Kabanata f(x - 14)
[Kabanata 14]
"I can't breathe
When my heart is broke in two
There's no beat
Without you"
-Westlife (I don't wanna fight no more)
Seriously Ngets? ipagpapalit mo ang gala natin diyan sa sir nathan mo?
"Anong Sir Nathan? Para to sa tutorial session noh, Wag ka ngang ano diyan" reklamo ko pa habang sinusuot ang sneakers ko at eto si Jen hanggang sa phone hindi pa din ako tinatantanan. "Si Arthur na lang yayain mo mag-sine, gagawin niyo lang naman akong third wheel eh" habol ko pa at inilapag ko na yung phone sa study table namin ni Alex dito sa kwarto at ni-loud speaker ko na lang yung phone ko para hindi ko na kailangan pang itapat sa tenga ko.
Wala na kami! as in W-A-L-A na...
"Pupusta ako ng isang libo magkakabilikan din kayo... mamaya, tsaka si Iryn at Leana na lang ang yayain mo" pang-asar ko pa at inayos ko na ang buhok ko at itinali ito pagilid. nakasuot ako ngayon ng jumper dress with white shirt sa loob. pinartneran ko din ng sneakers na kulay white.
It's all over na! ayoko na pagod na kong intindihin at patawarin siya ng paulit-ulit... Teka nga! bakit napunta sa'kin ang usapan? ikaw talaga palagi mo na lang iniiba ang usapan pag napupunta sayo... tinext ko na si Iryn at Leana, busy daw sila eh
"Ewan ko sayo panget, aalis na ko, di ako makakareply hanggang hapon" sabi ko pa sabay kuha nung salamin sa gilid at naglagay ako ng kaunting pulbos at lip tint. Hindi ako marunong mag-make up at kapag nilagyan ako ng make-up nagmumukha lang akong clown kaya hanggang polbo at lip tint na lang ako. Ito lang ang kaagapay ko para magmukhang tao.
Hanggang hapon? Ang tagal niyo namang magkasama ni Sir Nathan! Iba na yan ah! Hoy ngets baka kung anong---- Wag mong isuko ang Bataan!
"Adik ka talaga! Tigilan mo na nga ako" reklamo ko pa pero hindi ko mapigilan ang tawa ko kasi nakakainis talaga to si Jen dinudumihan ang utak ko! Hay nako!
Saan ba kayo pupunta?
"Sa Bataan---Ayy Este! basta secret, baka sundan mo pa kami" pang-asar ko pa sa kaniya, narinig ko namang napasigaw siya sa inis sa kabilang linya haha! tumayo na ako at kinuha ko na rin yung sling bag ko. "Bye na, aalis na ko"
Hoy ngets kilala kita wag kang bibigay diyan kay Sir Nathan ah!
"Opo Opo Nay" tugon ko sabay end nung call. Kahit kelan dinaig pa talaga ni Jen si mama sa kakasermon sa'kin. Inilagay ko na sa bag ko yung phone ko at humarap muli sa salamin.
Ayan mukha na akong... tao.
Lumabas na ako sa kwarto, naabutan ko namang nakaupo si Alex sa sofa na parang hari habang nanonood ng NBA at kumakain pa ng popcorn. nagtungo na ako sa kusina para mag-paalam kay mama. naabutan ko namang naglilinis siya ng ref. "Ma alis na ko" paalam ko sabay halik sa pisngi niya.
"Saan nga ulit ang lakad mo anak?" nagtataka niyang tanong at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. "Sa school ma, last session na namin ngayon para sa competition sa wednesday" paliwanag ko pa, pinaalam ko naman na ito kay mama last week pa pero nakalimutan na pala niya.
"Ahh... Yun bang kay Sir Ethan---"
"Nathan po Ma, Sir Nathan" ulit ko, napangiti naman si mama yung parang nang-eecheos. Teka! bakit ganiyang makatingin at makangiti si mama?
nagulat naman ako nang biglang nilapag ni Alex yung mangkok ng popcorn sa mesa dito sa kusina. nagtalsikan pa yung mga popcorn dahil sa lakas ng pagkakalapag niya nung mangkok. "Sa school ba talaga ate? Sunday kaya ngayon" banat pa ni Alex at mukha siyang tsonggo na lawyer na pinagdududahan ang sinasabi ko.
"Nag-paalam si Sir Nathan kay Dean kung pwede gamitin yung conference room duhh" buwelta ko pa, nagpatuloy naman na sa paglilinis ng ref si mama. habang nguya naman ng nguyasi tsonggo.
"Eh Bakit ganiyang ang bihis mo? daig mo pa ang makikipag-date sa Luneta eh" pang-asar pa ni Alex sabay bato sa'kin nung popcorn na hawak niya, tumama iyon sa noo ko. Shemay talaga tong batang to!
"Makikipag-date ka lang eh! Bulok na yang palusot na yan ate!" pang-asar niya pa at sunod-sunod niya akong pinagbabato ng popcorn. Napasigaw naman ako sa inis at akmang hahabulin siya para isuksok sa ilong niya yung mga sinayang niyang popcorn pero agad na kaming sinuway ni mama. At ayun si loko nakatakbo papasok sa kwarto at ni-lock na niya yung pinto. Lagot talaga sa'kin ang totoy na'to!
"Aleng... hayaan mo na si totoy, paminsan lang yan magsaya ng ganiyan kaya pagbigyan mo na" bilin pa ni mama, napahinga na lang ako ng malalim, palibhasa nerd kasi tong si Alex at masyadong grade conscious kaya ayan kinatakutan ng mga kaklase, pero patok na patok naman siya sa mga girls yun nga lang pa-snob ang peg ni mokong feeling gwapitong apo ng CEO sa mga koreanovela.
"Sige po Ma alis na ko" baka matiris ko pa na parang kuto yang kapatid ko.
"Mag-iingat ka anak, at umuwi ka na bago magdilim" paalala pa ni mama, napatango naman ako at dire-diretsong lumabas na sa bahay. Naglakad ako sa street namin with confidence itaas ang kamay Rexona!
