My Hidden Letter [Tagalog]
Maikli lang naman yung A/N ko. Thank you pala sa mga nagbabasa ng story ko.
Reminders lang: Libre lang magcomment pati magvote.. Kung nagustuhan niyo lang ^^.
So I hope na maenjoy niyo ang pagbabasa ng 'My Hidden Letter'.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
June 30, 2018
1:50pm
Dear Ace,
Hello Ace!!! It's been 4 years since we became classmates in this school. But anyways, gusto ko na kasi magtagalog kaya tagalog na ko.
So... Grade 9 na tayo. Next year grade 10 na tayo tapos sa sunod na year grade 11 na! Hayss... Bilis naman ng oras no? Pero kahit ganon, I've enjoy all the moments I experienced in this school. Nagpapasalamat talaga ako sa principal na yon kahit nakakatakot siya, englishero kasi. Pero kung wala tong Teika School na to, hindi kita makikita pati mga baliw at matatalinong bestfriends ko.
Nakakaloka nga yung mga bffs ko kaya. Tingnan mo, hinawaan pa ako ng pagka-gm nila!
Pero kahit ganon, they are my cute and beautiful bestfriends in the world... pero mas maganda ako. Joke.
Pero totoo naman.
Anyways, back to the topic. So Ace, kung alam mo lang... na alam mo yung alam na alam ko. Pero baka di mo alam yung nalalaman ng aking alam... Ay sige push ko pa to.
Ok, seryosohan na to. Ace, gusto ko lang sabihin lang sayo... Na mahal kita. Straight to the point agad?! Pero ganon eh.
Hindi ko naman ibibigay itong paper na to sayo kasi nahihiya ako pati ayaw ko rin na malaman mo yung feelings ko sayo.
Kaya, baka ang tawag ko dito sa letter na to ay My Hidden Letter.
Gusto ko lang na masulat yung lahat ng memories ko sayo pati yung mga natitira kong kabaliwan sa letter na to.
Hindi rin naman tayo close. Yung tipong nakakausap lang tapos snob agad. Kaya wala talaga akong balak na ibigay to sayo.
Masungit ka naman din. Kaya its a no no no. Pero ok lang yon sakin. Sanay naman ako.
---
Ok.. so... When I became a new student last 5 years.. for short when I was grade 5, I met you and my best friend in this school.
Well, I actually don't care about you because I don't even like you at that time.
Well, sabi ng iba you are... 'HANDSOME' sa... paningin ng iba.
Pero parang ako nga lang yung nagsabi non.
Pero anyways, nagkacrush kasi ako sa iba kaya yon.
No pansin-pansin you pero hindi mo naman talaga ako papansinin diba?
Hindi naman makapal yung mukha ko para makipagusap sa sayo. Kasi hindi naman din ako grabe ka friendly na yung buong grade level ka-close ko na.
Hindi mo rin talaga ako papansinin kasi hindi naman tayo close tapos nakakausap lang kita pagmagkagrupo tayo sa group project.
Ako kasi yung taong mabilis mawala yung gusto sa isang tao. Ano kasi, mahilig rin ata ako sa mga looks kaya yon.
Bad boy pala yung crush ko dati. Pero iba kapag anime ha. Lol. Kabuwisit eh. Buti nga nawala na yung feelings kaya I live happily ever after. Daw.
Pero yung heart na to kasi eh, ang daming alam.
Ok, aaminin ko. Yung pinakasecret ko na hindi ko puwede ipakita sa iba na alam naman nila pero trip trip ko lang kasi kaya...yon.
Otaku ako.
Ngehh.. Paepal rin tong myself.... Maganda nga kasi ako*flips hair dramatically* *drops mic*
Ok... skip na natin yung part na yan. Ang sabi ko isusulat ko tong letter na to para sayo Ace? Promise magtitino na ako dito.
O, eto na yung part 2 ng sinabi ko kanina.
---
Noong grade 6 o 7 na tayo, kahit walang tayo. Paechos pa talaga ako.
But anyway, don na nagbloom yung feelings ko sayo. Grabe. Bloom kaya nagboom. Ay nako, dami kong alam.
Promise, I don't even know why I liked you in the first place. No wait.. change that part. Why did I even love you in the first place.
Hindi ko nga sure kung tama ba talaga yung pinagsasabi ko pero I feel na feel ko talaga na mahal kita, kahit sabi ng iba infatuation lang yon.
Nagkacrush lang naman ako sayo noong naging katabi kita sa klase for the whole quarter mga 2nd grading ata yon.
Noong una crush o puppy love lang pero patagal ng patagal.. naiinlove na ako sayo.
