Missing person :Ellice Bianca Villahermosa / Alias : Ellice or Liz / Age : 25 / 4'12" / Brown-eyes / Dark brown hair / Last seen on August 21, 2021 at Venice Hotel Tagaytay wearing pink silk robe.For any information that can help us find her, please contact her family at 02-89824365.Help bring Ellice Bianca Villahermosa home!***Three weeks before her wedding, Liz attended a bachelorette party prepared for her by Yel & Dy, her two best friends. The next morning, she's nowhere to be found! What happened to the soon-to-be bride?!What happened to Ellice?!…
Maganda at misteryosa.Ganito ang bago nilang kapit-bahay sa paningin ni Anthony.Kung bakit ba naman kasi tuwing gabi lang ito kung lumabas ng bahay at mahilig pa sa mga anino?Subalit sa kabila ng kakatwang mga bagay na ito kay Mira, naging magkaibigan sila ni Anthony na nauwi sa pag-iibigan.Magbago kaya ang nararamdaman ni Anthony para kay Mira kapag nalaman niya ang itinatagong lihim ng dalaga? (Original version of my one-shot story entry to Ang Lagim Ng Unang Pagsinta By WattpadRomancePH)Book Cover by Xien WP…
Koleksyon ng mga maiikling kwento ng katatakutan na tiyak na makapagbibigay sa inyo ng sindak, makapagpapatindig ng inyong mga balahibo at magiging dahilan ng inyong pagkabalisa sa tuwing sasapit ang dilim. Halina't pasukin ang nakakikilabot na mundo na likha ng aking malikot na imahinasyon. Halina't basahin ang mga kakila-kilabot na kwento mula sa hukay! 🎃🗓 July 23, 2022…
Collection of poems about my struggles, pain & realizations in this life! Dahil sa mga nangyayari sa mundo, dahil sa mga nangyayari sa buhay ko nagiging makata na ako.First three poems were inspired & dedicated to my younger sister in Christ, Christine Jade Faina Paulino! ❤️Paalam Jade, hanggang sa muli nating pagkikita! 💔Disclaimer : I do not own the image used for the book cover. Credit goes to the rightful owner.…
Halos isang taon nang malapit na magkakaibigan at magkakaklase sa kolehiyo sina Leila, Marcy at Jinky. Inimbitahan ng huli ang dalawang dalaga na magbakasyon sa kanilang baryo na matatagpuan sa bayan ng Dolores, probinsya ng Quezon na tinanggap naman ng mga ito.Habang lulan ng bus pauwi sa probinsya nila Jinky, napag-alaman ni Leila mula sa katabi niyang may edad nang babae na pinangingilagan ng mga karatig-barangay at karatig-bayan ang baryong kanilang patutunguhan. Ayon sa babae, ang sinumang magsadya o maligaw sa Baryo Miti ay hindi na nakalalabas pa ng buhay! 💀"Ang Tatlong Dalaga Sa Baryo Miti"Published under Mga Tala Ng Katatakutan :Unang antolohiya ng maikling kwento ng kababalaghan ng TDP Publishing House.…
Isang linggo nang may malubha at kakaibang karamdaman ang nobya ni Reynan na si Emmy. Makating-makati ang buong katawan nito kaya hindi nito mapigilan na magkamut nang magkamot na nagiging dahilan upang magsugat-sugat ang buong katawan nito. Marami na silang napuntahang doktor subalit walang makapagpaliwanag sa nangyayari sa kanyang kasintahan. Wala rin ni isang espesyalistang makapagpagaling sa kanyang nobya. Dala ng kadesperaduhan, lumapit si Reynan sa isang albularyo, dahil sa isip-isip niya, kung hindi mapagaling si Emmy ng mga doktor na may kaalaman sa siyensya baka mapagaling ito ng "doktor" na may kaalaman sa mga supernatural na bagay. Nang oras na makita ni mang Ramon si Emmy, nasabi nito na kinukulam ang minamahal niyang dalaga. May mga ibinilin ito sa kanya at isa na rito ay ang huwag na muna niyang palapitin ang kanyang nobya sa salamin. Huwag na huwag muna niya itong patitinginin sa salamin! 🎃***Date Started : August 21, 2022…
Allison Camille Lagdameo or simply A.C. has everything a teenage girl could wish for. A wealthy family, popularity in school & a hot boyfriend. Well, almost, dahil may isang bagay pa siyang pinakamimithi, ang pagmamahal ng kanyang mga magulang. Naibibigay nga sa kanya ang lahat ng materyal na bagay na kailanganin at gustuhin niya subalit kulang naman siya sa atensyon at pagmamahal ng mga ito.Nathaniel "Tantan" Dela Cruz is a 7-year-old boy who lost his parents due to a tragic incident. Ang tanging kumupkop sa kanya ay ang pinsan ng kanyang yumaong ama. Naging tila impyerno ang buhay ng bata sa piling ng pamilya ng kanyang tiyuhin dahil imbes na pagmamahal at pag-aaruga, galit at pagmamaltrato ang natanggap niya mula sa mga ito. Gabi bago mag-Huwebes Santo, nagkasabay sa paghiling ang dalawa sa nakita nilang shooting star. Si A.C para sa pagmamahal ng kanyang daddy at mommy samantalang