Chapter 50: The Aftermath

A/N: THIS IS THE FINAL CHAPTER OF PTQ'S ACT ONE! BUT, BUT, BUT! THERE'S STILL AN EPILOGUE RIGHT AFTER.

This was supposed to be a Castiel chapter, but it would be unfair to Fabienne if we wouldn't read her thoughts for the last time in Act One.

FABIENNE

I DIDN'T know what had gotten to me, but I chose to spare Castiel from public humiliation. No'ng ikinuwento niya sa 'kin ang reason niya kung bakit niya ginagawa 'to, at no'ng lumuhod siya sa harapan ko hanggang sa halos halikan na niya ang sahig, naantig naman ang puso ko. Pero hindi sapat 'yon para patawarin ko siya o pagbigyan ang request niya sa 'kin. Malay ko ba kung nagsisinungaling siya o dinadramahan niya ako para makuha ulit ang loob ko?

But I would admit na na-impress ako sa determinasyon niya. Hindi madaling ikuwento ang isang bagay na hindi ka legally allowed na i-share sa iba. If Alaric or anyone in his family found out na sinabi niya sa 'kin ang buong detalye ng aksidente, malamang nagka-breach na ro'n sa kanilang agreement. Hindi rin madaling lumuhod at ibaba ang sarili sa harap ng ibang tao. Mukhang ma-pride si Castiel na hindi basta-basta magpapakumbaba, pero nagawa niya sa harapan ko.

Maybe he was that desperate to convince me. Or maybe he was that determined to push through with his plan.

Well, I might have granted his request, pero hindi nangangahulugan 'yon na pinatawad ko na siya. Galit pa rin ako sa kanya. Gusto ko nga siyang sampalin no'ng nasa guidance center kami, pero nagtimpi ako. At saka meron ding kapalit ang pabor na hiningi niya sa 'kin. Pinag-resign ko siya sa council para hindi na siya makapambiktima pa ng gaya ko for the sake ng plano niya.

Yeah, that's all I wanted for now. Priam and the council would get into trouble kapag hinayaan nila siyang manatili ro'n. Gagawin niya ang lahat para makuha ang kanyang gusto, at handa siyang isakripisyo ang lahat—hindi lang ang inosenteng gaya ko kundi maging ang dangal niya mismo. Sooner or later, makahahanap din siya ng katapat o kaya'y makapagka-catch up na ang karma sa kanya. Kapag nangyari 'yon, madadamay ang buong council sa mga kalokohan niya. Kaya kailangan na niyang maalis do'n sa lalong madaling panahon.

Would I be able to forgive him? Maybe someday, but definitely not now. Not anytime soon. Bumukas ulit ang sugat ko at humapdi na naman. Only time could tell if I would be able to fully forgive him. At least, sa ngayon, hindi na magkukrus ang mga landas namin.

But I felt guilty. No, not for Castiel! He didn't deserve it. I felt guilty for Reynard. Feeling ko tuloy, pinaikot ko siya 'tapos tinraydor. Totoo namang balak kong i-expose si Castiel sa kanya at sa buong university. Kaso kumambyo ako no'ng oras na mismo ng interview.

Instead of the promised exposé, I talked about my relationship status with Priam. Nang natapos nga ang livestream, paulit-ulit ang pagso-sorry ko kay Reynard habang nakatulala pa rin siya. Sobrang bait nga niya. Sinubukan pa niyang gisingin ako sa panloloko ni Castiel at buksan ang mga mata ko sa panggagamit sa 'kin. He didn't deserve that treatment. Pero kailangang mangyari. I had to protect Priam and his council—minus the chief-of-staff.