Yung feeling na naging close kita sa maiksing oras. Yung nilalapitan mo lang ako kahit tatanong ka lang sa akin kung ano yung gagawin sa subject na yon o kahit ano... masaya na ako.
Yung feeling na kahit yung likod mo lang yung makikita ng mga mata ko, kinikilig na ako(gulat kayo no).
Yung kahit tawanan mo yun mga epic kong mga mali, masaya ako kasi napapansin mo ako. Yung sa tuwing magkaklase na tayo tapos magkatabi tayo sa upuan, yung kahit magkadikit yung braso natin, its either kikiligin ako o kaya hindi na lang ako pahalata na magkadikit yung braso natin.
Hay... buhay naman talaga. Ang daming alaala.
Naalala ko tuloy na kinukuwento ko sa kasama namin sa bahay yung mga nangyari sa ating dalawa. Even if its just a normal thing for you at sa iba, masaya ako. Very. Very. Happy.
Nababaliw na nga siya na halos gusto na niya kunin yung bagahe pati libro at pencil sa college niya tapos pumunta na sa Korea.. hay K-pop at K-drama pa more.
Not a fan. Sorry. Not sorry. Anime for life kasi.
Ok, back to the topic, lumayo na kasi.
---
Okay, inaadmit ko. Makulit ka, pasaway, maingay, may pagka'playboy', ginugulo mo yung mga ginagawa ko kaya nasasabunutan ka tuloy, tapos hindi ko na alam yung iba kasi hindi pa naman talaga kita close.
Pero kahit ganon... mahal kita pa rin kita.
Kahit may kamalian kang ginagawa sa karamihan, mamahalin at mamahalin kita. Hindi ko lang ipapahalata sayo.
Well, sa isip ko kasi, kapag mahal mo yung isang tao, mamahalin mo siya kahit ano pa yung meron sa kanya.
Tapos one time, bago kita naging crush, kinausap ko yung sarili ko. Tapos sabi ko pa nong time na yon,
"Ano ba yung type mo sa lalaki?"
Ikaw, ano kaya type mo?
Sa akin kasi ganito.
Simple lang naman... matalino, gamer, sporty, singkit (hindi na kailangan pero sana naman meron..no pressure), and syempre dapat daw may faith rin kay God.
Yung mga parents ko nagsabi non ha kaya wala ako diyan.
Pero dapat meron din talaga.
---
Ang nakakaasar nga.. kinuha mo lahat ng gusto ko sa isang tao.
Yung napapaisip tuloy ako na ikaw na yung the one ko.
Pero hindi.
Huhuhu... ganon naman talaga.. Tanga-tanga me...
Yung pinapaasa ko lang yung sarili ko. Eh hindi naman siya talaga.. baka...
But anyway. Wala lang akong magawa sa buhay.
So... yun nga...
---
Ang daming hindi ko pa alam sayo. Ganon naman eh. Kung sino pa yung mga crush ko, ayun pa yung hindi ko nagiging close.
Yung hanggang friends or acquaintance lang ang ending. Ang cliche... Grabe...
Oo, may naka-MU na ako. Pero hindi pa rin kami close. Tapos hanggang don lang. After a week, wala na rin.
Iniiwan din naman ako sa dulo. Like I said... Cliche...
Tingnan mo rin, yung friend ko sa Manila iniwan ako... ano yon.
Pagkatapos lang ng Christmas break, may kasama na siyang bago?! Then again, friend lang eh.
So ganon... pinaglalaruan lang din ako ng sarili ko...
Pero nang naglipat ako sa school mo, nagbago rin ang buhay ko.
May mga bestfriends na ako ngayon, tapos mga magagandang mga teachers, pati syempre.. ikaw.
Ewan ko. Dati parang.. sakto sakto lang. Yung parang ako yung typical girl na nag-aaral sa school pero ang pagkakaiba lang... Lonely ako. Laging mag-isa.
Pero kahit papaano, masaya na rin sa buhay.
Yung normal na rin yung buhay. May friends na me, happy family, nice pero makukulit na classmates, pati syempre ikaw.
---
Bakit ba ako nagkagusto sayo? Oo nga, bakit ba mahal na mahal kita?
Yung parang katulad ng ibang kuwento, nagbibigay ka ng saya at ilaw sa buhay ko.
Yung kahit may problema ako sa buhay, mapapangiti na rin ako basta kasama kita.
Yung mga nakakapikon mong asar sa akin, pati yung nakakaastig mong da moves sa tuwing sasayaw ka. Yung paglalaro sa game man o sa sports. Pati rin yung mga score mo sa quizzes at exam ang tataas, pero mas mataas pa rin score ko *tongues out*.
Basta nasabi ko na kanina sa letter ko, kahit anong gawin mo, astig ka.
