Chapter 9
Tanging buhos ng rumaragasang talon ang maririnig sa kapaligiran namin. Parehong nasa kawalan ng ulirat, at 'di mapinta ang ekspresyon. Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang hitsura, at inalala kung ano'ng nakita ko kanina. . . pero sigurado akong siya rin 'yon. Base sa kung pa'no niya ako tingnan ngayon, nagtataka rin siya. Malamang ay nakita niya rin ang alaalang nakita ko.
"Sinc—" Naputol lang ang sasabihin niya nang biglang lumilom ang pagilid, na tila ba nawala ang sikat ng araw. Nawala na rin ang tunog ng alon sa'king pandinig, at maging ang paningin ko sa paniningkit ko mula sa hampas ng hanging pumaspas sa mga puno't dahon. Halos liparin ako, ngunit minaigi kong 'di madala.
"Eris!" Red! Hindi ko naman ganoong makita at marinig kung saan nagmula ang boses niya, kaya't pilit kong iginala ang paningin ko hanggang sa mapansin kong nakatingin sa taas si Leviticus. Pag-angat ng paningin ko'y halos malaglag ang panga ko sa pulang dragong siya palang tumaklob sa sikat ng araw. Ang kanya ring mga pakpak ang sanhi ng malakas na hangin.
Hindi ko masulyapan si Red dahil tanging ang higanteng nilalang lang ang nakikita ko sa taas. . . ngunit bigla rin 'yong naglaho at nakita ko si Red na tumalon mula roon. Malakas ang naging kalabog ng puso ko sa taas ng talon niya. 'Di ko napigilang sumigaw, pero kasabay din no'n ang mura ko sa kanya. Baliw ba siya? 'Pag siya nabalian!
Nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla siyang mag-apoy at nakarating sa harap ko. Ha, I'm worrying for nothing. He used teleportation through fire again. Nagulat ako nang hawakan niya ang dalawa kong kamay tapos balikat, na tila ba chine-check ang kalagayan ko.
"Hindi ka ba nasaktan?" Tanong niya. "Bakit parang naramdaman ko kanina. . . nasaktan ka?"
Wala akong sagot na maibigay sa kanya dahil hindi ko rin naman alam kung ano'ng totoong nararamdaman ko ngayon. Sinulyapan ko si Levi at nakitang napasinghap siya sa kamay namin ni Red na magkahawak.
"Rain, sandali," I called, not looking at him, kaya't lumuwag ang hawak niya sa'king kamay.
Muli na namang nag-iba ang paligid. Levi's armor became white again, and mine black. Samantala ang kay Red nama'y pulang camiso-chino na may black na pants. "Sinclair, I'm sorry kung nagulo kita noon. You've taken your revenge, we're even now," malumanay na wika ni Levi. Lumipat ang tingin niya kay Red na nakahalukipkip at masamang tiningnan si Levi.
"Sin, tara na. Ihahatid na kita sa abode mo," anyaya ni Red at naglahad kamay sa'kin.
"Uh. . . Red, puwede bang ako nalang ang maghatid kay Sinclair. Gusto kong makabawi sa kaniya," wika ni Levi o Lucifer at ngumiti. I don't exactly know kung anong atraso sa'kin ni Levi. Was it that big kung kaya't kailangan niyang makabawi sa akin?
Tumawa ako at ngumisi kay Lucifer. "Kakayanin mo ba ang atmospera sa abode ko, Angel Lucifer? Can you witness my hell? Pati baka may gawin ka lang sa mga creatures ko. I don't want them to get hurt."
Tumingin sa baba si Lucifer, at iniwasan ang paningin ko. He looked up again to me and had the innocent puppy eyes before speaking. "Ah. . . hindi ko naman sila sasaktan hangga't wala silang ginagawang masama. Pero kung 'di ka komportable ay huwag nalang din. Ayaw kong maramdaman mo 'yon at ayaw ko na ring mas lalong sumama loob mo sa'kin."
Muli ay tumawa ako. "Lucifer, can't you see? I am hatred, evil, greed, revenge and the demon itself. Talagang masama ang loob ko, that is why you don't have to do anything to make me feel better. It's worthless."