Hindi ko din maintindihan kung bakit ang ganda-ganda ng sikat ng araw ngayon, ang aliwalas ng kapaligiran at sobrang sarap sa balat ng sinag ng araw. Nakakatuwa rin tingnan ang mga batang musmos na naglalaro ng tumbang preso sa makitid naming kalye, Parang ang fresh din ng air kahit pa kakadaan lang sa gilid ko ng isang tricycle na wagas makabuga ng itim na usok. Ang saya-saya rin maglakad kahit pa yung kapitbahay naming Ale ay wagas makawalis sa harapan ng bahay nila dahilan para magtalsikan yung mga alikabok sa kalsada at mga napigtal na damo "Oh! Aleeza pasabi pala sa mama mo yung utang niyong sardinas at dalawang kilo ng bigas noong lunes hindi niyo pa din nababayaran!" reklamo ni Aling Cynthia na naka-daster at nakapang-kulot ang buhok. nakadungaw siya ngayon sa sari-sari store niya habang ang mga tambay ay nag-iinuman sa tapat ng tindahan niya. "Sure Aling Cynthia" swabe kong sagot at nag-okay sign pa ko sa kaniya, bakas naman sa mukha niya ang pagtataka dahil sa inasta ko.
Nakasanayan na kasi ni Aling Cynthia ipagsigawan ang mga may utang sa tindahan niya kapag napapadaan ang mga ito sa tapat ng tindahan niya. Madalas na din niya akong nabibiktima pero palaging tango lang noon ang sagot ko, ewan ko ba kung bakit ngayon hindi ako affected sa sinabi niya.
Siguro kasi ang ganda-ganda talaga ng gising ko ngayon, feeling ko ako yung bidang commercial model sa tide na confident na confident at wagas makangiti na naka-suot ng puting-puti na damit habang naglalakad sa magulong kalye.
Pagdating ko sa labasan, fresh na fresh akong tumawid sa highway, pinasalamatan ko pa ang mga tumigil na sasakyan para makatawid kami. What a bright and wonderful morning...
Cool na cool din akong sumakay sa bus at kahit nakatayo ako sa gitna ng bus kasi punuan na, Ewan ko kung bakit hindi ako nakaramdam ng pagkairita. Pagdating sa school, naabutan ko si Manong guard na naglalaro sa phone niya. "Hija, walang pasok ngayon ah" bungad ni Manong guard habang tinatapik-tapik ang phone niya.
magsasalita na sana ako kaso nagsalita ulit si Manong guard "Ikaw ba yung babae ni Sir Abrantes?--- Ayy Ang ibig kong sabihin ay babaeng estudyante" pag-correct ni Manong Guard tapos tumawa-tawa siya, yung akward na tawa. Tumawa na lang din ako ng awkward tulad ng ginagawa niya. Binuksan na niya yung gate at pinapasok ako habang pareho kaming tumatawa in awkward way.
"S-sige po Manong... bye!" paalam ko pa sabay tawa ulit. tumawa lang din siya at puro tawa lang kami hanggang makalayo ako, at mukha kaming mga palakang nag-paplastikan kakatawa.
dumaan muna ako sa vendo at bumili ng maiinom na tubig. sumakit yung lalamunan dahil sa pahabaan at palakasan namin ng tawa kanina ni Manong Guard. Nang maka-inom na ako umakyat na ako sa third floor. nandoon kasi yung conference room sa loob ng professor's office. Pagdating ko doon, nakabukas yung pinto pero walang tao.
Shems! parang napanood ko na to ah!
Papasok yung inosenteng biktima doon sa room na walang katao-tao tapos magtataka siya at paulit na sasabihin ang linya na "Hello! Yohoo! May tao ba diyan?" mga tatlong beses niya yun sasabihin pero walang sasagot at mag-eecho lang yung boses niya sa loob ng room.
Matatakot ang bida at lalabas na lang ng pinto pero kusa itong magsasara at hindi na mabubuksan pa. Syempre mawiwindang ang bida at kakabugin niya paulit-ulit ang pinto habang nagpapanic na siya at tumagaktak na rin ang pawis niya.
Pero ilang sandi lang biglang matatahimik ang bida dahil may maririnig siyanv yapak mula sa likuran niya, maaaninag din niya ang kumikinang na patalim na hawak ng taong nasa likod niya. dahan-dahan siyang mapapalingon at bubungad sa harapan niya ang isang malaking lalaking naka-suot ng creepy na maskara at nay hawak na dalawang mahahabang patalim. "Katapusan mo na!" isisgaw ng killer sabay taas ng patalim at mapapasigaw ang bida ng----
"AAAAHHHHHHH!"
"Agcaoili? Are you alright?"
"SHEMAY! LUMAYO KA SAKEN!"
"What? hey! si Sir Nathan to" narinig kong sabi nung killer na naka-maskara. "Ano bang ginagawa mo diyan? hindi mo ba na-receive ang text ko?" ulit pa ni Sir Nathan at napadilat ako nang bigla kong maramdaman na hinawakan niya yung balikat ko. Kyaahh!
"Sa football field na lang tayo mag-rereview, nakalimutan ni Dean mag-issue ng letter of permission kahapon para magamit sana natin ang conference room ngayon" paliwanag pa ni Sir. Napalingon-lingon naman ako sa paligid. ngayon ko lang narealize na nandito pa pala ako sa labas ng pintuan ng professor's office kasi naka-lock ito at hindi kami makakapasok. Gosh! Nilamon na naman ako ng mga movies na napapanood ko haays.
"Anyway, buti na lang umakyat ako dito to check if you're here, tama nga ang gut feelings ko" tawa pa ni Sir Nathan at isuksok niya ulit yung mga kamay niya sa bulsa niya. Napatulala naman ako sa kaniya at in-xray ko siya mula ulo hanggang paa... at pabalik, mula paa hanggang ulo.
My Gosh! napalunok na lang ako, mala-Tom Cruise ang porma ni Sir Nathan ngayon. Napatingin naman ako sa suot ko, mukha kaming bibida sa action movie. "What's with that look?" takang tanong ni Sir Nathan dahilan para matauhan ako at matigil sa pagpapantasya na naman.