Yung feeling na katumbas mo yung yung pagkagusto ko kila Karma Akabane, Todoroki Shouto, Akashi Seijuro, Tsukishima Kei pati Levi Ackerman (A/N Best friend na tayo kung kilala niyo sila XD).
Parang mas mahal nga kita sa kanila eh. Pati anime sinama ko pa?
Hahaha. Yung ang corney ko magsulat ng letter.
Pero wala naman akong choice. Ako yung pumili ng desisyon ko eh.
Basta ganito lang naman, mahal kita, period.
---
Ang malungkot nga lang, hindi mo naman ako mamahalin.
Sa una pa lang, alam ko na. Alam ko na hindi - wait, wala talagang mangyayari sa ating dalawa.
Sabi ko nga, hanggang friends nga lang tayo.
Halata naman eh. Close sa simula kasi nagkatabi lang sa upuan, tapos nagbago na ng seating arrangement, wala na.
Hindi naman ako nag-eexpect na ibabalik mo yung pag-ibig ko sayo,
Pero masama bang mangarap?
---
Wala naman akong lakas ng loob para sabihin ko to lahat sayo.
Yung mga kaibigan mong mga lalaki na may alam na crush kita pinapahalata rin nila na gusto kita.
Yung mga kaibigan ko rin inaasar rin ako kung malapit ako sayo.
Pero anong ginagawa mo?
Wala.
Hindi ko sure kung napapansin mo yung pagkagusto ko sayo pero wala eh.
Hindi ka na lang magrereact.
Tapos pagtapos na, balik sa dati.
Sakit nga non eh. Hindi ko alam kung alam mo na yung pinagsasabi nila o wala ka nang talagang pake?
Yung kung sakaling inaasar ako sayo, halos kukunin na ako ng langit sa saya tapos isasama na lang kita.
Pero sabi ko nga kanina, no reaction.
---
Napapaisip tuloy ako.
Pinipilit ko lang ba yung sarili ko sayo?
Pero parang hindi eh. Mahal nga kita kaya di ko pinipilit yung pagkagusto ko sayo.
Kasi sabi na rin ng isa sa favorite quote ko "Lahat ng bagay puwedeng ipaglaban, pero hindi lahat puwedeng ipagpilitan." (Baka may nakakaalam nito ^^)
Pero wala akong sinabi na ipinaglalaban kita. Quote nga lang diba.
Actually shiniship kita sa iba. Ganon kasi ako.
Pag may bagay sayo, kayo nalang, hindi tayo.
Ganon naman ako eh. Ako na yung nagpaparaya kasi gusto ko lang maging masaya ka.
Yung kahit gusto mo yung bestfriend ko.
Cliche..
Pero wala eh, susuportahan na lang kita kahit anong mangyari.
Basta masaya ka, ok na rin.
Kahit ako naman yung nasasaktan.
---
Tanong ko lang, kung masasagot mo.
Bakit ba hindi lahat ng stories, books o movies may happy ending?
Nangyayari naman yon lagi sa horror, pati tragic stories. Tragic nga kasi.
Yung its either yung ending ng kuwento may mamamatay na isa o kaya pinahiwalay sila o kaya nag-away tapos hindi na nagkabalikan o kaya.. ang mas maganda... namatay na lahat.
Pero, ayaw ko kasi ng ganon.
Yung hinihiling ko na magkakaroon ako ng happy ending sayo.
Pero iba eh.
Kasi walang happy ending nga sa atin.
Saya ko no? Yehey talaga!!
Pero ikaw, wala ka namang atang pake diba?
Sympre, ako lang naman ata yung nagiisip ng mga ganitong bagay.
---
Oy, Ace. Hindi ko sinasabing galit ako sayo kanina.
Sadya lang hindi ko mapigilan yung emotion ko sa sulat na to at hindi ko nalang ibibigay sayo kasi hindi ko naman sure kung letter ba to o diary ng lovestory ko to sayo.
Parang ang OA ko dito magsulat.
Pero kahit ganon, mahal na mahal kita.
Remember that. Kung.. mababasa mo to.
---
O sha. I-eend ko na tong letter.
Gusto ko lang magpasalamat sayo sa lahat lahat ng ginawa mo.
Napakasaya ko na nakilala kita.
Na naging kaibigan mo rin ako,
At naging mahal kita, kahit di mo alam.
Dahil hanggang don lang naman.
Ay sige magpadepress pa ako.
Pero kahit anong mangyari, mamahalin at mamahalin kita.
I love you so much.
But I need to let go of you.
Cliche. Na naman..
Pero ang wish ko naman kasi sana sa birthday ko ngayon na makasama ka.
Kahit friends lang ok na. Mabati mo lang ako, masaya na ako.
Peor kung puwede, ibang level na rin.