makasamang muli ang kanyang mga magulang naman ang hiling ni Tantan.Kinabukasan, A.C. was caught in a car accident that led her to fall into a coma. Humiwalay ang kaluluwa ng dalagita sa walang malay niyang katawan. Bilang isang kaluluwa, nakikita at naririnig niya ang lahat ng nagaganap maging ang mga taong nakapaligid sa kanya subalit hindi naman siya nakikita at naririnig ng mga ito. Hanggang sa magtagpo ang landas nila ni Tantan na labis niyang ikinagulat at ikinatuwa dahil nakikita at naririnig siya ng bata.Maging daan kaya ang pangyayaring ito upang matupad ang kahilingan ng dalawa? ✨***📻 OST : Himala Ng Pag-ibig by Nora Aunor, Tirso Cruz III & Chucky Dreyfus…
Existing & no longer living. This is the exact description for 20-year-old Brent Alexander Nicolas Villareal. Wala nang ganang mangarap. Wala nang ganang mabuhay.Kabaligtaran naman ng kasing-edad niyang si Kirsten Chandria Tordesillas na punung-puno ng sigla at buhay. Maraming gustong gawin, maraming gustong marating na lugar.On the day Brent decided to end his existence, their path crossed. "Huwag kang magpapakamatay. Malay mo, may maganda pang mangyayari sa buhay mo. Tulad nito, nakilala mo 'ko. Oh 'di ba ang ganda?!" pabirong sabi ni Kirsten sabay tawa.Makaya kaya ng "ganda" at "powers" ng dalaga na panatilihing buhay ang binata?…
Umiiyak ang mga kaluluwa kapag umuulan tuwing todos los santos. Ito ang sabi ni lola Lucing kay Issa.Mga kaluluwa ng mga taong may hindi natapos gawin noong sila ay nabubuhay. Mga kaluluwang hindi matahimik at patuloy na sumisigaw ng hustisya para sa karumal-dumal nilang pagkamatay.Araw ng mga patay nang dumalaw si Issa at ang kanyang abuela sa puntod ng kanyang yumaong abuelo. Madilim ang langit at umuulan. Maya-maya, nakarinig si Issa ng pag-iyak ng isang babae.Pag-iyak na tila nanunuot sa kanyang kalamnan. Pag-iyak na tila nagmumula sa kailaliman ng lupa.Panaghoy kaya ito ng isang kaluluwang hindi matahimik? 💀…
The year was 1984.Bagong lipat ang seventeen year-old na si Amanda sa boarding house na malapit sa papasukan niyang unibersidad sa España.Habang inaayos ang mga gamit sa aparador, napansin niya ang ilang mga sulat na lahat ay naka-address para kay Jessica Alcantara at galing kay Matthew Villaluna. Dala ng kuryosidad binuksan niya ang isa...dalawa..hanggang sa nabuksan at nabasa na niya ang lahat ng sulat na liham pala ng pag-ibig ni Matthew para kay Jessica na siguro ay dating nangungupahan sa kwartong iyon.Isang pilyang ideya ang pumasok sa isip ni Amanda, sasagutin niya ang huling sulat ni Matthew. Magpapanggap siya bilang si Jessica, hindi niya palalagpasin ang pagkakataon lalo na't si Matthew ang tipo niyang lalaki na matino, responsable at romantiko base sa mga sulat nito.Makalipas ang halos isang taon ng pagpapalitan ng liham, dumating ang araw na pinangangambahan ni Amanda, nais makipagkita sa kanya ni Matthew sa disco party ng kaibigan nito.Will this be the end of Amanda's first love & the start of her first heartache?Sila nga ba'y pinagtagpo lang pero sadyang hindi itinadhana para sa isa't-isa? *My supposed to be entry for WattpadRomancePH's Pag-iibigan Sa Dekada 80's. *Longer version of my entry for Ukiyoto's Magkasintahan, Mr./Ms. Valentine Writer AwardOST : Keep On Loving You By REO Speedwagon…
Sampung taong gulang ang batang si Angela nang bawian ito ng buhay dahil sa isang aksidente. Isang araw bago ang unang anibersaryo ng kaniyang kamatayan, nagsimula itong magpakita sa kaniyang mga kapatid. Ano ang dahilan ng kaniyang pagbabalik mula sa kamatayan?! Ano ang misteryong dala ng Pagbabalik Ni Angela?! 💀Disclaimer : I do not own the image used for the book cover of this story. Credit goes to the rightful owner.…
"Close your eyes...make your last wish...blow the candles...before...you...DIE!!!"Sam couldn't believe that she would be hearing these words from an evil-sounding voice while she was tied in a chair infront of her friends' cold dead bodies! How did she end up in this nightmare?!23 hours ago, she excitedly woke up with the thought that she would be celebrating her special day with her friends in a private beach resort instead of throwing a traditional grand debut party.You will be shocked with the bloody, sick & creepy suprise that awaits Sam on her 18th birthday celebration! 🔪Warning : This is a Psychological-Horror story written in Filipino with mature content.Trivia : Some parts of this story were based on true events!Book cover by Eureve WP…