Twenty Nine
Tulad ng inaasahan, abala na ang lahat sa paghahanda para sa presscon at sa charity ball na gaganapin kinagabihan. Tinawag ni Karen si Anya kahit nasa bahay na ito para magbigay ng huling instructions bago magsimula ang mga events sa hotel.
Since Anya needed regularization, kailangan niyang magpakita.
"Anya, naayos mo na ba yung mga kailangan para sa rooms ng VIP guests?" tanong ni Karen.
"Opo, Ms. Karen. Nasigurado ko pong malinis at kumpleto lahat," sagot ni Anya. Ngunit hindi niya maiwasang kabahan sa tuwing maiisip niya si Gelo, lalo na ang posibilidad na magkikita na silang muli at hindi na siya makakapag-disguise.
"Good. Ngayon naman, pwede mo bang puntahan ang function hall para siguraduhing maayos ang setup? Papunta na rin ang mga tao natin para mag-prepare, pero kailangan kong may mag-check doon nang mas maaga."
Tumango lamang si Anya. "Sige po, Ms. Karen. Pupuntahan ko na po ngayon."
Habang papunta sa function hall, dama niya ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Kailangan niyang mag-focus sa trabaho.
Pagdating niya sa function hall, sinimulan niyang suriin ang bawat detalye ng setup. Siniguro niyang maayos ang bawat mesa, upuan, at dekorasyon. Ngunit habang abala siya sa pag-aayos, naramdaman niyang may mga matang nakatingin sa kanya.
Paglingon niya, napatigil siya sa kanyang ginagawa. Nakatayo sa malayo si Gelo, nakatingin sa kanya, at tila may gustong sabihin. Nanlamig ang buong katawan ni Anya. Hindi siya makagalaw, hindi makapagsalita. Tumigil ang oras, at muling bumalik ang lahat ng damdamin na matagal na niyang tinangkang kalimutan.
Ngunit bago pa man siya makahanap ng lakas na magsalita, isang staff member ang lumapit kay Gelo at inaya siyang umalis para maghanda na para sa presscon. Isang huling sulyap ang ibinigay ni Gelo kay Anya bago siya tuluyang umalis.
Nanatiling nakatayo si Anya sa gitna ng function hall na para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Gelo just saw her in an ordinary chambermaid uniform. Hindi naman siya dapat manliit sa sarili dahil accomplished na rin naman siya, even though they're not in the same race anymore.
"Si Gelo talaga 'yon? Totoo siya..."
***
"Okay ka lang ba, Gelo? Did you had enough sleep o masama ba ang pakiramdam mo? Kapag hindi pa, we can explain na ihuli ka na lang sa interview," concerned na tanong ng PA ni Gelo nang sumaglit sila sa designated room ng glam team.
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Gelo bago sumagot, pilit itinatago ang nararamdaman.
"Okay lang po ako. I had enough sleep, don't worry," pagsisinungaling niya. Hindi niya maaaring ipakita sa kanyang team na may bumabagabag sa kanya, lalo pa't ang event na ito ay napakahalaga para sa kanyang career.
Ngunit ang totoo, hindi siya mapakali mula nang makita si Anya. Nang makita niya ito kanina sa function hall, naalala niya ang lahat ng nakaraan. Anya, ang babaeng minsan niyang minahal, ngayon ay tila isang estranghero na lamang. Mas naging palaisipan pa iyong nakita niyang nakasuot ito ng pangmadre.
"Ready ka na ba?" tanong ng makeup artist na agad nagsimulang ayusin ang kanyang buhok at mukha. Tumango lamang si Gelo.
***
Samantala, nanatiling tulala si Anya sa function hall. Ngunit wala siyang oras para sa kahinaan ngayon. Kailangan niyang mag-focus. Alam niyang hindi siya puwedeng magpatalo sa damdamin, lalo na't kailangang-kailangan niya ang regularization na ito.
Nagmamadali siyang naglakad papunta sa storage room para maghanap ng ibang staff at magpatulong sa pag-aayos. Nais niyang matapos agad ang mga kailangang gawin bago pa magsimula ang presscon. Ngunit sa likod ng kanyang isipan, alam niyang hindi pa ito ang huling beses na magkikita sila ni Gelo.
Pagkalipas naman ng ilang minuto, si Gelo ay nakaupo na sa harap ng mga camera. Ang mga ilaw at mikropono ay nakaayos na, handa na para sa kanyang interview sa red carpet area.
"Alright, we're going live in five... four... three..." sabi ng direktor na nagko-command sa hired cameraman at interviewers.
