Chapter Nineteen
Confession is not flashy
Lucrezia Niuala Dela Cruz'
BAKIT BA AKO hinahalikan ni Ysrael? Hindi niya dapat ginagawa sa akin ito. Hindi niya ba naisip si Rina? Si Rina na nagpunta rito para dalawin ako at si Riel. Si Rina na parang hanggang ngayon ay walang ideya na si Rael ang ama ng anak ko. Paano na lang kapag nalaman niya? Anong sasabihin niya sa akin? Kahit kailan ay hindi ako naging komportable sa kaisipan na ako ang magiging dahilan ng kasakitan ng ibang tao. Everyone is suffering in their own quiet ways at ayokong dumagdag roon. Napakaraming pinagdaanan ni Rina sa nakalipas na mga buwang ito. And the last thing she needs from me is betrayal.
Kaya gamit ang buong lakas ko – kahit nanghihina na ang tuhod ko at nanlalambot na naman ang puso ko ay itinulak ko si Rael. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Ako naman ay iyak nang iyak. Napailing si Rael. Mukhang nagagalit naman na siya. Nakakuyom ang mga palad niya pero hindi siya nagsasalita. Nakipagtitigan siya sa akin tapos ay nagbuntong – hininga saka kinuha ang remote ng tv para patayin iyon. Nanatili akong nakatayo. Hindi maampat ang mga luha ko. Paulit – ulit sa isipan ko kung ano bang ginagawa niya rito samantalang nangako sa akin si Mariah na hindi malalaman ni Rael kung nasaan ako. Nagbago ba ang isip niya? Kunsabagay, bago ko lang siyang nakausap. Siyempre, mas matimbang si Rael kasi siya ang kamag-anak nila.
Magkatalikuran kami ni Rael. Pinakikiramdaman ko siya. Feeling ko kasi anumang oras mula ngayon ay sasabog na siya. Dahan – dahan akong humarap kay Rael. Nakatalikod siya sa akin pero nakatingala siya at nakapikit. Baka nagbibilang siya ng one to one – hundred kasi baka galit talaga siya.
"Ano... ano bang ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya. Ayokong nandito siya kasi ang gusto ko lang ngayon ay ang umuwi kay Mama at simulan na sana ang plano kong bagong buhay. Noon lang humarap sa akin si Rael.
"Ano pa nga ba? Eh di hinahanap kita. Nakita na kita, akala mo aalis ako rito?" Parang nangyayamot na sabi niya sa akin. Gusto kong mapapadyak. Bakit ba kasi hindi na lang niya ako hayaan? May Rina na siya. Magsisimula na sila ng bagong buhay. Hindi ko naman ipagdadamot sa kanya ang anak namin.
Si Riel ay pinakamagandang nangyari sa buhay naming dalawa at hinding – hindi ko iyon ipagkakait sa kanya.
"Ysrael, pwede bang tigilan na natin ito?" Nanginginig pa ang boses ko. Nakatitig lang siya sa akin.
"Ang alin ba?" Tila iritableng tanong niya.
"Ito."
"Alin nga?"
"Ito nga! Nakakainis ka naman kasi, Rael eh! Bakit ba hindi mo na lang ako hayaan?! May Rina ka na! Ano pa ba ako rito?!" Napapadyak na ako.
"Ikaw ang mas nakakainis!" Napatingin ako sa kanya. Iyong isang kamay niya ay nasa baywang niya habang pakumpas – kumpas siya sa harap ko.
"Bakit ako?! Ikaw nga diyan binuntis mo ako tapos kinalimutan mo." Gusto kong murahin ang sarili ko. Hindi naman kasalanan ni Rael iyon. Ginusto ko rin naman iyon kahit na parang malabo ang lahat ng gabing iyon – sa isipan ko ay malinaw iyon, malinaw at palagi kong inaalala because that night was magical.
