Chapter 58
Chapter 58
"What the.." Pagkamulat ng mga mata ko ay agad akong napabangon sa kinahihigaan ko. Tarantang napatingin ako sa paligid. "N-nasaan ako..?"
This place is unfamiliar! Nakakasigurado akong hindi pa ako nakapunta rito. Pero bakit nandito ako? Napasabunot ako sa buhok ko. Iniisip ko kung nananaginip lang ba ako. Pero hindi naman! Napunta ang buong atensyon ko sa pintuan nang bumukas ito.
"Miguel?!" ang naging reaksyon ko. Nilapitan ko siya. "A-anong nangyayare?! Nasaan si Bea..? Paano ako napunta rito?! Anong ginagawa natin dito!"
"Calm down, Bi." He sighed. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Pero kumawala ako sa kanya. Lumabas ako ng kwarto at umuwang ang bibig ko nang makitang nasa isang palapag kami.
"Kaninong bahay ito Miguel?!" Gulong-gulo ako. Hindi na maipinta ang mukha ko, pero kalmado lang ang lalaking kasama ko.
"This is my rest house.."
"What..?!"
"Yes." Magkaharap na kami ngayon. Mula sa gilid ng mga mata ko ay makikita ang mahabang hagdanan.
"B-but.. Why are we here?"
"Uh, that one.." Miguel suddenly averted his eyes. Napakamot siya sa noo niya. Sa asta pa lang niya ay alam kong kinakabahan siya.
"Miguel Falcon. Tell me!"
"Don't get mad, okay?" Alanganin siyang ngumiti sa akin. "Why? What did you do?!"
"Uh.. I think I kinda snatch you away from everyone?"
"Y-you mean to say.."
"I'm sorry, Bianca. I just.."
"Did you just fucking kidnap me Miguel?!" I snapped him. "What the hell? Nababaliw ka na ba!?"
"I'm not crazy, okay? But I will be insane if we aren't able to fix everything between us, Bi." ang naging paliwanag niya. Napanganga ako. Hindi ako makapaniwala.
"And you freaking think that's already a valid reason to kidnap me Falcon?!" Pagak akong natawa. Kumuyom ang kamao ko.
"When it comes to you, for me it's enough."
"No." Umiling ako. "You're just acting as an ass, Miguel. Iuwi mo na ako. Hindi na talaga ako natutuwa."
"I'm sorry in advance, babe. Pinabalik ko na 'yung helicopter ko. Hindi ko rin pinapayagan ang pagpalaot ng sasakyang pangdagat dito kapag narito ako so.. Whether you like it, or not; hindi pa muna tayo makakauwi."
"Y-you.." Napahawak ako sa sintido ko. Nahihilo ako sa mga pinagsasabi niya.
"Are you okay? Umaapekto pa rin ba 'yung sleeping drug powder—"
"The fuck..?!" Napaangat ako muli ng tingin sa kanya.
"Oops.." Napatakip siya bibig niya. "N-nasabi ko ba 'yon?"
"Miguel Falcon!" Pakiramdam ko ay dumagundong na ang boses ko sa buong paligid sa lakas nito.
Namutla si Miguel. Akmang lalapitan niya pa ako pero umatras na ako sa kanya. Bigla ay nag-recall sa akin 'yung juice na ininom ko. Imposibleng siya ang naglagay nung powder doon kaya kahit ayokong tanggapin ay nakakasigurado akong si Beatrice iyon.
"At talagang kinasabwat mo pa si Bea!" Umigting ang panga ko. Nanlaki naman kaagad ang mga mata niya.
"Bi, calm down and let me explain more.." Pero hindi na ako natinag pa. Gusto kong makalayo sa kanya. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang maling paghakbang ko patalikod. Muntik na akong ma-out of balance at dumeretso sa hagdan!
"Bianca!" Kaagad akong kinabig ni Miguel. Dumeretso ako sa dibdib niya at dahil na rin siguro sa bilis ng pangyayare at sa dami ng iniisip ko ay nandilim na ang paningin ko—And the next time, I knew.. Buhat-buhat na ako ni Miguel.