"Whoah! Tara na sir! ano pang tinatayo-tayo niyo diyan? double time... doublr time lumalakad ang oras" palusot ko at nauna na akong naglakad. Hanubayan Aleeza hanggang sa last day of tutorial niyo sabaw na sabaw ka pa din!
"What is the exact value of a pi?" tanong ni Sir, Geometry ang last topic na irereview sakin ni sir, nandito na kami ngayon nakaupo sa limang baitang ng malawak na hagdan na nakapalibot sa football field, ang hagdan na inuupuan namin ay upuan din para sa mga audience ng football.
Malawak ang football field, madalas dito ginaganap ang mga kompetisyon ng iba't-ibang Universities. Open field ito at napapalibutan ng maayos at magagandang damo. walang naglalaro ngayon kasi linggo at tanging kami lang ni Sir Nathan dito. may iilang mga taga-linis din ang nagwawalis sa gilid at may dalawang manong na naggugupit ng damo
"3.14159"
"Very good... How about this, What is the area, in square inches, of the base of the pyramid?" tanong ni Sir sabay pakita ng isang pyramid shape drawing sa akin at may sukat ito sa bawat angle.
Napaisip naman ako, teka! Ano nga ulit yun?
"My brother also think that way...." Narinig kong tugon ni Sir Nathan dahilan para matauhan ako. Hindi ko namalayan na kinakagat ko na pala yung dulo ng lapis na hawak ko. Hala!
Agad kong nilagay si gitna ng notebook ko yung lapis na kanina lang eh nginunguya ko. Gosh! Aleeza nakakahiya ka! talagang pinandigan mo na ang pagiging kinder mo.
"Gusto mo pa?" biro pa ni Sir Nathan sabay abot sa'kin nung lapis niya at bigla siyang tumawa. Whuut? Loko din talaga to si Sir.
"I'll get some snacks and drinks, just stay here" sabi ni Sir at tumayo na siya. Magpapabebe pa sana ako at sasabihin na 'Wag na sir, di pa ko gutom' kaso ayun nakaalis na siya. Napatingin naman ako doon sa lapis na nginangata ko kanina, Kainis! Akala siguro ni Sir nagugutom na ko haays.
Pero sabagay 4 pm naman na ng hapon. Kanina pa kami ni Sir nag-rereview. Dito na rin kami kumain kanina, nagpa-deliver na lang si Sir ng fast food. Mga 6 hours na kami dito pero hindi ko man lang namalayan kasi sobrang bilis ng oras kapag kasama ko siya.
Napatingala ako sa kalangitan, makulimlim ito, nagbabadya na malapit ng bumagsak ang ulan. Ilang sandali pa dumating na si Sir Nathan may dala siyang dalawang sandwich at dalawang mainit na kape na nakalagay sa disposable na paper cup.
"Let's take a break muna" sabi niya sabay abot sa'kin nung isang sandwich at isang kape. At umupo na siya ulit sa tabi ko. "Wow! egg sandwich paborito ko to" excited kong sabi, hindi ko kasi mapigilang ma-excite lalo na kapag egg sandwich ang pinag-uusapan. Kahit pa araw-araw iyon ihain sa'kin ni mama sa almusal hindi ako magsasawa, tubuan man ako ng balahibo at maging sisiw hindi pa rin ako magsasawa.
Napangiti naman si Sir Nathan "My sister also loves egg sandwich" saad ni Sir sabay kagat ng malaki doon sa sandwich niya. Ang manly lang tingnan kyaah!
"Namimiss niyo na mga kapatid niyo noh sir, sabi raw nila kapag lagi mong naalala at binabanggit ang isang tao namimiss mo ito" tugon ko sabay kagat din ng malaki doon sa sandwich ko, Ang manly ko na rin tingnan.
"Is that true? What if I just remember them all of a sudden" sagot ni Sir Nathan sabay tingin sa akin. Agad ko namang pinunasan ang bibig ko kasi baka may nakalawit na itlog o kung anong piraso ng pagkain. "Kaya nga Sir, we can't control our mind nor our hearts, you can condition yourself not to think so much of that particular person... but you can't say na hindi siya sasagi sa isipan mo" paliwanag ko pa. mukhang hindi naman kumbinsido si Sir at kumagat ulit siya sa sandwich niya.
"Magagawa mong pilitin na wag siya isipin pero kahit anong mangyari, kahit anong gawin mo, patuloy niya pa rin guguluhin ang isipan mo" patuloy ko pa. napatingin naman sa'kin si Sir Nathan na parang na-gets niya kung anong ibig kong sabihin.
"Maybe you're right, I just missed them. David is four year older than me, he's a lawyer, he married a filipina OFW in Spain. Dito sila kinasal sa Pilipinas four years ago. While our sister Honey, she's still studying in college, fine arts ang course niya... it's been fourteen years since I last saw my mother and my sister, si David naman ay pabalik-balik lang dito sa Pilipinas along with his wife and their baby boy" kwento pa ni Sir Nathan habang nakatanaw sa malawak na football field.
Mahirap siguro ang dinadanas ni Sir... mahirap ang mag-isa.
"Bakit Sir hindi kayo umuuwi sa inyo? Sabagay ang layo ng Spain at ang mahal ng plane ticket pero keri niyo naman na sir, may trabaho na kayo oh, try niyo din mag-model model para mas lalong lumaki ang kita niyo" banat ko pa pero tinawanan lang ako ni Sir, naubos na niya yung sandwich na kinakain niya at ang kape na hawak niya.
"I don't know... maybe I was destined to be here... alone" saad niya pa at napatulala siya sa kawalan. Napalunok naman ako, may mali ba kong nasabi? Bakit parang affected much ako sa kalungkutan nito ni Sir. Kahit pala nakatapos ka na at ang dami mon a ring achievements kung malayo ka naman sa family mo parang may kulang pa rin.
