Simula
BROTHER
I stepped into a breeze that tasted like old memories. A decade had passed, but Papa's estate hadn't received the memo. It stood there, a stubborn ghost of my past, frozen in the exact shape of the day I fled.
"Madam, kanina pa naghihintay sa dining area ang Papa niyo." Manang Helena said. Ngumiti lamang ako at naglakad papunta sa pintuan ng mansion, ang matunog kong heels ay dinig na dinig sa buong paligid.
Wala naman akong balak sana magpakita kay Papa. In fact wala na akong balak bumalik sa pamamahay nito. After my mother cheated on my father and chose her another family in Australia nawalan na ako ng gana sa pamilya ko. I decided to be independent and create my own name in the fashion industry. I didn't fail.
I can sense the old memories once I stepped on our mansion. Walang bago, ganoon pa rin. Kung may bago man siguro ang pamilyang dinala ni Papa ngayon. Ilang buwan na akong kinukulit ni Papa para umuwi ng Batangas. He wants me to meet his new family.
Kundi niya lang birthday ngayon at hindi nagmakaawa si Manang Helena sa akin ay hindi talaga ako pupunta. Alam kong si Mama ang nagloko sa kanilang dalawa pero hindi ko magawang sisihin lang si Mama. My father has a fault too. Kung minahal niya lang talaga si Mama noon hindi magloloko si Mama but I know in myself parehas nilang kasalanan.
My mother has a choice to left my father, hindi niya kailangan mag-cheat at magtago kasama ang pamilya niya. Kundi ko pa siya mahuhuli noong college ako hindi ko malalaman.
I stopped when I saw unfamiliar man sitting on the dining area. Kahit nakaupo ay alam ko agad na matangkad siya. He looked like he belonged on a vintage European cinema poster, but with a tropical warmth. His features were a flawless genetic lottery: the aristocratic, sharp angles of an Italian lineage carved into a face of rich, golden-brown Filipino skin. With dark, piercing eyes that seemed to see right through you and a tall, broad-chested frame that moved with natural rhythm, he didn't just command the room-he redefined it.
May suot itong eyeglasses, he looks so innocent kung titigan mo siya ng maayos. Even though he has this features na matapang, masungit, and cold... Kung mas titigan mo siya at pagmamasdan mukha siyang inosenteng bata.
Tumikhim ako dahilan upang mapatayo siya sa pagkakaupo. Nang makita ako ay mukhang gulat na gulat pa siya nang ako ang makita niya. Nag-e-expect ba siya ng iba maliban sa akin?
"Good evening, Ma'am...." Magalang niyang bati. Even his voice is calm and soft. Mukha lang siyang tigasin pero para siyang bata. Matangkad nga siya tulad ng hula ko. When he stand up in front of me. I am 5'7 already pero sa tingin ko nanliit ako dahil sa kanya. "May kinuha lang sa itaas si Tito."
"Tito?" I asked. He nood like a gentle kid. "So, you are the son of his mistress?"
"Hindi kabit si Mama.." Sagot nito. Mariin iyon ngunit ang liit pa rin ng kanyang boses. Wow, for the first time in my life... I am kinda interested to this man. "Patay na si Mama kaya pwede po ba makikirespeto naman siya."
Oh, hindi ko alam 'yon. Meaning... Kinupkop na ni Papa ang anak ng naging babae niya?
"How old are you?" Seryoso kong tanong. Maski ngiti ay hindi ko gawin. Bakit ako ngingiti sa kanya? Now it's getting interesting, he is a man after all tapos nananitili siya sa puder ng naging karelasyon ng Mama niya. "Why are you here?"
"Tito Invited me, birthday niya ngayon." Sagot nito. "Twenty-three."
"Unemployed?"
"No, nagtratrabaho ako sa company ni Tito."
"What position?" I asked.
"Chief Marketing Officer."
Wow? Really? Mataas na posisyon 'yon, I didn't expect that honestly akala ko normal employee lang. Hindi ko naman akalain sumobra na yata ang pagiging mabait ng ama ko. Iimik pa sana ako nang sabay kami mapalingon kay Papa na nakakababa lang.
"Anak!" Malaki ang ngiti na bati nito sa akin. Agad itong lumapit at humalik sa pisngi ko. "Buti nakapunta ka."
"Happy birthday." Tipid kong bati sa kanya. Nilingon ko muli ang lalaki na ngayon ay nakatingin na pala sa akin. "What's his name?"
"Si Yuan. Anak ni Janice." Pakilala ni Papa. "Mabait 'yan! Tahimik at mahinhin! Masipag din at talagang maasahan mo sa trabaho."
"Yeah..." Sabi ko nalang. Halata namang puring-puri siya ni Papa.
"Yuan, si Kassandra. Iyong kwinekwento kong anak ko sa'yo!" Magiliw na sabi ni Papa. Ngumiti si Yuan sa akin tsaka bahagyang tumango. I rolled my eyes and look away. "Anak..."
"I am hungry." Sabi ko nalang at naupo na agad sa upuan nasa harap ko. "Let's eat." Yaya ko na sila at nanguna na kumain.
Hindi ko maiwasan panoorin ang galaw ni Yuan lalo na nang alalayan nitong maupo si Papa sa upuan. He looks like gentle, caring, and have a lot of patience. Nakabaliktaran ko. I don't have any patience for anyone. Mahalaga ng bawat oras sa akin kaya hindi ko kayang umintindi nang iba kung oras ko ang mauubos.
Matapos ang dinner namin ay inabot ko lang kay Papa ang regalo kong rolex na relo. Inis pa ako dahil biglang umulan. Imbes tuloy makabyahe ako pabalik sa Manila ay wala akong nagawa kundi ang manatili sa mansion lalo na madulas ang kalsada.
Buti nalang talaga may baon akong damit at hindi pa rin inaalis ni Papa ang kwarto ko. Matapos maligo at makapagpalit ay bumaba muna ako saglit para kumuha ng tubig.
Nasa hagdan pa lamang kita ko na agad si Yuan. He is making a milk. Wow, such a baby huh?
"Hello, Ate." Bati niya sa akin nang makita ako. Napairap naman ako dahil doon. "Gatas."
"No thanks." Tanggi ko. "And don't call me Ate... Wala akong kapatid."
"Sige, Miss Ma'am." Aniya. Kumunot ang noo ko at masama siyang tinignan, hindi ko alam kung seryoso ba siya o inaasar ako. "Pero sa'yo 'tong gatas."
"At bakit ko iinumin 'yan?"
"Dahil hindi ka nakakatulog kapag walang gatas." Sagot nito. Bigla ako naguluhan at nagtaka. Paano niya nalaman 'yon? Ngayon lang kami nagkita at nagkakilalang dalawa. I know I am famous pero hindi ko alam kung fan ba siya ng mga designer things.
Imbes magsalita ay kinuha ko nalang ang gatas na tinimpla tsaka tumalikod basta. He's weird. Hindi ko alam kung sadya bang ganoon siya or what.
Bahala na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top