Chapter Forty Seven


 DAHIL puyat at pagod, madaling nakatulog si Callan. Matagal na tinitigan niya ang gwapong mukha nito bago naisipang bumangon. Ginugulo pa rin ang isipan niya ng mga sinabi ng kanyang ina sa kanya sa telepono.

 She was bothered by her own thoughts. Iniisip niya kung ano ang dahilan kung bakit nasabi iyon ng kanyang ina. Bakit nito nasabi na hindi siya matatanggap ng pamilya ni Callan?

 Kilala niya ang mga magulang ni Callan.

 Natatandaan niya ang magandang pakikitungo ng mga ito sa kanila. Alam niya kung gaano kabait at kaganda ang trato sa kanila ni Mrs. Chavelly Fontanilla, lalo na ang asawa nitong si Kellan Frei Fontanilla.

 Hindi niya masyadong naramdaman na magkalayo ang agwat ng pamumuhay nila sa pamilya ni Callan sa kabila ng pagiging banyaga ng pamilya Fontanilla.

 Fil-Am si Mrs. Chavelly habang ang asawa nito ay isang Irish na napangasawa nito sa California. Naging kaibigan ng kanyang inang si Reina si Mrs. Chavelly Fontanilla bago maalok na maging kasambahay nito.

 Noon ay naglalabada lamang ang kanyang ina hanggang sa maka-extra ito sa mansyon. Trabahador naman ang kanyang amang si Rico sa mansyon at doon pa nagkakilala ang kanyang mga magulang. Kalaunan ay naging magkasintahan at ikinasal ng magbuntis ang kanyang ina sa kanya.

 Bumuntong-hininga siya at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa kusina. Bigla niyang naisip na magbake ng cookies. Ilang buwan na din siyang hindi nakakapagbake. She love baking cookies. Kadalasan niya iyong ginagawa kapag wala siyang magawa.

 Pero ngayon, may mas mahalaga siyang dahilan.

 She want to distract herself from her own thoughts. Hindi maganda kung mag-iisip siya ng mag-iisip dahil hindi rin naman niya malalaman ang sagot sa sarili niya. Masama sa pagbubuntis ang mga negatibong isipin. At itinuturing niyang negatibo ang naging reaksyon ng kanyang Mama kagabi. Hinawakan niya ang tiyan niya at hinaplos iyon, tila hinahaplos ang mismong baby nila ni Callan.

 Awtomatikong napangiti siya. Napakasarap ng hatid sa pakiramdam niya tuwing hinahaplos ang tiyan. She couldn't wait to see her baby.. Ang baby nila ni Callan.

 Hindi pa man niya ito nakikita ngayon, atleast, alam niya na naroon lang ito sa sinapupunan niya.. Naghihintay na lumabas doon at mahawakan na niya sa kanyang bisig. Biglang lumitaw sa utak niya ang isang imahe; siya at si Callan habang kasama ang kanilang anak.

Pinawi ng imaheng iyon sa utak ang negatibong isipin na nasa utak niya kagabi pa.


 NARAMDAMAN ni Callan ang mahinang pagyugyog sa kanya. Umungol siya bilang tugon. Marami siyang tinapos na trabaho buong magdamag sa kanyang opisina at alas sinco na nga siya nakauwi. Natural na pagod ang isip at katawan niya at hinahanap niyon ang isang malambot na kama... Pati na ang init at lambot ng katawan ng babaeng minamahal niya.

"Wake up, my blue-eyed prince." mahinhin na bulong ni Kira sa tenga niya.

Napangiti siya at iminulat ang isang mata.

"Hindi mo talaga ako tatantanan, ah?"

"Oo, baka nakakalimutan mo. Hindi ka pa kumakain ng almusal. It's ten thirty na, o. Alam ko papasok ka pa mamayang twelve, di ba?"

 Tumango siya. Hinila niya ang dalaga palapit, ipinulupot ang braso at hinalikan ito sa labi. How he love the taste of her lips every morning. Hindi siya magsasawang matikman ang mga halik nito kahit na pumuti pa ang buhok niya.

Umungol si Kira sa pagitan ng halik at inilapat ang palad sa kanyang dibdib.

 "Hindi ka pa ba babangon? I bake some cookies for you."

Iminulat na niya ang mga mata at pilyong umangat ang isang sulok ng labi.