"Don't worry Sir, kapag nanalo ako sa competition sa Wednesday, tapos kapag plane ticket ang prize bibigay ko sayo" pag-checheer up ko pa sa kaniya, hindi naman ako nabigo kasi napangiti siya. kahit pa napaka-imposible na ganun kalaki ang prize gusto kong tulungan si Sir... at kahit pa hindi ko alam ang buong istorya kung bakit hindi siya umuuwi sa kanila.
Gusto kong itanong pero parang wala na ako sa lugar alamin pa ang buong detalye ng buhay niya. isa lang naman akong hamak na estudyante niya.
"Do you think it will rain?" tanong pa ni Sir at napatingala siya sa kalangitan, nilagok ko naman na yung kape ko at itinabi na din sa gilid yung balat ng sandwich at kape. "100% uulan yan sir" sagot ko, at pinagpagan ko na rin yung kamay ko.
"How sure?" tanong pa ni Sir at mukhang ineecheos niya ako. at least kahit papaano nawala na yung sad face niya kanina.
"Hmm... kasi hindi ako nakadala ng payong" sagot ko sabay ngiti. Natawa naman si Sir habang binibigyan ako ng weird look.
"Ganun naman lagi Sir eh, palaging umuulan kapag hindi ako nakadala ng payong, tapos kapag may dala naman ako ang ganda-ganda ng panahon" banat ko pa at napailing-iling lang si Sir habang tumatawa.
"So you mean... nakasalalay sayo kung uulan o hindi?" echeos pa ni Sir, Natawa na lang din ako, may ka-echeosan din pala tong taglay si Sir eh.
"Ewan ko po Sir pero palagi nangyayari yun, lagi ako naiistranded kapag wala akong dalang payong, naalala niyo noon sir nung na-stranded tayo sa waiting shed, wala kasi akong dalang payong that time"
"So from now on kapag umuulan iisipin ko na wala kang dalang payong" biro pa ni Sir at naaninag ko na naman ang magaganda niyang ngipin kasi tumatawa siya ngayon. natawa na lang din ako ng dahilan, ewan ko ba kahit ang babaw lang ng pinag-uusapan namin ang dali-dali ko na ring mahawa sa pagtawa niya.
Ilang saglit pa biglang pumatak ang ulan hanggang sa unti-unti itong lumakas. Hindi naman kami nababasa kasi may bubong naman dito sa kinauupuan namin. Nagulat ako nang biglang tumayo si Sir Nathan at inilahad niya yung palad niya para saluhin ang tubig ulan. "Siguro kaya palaging umuulan sa tuwing wala kang dalang payong ay dahil may darating palagi na tutulong para sayo... para samahan ka sa ulan... para sagipin ka" tugon ni Sir Nathan habang nakatalikod siya sa akin. Hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon, parang may gusto siyang iparating na hindi ko maintindihan. Minsan na-weweriduhan na ko dito kay Sir lalo na kapag nagtatagalog siya ng diretso.
Bigla kong naalala yung nastranded kami sa waiting shed, sinamahan niya ako doon... tinulungan niya ako, ibinigay niya yung payong niya sa akin. "Alam mo ba kung bakit umuulan?" tanong pa ulit ni Sir sabay lingon sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit tumayo ako at naglakad papunta sa tabi niya, inilahad ko din ang palad ko at sinalo ang tubig ulan.
"Wate Cycle Process" sagot ko, napangiti naman si Sir. "Through Evaporation, water leaves the Earth's surface and enters the atmosphere as a gas. In Condensation is the process by which water vapor is changed back into liquid water, While in Precipitation, where water that falls from the atmosphere in the form of rain, sleet, snow, hail, or freezing rain" sagot ko. napatango-tango naman si Sir Nathan at napansin kong mas lalong lumaki yung ngiti niya.
"You're right, Ang buhay natin ay parang Water Cycle, paulit-ulit lang ang nangyayari, patuloy na maiipon ang ulan sa ulap at babagsak muli ito sa lupa, ganoon ang proseso... paulit-ulit at walang katapusan" tugon pa ni Sir Nathan sabay tingin ng diretso sa mga mata ko.
Sa pagkakataong iyon, parang nadudurog ang puso ko na hindi ko maintindihan. Katulad ng lungkot na nararamdaman ko sa tuwing umuulan.
"Miss patingin nga kami nito, tsaka yun na rin... ayy! Mukha maganda yun patingin na rin nung dalawang blue pen sa dulo" demand ni Jen, nandito kami ngayon sa mall, Monday na at kakatapos lang ng klase namin. Kasabay ko na rin siya umuwi ngayon kasi tapos na ang tutorial session namin ni Sir Nathan. Sinabi kasi ni dean na bawal na mag-mentor sa Monday at tuseday, resting days na daw yun para sa laban sa Wednesday.
"Okay po ma'm" sagot nung sales lady, nandito kami ngayon sa isang bookstore, bumili kasi ako ng calligraphy pen na pang-regalo para kay Alex kasi mag-bibirthday na siya sa Sunday. At ngayon pumipili naman kami ng elegant at magandang ballpen para kay Sir Nathan, gusto ko kasi siya regaluhan bilang pasasalamat sa pagtulong niya sa akin. Kahit ba obligasyon niya yun kasi mentor ko siya, nakita ko namang todo effort din si Sir sa pagtuturo sa akin.
"Wow! ngets itong 400 pesos na lang ang bilhin mo! ang ganda!" excited na tugon ni Jen habang kumikinang yung mata niya doon sa color dark blue na ballpen na sobrang ganda nga. "Bagay na bagay to kay Sir Nathan" dagdag pa niya. hindi ko naman mapigilang mapangiti, bagay nga to kay Sir Nathan, pansin ko kasi na mahilig siya sa blue.
"Pa-engrave mo na!" habol pa ni Jen, binigyan ko naman siya ng friend-ako-bibili-diba-look. "Okay... okay sabi ko nga" patuloy niya pa at hindi pa rin siya maawat sa pagusisa nung iba pang ballpen.
"Ma'am twelve characters lang po ang sakop ng libreng engrave namin, kapag sobra po sa twelve characters magbabayad po kayo ng additional fee per letter" sabi pa niya. binilang naman namin ni Jen yung letters sa pangalan ni Sir Nathan Abrantes.