Pero mukhang natigilan si Rael. He sighed again. Tumalikod na naman siya sa akin at nang muli siyang humarap ay seryoso na siya.
"Natatakot ka ba sa akin dahil sa gabing iyon?" He asked me. "Did I force you to have sex with me that night, Lucrezia?" Malumay ngunit mariing wika niya.
"Bakit... bakit mo naman tinatanong sa akin iyan?" Gusto niya bang sabihin ko sa kanya na ginusto ko iyon kahit walang kasiguraduhan? Na naiyak pa nga ako noong naabot namin ang glorya kasi noon ko napagtanto na hindi ko talaga kayang mawala siya sa buhay ko pero dahil may Rina na masasaktan ay kailangan kong kayaning mabuhay nang wala siya para sa anak naming dalawa, para tahimik ang mundo naming apat.
"Just fucking answer me!" He yelled. Nagulat ako at napaluha lalo nang sumigaw siya. Ito ang unang beses na sinigawan ako ni Rael at talagang nagulat ako. "Shit."
"H'wag mo akong sigawan." Napahikbi ako. Lumapit naman siya sa akin para yakapin ako.
"I'm sorry. I'm sorry. I didn't mean to yell at you. I'm so sorry, Lu." Tinapik – tapik niya pa ang likuran ko na para ba akong isang batang munting inagawan ng candy. "Sorry. Hindi ko sinasadya. Pasensya ka na."
"Ayoko na, Rael. Hayaan mo na lang ako. Promise, hindi ko ipagdadamot sa'yo ang baby natin. Alam ko naman kung gaano mo kamahal si Azriella. Hinding – hindi ko siya ilalayo pero hayaan mo na akong lumayo."
"Bakit ba kasi gusto mo akong iwanan, Lu?" Humigpit ang yakap niya sa akin – ganoon rin naman ako.
"Hindi naman kasi pwedeng masaktan si Rina. Masyado na siyang maraming pinagdaanan. Hindi ko kayang makasakit ng tao lalo ng kapwa ko babae." Napapahikbing wik ko. Kaya kahit mahal ko si Rael, kahit na siya ang bubuo sa buong mundo ko ay hindi pwede dahil mas kailangan siya ni Rina.
"Wala naman kami ni Rina." Wika niya sa akin. "Sana maniwala ka. Walang kami ni Rina." Bahagya akong lumayo sa kanya.
"Anong pinagsasabi mo? Nasa cabin si Rina kanina." Humihikbi pa rin ako.
"Nandoon lang naman siya para dalawin ka. Gusto niyang makilala si Riel. Gusto ka niyang kumustahin. Ikaw ang sadya niya rito sa CLPH, hindi ako." Natitigilan ako habang nakatitig kay Rael.
"Ako? Diba... diba... girlfriend mo siya?" Mahinang wika ko. Rael shook his head.
"Noong araw na nagpaalam ako sa'yo noong nasa ospital ka pa, nagkita kami ni Rina noon at nag-usap kami. She wanted me to go with her to Singapore but instead, I told her the truth about you and Riel and she understood. Iyon na rin ang araw na tinapos namin ang kung anomang mayroon kami. Wala ring nangyari sa amin ni Rina, kung iyon ang iniisip mo."
"Ha?" Naiintindihan ko lahat ng sinasabi sa akin ni Rael maliban doon sa pat na walang nangyari sa kanila ni Rina. Baka nitong huli na – noong buntis na si Rina pero noong gabing iyon, dalawa kaming nakasama niya.
"I was never with her that night. Well, I woke up with her beside me – we were both naked, so I assumed something happened to us and she got pregnant, so I assumed it was my child, but nothing happened. Ody and three uniformed men took Rina to my room that night and made me believe that we had sex – but we didn't. It was all a big manipulation plan by Ody. Kung anuman ang dahilan niya ay hindi ko alam pero hindi ako ang tatay ni Yzekiel, but that baby will always be special to me, Lu, I hope you understand that."