The sincere eyes of Lucifer turned to sad ones. He tried to smile at me and he sighed. "I'm sorry Sinclair."
Umirap ako at humarap kay Red. "Red? Let's go."
Now, it's the present time. Bumalik sa uniporme ang mga suot namin, at wala nang mga alaalang kumontrol sa'ming tatlo. Tiningnan ko si Red, at biglang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Alam naming dalawa na parte kami parehas ng sarili naming nakaraan, ngunit 'di namin akalaing si Leviticus ang makakapag-trigger ng nakaraan.
Naglakad palayo si Rain. Sumunod ako sakaniya at huling beses na sinulyapan si Levi. He was smiling sadly, sinundan ako ng mga mata niya. He was in his Lucifer form. An angel. Bigla namang naglaho si Lucifer nang hilahin ako ni Rain. Levi's prim line in his mouth remained there. His eyes were dark and mysterious, tila kuryosong kuryoso siya sa'kin.
And that's when I realized na ibang-iba si Levi kay Lucifer, ibang-iba rin si Sinclair kay Eris. We are reincarnations but not exactly the same. Tila ba napakaraming tanong sa mga utak namin, pero alam naming 'di namin masasagot ang mga 'yon. Maaaring nasagot nga ang ilang taon, pero mas lalong nadagdagan lang 'yon.
"Eris, I'm sorry. . ." Paghihinging paumanhin ni Rain. Lumingon siya sa'kin at tiningnan ko lang siya. Nagugulo pa rin ako kaya't I don't know how to react with his 'sorry.'
"Eris, huwag ka na muna lalapit kay Levi. Please," dagdag niya matapos ang ilang segundong katahimikan sa pagitan namin. Napakunot noo naman ako sa kaniya. "Why? I remember my memories because of him," sagot ko.
Napatingin sa taas si Rain, tila hindi alam kung paano magpapaliwanag sa'kin. He held both my shoulders kaya't napatingin naman ako sakaniya. Mahina siyang nagsalita, "What was his name before, Eris?"
"Lucifer."
"That's it! Siya si Lucifer! Ang fallen angel na gumawa ng impyerno!" Pabulong niyang sigaw sa'kin.
Nanlaki ang mata ko. Siya si Lucifer? But... how?
"Rain, hindi naman siguro siya iyon, baka nakapangalan niya lang. Ayon sa naalala ko kanina, mabait siya," pag-eexplain ko. Bahagyang nanliit ang mata ni Rain sa'kin, "Perhaps that was when he was still an angel. And when he was still good."
"At ang pinakamagandang gawin ay iwasan siya. Hindi natin siya kilala, at hindi mo pa lubusang naaalala ang nakaraan mo," pagpapatuloy niya. Binitawan niya ako, at muling naglakad. Iniwan ako roon na nagdadalawang-isip sa sinabi niya sa'kin.
Ngunit bakit parang... may mali. Kung si Lucifer nga ang may gawa ng impyerno, why did my past being stated that her abode was hell? Kung si Lucifer ang gumawa ng lahat ng demonyo noon, bakit ko tinukoy ang sarili ko bilang demonyo?
Rain Evan Delvar's POV
RED
Eris ran away. Hay, hindi ko pala dapat talaga masyadong pino-provoke ang kapangyarihan niya. . . pero kung hindi ko gagawin, paano niya matutuhan kontrolin ang kapangyarihan niya? Lalo pa't ngayong alam naming mas malawak pa pala ang sakop ng mahika niya.
Sa totoo lang, marami na akong naaalalang memorya mula sa'king nakaraan kaya't hindi na ako nagulat na isa akong reincarnation. 'Yon nga lang, para bang pinagsamot ng tadhana sa'kin ang sarili kong mga alaala kasama si Eris. Parte ba 'yon ng bound namin bilang fylgja?