"Hala! 14 characters yung name niya!" reklamo ni Jen, sinabi naman nung sales lady na dagdag 25 pesos daw per letter. "Ang mahal ngets, Nate na lang palagay natin" sabi pa ni Jen. Napaisip naman ako, Nate? Close ba kami ni Sir? Ang gara naman kung Nate ang ilalagay ko dun, feeling girlfriend lang.
Biglang may pumasok na idea sa isip ko. "Miss marunong ba kayo mag-baybayin?" tanong ko doon sa sales lady at napangiti naman siya sa'kin. habang si Jen naman ay gulat na napatingin sa'kin at napanganga pa. "Ngets, seryoso ka ba diyan? Tattoo shop ba to? mukha bang tattoo artist si ate?" bulong niya sa'kin pero mukhang narinig naman ni ate saleslady kasi tinawanan niya ulit kami.
Magrereact sana ako sa sinabi ni Jen kaso biglang nagsalita si ate na saleslady "Yes ma'am dahil papalapit na din po ang month of August may special treat mo kami, we do offer baybayin engrave" sabi niya at dahil dun biglang nanlaki ang mga mata ko. Omg!
"Talaga! wow! magkano naman po?"
"Same price lang po pero first name lang ang pwede ilagay" sabi niya sabay ngiti at dahil sa sobrang excited ko sinulat ko kaagad yung name ni Sir. Okay lang kahit first name lang ni Sir mas astig at cool pa rin kapag nakasulat in Baybayin form.
Kinuha na nung saleslady yung ballpen at nagsimula na siyang mag-engrave, nanonood lang kami doon ni Jen at kulang na lang mag-fan girl kami kay ate saleslady kasi ang galing-galing niya. ilang saglit pa, biglang may lumapit na magandang girl at nakinood sa ginagawa ni ate salelady.

(Neytan)
Medyo na-intimidate kami ni Jen sa kaniya kasi sobrang ganda niya, ang tangkad niya at ang puti-puti. Ang kinis din ng balat niya at ang haba ng brown hair niya. akala pa nga namin artista kasi hawig niya si Carla Abellana.
"You're a great artist" puri niya kay ate saleslady at napangiti naman si ate saleslady dahil pinuri siya nung maganda at mestisang girl na parang model. Nakasuot ito ng pink short dress at nakakatulala talaga ang ganda niya.
Napalingon naman siya sa amin ni Jen at nginitian niya rin kami, yung genuine na smile at umalis na siya. "Ngets, nag-eexist talaga si Venus, ewan ko lang kung bakit nandito siya sa Pinas, hinahanap niya siguro yung anak niyang si Cupid" bulong pa sa'kin ni Jen. Napatango-tango naman ako. adik din kasi to si Jen sa Greek Mythology.
"Gosh! kung hinahanap niya si Cupid, siguradong naggagala lang yun dito baka mapana pa tayo! Uwi na tayo" reklamo pa ni Jen at binatukan ko naman siya kasi kung ano-ano na namang iniisip niya.
Academic Pasiklaban 2014: Math Category
Napalunok na lang ako habang nakaupo ngayn dito sa bandang kaliwa ng auditorium. Dito gaganapin ang competition at halos 25 kaming representative ng iba't-ibang courses ang maglalaban-laban. Malaki ang auditorium ng school, para na rin itong theater arts room pero naitatabi ang upuan sa gilid.
"There will be three levels in this category, the easy stage, the average stage and the difficult stage" paliwanag nung host na kanina pa nagdadaldal doon sa gitna ng stage, kaming mga contestants ay nasa baba ng stage at nakahelera ang arm chair na inuupuan namin.
Nasa kaliwa ako pang-apat sa helera. Madami ring mga estudyante ang nanonood na nakapalibot sa gilid namin, hindi rin pwede mag-ingay kasi baka hindi makapag-concentrate sa pag-iisip ang mga contestants. May mga hawak lang kaming blank bond paper at isang pencil para doon mag-solve, multiple choice ang contest kung saan may apat na answers kaming pagpipilian at isusulat naman iyon sa tig-iisa naming white board at white board marker.
"Okay! Let's begin... Factor the algebraic expression (x - 1)2 - (y - 2)2 "
Agad ko namang sinulat ang sagot at nang matapos ang 20 seconds timer, sabay-sabay na naming itinaas ang mga white board namin. "Number four, correct" announce nung host at narinig ko namang napasigaw sa tuwa si Jen, Iryn, at Leana na naroon sa gilid ko at may dala-dala pang banner na nakasulat ang 'Go Aleeza!'
Nasaway pa sila ng guard kasi medyo maingay sila at muntikan pang i-confiscate yung banner na hawak nila. napalingon naman ako sa likod at nakita ko si Sir Nathan na nakatingin sa akin. Ang lahat kasi ng mentor ng mga estudyante ay nakatayo sa pinaka-likuran, malapit sa nag-eenter ng points sa projector screen. Sa bawat stage ay may tig-10 questions. 1 points ang dagdag kada question sa Easy Stage kapag nasagot mo ng tama, 3 points naman sa Average stage at 5 points naman sa Difficult stage.
May malaking projector screen sa gitna at doon nakalagay kung ilang points na ang nakukuha ng mga contestants. Sa totoo lang sobrang kinakabahan ako lalo na kasi naka-display pa sa lahat kung ilang points na ang nakukuha ng bawat isa. Hindi naman nakalagay yung pangalan ng mga contestants pero ako ay pang number four.
Natapos na ang Easy stage at mas lalo akong kinabahan kasi Avergae stage na, mas complicated na math problems at mas mahahabang solutions. Halos na-perfect naming lahat ng contestants ang Easy stage pero sa Average stage doon na magsisimulang magkatalo-talo. Nagkaroon ako ng dalawang mali sa Average stage, nalagasan tuloy ako ng 6 points.
"And last but not the least... ang pinaka-inaabangan ng lahat, The Final round" anunsyo nung host at sinimulan na niyang basahin ang first question sa difficult stage. Mas nakakakaba sa Difficult stage kasi wala ng pagpipilian, bale isosolve mo talaga ang equation at ilalagay sa white board ang final answer.