Pero sabi ko nga wish lang.
Wala rin namang mangyayari diba?
Kasi may mahal ka na rin na iba.
So I love you so much, thank you and I'm happy for you kahit anong mangyari..
From your dearest at echapuwerang valedictorian na nagmamahal sayo(yabang ko no, lol),
Meiya Gabayan
~~~
Meiya's POV
"Honey~"
"Hmmm?"
"Ano to?"
"Anong ano?"
"Wag kang ganyan.."
"Anong ginagawa ko?"
"Sige ikaw na yan ha."
"Ano nga yon?"
"O eto, sabi ng letter, 'Dear Ace'-"
Kinuha ko yung letter na yon sa kanya agad. Tapos tinago ko sa cabinet.
"Binasa mo lahat?"
"Yup."
"Tch. Alis sa bahay."
"Ngeh.. Mei naman o." Sabi ng asawa ko.
"Anong Mei Mei diyan. Saan mo to nakuha?" Tanong ko sa kanya.
"Diyan sa harapan mo, hindi mo lang tinitingnan. At tsaka nandiyan na yan palagi sa lamesa, hindi ko lang pinapakealam."
"Nandiyan lang naman yan sa lamesa pagkatapos ko yan isulat. Pero aba, ginaganyan-ganyan mo na ako ha." Sabi ko sa kanya habang tinatarayan ko siya.
"Ikaw kasi, ang kalat-kalat mo sa mga gamit mo."
Biglang may tumama sa akin na arrow sa puso ko.(anime style lol)
"Aray naman, hindi naman ako yung makalat dito. Ako nga yung naglilinis ng bahay no!"
"Eh, nagtatrabaho din naman ako. Pagod nga ako lagi pauwi."
"Hinihilot naman kita."
"Shhh. Shhh. Mag-away pa tayo. Natutulog pa si baby."
Nag-pout na lang ako.
"Eh basta.."
"Anong basta?"
"..."
"???"
"Hindi ako makalat."
"Haysst. Tigil na nga Mei."
"Oo na." Nagpout na lang ulit ako.
~~~
"Pero Mei, tanong lang. Totoo yung sinabi mo diyan sa letter mo?"
"Syempre. At bakit mo natanong?"
"Wala. Parang hindi talaga kasi yon letter. Seryoso ka ba don?"
"Seryoso ako pero.. pinagtripan ko lang din ng konte. Itatago ko nga lang kasi yong letter ba."
"Pero sa letter mo na yon, naka-let go ka rin?" Sabi niya sa akin habang nakataas yung kilay niya.
"..." Hindi ako makasalita nong sinabi niya yon. Baka dahil nakaka-asar talaga yung mukha niya o nashock lang ako sa tanong niya.
"S-Syempre.. nakamove-on na rin."
"Pero ngayon na nandito na ako, wala na yon diba?" Asar niya sa akin habang nakangiti siya sa akin.
"Tch. Tumahimik ka na lang."
"Ang tsun-tsun mo talaga~"
"Paano ba kita naging asawa?"
"Ngehh.. sinagot mo nga ako sa entrance ng mall tapos nagtatanong ka pa yan."
"Utot mo."
"Makalimutin ka lang kasi."
"Oo na. I love you talaga." Sabi ko sa kanya sarcastically.
"I love myself too." Nagfacepalm na lang ako. Nakakastress talaga siya.
~~~
"Isa pa palang tanong, bakit mo pa ba sinulat yung oras sa letter mo? At tsaka birthday mo yon diba?"
"Wala.. trip ko lang nga ba. Gusto ko lang maalala kung kailan ko yon sinulat."
"Yung sa birthday na part?"
"Wala rin, parang nasa mood ako non magsulat non kaya ayon na lang yung ginawa ko para ibigay yon sa valentines. Pero nagquit rin naman ako agad. Ang layo kaya ng June sa February, kaya naging ganon."
"Kaya nakatago?"
"Yah yah. Kaya upo lang tayo sa sofa ng tahimik. Ingay mo kasi."
"So ako pa yung maingay ha."
"Shhhhh.. sabi mo natutulog pa si baby."
Nagroll ng eyes ang lalaking nakakapikon bago umupo kami sa sofa.
~~~
"Random question lang pala. Bakit gusto mo sa bahay mo tayo titira. Eh puwede naman na humanap tayo ng ibang titirahan o gumawa ng bagong bahay?"
"Wala. Gusto ko lang kasi. At tsaka gagastos pa tayo ng maraming pera kung meron naman bahay pa na ginagamit pa. Tsaka malaki yung bahay para magkasya tayong tatl-"
"-magiging apat na kaya." Singit niya.
"Wala pa kaya. At tsaka huwag kang sumingit sa mga sinasabi ko."