"Uhh.. Sounds good. I want to eat your cookie right now, hon."

Humagikhik ang dalaga at nanggigil na pinisil ang pisngi niya.

"Loko-loko ka talaga! Iba naman 'yang nasa isip mo, eh!"

Ngumiti siya at pinaunan ito sa dibdib niya. "Kumusta si baby?" banayad na tanong niya at hindi napigilan na haplusin ang tiyan nito. Hindi pa halata ang umbok doon.

"Sinusunod mo ba ang advice ko na huwag magpapagod masyado?"

Tumango ito. "Oo naman. Nandoon naman pati si Themarie kaya hindi ako napapagod."

"Good. Huwag kang masyadong magpadala sa stress. Kung ako nga lang ang masusunod, baka dalhin na lang kita sa rest house ko para doon ka na lang habang nagbubuntis ka sa anak natin. Pero alam ko naman na hindi ka papayag. Ipipilit mo pa rin kung ano 'yong gusto mo."

"Wala ka namang dapat ipag-alala sa akin. Kaya ko naman ang sarili ko."

"You're wrong. Kailangan mo din ako. It's not only you now, Kira." pagpapaalala niya sa dalaga.

Naramdaman niya ang pagngiti nito at pagkatapos ay isiniksik ang mukha sa leeg niya.

"Naligo ka na ba?" tanong nito.

"Bakit? Mabaho na ba ako?" Napangiwi siya. Kahapon pa ng umaga siya naligo. Malamang ay maasim na ang katawan niya.

"Hindi. Ang bango-bango pa din kasi."

Mayabang na napangisi si Callan. "Ganoon talaga kaming gwapo. Kahit di maligo, mabango pa rin."

"Yabang!"

 Napuno ng malutong na halakhak nila ang buong silid. Mayamaya pa ay nasa kusina na sila at noon pa lang kumakain ng almusal. Walang-kapantay ang kasiyahan sa dibdib ni Callan. Hindi na siya makapaghintay pa na maipakilala si Kira sa kanyang mga magulang.

They would definitely like Kira to be his wife. Tutal matagal na din naman siya inuudyukan ng kanyang ama na mag-asawa na. Kung kani-kanino na nga siya inirereto ng mga ito. Pati sa anak ng bestfriend ng kanyang ina na si Britanny ay inilalapit na sa kanya at sila pa'ng nagpaplano para magkakilala sila.

 But he love Kira so much. Kahit sino pa ang babaeng ipakilala sa kanya, iba pa rin ang hanap ng puso niya. At ngayon na kapiling na niya ito, wala na siyang balak pa na pakawalan ang dalaga.

 He couldn't wait to marry her.


 KIRA took a long deep breath. Kanina pa siyang nasa harap ng salamin at pilit na kinakalma ang sarili. Ngayong gabi na siya ipapakilala ni Callan sa parents nito. Maaga pa lang ay sinigurado na niya na magiging handa siya para sa gabing 'yon. Natural na nagpunta pa siyang salon upang magpagayak.

 Oo, marunong siyang mag-ayos sa sarili. Subalit mas gusto niya na sa eksperto na siya magpaayos para masigurado na magiging presentable siya sa harap ng mga magulang ni Callan.

 She want to give them a good impression. Gusto niyang ma-impress sa kanya ang mga ito upang mapatunayan niya sa kanyang ina na nagkakamali ito. Dahil kahit naging katulong lang sila sa pamilya ng Fontanilla noon, matatanggap pa rin siya ng mga ito bilang kasintahan ni Callan.

"Are you ready?"

 Bumungad si Callan sa pinto ng kanyang silid. Nakita niya sa salamin ang paglapit nito sa kanya. His black three-piece suit made him look even sexier. Mas lalong sumidhi ang epekto ng asul na mga mata nito habang nakatitig sa kanya.

 Tila hindi na gusto pang alisin ang mga mata sa kanya. Nakalugay lamang ang mahaba at tuwid niyang buhok. She was wearing a red body-hugging dress. Pumaikot sa beywang niya ang matipunong braso ni Callan, parang ikinukulong siya sa init ng maskuladong katawan nito.

 Huminga ito sa leeg niya.

Damn, his hot breath was ecstacy.

 Parang naglaho bigla ang mga nagliliparang paru-paro sa sikmura at napalitan ng masarap na kilabot. Only Callan could make her feel that way.