He keeps apologizing to me, murmuring comforting words and I just don't have any strength at this moment to open my eyes more.
This man..
"Bianca.. Kausapin mo naman ako," Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang kusina. Kumuha ako ng tubig dito at uminom.
"Bi.." Miguel pouted his lips, and I silently rolled my eyes. "Babe.."
"Baby.."
"Shut up." Hindi mapigilang kibo ko.
"Bibi ko.." pagpapatuloy niya at halos maibuga ko naman ang iniinom ko.
"Miguel!" I hissed at him and he chuckled. "There you are, woman. Stop giving me silent treatment, okay?"
"You don't have any right to demand anything, Miguel." I glared at him. "So stop being bossy. This is all your fault."
"I know. But I just want us to have our moment, Bianca. Let's fix this."
"Ayoko." I crossed my arms.
"Stop being childish, Bi. I'm fucking serious."
"Look who's talking.."
"You're so stubborn." He groaned. But I just gave him my middle finger and his eyes widened. "Bianca!"
"Back off, Miguel." Nilagpasan ko siya. Iniwan ko siya roon sa kusina. Kung hindi niya ako iuuwi, might as well banasin ko siya. I won't give him any satisfaction sa nangyayare ngayon. Hangga't hindi niya ibinibigay ang gusto ko, hindi ko rin ibibigay ang gusto niya.
Napagpasyahan kong libangin na lang ang sarili ko sa paligid. Sobrang lawak din nitong rest house ni Miguel. Pero parang hindi naman masyadong pinagbabakasyonan dahil nakataklob pa ng mga puting tela 'yung mga gamit sa ibang kwarto.
Nagtungo ako sa teresa.
Bumungad agad sa paningin ko ang napakagandang karagatan.
"Wow.." Umuwang ang bibig ko. May kadiliman na ang kalangitan, pero hindi iyon naging hadlang para 'di ko ito mapagmasdan.
What an enticing view.
Napayakap ako sa sarili ko nang umihip ang malamig na hangin.
Nanatili ako sa kinatatayuan ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba akong nakatingin lang sa harapan. Basta naramdaman ko na lamang ang pagkalam ng sikmura ko. Nagugutom na ako. Pero pinangungunahan ako ng pride ko.
"Hey.." Tumabi sa akin si Miguel. "Gabi na. Let's eat. Kanina ka pa walang kain."
"Hindi ako gutom." tahimik na sagot ko.
"Fine." Napakurap-kurap ako sa narinig. Ganun lang 'yon? Hindi niya ako pipilitin? "What?"
"Pero bubuhatin pa rin kita papuntang dining area." aniya at umasta agad na hahawakan ako.
"Bwiset ka talaga." Matalim ko siyang tinignan. Pinalo ko ang kamay niya at nagpigil siya ng ngisi.
Sinundan niya ako nang mauna na ako sa paglalakad. Bumaba kami ng hagdanan. Nadaaanan namin ang entertaining area bago kami nakapunta sa hapagkainan. Pinaupo ako ni Miguel at wala akong nagawa kung hindi ang sumunod.
"Ako ang nagluto n'yan." Napataas ang kilay ko. Sa dami ng pagkaing nasa lamesa, imposibleng siya ang gumawa nito.
"Sinungaling."
"Totoo nga.." pilit niya.
"Lahat ng ito?" Tinuro ko ang bawat ulam. "'Wag ako, Miguel."
"May onion lahat 'di ba?" Hindi siya nagpatalo. "Ako lahat nagluto n'yan. Then the rest si manang na."
"Sibuyas lang pala niluto mo, pero kung makapagmalaki ka.." Napailing ako. "You're not funny, Miguel. Stop being a comedian."
"Kahit na.. Mahirap kayang maghiwa at maggisa ng onion." dahilan niya.
"Whatever." I shoo him with my left hand. Gusto kong kumain nang maayos at hindi ko iyon magagawa kung magiging ganito siya sa akin.