"Sungit mo talaga babe."(*cringe*) Sabi niya habang ineemphasize niya yung last word.
"Ewwwwwww. Huwag mo akong tawagin non. Kadiri. Layuan mo ako. Hindi kita kilala. Shoo shoo."
"Maka-mood swing ka oh."
"Shhhh. Tahimik."
~~~
"Balik tayo sa letter mo, Mei. Puwede? Wala naman tayong ginagawa."
"Puwede mo naman sabihin yon kanina pa."
"Bakit sabi mo sa letter mo walang kang happy ending?"
"Kasi sa tingin ko, ganon na talaga. Masaya yung iba, ako na yung naiiwan."
"Pero hindi na ngayon diba? At tsaka yun pangarap mo nga nangyari na." Sabi niya habang hinawakan niya yung dalawang kamay ko.
"Oo na." Nagblush ako don. Sapakin ko talaga siya. Kinikilig na ako eh.
Pero biglang niyang sinira.
"Singit ko lang, bakit ba kailangan mong sabihin na valedictorian ka don? Ang yabang mo nga talaga."
Pinalo ko siya tuloy sa ulo ng malakas.
"Aray, aray! Oo na porket first honorable mention lang ako nong time na yon."
Dinilaan ko na lang siya. "Buti nga sayo."
"Ngehhh.."
~~~
"Napapaisip lang ako, kailan ba matatapos yung story na to?" Tanong ko sa sarili ko pero nasabi ko ata ng malakas.
"Ha? Di kita gets."
"Wala. Back to the topic na nga. Mangako ka na lang sa akin."
"Sige."
"Promise mo sa akin, na mamahalin mo ako palagi ha."
"Parang tinatakot mo ako. Huwag mong sabihin... mamamatay ka na?!"
"Hindi baliw. Sabihin mo lang."
"Ok. Promise ko sayo na lagi kitang mamahalin." Sabi niya habang nakataas yung kanan niyang kamay.
Hindi rin siya talaga seryoso pero ginawa niya na lang para sa akin.
"Sabi mo yan ha?"
"Oo nga- b-bakit ka umiiyak?"
"H-Ha? Umiiyak a-ako?" Sabi ko habang pinupunas ko yung luha ako sa mga mata ko pero lumalabas pa rin.
"Huwag ka nang umiyak." Sabi niya habang pinupunas niya yung luha ko gamit yung thumb niya.
"Sa mundong pabago-bago~🎵"
Kinurot ko yung braso niya.
"Aray! Nagpapatawa lang naman ako!"
Hindi na lang ako magsalita.
"Pero ok ka lang ba?" Tanong niya sa akin.
"W-Wala. Masaya lang a-ako. Nandiyan ka na kasi sa tabi ko. Corney ko no?"
Tahimik lang siya. Tapos bigla niya na lang akong niyakap para komportahin ata.
"Alam kong 2 years na tayo pero hindi ko pa ring mapigilan na umiyak."
"Shhhhh.. Ok lang yan.."
"Ang saya-saya ko kasi. Yung feeling na hindi ko talaga to ineexpect na mangyayari sa akin. Yung nandiyan ka na kasi sa tabi ko."
"Shhhh.."
"Kahit nakakabiwisit ka, pati yung ugali mo."
"Sakit non ah.."
Tumawa na lang ako habang umiiyak.
"Yung kahit sinaktan mo na ako. Kahit iniisip ko na wala na. Mahal na mahal kita,
Ace."
"Corney mo na talaga."
Ine-expect niya na papaluin ko siya, pero lalo lang akong umiyak.
"H-Hoy! Tigil na nga. Magigising na ba yung anak natin!" Taranta niyang sinabi sa akin.
Hindi kasi siya marunong maghandle ng mga taong umiiyak. Kapa-kapa lang sa likod yung alam niya.
"Oo na. T-Titigil na. Atl-least nalabas ko na d-diba?" Sabi ko sa kanya habang nakangiti sa kanya.
Ngumiti na lang din siya sa akin.
"Basta tandaan mo lang, mahal din kita."
"I love you din.." Sabi ko sa kanya na may luha ulit sa mata.
"T-Tigil na nga! Sabi mo hindi ka na iiyak!"
~~~
Makalipas ng ilang minuto..
"Anong oras na rin pala?"
Tumingin ako sa orasan sa taas.
"3:01am? Grabe na pala tayo kalate. Gaano ba ako katagal umiyak?"
"Tanga, sira yan. Sa cellphone na lang ba."
"Alah, makatanga siya tapos sabi sabi siya diyan ng I love you." Bulong ko habang kinukuha ko yung cellphone sa lamesa.
"7:46pm na pala."