"Number four... Correct"
Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil sa saya, nabawi ko na yung 6 points na nalagas sa akin kanina sa Average stage. Napatingin naman ako kina Jen, Iryn at Leana na ngayon ay mukhang kabado at magkakahawak kamay pa. sumulyap ako ulit kay Sir Nathan sa likod at nakita kong nag-thumbs up siya sa'kin at dahil dun bigla tuloy nag-over flow ang inspiration ko kyaahh!
"Wait! Mukhang dalawa na lang ang naglalaban sa First place ah!" anunsyo nung host bago niya sabihin ang last question sa difficult stage. "Number Four and Number Sixteen" sabi pa nung host at biglang napatingin sa akin yung mga kalaban ko. napalingon din ako sa likod at nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko na ang tinutukoy na number Sixteen ay si Carl Sanches, ang ninuno ng mga nerd at talagang pinag-lihi sa numbers. Di ko napansin na kasali pala siya ngayon, second year college pa lang siya pero grabe siya mang-lampaso ng mga math prof dahil sa sobrang galing niya.
Napalunok na lang ako nung bigla siyang tumingin sa'kin, poker face lang siyang nakatingin sa'kin at mukhang hindi siya nakakaramdam ng kaba, sisiw lang to sa kaniya. Medyo chubby at pandak si Carl at mukha pa siyang elementary pero grabe ang brains niya, baka mauna pa siyang maka-graduate sa akin.
"Number Four and Number Sixteen both got 83 points" anunsyo pa nung host at mas lalong nakaka-tense ang mga pangyayari dahil sa sigaw niya at excited na excited siya. "Okay Now! The Real battle begin!" habol pa nung host, halos mahimatay naman ako dahil sa kaba. Hindi ako sanay na halos lahat ngayon ay nakatutok sa akin at sa kalaban kong si Carl para sa First place.
"Find the domain of the this following Asymptote"

Hindi ako sure sa sagot ko, napalingon ako kay Jen, Iryn at Leana at mukhang mahihimatay na rin sila sa sobrang kaba. Napalingon ulit ako kay Sir Nathan, bigla siyang tumango sa akin at sumenyas na 'Kaya mo yan'
"Time's up" anunsyo nung host at sabay-sabay na namin itinaas yung mga sagot namin.
"Unahin na natin ang dalawang nag-aagawan sa First Place..." sabi nung host at gulat naman akong napatingin sa kaniya. Bakit ang echeos talaga ng host na'to. My Ghawd!
Naglakad pa siya papalapit sa akin dahilan para mas lalo akong kabahan, tiningnan niyang mabuti yung aswer ko doon sa white board "Number Four... Correct" nakahinga naman ako ng maluwag. Kapag tama din si Carl mukhang magkakaroon kami ng Tie breaker. Gosh!
Naglakad naman papalapit yung host kay Carl "Number Sixteen... Correct me if I say it's... Wrong" sabi nung host at bigla siyang napasigaw. "Congratulations Number Four!" masiglang sigaw nung host at para akong nanalo sa lotto. Naistatwa lang ako sa kinauupuan ko dahil hindi pa nag-sisink in sa utak ko na... Ako ang nanalo!
Pagkatapos ma-check ang sagot ng lahat, pinatawag na kaming lahat sa entablado. "Second Place, Carl Sanches from BS IT department, First Place... Aleeza Mae Agcaoili from BS Nursing Department" announce pa nung host at sinabit na nila sa'kin yung gold medal at inabot ang cash prize na 5 thousand. Nanlalamig pa din ang kamay ko at hindi ako makapaniwala na natalo ko si Carl. Nagkatinginan kami at binati niya din ako.
May mga sumasabog-sabog na confetti pa sa itaas ng entablado at pinicturan kaming lahat. Napatingin ako kina Jen, Iryn at Leana at kanina pa sila sumisigaw at tumatalon-talon sa tawa agad din silang tumako papaunta sa akin nang makababa ako sa stage, "CONGRATS NGETS! WE'RE SO PROUD OF YOU!" sabay-sabay nilang sigaw at bigla akong sinunggaban ng yakap. Halos maluha-luha naman akong yumakap sa kanila at nagtatalon-talon kami sa tuwa. Daig ko pa nanalo sa Miss Universe.
Ilang saglit pa, habang hindi pa rin maawat sa pagsisisigaw sa tuwa sila Jen, Iryn at Leana. Natanaw ko naman si Sir na nakatayo pa rin doon sa likod habang pumapalakpak at nakatingin ng diretso sa amin, nakangiti siya ngayon sa akin dahilan para biglang kumabog ng malakas ang puso ko, parang bigla ring bumagal at nag-mute ang paligid at tanging siya lang ang nakikita ko. Habang dahan-dahang naglalaglagan ang makukulay na confetti sa ere at siya lang mismo at ang magagandang ngiti niya ang nakikita ko.
Dugdugdugdug!
"Cheers!" sabay-sabay naming pinag-tama ang mga yakult namin. Nandito lang kami sa canteen at nag-mimiryenda. Hindi muna kami nag-celebrate ngayon kasi invited din naman sila sa Sunday sa birthday ni Alex at nung tinext ko si mama kanina at binalita ko sa kaniya na nanalo ako nag-reply si mama na isasabay na din ang celebration ng pagkapanalo ko sa contest sa birthday ni Alex sa Sunday kaya mas bobonggahan ang handaan.
"Nakita niyo ba si Sir Nathan kanina? Bigla kasi siyang nawala eh, hindi ko pa tuloy siya napapasalamatan" tanong ko sa kanila, binigyan naman nila ako ng ngiting nakaka-echeos habang binubuksan nila yung panibagong pack ng yakult. Para tuloy kaming nag-iinuman at naka-ilang case---ash este pack na ng yakult. Feel ko magtatae kami mamaya haha!
"Nako Aleeza, kaya pala natalo mo si Carl dahil sa sobrang pagka-inspired mo ah" pang-asar pa ni Iryn, sabay laklak doon sa yakult.
