PKL: Dalawampu't Pito

----x


Napahawak si Daisy sa tiyan niyang namimilipit sa sakit. Tila pa pinagbuhol-buhol ang mga intestines niya roon. Sanay na siyang inaatake ng ganito ngunit hindi pa rin niya iyon nato-tolerate sa huli. Nanghihinang naglakad siya sa banyo, hawak-hawak ang sikmura niya. May kung anong itinulak ang tiyan niya pataas sa lalamunan niya at doon sa tiles ng banyo niya isinuka ang lahat ng kinain niya sa araw na iyon. Nangangasim ang bibig niya at kahit na halos wala nang maisuka ang kanyang tiyan ay tila may gusto pa itong ilabas.

Naisuntok niya ang kanyang kamao sa pinto ng banyo. There's tears in her eyes about to fall but she breathe in, trying to collect her wits. She suffered from eating disorders ever since her mental illness came in years ago. Lalo na kapag masyado siyang stress.

Ilang minuto siyang nanatili roon at nilinis ang kalat niya ay bumalik siya sa kuwarto niya kung saan napapaligiran ng sticky notes ang pader. She was studying for the upcoming LET. Wala siyang in-entertain ng mga tao, apart from her parents. She chose to be that isolated to concentrate. Nanlalatang ibinagsak niya ang sarili niya sa kama.

Huminga siya nang malalim at inisip kung malalagpasan ba niya ang pagsubok na ito. Dealing with her problems in her body while studying for the license exam. She's been juggling ever since. Taking classes, studying lessons, dealing with everyday mundane activities and at the same time, have her share of absences in school and rest days for her health.

She thought that she's too weak but Calvin said that she's been brave for too long. For keeping it so long that they cried in front of each other because he was too, suffering too in some aspects. It's okay to back down, to take a breather. It doesn't mean, she's surrendering but just recuperating from the hurts. Napapagod rin ang mga taong ipakitang matapang at matatag sila sa harap ng iba. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakokontrol ng tao ang sitwasyon at dahil nga doon, naghahanap ang mga itong may maisisi.

It's not entirely her fault why she earned this kind of sickness. Napahawak siya sa ulo niya kung saan may namuong peklat doon mula nang maaksidente siya sa harap ng flagpole noong elementary siya. A security guard carried him while her school uniform was blotched in blood. The last thing her eyes witnessed was her mother panicking and crying.

* * *

"Maraming dugo ang nawala sa 'kin. Hindi ko nga maalala kung gaano iyon kasakit. Parang namanhid na ako ng mga oras na 'yon. The stitches, sobrang sakit at sigaw lang ako ng sigaw sa loob ng hospital. Naliligo sa sariling dugo. Nadamay lang naman ako ng mga batang naglalaro doon at nahagip lang ako. Sa palagay ko, doon nagsimula kung bakit bigla akong naging secluded. Tahimik sa isang tabi. Ang ipinapakita ko sa school, 'yon ang tunay na ako noong hindi pa nangyari ang aksidente kaya hindi ako gaanong nahirapan sa image ko sa school," she told Berry while they were sitting on a wooden chair, in front of a basketball court. Katatapos lang nilang kumain sa isang karidenderya, malayo sa kaguluhan sa bahay na nangyari kanina.

Berry was speechless. Naitikom lalo nito ang mga labi nito at napakunot-noo, tila may iniisip. "Anong grade ka na nang mangyari iyon?"

"Grade five."

"Wala na ako doon."

"Ha? Alin?" Berry held her hand and squeezed it. Malungkot itong ngumiti.

"I spent my four years in elementary in your school. School ninyo ni Lirio. Lumipat ako ng school nang mag grade five ako. Kung nag-aaral ako doon, malalaman kong may naaksidenteng kagaya kong pupil doon." Umawang ang mga mata niya sa narinig. Schoolmates din sila sa elementary? Tumango ito bilang kompirma. "But with different surname. It's a long story. I'm sorry, I know it's hard for you to deal with the trauma."

And it's enough for Daisy that she had Berry listening to her and understanding her without judgments in her eyes.

* * *

Napabuntong-hininga na lang si Daisy nang makaharap na naman niya ang establishment na ito. Different from the city, but the same facility attending to mental patients.