Speaking of Priam, obvious naman sigurong hindi scripted ang kiss namin on air, 'di ba? Mabuti nga't nakisakay siya sa 'kin, eh. Ewan kung ano'ng pumasok no'n sa isip ko. Basta pinanindigan ko na ang pagiging couple namin sa buong university. Gusto kong tuldukan na agad ang tsismis na kumakalat na break na raw kami. Well, we weren't really a thing in the first place, pero ayaw ko nang umulit 'yong pagkalat ng fake news dati. Baka kung saan pa mapunta at i-take advantage pa ng haters namin. I decided to give him a kiss—a kiss that silenced the loud and lying mouths of gossipmongers.

Oh, how was he? Mukhang okay naman siya. Magkasama kaming umalis ng set at nagtungo sa USC office. Ilang minutes din siyang natulala na parang wala sa sarili. Sobrang shocked ba niya sa kiss namin? Compared sa 'kin, hindi gano'n ka-big deal ang kiss sa theater. If it's part of the script, then I would do it. Comfortable din ako na halikan siya kanina kahit nasa livestream kasi sanay na akong gawin 'yon sa harap ng maraming tao.

"I'm sorry about earlier," I said as I looked up at him. Sabay naming nilakad ang hallway sa ground floor. Mababagal ang bawat footstep namin na parang ine-enjoy namin ang stroll na 'to. "Hindi na kita nahingan ng consent beforehand kasi 'di rin ako sure kung itutuloy ko ang pag-kiss sa 'yo. But that should be enough para tumigil na ang pagkalat ng tsismis."

Ano ba? Parang na-o-awkward na akong pag-usapan ang kiss na 'yon! Wala namang nakahihiya ro'n, pero may kakaiba talaga kaya may kaunting ilang sa part ko. Dati, hindi ganito. For example: Pagkatapos ng isang kissing scene sa theater, parang walang nangyari sa pagitan ko at ng co-actor ko.

Priam caressed his lips with his hand. "That was my first."

Nanlaki ang mga mata ko, halos nalaglag ang aking panga. "T-Talaga?! I-I'm really sorry! I stole your first kiss! Dapat talaga sinabi ko na sa 'yo bago ko ginawa, eh! Baka naging uncomfortable ka tuloy. I'm really, really sorry!"

"That's okay. You've got nothing to be sorry about." He shook his head and put his hand down. "I'm not upset or what. But it gave me a strange feeling. Hindi ko matukoy kung ano. Basta . . . kakaiba."

Hindi ko alam kung na-enjoy ba niya, pero nang natapos ko siyang halikan, nakita kong nakasara pa rin ang mga mata niya. Kaya nga nasabi kong nakisakay siya sa 'kin dahil parang dinama niya ang halik ko.

"I'm also sorry about this morning." I bit my lip. May kaunting guilt na kumirot sa puso ko. "Binabaan kita ng tawag. 'Tapos pinakaba ko rin siguro kayo no'ng nag-announce ang Herald na may exclusive exposé sila kung saan featured ako."

Right after our call, I was so upset at Priam for not imposing the harshest punishment on Castiel. Alam ko namang wala akong karapatang diktahan siya lalo na't pretend girlfriend niya lang ako. Ang dating tuloy, parang pinapili ko siya kung ang kaibigan niya o ako. Pero nasaktan kasi ako, eh. I expected na maiintindihan niya ako at gagawin niya kung ano sa tingin ko ang dapat.

Pero nang narinig ko ang kuwento ni Castiel, medyo naintindihan ko na kung bakit at kung paano natitiis ni Priam ang ugali at mindset ng lalaking 'yon. Gusto rin siguro niyang bigyan ng pagkakataon si Castiel na maturuan ng lesson si Alaric.

Hay. Si Alaric talaga ang puno't dulo nito. Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana napuruhan ang binti ni Castiel at hindi rin sana na-coma si Cassidy. Parang domino effect. Pero . . . kung hindi rin dahil sa kanya, baka hindi ako ang napiling First Lady ng USC president. Ah, basta! May kasalanan siya sa gulong 'to.

"I honestly thought you're going to expose us," he said. "We were worried the entire afternoon."