"Sandali..." Information overload ang nangyayari sa akin ngayon. Napaupo ako sa kama na nasa gitna ng silid na iyon. Parang nahihilo ako. Sumunod naman si Rael sa akin. Naupo siya sa tabi ko at tiningnan akong mabuti.
"Kaya pwede bang h'wag mo na lang akong iwan? Wala naman kami ni Rina. Wala akong babae ay pangako, hinding – hindi ako mambabae kasi ayokong nasasaktan ka."
"Bakit?" Kumakalma naman na ako pero hindi pa rin maampat ang mga luha ko. "Bakit hindi kita pwedeng iwanan? Paano pala kung magtago ako?"
"Hahanapin kita sa kasuluksulukan ng mundong ito makabalik lang ako sa buhay mo." Hindi ko maintindihan talaga. Ang hirap maglanding ng mga sinasabi sa akin ni Rael.
"Bakit nga?" Nakatitig ako sa kanya. Nanghihintay ng sagot. "Rael, ano ba tayo?"
"Tang ina eh di asawa kita." Nanlaki ang mga mata ko.
"Paano mo ako naging asawa hindi pa nga tayo kasal!"
"Bakit? Doon rin naman tayo pupunta! May anak na tayo! May nangyari na sa atin dapat nga magpakasal na tayo kaya lang hindi kita maaya kasi..." Napansin kong nakakuyom na ang mga palad niya... Hinampas ko siya sa balikat nang malakas. Palagay ko ay may bakat ng kamay ko ang balikat niya ngayon. "Aray!" Reklamo niya pa.
"Bakit ka natatakot?"
"I told Papa about this already and he said na baka hindi naman raw ganoon." Panimula niya. "That night at the party, Ody drugged my drink. Kaya wala akong matandaan."
"Ay! Oo, sabi niya binigyan ka niya ng happy pill kaya raw sobrang wild mo!" Sabi ko pa sa kanya.
"Am I? Wild?"
"Grabe ka noon, Bes. Basta – basta ka na lang nanghahalik tapos hindi mo ako kilala!" Natatawa pa ako habang naaalala ko iyong hitsura ni Rael noon. Para siyang teenager na sobra sa hormones noon!
"What? Really? Paanong hindi kita kilala?" Tanong niya pa sa akin. "Kwento mo, Luka – luka kang talaga!" Umingos pa ako pero umupo ako nang naka-cross legs sa kama. Si Rael naman ay hinarap ako at ginaya ang posisyon ng upo ko pero hinawakan niya ang dalawang kamay ko na para bang makakatakas ako kapag hindi niya ginawa.
"Sabi mo kaya noon I look so delectable I my fitted white dress. Tinawag mo pa akong love para kang tanga noon." Kinurot ko siya sa tagiliran. Natawa si Rael.
"Tapos ano pa? Did you say no and then I forced myself?" Sumeryoso na naman siya. Bakit ba tinatanong niya ito? Gusto niya ba talagang sabihin ko sa kanya na kusa kong binigay sa kanya ang sarili ko kahit na wala akong hawak na kasiguraduhan noon?
"Tang ina naman, Rael, hindi nga! Bakit ba iniisip mo iyan? Oo na, binigay ko sa'yo ang sarili ko noong gabing iyon kahit na wala akong assurance kung anong mangyayari after kasi mahal kita okay?" Muli na naman akong napaluha. "Mahal kita kahit na ang labo – labo ng lahat ng ito. Mahal kita siguro noon pa, baka noong mga bata pa tayo, baka noong palagi kang may tigyawat saka nakasalamin ka pa, o baka noong natanggal na iyang brace mo, o baka noong ipinakilala mo sa akin iyong first girlfriend mo, basta alam kong mahal na kita kahit na noong sinabi mo sa aking mahal mo si Mikee at magsasama na kayo o kahit na noong nahuli kitang nagja-jakol noon sa may restroom ng clubhouse noong college na tayo." Sukat pa naman tinakpan ni Rael ng kamay niya ang bibig ko.
