PMH 13
Eve Aguirre
Matapos ang integration period namin, gano'n na rin ang pangyayari sa pamilya ni Azi, balik eskwela na ulit ang mga estudyante sa aming paaralan.
Kung dati, masigla akong pumapasok pero ngayon, kakaiba ang pakiramdam ko.
"Sis, nakita mo na ba?" Naagaw ng atens'yon ko ang dalawang babaeng may pinagkakaabalahan sa cellphones nila.
"Oo sis! Mukhang may balak talaga s'yang bumalik! Omg, can't wait!"
"Mas gumanda na s'ya ngayon at lalong lumitaw ang hugis ng katawan n'ya. Hot na hot ang dating n'ya! Iba talaga pag modelo! Hays, kailan kaya ako magkakaroon ng gano'ng katawan?"
Tumigil ako at pasimpke silang pinapakinggan. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin upang makinig sa kanilang usapan.
"Hintayin na lang natin ang pasabog n'ya. Halos isang taon din s'yang nawala. Mukhang babawiin n'ya ang trono ni Eve."
"Haha, poor Eve! Mas'yadong ambisyosa!"
Matapos ang usapan nilang 'yon ay umalis na rin sila.
Sinong tinutukoy nilang magbabalik?
At aagaw ng trono sa akin?
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko.
Would it be Shanelle?
Hindi, hindi maaari.
Ipinilig ko ang ulo ko at naglakad na lang papuntang classroom.
"Good luck bitch!" Bungad sa akin ni Mirai nang makapasok ako sa room.
Hindi ko s'ya pinansin at umupo sa upuan ko.
"Mukhang wala s'yang kaalam-alam." Natatawang sabi ni Elise.
"Pabayaan nating isampal sa kan'ya na peke lang s'ya. Loser!" Nag-sign pa si Aiko ng baliktad na thumbs up.
"Binu-bully n'yo na naman si Eve? Mga wala talaga kayong magawa e, 'no? Porke, di kayo pinapatulan nitong kaibigan namin." Entrada ni Chelsea kasama nito si Eli.
"Kung bakit ba naman kasi napakalampa n'ya at hindi magawang lumaban sa amin." Nakairap na sabi ni Mirai.
"Nako, talagang hindi kayo papatulan n'yan dahil baka umuwi kayong basag-basag ang bungo," sabi pa ni Eli.
"Tumabi-tabi nga kayo, masyadong masikip ang daan para sa inyong tatlo. Mag-diet diet nga kayo!" Hinawi ni Eli ang tatlo dahilan para magreklamo sila.
"Pabayaan n'yo 'yang mga 'yan. Lagi n'yo na lang pinag-aaksayahan ng laway n'yo ang mga squammy na 'yan. Halatang hindi pinalaki ng maayos," sabat ko.
"What?! Sino kaya ang squammy sa'tin dito?" inis na tanong ni Aiko habang magkasalubong ang kan'yang mga kilay.
Imbis na patulan ay inirapan ko na lamang sila at muling nanahimik sa upuan ko bago dumating ang professor namin.
Natapos na ang buong maghapon na puro lectures lang. Ngunit ang hindi ko maiwasang isipin ay ang mga narinig ko kanina.
Posible nga kayang bumalik si Shanelle? Pero bakit ba?
Iniwan n'ya na si Azi tapos babalik pa s'ya?
Nabalik ang aking isipan sa reyalidad nang tumunog ang cellphone ko kaya madali ko itong kinuha.
"Hello?"
[Eve... I need you.] Kaagad akong kinabahan sa boses na 'yon ni Azi.
"Nasaan ka? Pupuntahan kita."
[Park.] mahinang tugon n'ya.
Agad kong binaba ang cellphone ko at nagmadaling pumunta sa Pricelessiola's Park. Madalas n'ya na itong puntahan kaya alam kong ito ang tinutukoy n'ya.
Namilog ang mga mata ko nang makita s'yang nakahiga sa damuhan at may bahid ng dugo ang kan'yang puting long sleeve.
"Aziel!" Minadali ko s'yang nilapitan.
Naiiyak ako.
"Aziel, anong nangyari? Sinong may gawa nito sa'yo?" Inalalayan ko ang kan'yang ulo.
May bote rin ng alak sa tabi n'ya na basag-basag.
Mukhang napagtripan s'ya.
Sinipat ko ang ulo n'ya ngunit wala namang tama, tanging labi lamang n'ya ang may sugat dahil sa pagputok nito.
Sa ibang bahagi ng katawan n'ya ay wala ring kahit anong sugat.
Nasaan ba ang sasakyan n'ya?
Ang layo-layo ng bahay nila mula rito tapos makakarating s'ya rito ng wala man lang dalang kahit anong sasakyan. Baka nag-taxi o sumakay sa ibang sasakyan ang lalaking 'to.
Pero bakit? Anong ginagawa n'ya rito?
"Azi, gumising ka." Niyugyog ko s'ya at tanging pag-ungot lang ang nagagawa n'ya.
Pinwersa ko s'yang alalayan at sakto namang may paparating na taxi kung kaya't pinara ko na ito agad. Tinulungan naman ako ng driver na ipasok sa loob si Azi at sa bahay na kami dumeretso.
"Ma!" pagtawag ko kay mama sa loob at agad naman itong lumabas.
"Oh, Eve, anak."
"Mama, pakitulungan naman po akong maihiga si Azi sa sofa." Kaagad namang tumalima si mama.
"Ano bang nangyari sa kan'ya anak? Bakit duguan ang damit n'ya? At bakit dito mo pa s'ya dinala?"
"Mukhang napagtripan po s'ya sa park mama. Mas'yadong malayo ang bahay nila roon kaya dito ko na lang po s'ya dinala sa atin tsaka labi lang naman po ang may tama sa kan'ya."
"Oh heto, medical kit. Gamutin mo muna ang sugat n'ya. Ipaghahanda ko lang muna kayo ng makakain." Iniabot n'ya sa akin ang medical kit at tumungo rin agad sa kusina.
Sinimulan ko na munang tanggalin ang mga butones ng long sleeve ni Azi at napako naman ang paningin ko sa katawan n'ya.
"Anong ginagawa mo ate?" Agad din akong natauhan nang biglang sumulpot ang kapatid ko.
"Ah wala, tinatanggal ko lang itong sleeve ng Kuya Azi mo. Lalabhan ko dahil puro bahid ng dugo. Isa pa, wala rin naman s'yang masusuot dito sa atin kung hindi ko ito lalabhan agad." Tuluyan ko nang natanggal ang sleeve ni Azi at napansin kong nakatingin lang sa akin si Yvo.
"What?" kunot noong tanong ko.
"Wala," tatawa-tawang sagot n'ya bago pumuntang kusina.
Tsk, weirdo.
Ginamot ko na ang pumutok na labi ni Azi at hinayaan s'yang matulog. Pinatungan ko na lang muna ng blanket ang topless n'yang katawan bago dumeretso sa banyo upang labhan ang damit n'ya.
Nagtataka ako kung bakit nangyari iyon sa kan'ya. Kung dahil ba sa kamamatay pa lang n'yang ina o baka naman may iba pang mas malalim na rason.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top