaywang siya at inirapan ito. "Boss, hindi ako manhid, sadyang torpe ka lang talaga."

Mahina itong natawa, saka masuyo siyang hinalikan sa mga labi. "Oo na, torpe na ako, ang importante mahal kita nang sobra at 'yon ang totoo."

Sinundot niya ang tagiliran nito. "Ikaw talaga, Boss, 'yang mga pakilig moves mo, saka salita, 'yan, 'yan ang dahilan kaya nahulog ako sa 'yo."

"Handa naman akong saluhin ka," sabi nito habang titig na titig sa mga mata niya. "I'm just here, baby. And I'm not gonna leave you. Ever. Ngayon pa ba na kasal na tayo—" Bigla itong napatigil sa pagsasalita. "Wait here, baby, may kukunin lang ako sa kotse ko."

Kunot ang noong napatitig na lang si Jergen sa papalayong bulto ni Lysander na palabas ng kusina. Ilang minuto lang ang lumipas, bumalik agad ito, may dala na itong brown envelope.

"Ano 'yan?" kunot ang noong tanong niya sa hawak nitong envelope.

Nakangiting bumalik si Lysander sa harap, niya saka inilabas ang laman ng envelope na hawak at ipinakita sa kanya. "Here's the proof that you're all mine, baby. Mine and mine alone."

Kunot pa rin ang noong tinanggap niya ang papeles na hawak nito, saka binasa ang laman niyon.

Marriage certificate

Nakaawang ang mga labi niyang binasa ang lahat ng nakasulat sa marriage certificate na hawak. Lahat ng impormasyong nakasulat doon ay tama at hindi lang 'yon, nakarehistro na 'yon. Ibig sabihin ay legal talaga silang mag-asawa ni Lysander.

Nag-angat siya ng tingin sa lalaki. "Saan mo nakuha 'to?"

"Naalala mo nang ipadala ko sa nanay mo 'yong pinirmahan natin noong mospital ang tatay mo?"

Tumango siya. "Oo, naalala ko."

"At 'di ba lumabas ako?"

"Oo."

"Sinabihan ko iyong kumpare ng tatay mo na ideretso 'yon sa city hall para wala ka nang kawala na sinang-ayunan naman ng tatay mo. 'Tapos ibinigay ko ang address ko ang sinabing padalhan ako ng kopya." Ngumisi ito. "Okay ba, baby? Ang galing ko, 'no?"

Pabiro niya itong kinurot sa dibdib, saka napailing-iling. "You are really cunning, Boss. Kaya naman pala galit na galit ka nang pumunta sina Carlos sa bahay."

"Of course." Nagdilim ang mukha nito. "Akin ka, eh, 'tapos darating siya at aagawin ang babaeng mahal ko? Ano siya, sinusuwerte?"

Hindi niya mapigilan ang mapangiti. "Selos ka, 'no?"

His eyes darkened. "Don't remind me, baby. I might just go back to your province and throttle that bastard for looking at you with desire. Only I get to do that," may diin nitong sabi.

Mahina siyang natawa, saka dumukwang ang hinalikan ito sa mga labi at nagtanong. "At si Khairro?"

"He was trying to steal my baby away." Tumalim uli ang mga mata nito. "Hindi ako papayag. Akin ka mula nang mag-apply ka sa kompanya ko."

Parang tatalon at lalabas ang puso ni Jergen sa kanyang dibdib dahil sa kilig na nararamdaman. At nang hindi siya magsalita at nanatiling nakatitig lang dito, ito ang bumasag sa katahimikan na bumalot sa kanila.

"I, ahm..." May kinuha ito mula sa bulsa sa likod ng pantalon. Ang kamay nito na nakakuyom ay ihinarap sa kanya at ngumiti ito. "I..." Parang hindi nito alam ang sasabihin, saka para itong nahihiya.

"What is it, Lysander?" usisa niya. "Spill it. Now."

Huminga si Lysander nang malalim na para bang humuhugot ito ng lakas ng loob, saka nagsalita. "I pestered Ream Oliveros for this. Pagkatapos ng nangyari sa 'tin noong nag-hiking tayo, hindi ako nagdalawang-isip na magpahanap nito kay Ream. It took him a while to have this and he just gave it to me through Red Montero, the woman who came to my office who happened to be a close friend of mine way back then. Pareho kasi kaming mahilig mag-hiking kaya naging magkaibigan kami." Huminga ito nang malalim. "Anyway, I want to ask you to be..." Ibinuka nito ang nakakuyom na palad. "... officially mine."

Napatitig si Jergen sa singsing na nasa gitna nang nakabuka nitong palad. Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang maramdamang para siyang naluluha sa halo-halong emosyong nararamdaman. Ikinurap-kurap niya ang mga mata, saka lalong tinitigan ang singsing.

It looked ancient... antique... May maliliit na brilyante iyon sa gilid at pinapalibutan niyon ang isang bato na may kakaibang kulay na tanging noong mga sinaunang panahon lang mayroon. And it also have carvings on the gold band. Makaluma na rin ang disenyo niyon, kapareho ng disenyo ng ibinigay nitong bracelet sa kanya noong nasa probinsya sila.

Masuyong hawakan ni Lysander ang kamay niya, saka isinuot nito ang singsing sa daliri niya. Mabigat 'yon sa daliri pero napakaganda naman.