Mabuti na lang at hindi na siya muling kumibo pa. Katahimikan ang namayani sa amin habang naghahapunan. Panay ang sandok ko ng kanin at ang paglagay ko ng ulam sa plato ko. Nakakarami na ako ng kain, pero parang hindi pa rin ako nabubusog. Hindi naman nagkomento si Miguel. Pinapanood niya lang ako. Natapos na siya't lahat-lahat, pero ngumunguya pa rin ako.
"Nasa mansion si Beatrice, kasama si mom." Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko.
"Alam nila Auntie?"
"Uh, yes. Sinabi ko lang nung nasa helicopter tayo. But just like I expected, nagalit siya. Pinagsabihan ako."
"Desurb." mahinang bulong ko at umusli ang labi niya.
"Seriously, Bi.. Ilang araw lang naman tayo rito. I won't do anything na ikapapahamak mo. Gusto ko lang talagang makapag-usap tayo nang maayos. Ayokong palagi tayong ganito. Just give us a chance, Bianca. I don't know what to do anymore. Our situation frustrates me. I know it's all my fault, but for the sake of our daughter.. could we please fix this? I want her to have a complete family, Bi." Napatitig ako sa tsokolate niyang mga mata. Bumakas ang kadesperadahan doon. "I failed you as your man back then. But as her father right now, I just can't. I'm guilty. I regretted everything. She doesn't deserve this.."
"Ano bang gusto mong mangyare, Miguel?" Sumeryoso na rin ako.
"I want you back. I want us back."
"No." tumutol agad ako. "Hindi ganun kadali iyon."
"I know.. Pero pwede naman nating subukan 'di ba? I'm begging you, Bi. Please consider everything." Napakagat siya sa pang-ibabang labi. "Oo magiging mahirap, pero baka may pag-asa pa? K-kahit kaunti lang Bianca.. Baka meron pa. Hindi ko lang ito ginagawa para kay Bea, kung hindi para na rin talaga sa'tin Bi." Napaiwas ako ng tingin.
"Nasaktan kita noon. Ang dami kong sinabing masasakit sa 'yo. P-pero lahat ng iyon, pinagsisisihan ko araw-araw. Walang oras na hindi ko kayo iniisip. Na kung hindi ko ba pinairal 'yung kagaguhan ko noon, magiging ganito ba tayo ngayon?" Mula sa gilid ng mga mata ko ay napayuko siya. Pinunasan niya ang luhang namumuo sa mga mata niya. "K-Kung sana kase.. nakinig ako sa payo mo sa'kin dati. Edi sana hindi ako nagpadala sa mga emosyon ko. Sana hindi ko inuna 'yung galit ko at pinakinggan ka. I'm sorry, Bianca. Alam kong kahit na ano mang paghingi ko ng tawad, wala ng magbabago pa."
"Alam mo naman pala e.." Napasandal ako sa kinauupuan ko. Pilit kong pinapatatag ang sarili ko sa mga naririnig sa kanya.
"Yes, Bi. I know that too well. Feeling sorry is not just enough. Kaylangan kong patunayan ang sarili ko. Pero hindi ko iyon magagawa kung hindi mo ako hahayaan. Gusto kong subukang ibalik ulit 'yung tayo. P-pero kung nag-fail pa rin talaga.." Napalunok siya. "Kahit ayoko, sige.. H-Hindi ko na ipagpipilitan pa."
"Meaning?" Nagtama ang mga mata namin.
"Ikaw naman 'yung hahayaan ko.." Namula ang mga mata niya. "H-hindi na kita iistorbohin. Hindi na kita papakialaman. T-Titigilan na kita.."
"Really?"
"Yes.."
Napatango-tango ako. Inatras ko ang kinauupuan ko kanina at tumayo na. Pero bago ako umalis sa harapan niya ay ibinigay ko ang sagot ko.
"Okay.." salita ko.
"Bianca.."