Habang nagsisimula ang interview, maayos at confident na sinasagot ni Gelo ang mga tanong tungkol sa kanyang upcoming projects at charity work. Ngunit kahit gaano niya sinubukang mag-focus, patuloy na bumabalik sa kanyang isipan si Anya. Napansin niyang medyo distracted siya, at sa ilang beses, halos nakakalimutan na niya ang nakabisado niyang script na naglalaman ng kanyang sagot.
Isang tanong mula sa host ang biglang pumukaw sa kanya. "Gelo, you've achieved so much in your career. But what can you say about second chances? Whether in life or love, do you believe in them?"
Napalunok si Gelo. Parang sinadya ang tanong na iyon para sa kanya.
"Second chances?" panimula niya, pilit hinahanda ang sagot. "I believe everyone deserves a second chance-whether in life, in love, or in anything. Sometimes, we make mistakes or miss opportunities, but if given the chance to make things right, why not?"
Sa likod ng kanyang sagot, may tahimik na pag-amin. May bahagi ng kanyang puso na umaasang magkakaroon din sila ng second chance ni Anya, kahit pa matagal na silang nagkanya-kanya ng landas.
***
Sa kabilang banda, abala si Anya sa paghahanda ng lahat para sa event. Ngunit sa bawat oras na may magtatanong o magbigay ng instructions, parang awtomatiko na lamang ang kanyang mga kilos at sagot. Ang isip niya ay nasa isang lugar pa rin-kay Gelo, sa kinaroroonan nito.
Pagbalik niya sa kanyang station, hindi niya naiwasang magtanong sa isa sa mga kasamahan niya, "Sino nga ba talaga ang mga VIP na darating? May special pa ba? Iyong sa charity ball, kailangan pa ng staff? Pwede bang ibalik na lang ako sa paglilinis ng room? Medyo masama kasi ang pakiramdam ko."
"Siyempre, may mga high-profile guests tayo, pero narinig ko na isa sa kanila si Gelo Rivera. May charity work siya sa event," sagot ng kanyang katrabaho.
Napalunok si Anya. Alam na niya na magiging mas mahirap pa ang gabing iyon kaysa inaasahan niya.
"Ah, nando'n pa rin pala siya." She bit her lower lip while answering.
"Kilala mo? Idol mo? Lapitan mo kaya, mabait naman daw. Game na game magpa-picture."
"Hindi na. Hindi naman ako mahilig sa mga artista," pagsisinungaling pa ulit ni Anya,
"Okay. Since ayaw mo maging server. G ka ba magsuot ng mascot?"
"Para saan?" That part piqued her interest. Isa pa naman sa goal niya na magsuot ng mascot at pagkatapos ay kukunan niya ng litrato ang kanyang sarili.
"Nag-pass away 'yong magsusuot," malungkot na pahayag pa ng katrabaho ni Anya.
"Huh? Paano po? Na-suffocate? Hindi man lang nabigyan ng first aid kaya namatay?" Bakas pa ang labis na pag-aalala sa kanyang boses.
"Anong namatay? Hinimatay lang, nag-collapse," paglilinaw ng katrabaho.
"Eh kasi, ang sabi n'yo- nag-pass away? Pumanaw. Passed out lang pala." Natawa na lamang si Anya.
"Pareho lang 'yon," pabirong giit naman nito.
Itinuro kay Anya ang room kung saan niya susuotin ang mascot. Isa iyong malaking panda na kulay blue. Iyon daw ang symbolic animal ng isang food delivery app na kasali sa charity ball.
Nang makapagbihis na, sinunod niya agad ang order na dumiretso sa red carpet area-only to found out that the man she's avoiding was still standing and currently being interviewed.
"Hindi pa ba siya tapos na i-interview?" tanong niya sa sarili habang kinakapos ng hininga, hindi dahil sa init sa loob ng mascot.
"Blue Panda, ano na? Sa red carpet na dali." Marahang tinapik pa siya ng organizer.
Napilitan tuloy na lumapit si Anya. Hindi niya rin nagawa ang utos na dapat maging graceful sa pag-approach sa ibang guests. Nakita pa niya ang malaking tawa ni Gelo habang lumalapit na siya sa direksyon nito.
"Pagod na ata si blue panda," kantyaw ng isang host. "Baka kailangan ng cheer up hug mula sa ambassador nating si Gelo!"
Mukhang game naman si Gelo. Lumapit nga siya at may kung ano munang ibinulong. "Hello, panda. Iha-hug kita para energized ka na, huh?"
That's when Anya's knees felt weaker.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top