Sumpa

SUMPA
ni Spark_In_Light

Alam mo, para kang hokage,
Inaya mo agad ako papunta sa parke.
Aayaw sana ako nang hilahin mo ako,
Palayo sa mga magulang kong kunot na kunot ang noo.

Padabog kong binawi ang braso ko.
Tinanong kita kung kilala mo ba ako.
Baka kasi ikaw ay isang manloloko,
Nagpapanggap pero sa loob ay hindi naman totoo.

Ngunit tulad ng kanina, hindi mo ako sinagot.
Imbes, jacket mo'y sa 'kin binalot.
Oo nga pala, panahon ngayon ay masalimoot,
Dahil sa lamig ng bagyong bumabalot.

Pagkarating sa parke'y umupo ka sa swing.
Sinubukan akong paupuin din,
Ngunit sinamaan kita ng tingin.
Gusto na talaga kita kilalanin.

"'Wag ka mag-alala, hindi kita sasaktan,"
'yan ang sagot mo bago ako hawakan.
"Pangalan ang gusto kong marinig na kasagutan,"
wika ko habang ika'y patuloy tinitignan.

Ngunit matigas ka talaga,
Hindi mo ako sinagot bagkus ika'y tumawa.
Sinabi mo pang cute ako dahil sa aking pagbabanta,
Na nagdulot akin ng inis at pamumula.

Dala-dala ang jacket mo,
pumunta ako sa slide na nakita ko.
Umupo sa duluhan nito,
Habang kinakalma ang sarili ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko nang umihip ang hangin,
Ngunit ibunukas din nang iyo na naman akong gambalain.
Nang ngumiti ka'y umiwas ako ng tingin,
Hindi magpapadala sa ngiti ng taong estranghero pa sa akin.

Pero atensiyon ko'y pilit mong kinukuha,
At nang magtama ang ating mga mata,
Alam ko nang hindi ito ang tama,
At ikaw ang tunay na sumpa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top