"Don't be nervous, honey. Trust me, they will like you. Alam mo naman na hindi masasamang tao ang parents ko, di ba?"

Tumango si Kira. "Alam ko 'yon. Ang inaalala ko lang ay baka.. Baka may iba silang gusto para sa yo."

 He chuckled. "That's silly. Kahit may iba pa silang gusto para sa akin, wala na silang magagawa kapag ipinakilala kita."

 Kumalas siya sa binata at humarap dito. Inabot niya ang pisngi nito at tinitigan ito ng diretso sa mga mata. "Paano kung hindi nila ako magustuhan?"

 Bahagyang nabura ang ngiti ni Callan. "Hon, please. Huwag kang mag-isip ng negatibo. Kung ako ang tatanungin mo, magugustuhan ka nila. You're the most beautiful woman in this world. At kung mangyari man na tama yang iniisip mo, wala pa rin silang magagawa. I love you. Ikaw ang ina ng anak ko. Sa tingin ko, wala silang choice kundi tanggapin ka."

Tumango siya at niyakap ito. "Sana nga." Ayaw man niyang isipin na totoo ang sinasabi ng kanyang ina, hindi pa rin niya maiwasan na maapektuhan at maging palaisipan 'yon sa kanya.

"So, let's go?"

She nodded. Later on, nasa loob na sila ng kotse ni Callan patungo sa mansyon. Habang dumadaan ang bawat minuto ay tila mas lumalakas ang kabog ng dibdib niya. Kinalma niya ang sarili.

Nag-isip siya ng mga positibong bagay tulad ng ideyang magiging maganda ang pagtanggap sa kanya ng ina at ama ni Callan. Umepekto naman.

Ngunit nang iparada na ng binata ang sasakyan nito sa harap ng mansyon, muli siyang inatake ng kaba.

Inabot ni Callan ang isang kamay niya at hinagkan iyon.

"Easy, hon. Just hold my hand para hindi ka kabahan." Pilyong kinindatan siya nito.

Napakagat-labi siya at tumango. "Sige."

Sinalubong sila ng guard at nakatinging bumati sa kanila. Nakikilala niya si Mang Pilan. Matagal na din itong naninilbahan kina Callan. Bata pa siya ay nandoon na ito.

Pagkapasok nila sa magarang mansyon, mas lalong namangha si Kira. Alam na niya kung gaano kayaman ang pamilya ni Callan noon pa. Pero sa nakikita niyang karangyaan ng mansyon ng mga ito, tila triple pa ang naging yaman ng mga ito. Bawat bagay na nakikita niya sa loob ay alam niyang mahal ang halaga.

Tinanong ni Callan ang isang katulong.

"Sir Callan, naghihintay na po sa dinner room ang mga magulang n'yo," magalang na sagot ng unipormadong katulong.

"Nandoon na pala sila. Tara."

Nagpahila siya kay Callan. Dinaig pa ang malakas na paglindol ang pagkabog ng dibdib niya sa kaba.

Humigpit ang hawak ng binata sa kanya. Nararamdaman nito ang pagiging kamado niya.

Huminga siya ng malalim. Inutusan na niya ang sarili na kumalma. Pagkatapos ay inihanda na ang magandang ngiti sa mukha niya.

Pagtapak nila sa dinner room kung nasaan ang parents ni Callan, hindi lamang dalawang tao ang naroroon. May dalawa pang babae ang naroon; isang may-edad na at isang magandang babae na sa tantya niya ay kaedaran lang niya.

Masayang nag-uusap ang mga ito, ngunit natahimik ng tila maramdaman ang presensya nila.

Ang ama ni Callan ang unang tumayo para batiin sila. "Oh, hijo! Nandito ka na pala."

Nagsitayuan din ang mga naroon sa dinner room kabilang si Mrs. Fontanilla. Ngumiti siya dito ngunit napalis iyon nang makita niya ang reaksyon ng ginang. Tila may nalasahan ito na hindi maganda.

"Callan." tawag ng ginang sa binata, pero ang tingin ay nasa kanya.

"Ma?" rinig ni Kira ang tensyon sa tinig ni Callan. Mariin siyang napahawak sa kamay ng binata. Tumaas ang tensyon sa paligid nang lumapit ito sa kanila.

"Ano ang ginagawa ng babaeng 'yan dito?"


Itutuloy..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top