"Kain pa ba tayo?" Tanong niya sa akin.
"Wala akong gana. Kain ka kung gusto mo. May itlog pa diyan oh. Iprito mo na lang."
"Huwag na. Busog din pa ako."
Tumayo ako sa sofa namin.
"Tingnan ko lang si baby sa kuwarto Ace."
"Sige, nood lang muna ako tv." Sabi niya sabay bukas ng tv.
Pumasok ako sa kuwarto namin para puntahan si baby.
Simple lang naman yung kuwarto. Green at orange strips yung style.
Maya-maya nakita ko na si Shira, anak namin ni Ace. Wah!!! Sobrang cute~ Ganito ata ako palagi pagnakikita ko siya.
"Hello Shira!" Sabi ko sa kanya kahit tulog siya.
Nilapitan ko siya sa crib niya. Tapos nakangiti na lang ako habang tumitingin kay Shira.
"Sobrang saya ko na naging baby kita, Shira."
Parang naiiyak tuloy ako. Ano ba naman kasi, yung mga pangarap ko nakuha ko na, tapos binigay pa sa akin si Shira.
Hinawakan ko na lang yung pisngi tapos hinalikan. Gumalaw tuloy si Shira ng konte, naistorbo ko ata sa sleeping life niya.
Umalis na lang ako at pumunta kay Ace para umupo sa tabi niya.
Mga ganitong oras lang din ata yung time namin sa isa't isa kasi wala rin siya sa buong araw.
Pero kahit ganon, masaya na ako. Hindi ko talaga ineexpect na mangyayari to. Napapaisip tuloy ako kung panaginip ba to lahat.
Huwag sana. Ayoko talaga kasi.
Napansin ata ni Ace yung mukha ko, kaya hinawakan niya yung kamay ko ulit.
Nakalimutan ko ulit yung mga iniisip ko. Parang cloud nine talaga ako pagkasama ko siya.
Ganito ba talaga ako ka obsess sa kanya?
Hindi nam-
"Ano ba yan Mei. Nakailan na ba." Sabi niya habang pinagpapalo-palo yung balikat ko nang mahina.
"Bakit ba?"
"Wala, kanina kasi lutang ka. Wait, hindi dapat lang pala kanina. Lutang ka naman palagi."
"Kulit mo talaga. Ang sarap mo talagang sapakin."
"Oo na. Suko na ako. Gusto ko na matulog pala. Tulog na tayo." Sabi niya sabay tayo sa sofa at patay ng tv. Pa-change topic pa siya.
Pero umalis agad.
"Uy Ace, wait lang." Hinabol ko siya. Pero pinatay ko muna yung mga ilaw sa sala para tipid din sa kuryente.
Pagpasok ko sa kuwarto namin, nakita ko si Ace na nakatingin at nakangiti kay Shira.
Ngumiti na lang din ako sa nakikita ko. Pinuntahan ko siya tapos niyakap sa likod. Ramdam ko yung init niya sa pagyakap ko sa kanya.
"Alam mo masaya ako na nakilala kita." Sabi niya sa akin. Namula ulit yung mukha ko. Nilagay ko na lang yung mukha ko sa likod niya para di niya makita yung mukha ko.
"Konte na lang, susuntukin na kita."
Hindi na lang siya sumagot. Hinawakan niya na lang din ako. Nakakamiss to.
Minsan lang kami nagkaroon ng 'sweet' moment kaya dinadamdam ko na lahat dito sa yakap na to.
Tahimik yung paligid. Pero komportable. Ang sarap talaga sa feeling.
"Love you Mei."
"Nakailan ka na bang sabi non sa akin, Ace? Lovesick ka na ba sa akin?" Asar ko sa kanya, pero lumingon na lang siya sa akin ng walang emosyon sa mukha.
Napikon na ata. Hehe.
"Love you too na nga." Sabi ko ng mabilis sa kanya at bumitaw agad sa yakap. Magagalit na ata kasi siya.
Lumapit na lang din ako kay Shira tapos nagsabi na din sa kanya ng 'Good night.' Dumeretso na rin ako sa kama habang hindi siya pinapansin.
Matutulog na sana ako para hindi ko muna siya pansinin pero tinawag niya yung pangngalan ko.
"Mei."
"..."
"Mei."
"H-Ha?" Kinakabahan ako sa kanya. Yung ganyang boses kasi..scary...
Pati sexy*lenny face*. Joke, huwag niyo na lang pansinin yung sinabi ko kanina ha?
Alam ko na binabasa niyo to.
"Harap ka dito sa akin."
Lumingon na lang ako sa kanya ng padahan-dahan pero kinakabahan pa rin ako. Sino ba kasi yung may kasalanan? Siya rin naman eh.