If she's living in the Dark Ages and previous centuries, then she will be labeled as an insane person for having this kind of illness. They will be alienated from society and insignificant and a nuisance to others. The fact that it's temporary is a different story from physical illnesses.

Mabuti na lamang ay unti-unti nang naging bukas ang publiko sa isyung ito. May nabubuong stigma ngunit nagsusumikap naman ang medical field na ipaunawa ito sa mga ito, maging siya na isa sa mga pasyente. There are some other people who has something more on their plate than her, yet still fighting and living was enough for her to go forward. Kasabay siya sa mga itong, nabubuhay pa rin at hindi nagpapatalo sa sakit na ito. They need saving with the doctors but the huge percent of saving came from themselves.

* * *

There are people who believe they couldn't alter their fates and thought that their lives would still be a mess in the end. There are people who choose to redeem themselves even though the world is too cruel around them. And he was included in the latter people.

Dumating siya sa punto ng buhay niya na tingin niya ay hindi na niya kaya pang itulak ang sarili niyang mabuhay. He was too bottled up and he exploded like a nuclear bomb. Wounded. Wrecked. He was like fighting in a war and went home with that haunted face and traumas of the wars he went through.

Ngunit ayaw niyang i-acknowledge sa sarili na iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit may nasasaktan siyang mga tao. Sanay si Noah na laging hindi siya ang napipili, nakakatanggap ng pagmamahal, ng kalinga. Natagpuan pa niya iyon sa mga taong hindi niya kadugo. Masyado siyang nasanay na mag-isa at walang nagpapahalaga sa kanya kaya may pagkakataong tila hindi niya tinatanggap ang positibong damdamin ng iba para sa kanya. Shawn and Lirio's kindness and friendship. Especially, Daisy's admiration for him.

Naalala niya ang nangyari noon sa booth. Galit siya kay Lirio sa ginawa nito dahil nakapagdesisyon na siya at ang desisyon na iyon ay protektahan si Jecille. Nagbitiw na siya ng mga salita sa nanay nito, sa nag-iisang magulang nito.

He hated himself for hurting Daisy that time, until they graduated. Magmula nang mangyari iyon ay nagkahiyaan na silang dalawang magpansinan pa at isa pa naisip niya noon na hindi nito deserve ang lalaking kagaya niyang maraming sugat ng kahapon, ng lalaking kagaya niyang takot harapin ang totoong damdamin niya para rito. Ayaw niyang pumasok sa buhay nito at magulo pa niya.

* * *

"What? Ban? Anong kalokohan 'to, Lirio?" bulyaw niya kay Lirio na seryuso ang hilatsa ng mukha at halatang naiirita na. Hindi pa ito nag-aahit, lukot-lukot ang suot na damit at magulo rin ang may kahabaan ng buhok.

"Please, Daisy. 'Wag ka nang magpakita. Iisipin ko na lang na hindi ka dumaan rito," pasupladong wika nito. She was surprised of how cold-hearted his response to her.

Tila may tumarak sa puso ni Daisy. Unang beses itong nagbitiw ng mga ganoong salita. Ito ba ang epekto ng pagbabago nito magmula nang iwanan ito ng pinakamamahal nito? Hindi lang naman ito ang nahihirapan, may ideya siyang ang mga taong malapit rito ay nahihirapan itong makita nang ganito. At ngayon lang niya nalaman to her shock.

Tumalikod na ito at hindi na siya pinansin kahit anong pagtawag niya rito at pagkalampag sa gate. Padabog na sinarado pa nito ang pinto ng bahay nito. Na ipinagkatiwala na ng Tita nito.

"Ang unfair mo naman, Lirio," nangingilid ang mga luhang mukmok niya nang makaupo sa gutter. Marahas niyang pinalis ang sumuong na luha sa mga mata niya. Nasasaktan siya para rito at wala man lang siyang alam noong mga panahong masyado itong nagdurusa. Abala siyang hilumin ang sarili niya.

It was natural for a guy not being vocal when it comes to their feelings and sentiments. And he needed space. Okay, fine. Iyon na ang huling beses na maligaw siya sa mga taong parte ng buhay noon. Mas lalo siyang lumuha sa ginawa niya kay Noah noong mga nakaraang linggo. Nanlalabo ang mga matang napasulyap siya sa bulsa ng denim jacket niya, kung saan nakalagay ang letter niya. A letter that will never sent.

