Chapter 7

I dashed out from the Sapientiae room. I have no other schedules for this day kaya't nagikot-ikot ako sa Phoenician Base.

Unlike the dazzling marble and crystal walls of Pelagus Arce or the main castle, this Base is less fancy. Gawa ito sa mga bato at tila protektadong-protektado dahil sa kaliwa't kanang mga Centaurs, the half human and half horse creatures. Matagal ko na ring napapakinggan ang ilang myths about them, mga haka-haka na 'di ko alam ay totoo rin pala.

Mula rito sa second floor, tiningnan ko ang malaking field na nasa sentro ng bawat castles. Marami ring estudyante doon na nakikipaglaban sa bawat isa, so I guess that's the training field.

Pinasadahan ko ng tingin ang bawat isa, but one man got my eyes stuck on him. He smoothly wielded his sword while attacking his enemy. The sun shone on his golden hair, and his bright heavenly eyes reflected the sword in front of him.

Mukha siyang anghel, kahit ang mga galaw niya'y mala-anghel. So I bet, he's an angel. A pure blooded angel.

Pinaikot niya ang kaniyang sword at biglang itinapat sa nakahiga na niyang kalaban. His expression was nonchalant, calm. Para bang forte niya lang ang pakikipaglaban at wala lang ito sakaniya. Ang bilis niyang naipatumba ang kalaban!

Itinapon niya nalang ang espada niya at inalalayang tumayo ang kaniyang kalaban. He smirked at him and left.

Pinanood ko lang ang kaniyang likod, ang paglakad at ang buhok niyang napakaganda. His white suit fit him more.

"Leviticus Malcolm, a peculiar." Nagitla naman ako nang biglang may magsalita sa tabi ko.

Si Rain pala. Nakatingin siya doon sa lalaki, at saka ibinaling ang tingin sa'kin. His eyes flickered fire, ngunit kaagad iyong nawala nang magsalita siya.

"Si Levi ang pinakamalakas sa peculiars, at isa rin siyang royalty sa mortal realm. An heir to be exact. He's quite famous for his looks and skills, and I see, kahit ikaw natamaan." My mouth twitched at his last phrase.

Iyong lalaki pala na tinitingnan ko ang tinutukoy niya. True, natamaan ako ng tikas niya but there's more of that man aside from the looks and skills. Ramdam ko.

"Ano bang kapangyarihan niya?" Tanong ko sakaniya, I'm getting more interested. I know I was supposed to ask Rain another matter. . . The dragon, but I couldn't help it.

He burst out laughing, but he bit his lip to stop himself. He looked down to where Levi was, but I could still feel him laughing. Ugh this jerk! Is he mocking me?

Pinasadahan niya ng kaniyang kamay ang puting buhok niya nang i-angat niya ang tingin niya sa'kin. Naroon parin ang ngiti sa kaniyang labi.

"Rain Evan Delvar!"

Suddenly, his smile faded when I mentioned his full name with threat. Pinikit niya ang kaniyang mata at nag-igting ang kanyang panga.

Pagmulat niya, naging pula na ulit 'yon. Ano'ng nangyari dito sa lalaking 'to? It was like we were back to square one. His blazing eyes were glaring at me the same way again, as if he isn't himself.

Once again, I saw the aura of the dragon behind him. Their eyes bored into mine, until they both spoke the same word. Fylgja.

"Fylgja," sabay naming bigkas ni Rain. Hindi ko namalayang binanggit ko rin 'yon. It was my first time hearing that word, but I felt like I knew it.

My heart throbbed. I felt some energy from the Phoenix Tower, at gayundin si Rain. Sabay kaming napatingin doon at nagulat nang biglang may dragon na umugong. Ang dragon na nasa aura ni Rain!

Lumipad ito sa ere at bumubuga ng apoy. Halos lahat ng Phoenicians ay naalarma, but they didn't run. Instead, they altered a stance to fight.

The dragon looked furious, at lahat sa kaniya'y nag-aapoy. Ang mga phoenicians sa loob ng towers ay lumabas, maging ang mga Highness and Masters.

"Red!" Napatingin naman si Rain doon sa lalaking sumigaw ng 'Red.' Tumango si Rain sa kanya. I jumped in surprise when Rain held my hand.

Pilit kong binitaw ang hawak sa kaniya, he will die! "Rain, let go!" I screamed. "Mamamatay ka!"

Tumakbo siya kaya't nadala ako. Maingay ang buong paligid ngunit pinaka-maingay ang dragong nagwawala. At ako nama'y sinigawan si Rain at nagpupumiglas sa hawak. Sa halip na bitawan ni Rain ang kamay ko, mas hinigpitan pa habang tumatakbo kami tungo sa dragon.