"Salamat," madamdamin niyang sabi kay Lysander na puno ng pagmamahal na nakatingin sa kanya. "Ang ganda..." Gumaralgal ang boses niya. "Sobra-sobra na 'to, Lysander. Sapat naman na sa 'kin na mahal mo rin ako, eh."

Hinalikan nito ang daliri niya kung saan nakasuot ang singsing habang hindi nito inaalis sa kanya ang tingin. "Nang bilhin ko ang bracelet na 'to..." Hinaplos nito ang antique na bracelet na ibinigay sa kanya. "Sabi ng shop owner may kapareha raw 'yong singsing pero nabili na ng isang collector ng antique rings kaya ang bracelet na lang ang kinuha ko. He said that this bracelet symbolizes the merchant's feelings for his wife... And that is love. The merchant loves his wife so much. Kaya ibinigay ko 'yan sa 'yo, kasi katulad ng merchant, sobra din kitang mahal, Jergen. Kaya naman kinulit ko si Ream na hanapin ang kapareha n'ong singsing, magbabayad ako kahit magkano."

"Bakit?" nagtataka niyang tanong. "Ayos lang naman sa 'kin kahit anong singsing basta galing sa 'yo."

Lysander smiled. "I won't settle just for any ring, baby. Dahil espesyal ka sa 'kin, kaya dapat espesyal din ang singsing ang para sa 'yo." He kissed the ring on her finger. "If the bracelet symbolizes love, the ring symbolizes eternity for couple. Ang totoo, hindi naman ako naniniwala sa mga symbol-symbol na 'yan, eh. Pero kahit ano, paniniwalaan ko kung ang kapalit n'on ay makasama ka habang nabubuhay ako."

A tear escaped her eyes. Lysander's words were making her heart swelled in so much happiness causing her to cry in joy. "Lysander..."

Puno ng pagmamahal na hinaplos nito ang pisngi niya, saka masuyo siyang hinalikan sa mga labi. "I love you, Jergen," bulong nito sa mga labi niya. "Marry me again, this time, sa simbahan na ang kasal natin, hindi sa sala ng bahay n'yo."

Mahina siyang natawa habang naiiyak pa rin. "Kainis ka, pinapaiyak mo ako."

Tinuyo nito ang mga luha niya. "Huwag kang umiyak. Baka mapaano si baby kasi stress ka na naman."

Umiling siya. "Hindi ako stress." Malapad siyang ngumiti. "Masaya ako, Lysander. Masayang-masaya!" Mahigpit niyang niyakap ang asawa. "Mahal na mahal kita, Boss," madamdamin niyang sabi. "Kahit tamad ka, kahit nakakainis ka minsan, kahit ini-stress mo ako, kahit mas malaki ang sahod mo sa 'kin samantalang ako naman ang gumagawa ng lahat, kahit pa pinagtulungan n'yo ako ni Tatay at higit sa lahat kahit na torpe ka, mahal pa rin kita."

Lysander hugged her back. "I love you too, baby. Kahit kulay-rainbow ang buhok mo na masakit na sa mata minsan, kahit pa nga baliw ka minsan, kahit iniinsulto mo ako palagi, kahit kinokotongan mo ako palagi, at higit sa lahat, kahit isa kang manhid, mahal pa rin kita. At mas pipiliin kong makasama ang isang katulad mo habang-buhay kaysa naman sa matino nga hindi ko naman mahal."

Kinilig na naman ang puso ni Jergen kaya mas hinigpitan pa niya ang yakap sa asawa. Kapagkuwan ay pinakawalan niya ito at tumingin sa mga mata nito. "Kailan ang kasal natin, Boss? Gusto ko bongga, ha? Gusto ko enggrande, gusto ko iyong hinihila ang damit ko, nasa altar na ako pero iyong dulo ng damit ko nasa may pinto pa ng simbahan. 'Tapos gusto ko iyong reception natin ay sa isang pribadong isla, 'tapos iyong mga pagkain, bongga rin. At iyong wedding cake, gusto ko sobrang laki, as in life-size, 'tapos iyong design niya parang iyong Callahan's Building. 'Tapos nasa tuktok ako at nakaupo sa swivel chair, ikaw naman sa likuran ko lang at nakatayo kasi nga tamad ka naman talaga at ako ang namahala sa kompanya mo ng limang taon kaya may karapatan akong mag-demand ng ganoon. And last but not the least, gusto kong mag-honeymoon tayo sa Caribbean. O, 'di ba, bongga? Dapat ngayon na tayo magpakasal para sa honeymoon natin hindi pa ako mukhang bilasang butete. Gusto ko maganda ako sa kasal natin. Iyong kagandahan ko, parang dyosa ang dating."

Malakas na natawa si Lysander, saka pinugpog siya ng halik sa mga labi. "Anything you want baby, anything at all. I'll gladly do it."

Mataman niyang tinitigan ang asawa, saka buong pagmamahal na nginitian. "I love you, Lysander."

He smiled back. His eyes gleamed in so much love and happiness. "I love you more, baby. More than anything in this world."

She kissed her husband's lips and smiled. "I know."

"Good." Then he grinned mischievously. "Now, let's have our honeymoon first. Again."

Natawa na lang siya nang pangkuin siya nito patungo sa kuwarto nito na kuwarto na nila ngayon.

Five years ago, Jergen would never think that her handsome boss would fall for her. But look at them now, happy, contented and they loved each. Wala na silang mahihiling pa. Dahil para sa kanilang dalawa, ang importante ay mahal nila ang isa't isa. 


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top