"Shhh! Ang ingay mo." Hindi ko alam kung natatawa ba siya o ano.
"H'wag mong anuhin iyang kamay mo sa akin baka pinang-jakol mo iyan bago ka mapunta rito!"
"Hindi nga ako nag-jakol ngayon. Hinahanap nga kasi kita!" Nanlaki ang mga mata ko.
"So, nagjajakol ka nga!"
"Bakit hindi! Magkasama tayo araw – araw, natutulog nang magkatabi tapos lumililis iyang t-shirt mo, nakikita ko iyan siyempre, lalaki ako, I have needs but I can't have that with you yet kasi hindi ka pa ready." Sabi niyang kunot na kunot na naman ang noo. Namula na naman ang mukha ko. Inirapan ko siya at saka piningot. "Aray nga kasi!"
"Kanina pa kita tinatanong kung bakit, wala akong makuhang matinong sagot sa'yo, bwisit ka! Bakit nga ganyan iyang pinagsasabi mo sa akin?! At bakit mo ako tinatawag na asawa?!"
"Matalino ka namang babae ka pero bakit ang hina ng pick up mo? Malamang kasi mahal kita!" Sigaw niya sa mukha ko. Napaiyak na naman ako. Agad naman niya akong hinatak papunta sa dibdib niya.
"Shhh, sorry... sorry hindi na ako sisigaw."
"Hindi!" Tinulak ko siya. "Sinasabi mo lang iyan kasi ayaw mong mawala si Riel. H'wag mo akong utuin!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
"Hindi kita inuuto." Napakamot siya ng ulo. "Ano ba naman kasing pag – uusap ito. Pangluka – luka talaga." Napatawa siya – natawa na rin ako. Iyong tawa namin walang sounds at ganoon kami sa loob ng ilang minuto. Nakadantay ako sa dibdib ni Rael habang nakapalupot naman sa akin ang mga bisig niya. Tawa kami nang tawa.
"Tang ina paano ba ako magco-confess nito kung saan – saan napunta iyong usapan natin." Nang maka-move on sa katatawa ay umayos na muli kaming dalawa. Pero nang magkatinginan kami ay nagtawanan na naman kami. Sa katatawa ay nahulog pa ako sa kama. Nauntog ako sa sahig mabilis naman akong dinaluhan ni Rael.
"Girl, ano ka ba naman!"
"Aray..." Napahawak ako sa noo ko. Napaluha na naman ako. "Ang sakit."
"Amina, ki-kiss ko para mawala ang sakit." Iyon lang at hinalikan niya ang noo kong nauntog sa sahig. Hinampas ko siya sa dibdib.
"Ano ako baby?"
"Oo, baby ko." Sabi niya pa. Napatitig ako kay Rael. Totoo bang mahal niya ako? Nagsasabi kaya talaga siya ng totoo? Hindi ba niya sinasabi iyon dahil lang sa natatakot siyang mawala ang anak namin?
"Totoo ba?" Tanong ko sa kanya.
"Na may bukol ka? Oo. May piso yata ako dito, ibalik natin." Kinakapa niya pa ang bulsan niya.
"Na mahal mo ako?" Rael looked at me. "Kasi, bakit ako? Si Lucrezia lang ako, ikaw... Consunji ka..." Mahinang wika ko.
"Anong gagawin ko ba para maniwala ka sa akin?"
"Mayaman ka diba? Dalhin mo nga si DO sa bahay namin."
"Ay nurse, gising na siya."
"Rael naman!" Hinampas ko siya sa balikat. Tumawa na lang siya at ikinulong ang mukha ko sa mga kamay niya. Dinampian niya ako ng halik sa ilong. Bakit sa ilong lang? Kanina nga kiniss niya ako sa lips, may kasamang dila iyon. Ang hot.
