Chapter 48

PAGKATAPOS ng isang taon, ikakasal na sina Sven at Pzalm. Ngayon ay busy silang nag-aayos  ng kanilang mga sarili. Para wala nang kaba kung pupunta o hindi ang isa sa kanila ay sabay silang pinag-ayos. Magka-iba lang ang kwarto.

Sa isang hotel sa Manila ang place kung saan nila pinag-stay ang guests. Para sabay-sabay na rin ang punta nila sa simbahan. May mga hindi man pumunta, ang importante naman kina Pzalm at Sven ay silang dalawa.

"Totoo na ba 'to? Ikakasal na talaga ko? Baka mamaya, prank na naman 'to tapos ang ending, iiyak na naman ako!" asar na sabi ni Pzalm habang nakatingin sa salamin.

"Totoo na 'to, baby. Hindi ka na iiyak sa kasal mo this time. Hindi ko na hahayaan na ma-late ako, sabay tayong darating sa simbahan ngayon," sagot ni Sven sabay yakap kay Pzalm.

"Thank you, Sven. Thank you for loving me until the end. Hindi ko akalain na ikaw ang magiging end game ko. It was a dream before but I can now say that dreams do come true," nakangiting sabi ni Pzalm.

"It becomes true if it's really for you. Kahit naman ako, hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa buhay ko. May second chance pa pala ako para mahalin ang taong totoong mahal ko," sabi ni Sven at hinalikan niya ang noo ni Pzalm.

Bago tuluyang umalis sa kwarto ni Pzalm, may pinatong si Sven na box sa table niya. Saka lang napansin ni Pzalm ang box noong tuluyang umalis si Sven.

Binuksan niya ito at tumambad sa kanya ang isang kwintas na kulay gold at may picture ito nila kasama si KC. Napangiti na lang siya sa regalo at kinilig.

Habang si Sven naman ay binigyan niya ng portrait. Naka-frame ito at isa ito sa mga favorite na pictures nila. Syempre, kasama doon si KC.

Napatunayan lang nila pareho na si KC ang naglalagay ng connection talaga sa kanila noon pa man. Napangiti na lang si Sven sa thought na iyon.

Kakaiba ang kasal nila dahil si Sven mismo ang nag-drive para sa kanilang dalawa ni Pzalm. Naghintay na lang ang mga tao sa simbahan. Laking tuwa ng lahat nang magkasama silang nagpakita sa mga bisita.

"Tuloy na tuloy ang kasal!" sabi ni Sven habang hawak-hawak niya ang kamay ni Pzalm. Naghiyawan naman ang mga tao.

Umayos na ang lahat para sa start ng ceremony. Si KC ay ang flower girl nila samantalang ang anak naman ni Adelia ang ring bearer. Si Leigh at Raven ay mag-partner. Habang si Adelia naman ay mag-isang naglakad sa altar.

Nag-preach muna ang pari bago ang lahat. Tumagal din ng thirty minutes ang message.

Bago i-bless ng pari ang dalawa ay tinanong kung may tutol sa kasal. Agad na sumagot si Sven na wala kaya tinuloy na ang pag-bless sa kanila.

"Pzalm Franzenne, do you take Sven Patrick as your husband?" tanong ng pari.

"Yes, I do Father," nakangiting sabi ni Pzalm pagkatapos ay tumingin kay Sven at sinuot na ang singsing kay Sven.

"Sven Patrick, do you take Pzalm Franzenne as your wife?" tanong ulit ng pari.

"Yes, I do Father!" excited na sagot ni Sven at sinuot din ang singsing kay Pzalm.

Nagbigay na ng signal ang pari na pwede nang halikan ni Sven si Pzalm. Everyone is excited about it kaya noong ginawa niya 'yon ay tuwang-tuwa ang lahat.

Pagkatapos noon ay nakipag-picture-an sina Pzalm at Sven sa lahat. Masaya ang mga bisita para sa kanila. Pagkatapos ng kasal ay nagtungo na sila sa reception area.

Ginanap ang reception sa isang hidden garden na malapit din naman sa simbahan kung saan ginanap ang kasal.

Dahil busy pa naman ang lahat at nagte-take pa ng pictures ang iba ay niyaya ni Sven si Pzalm doon sa isang lugar  sa hidden garden na walang katao-tao. Sila lang dalawa, malayo sa mga bisita nila.

"Oh, ano naman ang ginagawa natin dito ah? Ikaw ah, kaka-kasal lang natin kung saan-saan mo na ko dinadala!" inis na sabi ni Pzalm pero natatawa siya deep inside.

"May isa pa kong regalo sayo, baby. This is more than the necklace I gave you awhile ago," nakangiting sabi ni Sven.

"Ano naman 'yon?" tanong ni Pzalm, gulong-gulo sa sinabi ni Sven.

Lumabas sa di kalayuan si Jethro na may kasamang babae. Hawak-hawak ni Jethro ang kamay nito.

"Oh my goodness, Jethro! Kamusta ka na? Buti naman nakadalo ka. Saka, bakit dyan kayo lamabas? Hindi ko kayo nakita sa simbahan?" sabi ni Pzalm na tuwang-tuwa.

"Naku, sinabi ko talaga kay Sven iyon. Gusto ko lang kitang batiin sa kasal mo kaya ako nandito," nakangiting sabi ni Jethro.

"Naku, hindi pwede 'yan! Ipapakita kita kina Mommy at Daddy! Matutuwa 'yon kapag-" natigil si Pzalm sa pagsasalita nang sumagot na si Jethro.

"Ayaw ko namang magpakita sa kanila. Remember, I left you on our wedding day. Di ba?" nahihiyang sabi ni Jethro.

"Yes but-"

"Okay na 'ko, Pzalm. Don't worry about it. I'm just here to congratulate the both of you. Masaya ako dahil nagbunga ang pagpapaubaya ko," sabi ni Jethro at tinapik-tapik si Sven sa likod.

Nalungkot ng konti si Pzalm nang marinig ang word na paubaya from Jethro. She managed to smile then tinanong niya kung sino ang kasama ni Jethro na babae.

"Uy, may kasama ka ah. Pakilala mo naman kami, dyan!" asar ni Pzalm, natawa naman si Jethro at saka pinakilala 'yong babae sa kanila ni Sven.

"Pzalm, this is Rosey, my girlfriend. Rosey, this is Pzalm."

"Nice to finally meet you. I heard so many things about you," nakangiting sabi ni Rosey.

"I hope na mga mabubuting balita ang sinabi ni Jethro tungkol sa akin," natatawang sagot ni Pzalm.

"Of course! Ikaw lang kaya ang nag-iisa kong ex-girlfriend na mabait! Sobrang bait nananakit!" asar naman ni Jethro sa kanya kaya hinampas-hampas siya ni Pzalm.

After ng kwentuhan ay umalis na rin agad si Jethro para makaiwas sa tao. Masaya na siya sa kanyang nakita. Isa pa, isa rin sa dahilan kung bakit gusto niyang makipagkita ulit dahil gusto niya talagang ipakilala si Rosey sa kanila.

Ang babaeng nagpabago ng lahat sa kanya. Ang babaeng hindi siya iiwan, tunay siyang mahal at  mahal na mahal din niya.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top