"RED!" Mas malakas na sigaw ng lalaki. I figured, he was a master or highness. Hindi na siya nilingon ni Rain pero mas bumilis ang takbo namin. Sandali siyang bumabagal dahil sa pagpupumiglas ko.

Nagulat ako nang buhatin niya ako at sa isang iglap, nasa harap na kami ng dragon. Binaba niya ako at binitawan ang kamay ko.

I looked intently at him, tiningnan ko ang kamay niya but it looked normal. Like, nothing happened. I looked at my hands. The gloves burned. Paanong hindi siya natablan ng kapangyarihan ko?

Gamit ang kaliwa niyang kamay, inangat niya ito at doon lumabas ang napakalaking apoy patungo sa dragon. He whispered some spell, I think.

The dragon roared once more, pero iyon ang naging huli niya tsaka siya naglaho nang parang bula. Inangat ko ang tingin sa kanya.

He looked at me na para bang alam niya ang lahat ng tumatakbo sa utak ko. But he only explained a word. "Fylgja."

Natapos ang ganap sa training field. Everything was back to normal. Pumasok at tiningnan ko muli ang Phoenician Base.

Nag-usap-usap ang ilang estudyante tungkol sa nangyari, pero ang iba ay bumalik lang sa pag-training. The masters were already gone in the scene too. Some magicians used recovery magic to restore some parts affected by the dragon's fire. Thankfully, no one seemed hurt.

"Eris," Rain called. Binalingan ko siya at nagulat nang sa pagbaling ko'y bigla kaming nasa Pelagus Arce na. Nasa taas na ang aming sinusundan, si Master Draco, ang lalaki kaninang tumawag sa kanya ng 'Red.'

I followed them quietly, still shaking over the thought that Rain has touched me. . . that he could have died.

Napabalikwas pa ako nang hilahin ako ni Rain paakyat dahil 'di ko napansing malayo na pala sila. "Let's go, Eris. It's okay," he reassured me.

Master Draco led us to the planet Mars. Hawak pa rin ni Rain ang isang daliri ko. He slightly rubbed it with his finger to calm me down.

Pumasok muna kaming dalawa ni Rain bago pumasok si Master Draco. The whole room is filled with glass and displays. Bahagya akong lumapit sa mga dislpays. Mga espada at iba pang mga weapon. The other displays were rocks, leaves, lavas and more.

"Sit," Master Draco commanded. Naroon siya sa gitna, sa office table. Pinauna ako ni Rain umupo, saka siya umupo sa tapat ko.

"Red, did you seal the dragon?" Tanong ni Master Draco.

Umigting naman ang panga ni Rain habang umiiling. "No, but he's in my control." Napakunot ang noo ni Master Draco, but Rain looked at him na para bang sinasabing, ako ang bahala. Master Draco sighed. Defeated.

"I see. You are Red's fylgja," bati sa'kin ni Master Draco. "Eris, right? The death lady."

Tumango naman ako, bagaman 'di ko nagustuhan ang tinawag niya sa'kin. Rain's lips turned into a prim line before looking down. It seems like he was irritated too.

"Ano ang fylgja?" tanong ko.

Bumaling sakin si Master at ngumiti naman siya bigla. Natutuwa sa sinasalaysay. "A fylgja is someone bounded to your soul. A companion, or a guardian. You have the same birthdates, at kung ano mang nararamdaman mo, nararamdaman din ng fylgja mo." He stopped a little para makahinga. So, Rain is my guardian?

"He is bound to protect you, for his entire life. At kaya hindi rin siya namamatay sa hawak mo'y dahil ng koneksyon sa pagitan niyong dalawa. You can't hurt each other, and you can only strengthen each other kaya't pag nahahawakan niyo ang isa't isa ay mas nagiging malakas kayo."

Tumango ako. "But how did he became my fylgja?" I asked once again. It seems like Rain or Red already knows about this since he's not asking anything.

"Ang mga nagkakafylgja lang ay mga reincarnations. Which means, you are a reincarnation, Eris. As well as you, Red. In your previous life, you promised to be Eris' fylgja. Hindi ko alam kung bakit, kayo lang makakasagot niyan. . . Perahps, once you remember your previous life."

Tumango naman kaming parehas. I tried digesting every word. Nasagot ang mga tanong ko, I felt some part of me complete with my fylgja. But as I dig deeper into my soul, naramdaman kong sobrang dami pang kulang. Ang dami ko pang katanungan, who am I in my previous life?

"Eris." I looked at Rain as he called me. Naramdaman ko rin ang pagkalito sa boses niya, marahil naramdaman niyang nalilito at nagtataka ako sa lahat. After all, he's my fylgja.

Siguro, balang araw, mapupunan din ang mga pagkukulang sa aking puso. Someday, I'll be able to answer myself.

Phoenix Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top