"Hindi kaya----"
"Ibigay mo na yung regalo mong ballpen kay Sir Nathan at sabihin mo na din ang magic word na... Mahal kita Sir" pang-asar naman ni Jen sabay tawa ng wagas, ginaya pa ni Jen ang boses ko at nag-ala Sir Nathan naman si Iryn, habang si Leana naman ay hindi na matigil sa kakatawa at kakahampas sa braso ko.
"W-walang ganiyan! Wag nga kayong ano-----"
"Don't us Aly! Kilala ka namin, nauutal ka at napapraning ka kapag kinakabahan ka at may tinatago! May pa-ballpen-ballpen ka pang nalalaman diyan ah!" pang-asar naman ni Leana at mukha na sila ngayong lasengga na wagas makaasar sa akin.
"Hay nako! Matapos ko kayong ilibre ng yakult! Akin na nga yan! akin na! akin na!" reklamo ko pa sa kanila at kinukuha ko yung yakult sa kamay nila pero bigla nila akong niyakap. "Joke! Joke! Joke!" palusot pa nila at para na sila ngayong mga baby bears na todo makayakap sa akin.
Ilang sandali pa biglang humiwalay si Jen sa pagsiksik sa akin at may tinuro siya sa counter ng canteen. "Mga ngets! saging na lakatan yun diba?" turo ni Jen doon sa isang kumpol ng saging na nasa counter, napatango-tango naman yung dalawa at bigla silang napatingin sa akin "Aly Ngets! libre mo din kami ng saging!" demand pa nila at para na silang mga sisiw ngayon na hindi matigil sa kakangawa.
Natatawa na lang ako kasi yakult at saging lang ang gusto nilang ipalibre sa akin. Tumayo na ako at binili iyon, nag-agawan naman sila sa saging kahit pa ang dami naman niyon. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat kasi nakaubos sila ng tig-tatalong saging, "Grabe! Nagutom talaga kami kanina Ngets, nakaka-gutom pala mag-cheer" sabi ni Leana habang nakasandal na sila ngayon sa mga upuan nila at mukhang hindi na sila makakilos dahil sa matinding kabusugan. Itong mga unggoy na to talaga.
May isang saging na lang na natira sa mesa, nagkakahiyaan pa siguro sila kung sino ang kakain niyon, Bakit kaya ganun? Kapag isang pagkain na lang ang natitira nagkakahiyaan pa ang mga tao haha!
Kinuha naman ni Jen yung nag-iisang saging ng lakatan "Ngets ikaw na ang kumain niyan, busog na kami" tugon niya pa sabay abot sa'kin nung saging. "Busog na ko, bibigay ko na lang to kay Alex para masakatuparan na niya ang pagiging tsonggo niya" sagot sabay lagay nung saging sa sling bag ko. pagkasara ko ng bag ko nagulat ako nang biglang napasigaw si Iryn "Aly! Si Sir Nathan oh!" sabi niya sabay turo doon sa labas ng canteen kung saan napadaan si Sir Nathan, dala-dala na niya ang laptop bag niya at mukhang pauwi na siya.
"Bilisan natin tara!"
Agad akong napatayo at napatakbo papalabas ng canteen, dali-daling sumunod naman sa'kin silang tatlo. Pagdating sa labas, napaliko na si Sir Nathan sa hallway. "Sir Nathan Wait!" sigaw ko pa at bigla siyang napatigil sa paglalakad at napalingon sa amin.
Napatingin din sa amin yung ibang estudyante na papauwi na rin. "Oh? Agcaoili" sabi ni Sir Nathan at napangiti siya. Napahinto naman ako sa tapat niya at napahawak sa dibdib ko dahil hiningal ako kasi medyo mahaba yung tinakbo namin kanina papalabas ng canteen, idagdag mo pa yung mga estudyanteng papasok ng canteen na nakasalubong namin sa pinto.
"Hi Sir!" sunod-sunod na bati nila Jen, Iryn at Leana na nasa likod ko na, hinihingal din sila. Siguro kailangan ng makatikim ng exercise ang katawan namin. "Why? Anyway, Congratulations Agcaoili, You won" nakangiting bati ni Sir, hindi ko naman mapigilang mahawa sa ngiti niya. napalingon ako sa tatlong sisiw na nasa likod ko at mukhang natulala din sila nang makita ang ngiti ni Sir Nathan na labas ngipin. Maging ang mga estudyante na napapadaan sa hallway ay napatigil din upang saksihan ang ngiti ni Sir Nathan.
"Ah! Sir Marami pong Salamat sa tulong niyo, dahil sayo Sir kaya nanalo ako" sagot ko at bigla naman akong tiningnan ng nakakaecheos nila Jen, Iryn at Leana. "AHH--- I mean dahil sa tulong niyo Sir kaya nanalo ako" patuloy ko pa. Gosh! baka kung anong isipin nila doon sa sinabi kong 'Dahil sayo Sir kaya nanalo ako'
Napangiti naman si Sir Nathan at napatango "I just guided you, nasa sayo pa rin ang lahat ng effort" sabi ni Sir habang nakangiti pa rin. At dahil dun napatulala tuloy ako sa kaniya, para kasing may kakaiba sa ngiti ni Sir, ganitong-ganito yung ngiti niya kanina nung pumapalakpak siya sa likuran nung natapos na yung contest at nanalo ako.
Natauhan lang ako nung biglang hinila ni Jen yung sling bag ko "Sir Nathan may ibibigay po pala sa inyo si Aleeza" excited niyang sabi, at dahil dun nilakihan ko siya ng mata at binigyan ko siya ng bes-bakit-mo-ko-inunahan-look. nag-peace sign naman siya sa'kin at tumawa-tawa.
"Really? What is it?" tanong ni Sir Nathan at hindi pa rin napapawi ang mga ngiti niya, bakas din sa mukha niya na interesado siya sa ibibigay ko.
"Bilang pasasalamat daw sa pagtulong niyo sa kaniya Sir" sabi naman ni Iryn.