* * *

A letter that will never sent

Dear Shinoah Sagara,

Halos dalawang linggo akong binabagabag ng mga memorya na nagsilabasan sa baul. Akala ko, limot ko na parte ng buhay ko. Akala ko, limot na kita partikular na ang mga damdamin kong may kinalaman ka. Payapa naman ako noong lumipat na kami ng probinsiya at may posibilidad talaga na magk-krus ang landas natin ngunit confident ako na hindi sapagkat hindi naman ako bumibisita sa mga lugar na may kinalaman sa mga alaala natin.

Sa sobrang distracted ko at muntik ko pang di maipasa ang term paper ko sa deadline.

You're bad news, Shinoah Sagara.

Then one day, nasa Basilica ako, nakatambay sa bleachers at nagulat na lang ako na may tumabi sa akin. Gusto ko nang tawagin lahat ng mga multong pagala-gala sa loob ng simbahan nang mapagtantong ikaw pala ang tumabi sa 'kin. Shock was an understatement.

Nahagip ng mga mata ko ang altar ng simbahan at napatulala na lang nang maalala ang eksena kung saan ikaw ang isa sa mga sacristan sa misa ng graduating batch sa Sto. Rosario church. Ang estupida ko lang dahil mantra ko nun e kalimutan ko na tong damdamin na meron ako sa 'yo pero ayon, back to zero na naman.

Bumalik ako sa kasalukuyan nang tapikin mo ako. Nakasuot ka ng light blue shirt, jeans at sneakers. Ang cute mo na pogi.

Nagulat talaga ko nang mag-materialize ka sa harapan ko. Akala ko 99% percent hindi ito mangyayari. Madali ba akong ma-distinguish? O baka nakita mo akong nakatunganga sa bleachers at nakasuot ng uniform ng university ko. Masyado ba talaga akong obvious?

Kinumusta mo ako. Sinagot kita na okay lang ako, struggling as college student ulit. Halos ikuwento ko na lahat ng adventure ko sa buhay sa 'yo at tawang-tawa ka dahil madalas kabulastugan ko lang sa workplace kinukuwento ko sa 'yo. Hindi ko alam kung fondness ang nakikita ko sa mga mata mo.

'Katulad ka pa rin ng dati.'

Anong dati? Dati na gustong-gusto ka to the point na nagdrama ako? Di mo yun alam kasi di naman ako umamin at manigas ka.

Kinuwento mo buhay mo nang mamatay ang tatay mo. Isang taon kang nagluksa. Mas malapit ka sa tatay mo kaysa sa nanay mo na malayo na sa 'yo. Malayo na rin ang loob mo sa kanya. Mahirap sayong maging working student to the point na muntik ka nang himatayin sa overfatigue sa mall na pinagtatrabahuan mo. Nag-quit ka bilang working student at nag-avail ng scholarship hanggang sa naging part time worker ka isang law firm. Na na-recognize nila ang performance mo sa univ ninyo.

Nagtanong ka kung ano ang sakit ko.

Matagal bago ako nakasagot. Sumeryuso na ako. Doon ko inilahad kung ano ang karamdaman ko kung bakit ako lumayo. I disappointed my parent's expectations. And to the top of it all, I disappointed myself. It's hard to acquire the medicines and it took me years to recover. Namalayan ko na lang na umiiyak na pala ako. Panira. Ang bigat bigat kasi.

Nagmukha tayong mag-jowa na magbr-break dahil lumuluha ako ng tahimik habang ikaw natuod na sa kinauupuan mo. Hinayaan mo akong umiyak at hindi alam kung yayakapin ako para patahanin. Tumahan tuloy ako nang ikaw na yung magpalis ng mga luha ko. Nakakahiya.

Wala ka palang panyo. Kaya natawa na lang ako. Ang panyo ko ang ginamit ko pamunas sa basa ko ng mukha. May misa ng five ng hapon kaya dumalo tayong dalawa. Gusto kong bangasan bigla ang pari dahil tungkol sa love ang sermon. Okay lang na masaktan ka, kasi on the other side, nagmamahal ka. Magmahal ka kahit masasaktan ka sa huli. Magmahal ka kasi mahal mo ang tao. Hayaan mo siyang maging masaya dahil mahal mo siya. Magmahal ka hangga't kaya mo.