Paglingon ko, nakita ko siya na nakangiti sa akin. Yung isa sa mga pinakarare smile niya.
Nakita ko lang yon nong nagyes ako sa kanya, nong kinasal kami, pati yung pinanganak ko si Shira.
Nagblush ulit ako. Syempre ang gwapo niya ding tingnan don kaya. Parang tuloy akong in-love na high school girl.
"Hindi ako galit ha." Sabi niya sa akin ng mahina. Lalo akong namula sa mga sinabi niya.
"Basta tatandaan mo lang, na mahal kita ha Mei." Sabi ni Ace habang lumalapit sa akin sa kama.
Parang naiiyak ulit ako sa mga sinabi niya. Minsan lang kasi siya maging ganito. Pero ngumiti rin ako sa kanya ng maliwanag.
"I love you too."
"O-O sige na, higa na tayo sa kama. Diba dapat natutulog na tayo kanina pa?" Sabi niya habang pinapatay niya yung ilaw sa kuwarto at namumula yung tenga niya dahil sa sinabi ko ata kanina. Ang naiwang bukas na ilaw ay yung lampara sa tabi namin.
"Sige." Sabi ko habang nakasmirk yung mukha ko sa kanya. Gusto ko tuloy siyang asarin. Pero pinigilan ko nalang yung sarili ko para di na ulit kami 'magtalo'.
Paghiga niya sa kama, tumalikod ako sa kanya. Tapos may biglang yumakap sa akin sa kamay sa bewang ko.
Syempre alam ko na yun kung sino yun.
"Hmmm.. bakit?" Tanong ko sa kanya. Alam ko kapag gagawin niya yon, may kailangan siya.
"Gawa ulit tayo ng isa pa."
Lumingon ako paharap sa kanya tapos pinalo siya sa ulo.
"Ow! Oo na titigil na ako!" Sabi niya habang hinahawakan niya yung part na tinamaan ko.
"Ikaw kasi, masakit na nga tapos magtanong ka pa?"
"Joke lang yon, gusto ko lang kasi makita yung mukha mo. Lagi ka kasi nakatalikod pag matutulog na tayo."
Hindi na lang ako nagsalita, pero lumapit na lang ulit sa kanya tapos niyakap(nacricringe ata ako dito lol) ko siya ng mahigpit.
"Sowee." Sabi ko sa kanya habang nakadikit yung mukha ko sa dibdib niya.
Tumawa na lang siya tapos binalik na lang din niya yung yakap.
Matutulog na sana ako pero tinawag ulit ni Ace yung pangngalan ko.
"Mei."
"Hm?"
"My last request ako sayo bago tayo matulog."
"Ano yon?"
"Goodnight kiss naman."
Tumawa ako kasi yun boses niya parang kailangan na yun talaga. Ang cute kasi pakinggan~
"O sige. Eto na yung goodnight kiss mo~" Sabi ko tapos hinalikan ko siya sa labi niya ng saglitan.
"Happy na?"
"..." Hindi na lang siya nagsalita. Kulang pa daw kasi.
"Goodnight, Ace."
"Goodnight too.." Sabi niya. Ngumiti na lang ako ulit ng konte tapos unukit ko yung ginawa ko kanina, pero mas matagal.
Ngumiti ako sa kanya tapos binalik din yung ngiti.
Pinikit na niya yung mata niya habang nakayakap sa akin at parang hindi niya yon tatanggalin sa buong gabi.
"Last na to ha. Love you Mei, sobrang sobrang."
Bumilis yung tibok ng puso ko sa sinabi niya. Pinikit ko rin yung mata ko habang nakayakap ako din sa kanya.
"Tandaan mo rin to Ace, mahal na mahal din kita." Sabi ko habang hinihigpitan ko yung hawak ko sa kanya.
Bago ako matulog ng tuluyan, tiningnan ko ulit siya at yung singsing naming dalawa.
Pinikit ko ulit yung mga mata ko at nanalangin na ganito lagi na ang buhay ko bukas.
Masaya, payapa at kumpleto kasama si Ace at Shira.
"Happy Birthday pala Mei. I love you." Bulong niya sa akin.
Ngumiti na lamg ako at ang paligid ko ay tuluyan nang dumilim.
~~~
Masaya akong nagising, kasi makikita ko na ulit sila Ace at Shira.
Miss na miss ko na agad sila!!
Pero pagtingin ko sa kabila ko, wala siya. Wala rin si Shira. Pati na rin yung crib na tinutulugan niya.
"Ace?" Sabi ko. Pero walang sumagot.
"Ace, honey?"
Bigla akong tumayo sa kama namin tapos tumingin-tingin ako sa paligid.
Madilim yung kuwarto, may alarm clock, sarado yung pintuan, tahimik.