"Not you." Mabagal akong umiling. Na-disappoint man ako sa kanya, hindi 'yon sapat na dahilan para ilaglag ko siya at ang iba. "Just Castiel. Balak kong ituro sa kanya ang lahat para matanggal siya sa council. Ayaw mo kasi siyang tanggalin kaya . . ."

"What changed? Bakit hindi mo itinuloy?"

Tumingala ako at bumuntonghininga. "Nasabi na niya sa 'kin ang buong detalye ro'n sa car accident na kinasangkutan niya at ng kapatid niya. A part of me wants to understand him. A part of me doesn't. Anuman ang motivation niya, hindi n'on madya-justify ang ginawa niya sa 'kin. But maybe, just like you, I want to give him a chance to change? I don't know. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko minsan."

"So you believe he's capable of it?"

Napakibit-balikat ako. "'Yon siguro ang dapat niyang patunayan sa 'tin, lalo na sa 'yo kasi gusto mo siyang mag-reflect at magbago. By the way, I asked him to resign from the council in exchange for not exposing him. Ayaw ko na kayong madamay sa mga kalokohan niya."

"Oh." His eyes blinked repeatedly. "Kaya pala nag-send siya ng resignation letter sa 'kin kanina via chat."

Sandali kong iniwas ang aking tingin sa kanya. "Will you . . . accept it?"

He went silent for a minute, then he sighed. "You know, that's the second time he submitted his resignation letter to me. Yesterday was the first."

"Eh?"

Lumingon siya sa 'kin. "When Cas and I talked in the conference room while you were showering yesterday, he had an undated resignation letter prepared. Ibinigay niya sa akin, pero pinunit ko sa harapan niya. He was shocked when I did."

"So . . . that's a no?"

"I am not rejecting his resignation because he is my friend. I am not accepting it because I do not want him to escape accountability. Wala na akong hawak sa kanya kapag wala na siya sa council. I also do not want to deprive him of the chance to change. Paano natin malalaman na kaya niyang magbago kung hindi siya mabibigyan ng pagkakataon?"

He got a point there. Naniniwala naman ako na lahat ng tao'y may kakayahang magbago. For better or for worse, only them would know.

"Cas needs to stay in the council until this is all over. In the first place, he is the one who dragged us into this mess," he went on. "Besides, he can be a loose cannon. Mas mabuti nang malapit siya sa akin at namo-monitor ko siya kaysa malayo siya. We will never know what he is planning in that scenario."

Yumuko ako at huminga nang malalim. Medyo in-expect ko nang ganito ang magiging sagot niya. Disappointed na naman ba ako? Hindi masyado.

"Do you think that's not reasonable enough?" he asked.

Iniangat ko ang aking ulo at muling tumingin sa kanya. "Naiintindihan ko ang rason mo. Siyempre, hindi one hundred percent na okay sa 'kin. Pero kung 'yon ang sa tingin mo'y tama, wala akong magagawa kundi irespeto ang desisyon mo. You're the USC president after all. I would just think na mas magaling ka sa 'kin pagdating sa decision-making."

"Thank you for understanding."

Na-realize ba ni Castiel kung gaano siya kasuwerte na may friend siyang gaya ni Priam na handa siyang intindihin? Kung ako ang nasa posisyon ni Priam, talagang tinanggal ko na siya kahit ano pang dahilan niya. He should count himself lucky, and he should not take this second chance for granted.

Sa binagal-bagal man ng lakad namin, nakarating din kami sa tapat ng USC office. Ita-tap na sana ni Priam ang card key niya sa sensor nang biglang bumukas ang sliding door. Bumungad sa 'min ang mukha ng vice president niya. Nanigas siya sa harapan namin. Nagpalipat-lipat sa aming dalawa ang tingin nito.

"Val," Priam called her, "are you okay?"