Napatingin naman ako sa pinanggalingan ng tunog ng mga kabayo. Ah, si Zeus. Lumapit sila sa kinatatayuan ko at kaagad naman akong nagbigay-galang. "Magandang umaga po, Lord Zeus," bati ko't tumungo. Matagal na kaming magkakilala ni Lord Zeus. Simula noong naging magkaibigan kami ni Hephaestus, the Greek God of Fire.
"Red! Nice to meet you again. Halika, sumama ka na sa'min," pag-aya niya. Umiling nalang ako at ngumiti, "Marami pa po akong kailangan asikasuhin Lord Zeus."
"Ah, ganoon ba? Sige! Sa susunod nalang, Red," sabi niya't rumatsada na. Sumunod ang mga kasamahan niya, at napatingin naman ako sa nahuli. Leviticus Malcolm. O mas magandang sabihin, si Lucifer.
Alam ko ang mga sikreto niya na maski siya ay 'di niya nalalaman. Ang nakaraan niyang hindi pa niya lubusang natatandaan. Ngunit ang isa sa mga hindi ko alam ay kung bakit siya na-cast out mula sa kalangitan, o kung paano siya namatay.
"Red, maaari mo ba akong turuan gumamit ng apoy? Gusto ko itong kontrolin," masayang wika sa'kin ni Lucifer. Tinapunan ko siya ng masamang tingin at kaagad naman siyang lumungkot. Ang inosente talaga nitong si Lucifer eh!
Tinapon ko sakaniya ang isang malaking bola ng apoy, at umilag naman siya gamit ang hangin. "Bakit, Red? Ano'ng ginawa kong masama sa'yo?" He sincerely asked. Sa sobrang bait niya, gustong-gusto kong sunugin mukha niya.
"Madaya ka! Apoy lang ang nagagawa ko, samantala ikaw halos lahat na ata nagagawa mo! Bahala ka diyang anghel ka," bulyaw ko. Bwisit. Yabang.
"Huh?" Nagtataka niyang sabi.
At nag-iba naman bigla ang alaalang tumatakbo sa isipan ko. "Red, may nakilala akong babae," pagkwekwento niya. Pake ko? wika ko nalang sa sarili kong utak.
"Isa siyang demonyo. She looked like the complete opposite of me. Noong magkasama kami, naramdaman ko ang balanse sa paligid. Hindi masyadong magaan, at hindi rin masyadong mabigat," pagpapatuloy ni Lucifer. Tumingin siya sa malayo, tila malalim ang iniisip. "Wala akong nakitang kaluluwa sakaniya. Para siyang walang buhay, Red."
Napakunot-noo naman ako. Posible ba iyon? Na mag-exist ang isang tao na walang kaluluwa?
"Kaya binigyan ko siya ng kaluluwa, akala ko matutuwa siya ngunit nagalit lamang siya sa akin. She attacked me dahil sa sobrang galit niya," natatawa niyang wika.
Nagtaka naman ako at napatanong dahil sa ka-weirduhan niya. "Bakit ka natutuwa?"
"Hindi niya ako nagawang atakihin sa huli. I gave her a part of my soul kaya't konektado na kami ngayon. Nararamdaman kong nagiging balanse na ang puso ko," wika niya at ngumiti.
"Ano'ng klaseng koneksyon?" Kuryosong tanong ko.
"Kaya ko siyang kontrolin dahil naghahati kami sa iisang kaluluwa. I can overpower her if I like, but I want my heart more like this. Balanced," mahinahon niyang wika.
Nanlaki naman ang mata ko sa napagtanto ko nang magpaliwanag siya. "Kung ganoon nga, kaya ka rin ba niyang kontrolin?" Tanong ko kay Lucifer. Napatingin siya sa'kin at tumawa, habang ako'y nagsimula nang mag-alala.
"Siguro, ngunit hindi naman mangyayari iyon. Her soul is only a part, mas malakas parin ang akin. Kung mangyayari man iyon, ano naman kayang mangyayari sa'kin?" Tanong niya at malalim pa ulit na nag-isip.
If someone like Lucifer, an angel, is overpowered by a demon, would he be like a demon too? Magiging masama si Lucifer? His innocence will be overpowered. And when that happens, he will fall from heaven.
Phoenix Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.
Votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top