Nataranta ako.
Ano yon, kinidnap sila tapos hindi ako sinama?!
"A-Ace!! Shira!! Nasaan na kayo?!!" Sabi ko ng malakas pero maririnig lang ng buong bahay, hindi kabilang bahay.
Naglakad-lakad ako sa bahay para hanapin sila. Wala sila kahit saan.
Dito na talaga ako kinabahan. Ano bang nangyari?
Tumingin ulit ako sa kuwarto para tingnan lahat, same naman, maliban lang sa alarm clock. Wala na yon dati nang magsama kami ni Ace sa bahay.
Hahanapin ko na sana yung cellphone ko para tawagan siya pero napatingin ako sa salamin.
Ang pagkakaalam ko, matanda-tanda na yung mukha ko. Matangkad na rin ako non. Pero pagtingin ko sa sarili ko, nakita ko yung mukha ko noong highschool ako.
Nawala na yung focus ko sa paghahanap ng cellphone kasi natataranta ako pati natatakot. Hindi ko alam yung nangyari.
Nagsimula ng bumuo yung mga tubig-tubig sa mata ko. Hindi ko alam yung gagawin. Lumabas na lang ako ng kuwarto at umupo sa sofa.
Same naman lahat ng bagay. Kulay, design, tsaka furnitures. Sa totoo lang, wala rin naman talaga akong binago.
Matataranta na sana ulit ako pero bigla kong naalala yung tinago kong letter.
Hahanapin ko na sana pero nakita ko na agad sa lamesa.
Ang naalala ko nilagay ko yon sa cabinet, hindi sa lamesa.
Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ko.
"Nandiyan lang naman yan sa lamesa pagkatapos ko yan isulat."
Binuksan ko ulit yung letter at tinignan yung araw..
June 30, araw ng birthday ko.
Hinanap ko ulit yung cellphone sa kuwarto. Nang mahanap ko na, tiningnan ko na yung date.
July 7, 2018 6:23am
Parang biglang huminto yung mundo ko.
Nalaglag ko yung hawak kong cellphone tapos naluhod sa sahig.
Tapos bigla na lang akong tumawa.
Tumawa ng parang baliw.
"Hahahahahaha.. HahaHaHAHAHAHAHAHA!!" (Shaks, naalala ko tuloy yung Doki Doki Literature Club. Hindi ko lang alam lahat pero pinakita sa akin yung scene na yon.. kaiba)
Tumawa ulit ako pero may halong iyak na kasama.
"Hahahaha, ang sakit pala." Lalo akong umiyak.
"Ang s-sakit sakit p-pala na.."
"Na.. hindi pala yon t-totoo.."
"Akala ko talaga.. akala ko talaga si Shira totoo, na naging kami ni Ace.." Sabi ko habang kinukusot yung letter na ako lang ang nakakaalam non.
"D-Desperado ba talaga ako para isipin na nangyari talaga yon?" Sabi ko sa sarili ko habang hinahawakan ko yung Hidden Letter ko para kay Ace.
"Yung f-feeling na panaginip l-lang pala lahat non."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N:
Hello po ulit sa lahat. At inuulit ko lang yung sinabi ko kanina, thank you sa mga nagbasa ng storyang ito.
Nagustuhan niyo rin ba yung kuwento?
Nagulat ba kayo o inexpect niyo na yung ending?
Kayo na bahala don. Pero gusto ko lang magbigay ng kaunting facts sa story na to. Puwede niyo naman i-skip yung part na to kasi pang random facts lang naman.
1. Some of the plots are actually true sa buhay ko. Pero di ko na sasabihin kung saang part. Kung may nakakaalam man, huwag niyo na sabihin pls lang.
Lalo na si -Royal_Empress-, SHIMiNEEsan pati Kazumi_Nyay624.
2. May pagkaganito yung lovestory ko. Pero wala akong sinabi na may letter ako. I'm still young, single, and not ready for these kinds of relationships pero hindi ko lang mapigilan na ma in-love
3. June 30 is my real birthday at yung oras na type ko sa pinakafirst part ay ang oras na pinublish ko ang story na to.
4. Ang title nito dapat ay 'My-Not-So-Sure Letter For You' pero parang napapangitan ako sa title kaya 'My Hidden Letter'
5. Nagtanong-tanong ako sa mga kilala ko kung paano ko pagangandahin yung grammars. Credits ulit kay -Royal_Empress-. Same na tayo ng edad ha!!
I hope you enjoy reading this one-shot story. Puwede rin kayo magrequest na gumawa ako ulit ng kuwento. Konte lang kasi yung mga ideas ko sa mga ganito.
Thank you ulit and bye-bye!~
-GEM_shile, out
Word Count: 5240
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top