"Pinag-ipunan pa po ni Aleeza yan para sa inyo" dagdag naman ni Leana. Hindi naman ako magkana-ugaga sa pagbukas ng sling bag ko, pinapangunahan na kasi ako ng tatlong biik na'to. "W-wait lang sir hehe" sabi ko habang pilit na binubuksan yung zeeper ng bag ko, matigas kasi ang zeeper nito kaya todo effort pa para mabuksan. "Akin na nga" sabi ni Jen sabay hawak sa bag ko para mahila ko yung zeeper.
Mga 20 seconds pa kaming tatlo nagpapanic doon sa gitna ng hallway sa harap ni Sir Nathan habang hirap na hirap sa pagbukas nung bag. Napasulyap naman ako kay Sir at mukhang natatawa na siya sa sitwasyon namin. "Sir Nathan! Pinapatawag ka ni Dean" tawag nung isang prof na nasa kabilang dulo ng hallway. Napalingon naman si Sir Nathan doon sa prof na tumawag sa kaniya.
"Okay Sir pupunta ako" sagot niya sabay tingin ulit sa amin. Na-prepressure na ako. bakit ba ayaw makisama ng bag na'to!
"Agcaoili I just----" hindi na natapos ni Sir Nathan yung sasabihin niya kasi nabuksan na yung epal na zeeper ng bag ko.
"Sir Nathan! Thank you po" sabi ko sabay dukot nung ballpen sa bag ko at inabot ko sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko na hindi pala yung ballpen yung naiabot ko sa kaniya kundi yung... SAGING!
"T-thanks..." sabi ni Sir sabay kuha nung saging ng lakatan sa kamay ko. napatulala naman sa gulat sila Jen, Iryn at Leana. "Sige na, mauuna na ako, pinapatawag ako ni Dean... Thanks again Agcaoili and Congratulations" patuloy pa ni Sir at naglakad na siya papalayo.
Naiwan naman kaming apat doon na nakanganga. "Aleeza! Ano kayang iniisip ngayon ni Sir Nathan dahil saging ang binigay mo sa kaniya" tulalang tugon ni Jen, tinatanaw pa rin namin si Sir na naglalakad papalayo.
"Baka akalain ni Sir na concern ka lang sa health niya dahil kailangan niya ng potassium sa katawan" -Iryn.
"Baka akalain ni Sir na iniisip mong tsonggo siya" – Leana.
"Oh kaya... baka isipin ni Sir na-----" sabi ni Jen at hindi na niya natuloy yung sasabihin niya kasi sabay-sabay kaming napatingin sa kaniya at gets namin ang gusto niyang sabihin tungkol sa saging, GOSH! ERASE! ERASE! ERASE!
6 pm na, Umuwi na sila Jen, Iryn at Leana. Nagpaiwan lang ako dito sa school at hinihintay kong lumabas si Sir Nathan sa office ni Dean. Gusto kong magpasalamat personally sa kaniya at mag-explain tungkol dun sa saging kanina, kainis! Nakakahiya talaga.
Bukod doon ibibigay ko rin yung ballpen sa kaniya, habang nakaupo ako doon sa bench sa labas, nagulat ako kasi lumabas na yung secretary ni dean at pinatay na yung ilaw "Oh? Si Dean ba hinihintay mo? kanina pa siya umuwi" sabi nung secretary niya, napatango na lang ako at umalis na siya.
Napahinga na lang ako ng malalim. Ibig sabihin nakauwi na rin si Sir Nathan kanina pa. sumakay na sa elevator yung secretary at hindi na ako nakahabol pa. walang na ring tao sa hallway dito sa third floor kaya bumaba na naghagdan na lang ako.
Napatanaw pa ako sa bintana sa gilid ng hallway at kanina pa pala bumubuhos ang ulan. Shems! Wala akong payong. Maliit na sling bag lang kasi ang dala ko ngayon kasi excuse ako sa lahat ng klase ko dahil sa competition.
Para na akong lantang gulay na ang bigat bigat ng paa habang humahakbang pababa sa hagdan pero bigla akong napatigil nang may narinig akong nag-uusap sa baba ng hagdan sa second floor. Mukhang may lovers na naman na nagtatago sa sulok-sulok para mag-landian. Mga kabataan talaga ngayon.
Babalik na lang sana ako paakyat ng hagdan kaso napatigil ako kasi narinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki. "Cassandra please..."
Napadungaw ako sa baba ng hagdan at parang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ko kung sino yung nagsalita...
Si Sir Nathan.
At may kausap siyang Babae.
Teka! Siya yung babaeng mala-diyosa sa ganda na nakita namin ni Jen sa bookstore ng isang mall sa Cavite nung Monday habang nagpapa-engrave kami ng ballpen.
Hinawakan nung babae yung kamay ni Sir at bigla niyang niyakap si Sir Nathan. "I'm sorry, please I love you" tugon pa nung babae habang yakap-yakap ng mahigpit si Sir. Napahawak naman ako sa tapat ng dibdib ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit parang unti-unting nadudurog ang puso ko habang pinagmamasdan sila.
~Parang gulong
Ako'y pinaikot ikot mo lang
Di maintindihan
Kung bakit damdamin ko'y pinaglaruan
Nagtitimpi, nagmamaktol,
'Di na alam ang gagawin ko~
~Nababaliw na ako sa iyo
Ako'y litung lito
Naloloka, nahihibang
Sa kaiisip sa'yo~
Humihikbi yung babae at hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakayakap kay Sir Nathan. Ilang saglit pa, parang tumigil ang mundo ko nang dahan-dahang niyakap ni Sir Nathan yung babae pabalik.
Napasandal na lang ako sa likod ng pader sa hagdan at napatingin sa malaking bintana sa tapat ko, kasabay ng pagbuhos ng ulan sa labas, ramdam na ramdam ko ang hindi mapaliwanag na kirot ng puso ko.
Shems! May Girlfriend pala si Sir!
********************
Featured Song:
'Baliw' by Kiss Jane
Baybayin written by Binibining JoanaJoaquin :)
https://youtu.be/ZleYbi48XAs
"Baliw" by Kiss Jane
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top