HUWARAN
Sa kasulukuyan mong estado
Maraming sa 'yo ang umiidolo
Ika'y hinahangaan ng kabataan
Mga yapak mo'y nais nilang tularan.
Subalit lingid sa kanilang kaalaman
Masidhing paghihirap, iyong naranasan
Pagsisikap—ang tangi mong pinagtatangnan
Kaya't ang tagumpay, lagi kang sinusundan.
Hindi mo mapigilan ang iyong sarili
Ika'y nalulumbay at nanggagalaiti
Mga bagay na iyong pinagpupunyagi
Tila sa ibang tao'y wala itong silbi.
Kaibigan, nawa'y madarama mo
Ika'y mahalaga sa Diyos at tao
Ang mga salitang iyong binibigkas
Tulad ng isang palasong umiigkas.
Kung may mga taong sumasalungat sa piyesa mo
Tandaan mong mas maraming tumatangkilik nito
'Wag kang titigil dahil lang sa mga kritisismo
Talento ay mas lalo pang paghasain mo.
Batid kong mapitagan ka
Batid kong maalam ka
Batid kong ika'y mabuting kaibiga't kapamilya
Huwaran—kung ikaw ay maituturing ng masa.
***
"Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, sikapin mong maging halimbawa sa mga mananampalataya, sa iyong pagsasalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay."
- 1 Timoteo 4:12
Alay kay RamApostol05
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top