"Susubukan ko rin, Miguel. I just hope na panindigan mo lahat ng sinasabi mo ngayon. Let's complete our family and let's fix us. But once you ruined everything again.."
"I will never, Bi."
"Good." Napabuntong hininga ako at nagpaalam na sa kanyang aakyat sa kwarto. Gusto ko nang itulog muna ang lahat ng ito. Sana lang ay hindi ko pagsisisihan ang naging pagpayag ko sa kanya.
"Where I am?" Tumingin ako sa paligid. Pero tanging kadiliman lamang ang nakikita ko. Nang makarinig naman ako ng kaluskos sa gilid ay napalingon ako roon.
"Mommy.."
"Who are you?" My forehead furrowed, seeing a kid in front of me.
"I miss you so much, mommy.." He smiled, but later on, tears formed in his eyes. My eyes widened and before I can speak again; nagbago na ang paligid ko. Bigla ay napunta ako sa sitwasyon ko noon. Nakatulala akong naglalakad sa kalsada nang dumating bigla ang sasakyan ni Auntie Eliza at nabangga ako.
"No!" napasigaw ako. Pero naging sunod-sunod na lamang ang paglitaw ng pangyayare.
"Wala na ang anak mo ija, nakunan ka." Napaatras ako. "Y-you.. You lost your child."
"No, no, no, no.."
"Mommy help me.."
"A-anak?" I tried to call the kid I saw earlier, hinanap siya ng mga mata ko pero hindi ko na siya makita pa.
"M-mommy.. there are so many monsters here. Please help me."
"Brennon..?"
"Mommy!" Napahawak na ako sa tainga ko. Tanging ang pagtangis niya lang ang naririnig ko. Napaluha ako. Nanghihina akong napatakbo sa kung saan. Gusto ko siyang tulungan!
"Don't go here, mommy.." Umiling siya nang muli kaming magkaharap. "Leave me! Monsters will hurt you!"
"Bren, anak.." Napahawak ako sa bibig ko.
"I love you, mom." Sinubukan ko siyang abutin. Gusto ko siyang mahawakan pero unti-unti na siyang nilamon ng kadiliman. "Please be happy.."
"Brennon!"
"A-anak.. anak,"
"Bianca!" Napabangon ako sa kinahihigaan ko. Nag-aalala naman akong niyakap ni Miguel. "You're having a nightmare.."
"N-no.. 'yung anak ko—si Brennon, I.." Sunod-sunod na pumatak ang luha sa mga mata ko. Bumagsak ang katawan ko. Inalalayan ako ni Miguel. Panay ang pag-iling ko. Walang pumapasok sa isip ko kung hindi ang anak ko.
"Shh.. You're okay, everything will be alright." Hinaplos ni Miguel ang likuran ko. Napasubsob naman ako sa balikat niya. Napaiyak muli ako. Ngayon na lang muli nagparamdam si Brennon. Pero this time, parang malaki na siya.
"I.. I miss him so much," I whispered and Miguel hummed.
"I miss him too.." Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. I'm too emotional right now. Kahit na sabihing panaginip lang 'yon, hindi ko mapigilang kilabutan. My son wants me to be happy, but why he's suffering in my dreams?
"H-he says he loves me, Miguel. But why do I feel his pain?" My voice shook, and a sob escaped through my lips.
"Because he's not with you.." He cupped both of my cheeks. "He can't be with us anymore. H-he's.."
"A-And it's my fault right? It's.. all my fault," Napahilamos ako sa mukha ko. Bumalik muli ang pagkamuhi ko sa sarili ko.
"Shh, Bianca. It's not your fault. Don't blame yourself, please. He loves you.."
"I love him too.. so much," I cried out and Miguel nodded his head. Hinalikan niya ako sa noo. Piniga niya ang kamay ko. Ibinalik niya ako sa higaan ko kanina. He's humming an unknown melody and I slowly closed my eyes.
"P-please stay.." I murmured and I felt him stop. Naramdaman ko ang pagkumot niya sa akin. "I will never leave you, Bi. I'm just here. Sleep well, baby."
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top