Oct120: SELF-AFFIRMATION
Love is the most wonderful feeling in a person's life. It gives happiness in a matter of time and magical fairytale but in the end, we know that happy ending is only in books and it's not always like what we used to know.
Dahil habang nabubuhay ang tao, araw-araw lalaban sa hamon ng buhay, Kindergarten, Elementary, High school and College days lahat iyan matatapos ng estudyanteng desidido at lahat iyan darating sa katapusan na maging tao ay magtatapos din sa kamatayan.
Pagkatapos mag-aral panahon naman para magtrabaho, magkapamilya at kung ano-ano pa. Lahat nasa proseso kung saan hindi natin mapipigilan ang katapusan ng lahat sa kasalukuyan pero, sabi nila ganoon din sa pagmamahal, hindi lahat ng taong nakikilala at nagiging parte ng buhay natin makakasama natin sa hulihan ng laban.
Datapwat ang mga bagay, pagkakataon, at panahon ay hindi puwedeng umayon sa kagustuhan lang ng tao pagkat ang mga bagay na iyon ay dapat nakasalig sa kagustuhan ng nasa itaas. Ika nga nila, mas nakakaalam ang Diyos sa mga bagay na dapat mangyari sa kasalukuyan, maging sa pagmamahal siya rin ang nagbibigay ng ibat-ibang taong darating sa buhay natin-base na rin sa mga desisyong pinili nating mangyari.
Kaya nga minsan pakiramdam ng tao na kapag nahanap na'ng sinasabi nilang The One langit na, to the point na pati sa pagtulog naaalala nila lahat ang mga bagay na pinagsamahan; pag-iibigan, pagkakaibigan at kung ano-ano pang dahilan kung bakit pinagtagpo at pinaglapit sila ng tadhana pero, what If, isang araw magising na lang ang tao na wala na pala iyong taong pinahalagahan nila noon. Handa ba silang sumugal para sa katagang Second chance?
Nakakalungkot dahil minsan ang kasabikan at kaligayahan ay kumukupas din. Hindi lahat ng oras o taon siya pa rin ang laman ng puso natin lalo na kung hindi naman pulido at madiin ang pagmamahal sa taong iyon, kaya naman kapag sobrang nasasaktan na'ng tao dumarating sa puntong pati puso nila nagagawa nang bumitiw dahil sa katagang SUKO NA AKONG MASAKTAN.
Oo, natural lang iyan dahil tao tayo na kailangang maranasan ang mga bagay na dapat matutunan sa kasalukuyan. Hindi kasi pu-puwedeng lagi panalo na lang sa pagpapaikot ng bawat isa at hindi rin laging hawak sa leeg ang mga taong piniling magbulag-bulagan sa katotohanan dahil sa salitang PAGMAMAHAL.
Dahil lahat ng taong masasaktan at nagmumukhang tanga'y natututo at nagiging matatag habang nasasaktan. Hindi lahat ng panahon mahina sila at sunod-sunuran sa mga bagay na taliwas sa kagustuhan nila. Oo, sumusunod at napapasunod mo sila dahil mahal ka nila pero, kapag dumating sa puntong tuluyan silang magising sa pagkakatulog, huwag ka ng magtaka kung bigla na lang silang mawala sa buhay mo.
Kaya habang maaga pahalagahan mo ang mga bagay na nasa harapan mo ngayon dahil kapag tuluyang nawala iyan sa kamay mo, magigising ka na lang wala na pala iyong itinuring mong basura at laruan noon na kahit anong gawin mong makaawa sa huli wala ka ng babalikan pa.
Love is worthless when there's no commitment to each other. Panahon nga nagbabago at mabilis na kumukupas, love pa kayang hindi maramdaman paano susulong sa mas malalim na ugat.
Kaya lahat ng nagmamahal nararanasang masaktan, umiyak at magmakaawa sa pag-ibig pero, hindi ibig sabihin noon mahina sila at tanga kundi dahil sa oras na matuto sila, iba na iyan sa mga babae/lalaki na makikilala mo pagkatapos ng yugto ninyong dalawa.
Hindi lahat ng panahon bumabalik sa nakaraan kaya huwag mong antaying huli na ang lahat bago mo maintindihan ang salitang SECOND CHANCE dahil ang salitang iyan ay isang mahalagang bagay, hindi puwedeng lagi mong gagamitin tuwing nagkakamali ka at hindi rin puwedeng huli na bago mo maunawaan ang pagkakagamit niyan.
Kung palagi mong paiiralin ang salitang PRIDE walang mangyayaring maganda sa 'yo, hindi kasi puwedeng sabihin na dapat masunod ako kasi ganito at ganyan at hindi puwedeng pagbasehan lang ang dahilan para masabing wala kang kasalanan.
Wala mapapala kung paiiralin lagi ang pagiging makasarili. Hindi lahat ng tao'y mababayaran para sumunod, masamang tao nga tumatalikod sa utos kapag nakita na niyang mali na lahat e, ikaw pa kayang nasasaktan at napapagod magmahal.
Hindi ka ipinanganak para saktan at paasahin lang kaya antayin mong unti-unting maghilom ang sakit hanggang sa makayanan mo ulit lumaban para sa sarili mong labis na pinaglaruan. Hindi man mabilisan ang lahat ngunit paniguradong matatapos din lahat at darating sa puntong tatawa ka na lang kapag naalala mo ang nakaraan.
Bago mo siya minahal alam mo kung sino siya at anong klaseng tao siya kaya hindi puwedeng baguhin mo siya ayon sa gusto mo lang dahil lahat ng tao nagbabago ayon sa kagustuhan niya at hindi dahil sa dikta ng kapwa. Siguro sasabihin mo, nagbago ako dahil sa kaniya pero, hindi mo napansin kung paano ka nagbago para sa sarili mo.
Gabay lamang sila pero, nasa iyo pa rin ang desisyon sa buhay at sa mundong tatahakin mo sa kasalukuyan kaya alamin mo ng maigi kung bakit at paano ka magbago gamit ang mas malalim na pag-analisa sa likod ng lihim ng pagkataong mayroon ka.
Lahat tayo gumagawa ng desisyon sa bawat pagkakataon kaya hindi puwedeng ibuhos lang sa isang tao ang lahat. Dapat matuto tayong magkaroon ng PANININDIGAN sa sarili nating pag-iisip. Magkamali man tayo pero, nawa'y gamitin at unawain natin ang lahat ng bagay na may dahilan upang matuto tayo bilang mabuting taong nilikha, dahil ang pagmamahal hindi gahaman at makasarili kundi mapagbigay at marunong magparaya.
If you want true love, then be optimistic, be on who you are and never demand for anything. Love them for who they are, accept them as a special one and never complain for their weaknesses and imperfections.
Keep in mind that a self-centered person doesn't deserve better one, dahil una pa lang ipinakita mo ng hindi ka marunong magmahal. Kung gusto mong may tumanggap sa 'yo, mahalin mo muna ang sarili mo at kung ano at sino ka.
Work for your future, learn with others' experience and most of all learn from your weaknesses and mistakes because the best sword in every situation is the experience that you encountered-that may be used in the future.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top