During that duration, inaatake ako ng nerbiyos. Nag-palpitate lang naman ako kahit hindi naman ako umiinom ng kape (kasi medyo bawal na). Pareho tayong tuod. Nakikiramdam. Nagkahiyaan. Ramdam ko e. May unfinished business tayong dalawa.

Pagkatapos ng misa, lumabas na tayo ng simbahan at tinitigan ang replica ni Snr. Sto Niño.

Tahimik tayong dalawa.

Nang bigla kang nag-alok ng kasal.

Kasal, Shinoah.

KASAL! TUKMOL KA TALAGA!

'Wag mo namang buksan ang Pandora's Box ko na ikaw ang laman.

Napaka-seryuso at ang intense mong tumitig. Doon nagsink-in sa 'kin kung paano mo ako tingnan noong highschool pa tayo pero ten times na.

Tumawa ako. Natetensiyon na at ewan, ang weird ko kasi umupo ako sa sahig. Sa panghihina. Nanghihina ang mga tuhod ko at hindi ko na kinaya. Ikaw ba naman alukin ng kasal ng mahal mo.

OO MAHAL. Narealize ko sa loob ng simbahan. Tinanong ko kung na-carried away ka lang sa sermon ni Father. Sagot mo naman, medyo pero hindi. Mahal mo ako at gusto mo akong pakasalan.

Tapos.

AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!

Muset. Pasensiya na kung nagmumura ako sa letter na ito. Pero Shinoah. Maawa ka naman sakin. Nagbreakdown na ako sa tiles rito.

Tumingala ako sa 'yo at alam kong pigil na pigil mo ang pagtawa dahil nakalotus position ako. Sabi mo, tumayo na ako pero hindi, KASALANAN MO TO! Lalo kang natawa.

Tanong ko, jinojoke time mo ba ako?

Kumunot noo mo.

'Kilala mo ako. Hindi ako ang tipong nagbibiro. Seryuso ako, Mako. Sa 'yo."

Huminga ako nang malalim. Na-overwhelm ako kaya sumungaw na naman ang luha ko, sa magkahalong saya at lungkot. Parang puputok tong puso ko na ewan.

Nang mahimasmasan. Sineryuso na kita.

Noah, I'm sorry.

Sorry kasi nasabi ko iyon sa iyo at hindi ko babaguhin iyon. I confessed that my sickness triggered again because of the pressures and pent-up emotions. I am not for intense negative emotions 'coz it destroyed me. Dahil bumalik ka which is malaki talaga ang impact mo sa 'kin. My emotions for you are so intense. Halo-halo na lahat ng overthinking ko at disappointments na naman sa sarili ko at wala akong masabihan sa mga aalalahanin ko. Ayon, nag boomerang.

I'm still wrecked, Noah. Bumalik ako sa ospital after five years of not having symptoms. Hindi kita sinisisi na ganito ako. Ang sa akin lang, I'm still fixing myself. Hindi pa ako handa. Kasal ang inaalok mo at ayoko. Mahal kita pero hindi ngayon. Hindi ngayon.

Alam kong naintindihan mo ako. Ang estadong meron ako. Bagama't hindi lahat ay inihayag ko sa 'yo. Lumambot ang mga mata mo at sinabing maghihintay ka.

I know ang harsh ko nang sabihin ko sayong wag maghintay. Wag mong ikulong ang sarili mo sa 'kin. Maraming babaeng magmamahal sa 'yo dahil mabait ka at busilak ang puso mo. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit gustong-gusto kita noon pa man.

Kung nasaktan man kita, pasensiya pero kailangan kitang prangkahin sa sitwasyon ko.

Isa pa, di ko to sinabi nang tuluyan na tayong maghiwalay ng landas. You're a promising student of Law sa mga susunod na taon. You have a brilliant mind. Pangarap mo yan. Ayokong ma-distract ka dahil may 'girlfriend kang may mental issues'. Marami tayong priorities. At hindi ako, multi-tasker. Average ako, Shinoah. I know myself kung hanggang saan ang limits ko. Masaya man ako malaman sa' yo yan pero takot ako. Duwag pa rin ako hanggang ngayon.

Sorry, Noah. I'm really sorry.

Ang depressing na naman ng dating. Naiiyak na naman ako. I'm in the process of healing myself. I am capable of loving someone. Ikaw. but I'm still a mess. A wreckage.

But, I still love you secretly.

Love,

Daisy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top