"Of course, I am," Valeria replied. Namumugto ang mga mata niya. Pasinghot-singhot din siya.

I chewed my lip. Uh-oh. Kung hindi ganyan ang itsura niya bago ang livestream kanina, mukhang alam ko na ang reason kung bakit nagkaganyan siya ngayon.

"Did something happen?" Priam asked again.

"Nothing. I'm fine." Valeria cleared her throat and shook her head. Iniwas niya ang kanyang mga mata sa 'min, itinatago ang pamumula ng mga 'yon. "Meron kaming LEXECOM meeting today."

"If you're not feeling well, maybe you can postpone the meeting—"

"No." Marahan siyang umiling. "Merong proposal si Alaric at ang majority bloc sa session ngayon. Kung mag-a-absent ako, si Alaric na mismo ang magpa-preside bilang chair pro tempore. I can't let that happen, not in this crucial moment."

"Just make it quick para makapagpahinga ka agad. I'm sure the chairpersons will understand."

"Thank you." Umiiwas pa rin ng tingin si Valeria. "I'll be on my way. Now if you'll excuse me."

Nilampasan na niya kami at nagmadali siyang naglakad palayo sa 'min. I watched her walk away hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. She must have seen our kiss on the livestream. May feelings siya kay Priam kaya malamang, nasaktan siya sa napanood niya. Sa sobrang sakit, baka naiyak na rin siya.

She might have been hostile toward me, but I didn't intend to hurt her. Depende sa magiging reaction niya, baka lalong lumala ang relationship naming dalawa. Hindi na nga maganda no'ng umpisa, baka mas papangit pa ngayon.

"Let's go?" Priam gestured. We both walked in the office. Sandali kaming nahinto nang nakita namin sa lounge ang isa pang familiar na mukha.

"I know that I'm not supposed to be here." Castiel rose from the couch with the help of his cane. May hawak-hawak siyang papel sa isa niyang kamay. "But I'm here to personally deliver my second letter of resignation. I made a promise to someone that I'll resign if she could grant me a favor. She did."

Sandaling nagtagpo ang tingin namin. Galit pa ako sa kanya kaya hindi ko siya nagawang batiin kahit ng isang simpleng smile. Alam naman niya 'yon. Hindi na siya dapat magtaka kung bakit magmula ngayo'y cold na ang treatment ko sa kanya. He deserved it.

Iniabot niya sa USC president ang nakatuping papel. Mabilisang binasa 'yon ni Priam bago niya pinunit sa dalawa. Pareho kaming napanganga ni Castiel. Medyo in-expect ko nang hindi niya tatanggapin. Ang hindi ko in-expect ay ang biglaang pagpunit niya.

"For the second time, I'm not accepting your resignation," Priam said, crumpling the paper in his hand. "You will remain in the council, but you will promise me—us—that you will no longer pull a dirty trick that can hurt anyone in this office."

"What a shame," nakangising sagot ni Castiel. "Naghahanap na ako ng ibang student org na pwedeng salihan. Pinapaayos ko na nga kay Sab ang mga gamit ko sa cubicle."

"Do we have your word?"

"I'm still in the process of reflecting on my actions, but I'll make that promise once my suspension is over. Nevertheless, thank you for giving me another chance."

"Don't throw it away. I may not give you a third one next time."

"Noted." Tumango si Castiel bago siya naglakad patungo sa exit. Nilampasan niya kami ni Priam. Bumukas na rin ang sliding doors na nag-aabang sa kanya. "I'm still suspended so I better get going now. I have to meet with a potentially new friend."

"New friend?" Priam repeated.

"The now disgraced campus journalist." Humarap sa 'min si Castiel nang nakangisi. "Reynald Falcon."

★ ★ ★

NEXT UPDATE IS THE MUST-READ EPILOGUE! 

If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by tweeting with the hashtag #PlayTheQueenWP!

Special thanks to raze_dali and imthecentralorgan for the illustrations!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top