"Lucrezia Niuala ang pangalan mo pero ang hirap mong maniwala sa mga sinasabi ko sabagay bad combo iyong Lucrezia sa Niuala ang ending mahirap paniwalain kang lukaret ka."
"Rael!" Tumawa na naman siya.
"Mahal kita." Naupo na siya sa tabi ko. Magkadikit ang mga balikat namin at nakasandal kami sa kama sa likod namin. "Tulad mo hindi ko rin alam kung kailan eh. Siguro noon palang noong tumatakas tayong dalawa para maligo sa ulan – we were seven then, or maybe when we were ten tapos nadapa ka sa may park, iyak ka nang iyak tapos naisip ko noon, ikaw iyong babaeng ayokong nakikitang umiiyak o baka noong prom night na iniwanan ka ng date mo kaya ako ang naging kasayaw mo noon, you were so beautiful that night, Lu." He took my had and kissed my knuckles. "O baka noong college na tayo at nahuli mo ako sa rest room ng clubhouse kasi noong nag-tennis tayo ang ganda ng legs mo kaya tinigasan ako at ayokong makita mo kaya ganoon iyong ginawa ko—"
"Rael!"
"Maaaring minahal ko si Mikee – maaaring attraction o responsibility ang mayroon ako sa kanya noon..." Hinigpitan ni Rael ang hawak niya sa mga kamay ko.
"Pero isa lang ang malinaw sa akin ngayon, itong nararamdaman ko, walang makakapantay rito. I love you, it maybe cringe, but I love you so much you are the first and last view I want to see every day, you are my favorite glitch in the matrix, my daily dose of dopamine, my "ay, siya na nga." Ikaw ang dahilan kung bakit napapangiti ako sa gitna ng traffic. Kahit minsan third wheel lang ako sa parasocial relationship mo kay Do Kyungsoo, mahal pa rin kita, Lucrezia. Sasabayan ko lahat ng kaluka-lukahan mo. Kahit pa ako lang ang audience mo sa mga fangirl monologue mo tuwing may bagong comeback, kahit ako lang ang tagasalo ng kilig mo habang hawak mo ang photocard niya na parang buong buhay mo ang nakataya roon. Kung kailangan na tilian ko rin iyang Exo mo, gagawin ko. I'll even wipe your tears if you cry while telling me grabe, Rael, sobrang galing nila! Kung kailangan ako pa ang sumundo sa mga photo card mo kung saang lupalop ng mundo, gagawin ko kasi mahal na mahal kita. So yes, maybe it's cringey, maybe it's cliché, but I love you the way you love your K-pop bias, with full-blown devotion, random squeals at 2 AM, and a heart that memorizes every comeback date like it's a national holiday."
Iyong iyak ko – iyong iyak ko may kasamang hagulgol. Niyakap ko na si Rael. Mahal niya nga ako. Naniniwala na akong mahal niya ako. Mahal na mahal ko rin siya.
"Tinatanong mo ako kanina kung bakit mahal kita? Loving you feels liks stanning someone who doesn't just perform on stage but shows up in my life, every day, as the main event. Pasensya ka na kung hindi ko na-realize agad. You were always there for me; I was so used of your presence na akala ko ang lahat ng ito ay familiarity lang. Mahal na mahal kita, Lucrezia, sana naman maniwala ka na sa akin. Mahal mo rin ba ako?"
"Siyempre naman! Mahal kita! Mahal na mahal kita! Hindi na ako aalis. Hindi na ako lalayas. I love you too, Ysrael. I'm s glad you are Azriella's father." Pinagdikit ni Rael ang mga noo namin at tahimik kaming umiyak nang magkasama. I feel so at peace knowing that he loves me. My childhood best friend is in love with me. What am I supposed to do with that information—frame it, hug it, cry over it? Because right now, I am so happy I could burst into confetti. All those years of shared silence, inside jokes, and quiet glances suddenly make sense.
It was always him.
And fortunately for him, it was always me too.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top