Chapter 50

Chapter 50

Nang matapos na akong mag-impake ay isinara ko na 'yung ziper ng dalawang maleta. Binuhat ko ang isa, at napangiwi ako nang maramdaman kung gaano ito kabigat. Dahan-dahan ko itong inilapag sa gilid ng pintuan para madali na lamang hilahin mamaya.

Napahawak ako sa bewang ko. Iniisip ko kung may nakaligtaan pa ba ako gayong tila nasa maleta naman na namin ang lahat. All of a sudden, mula sa gilid ng mga mata ko ay napansin ko ang bagpack ni Bea.

'Yung mga stuff toys nga pala niya! Mawala na sa kanya lahat, 'wag lang ang mga Mickey toys niya. Sa bag niya na lang siguro ko ilalagay 'yung mga 'yon.

When I finished preparing what we were going to take, I looked at the wall clock. It's already 4:35 pm. But Beatrice was still sound asleep. Balak ko sanang hayaan na muna siya nang bigla na lamang siyang maalimpungatan. Madali akong nagtungo sa pwesto niya. Ayaw na ayaw niyang nagigising na walang katabi o kasama.

"Baby.."  I whispered as I continued to caress her cheek. Nangunot ang noo ng anak ko. Nakapikit pa rin ang mga mata niya.

"Mhm."

"Wake up baby-princess ko.. Time to change your clothes na." Tutal naligo na rin naman siya kaninang tanghali kaya papalitan ko na lang siya ng pang-alis.

"M-Mmy..?" she hesitantly called me and when our eyes met, she smiles sweetly at me. "Hello.."

"Tayo na d'yan, 'nak." Masuyo ko siyang tinignan. "Aalis pa tayo remember?"

"Omg.. Oo nga pala!"

Napailing ako, "Ang himbing naman kase ng tulog mo, baby ko."

"Parang slight lang, Mommy ko." hagikgik niya habang mapungay pa rin ang mga mata.

Napatitig ako sa aliwalas ng mukha niya. Maamo ang ekspresyon niya ngayon. May inosenteng pares ng mga mata at hindi makabasag pinggang reaksyon. She's so precious. With that, I exhaled a sigh. Ito palagi ang Bea ko at hindi 'yung nagwawala kanina.

Kinuha ko ang inihanda kong damit sa study table. Ito ang napili kong susuotin niya ngayon. It was a cute yellow dress that I knew would suit her. At tama nga ako dahil lalong nagningning sa mga mata ko si Bea. Lumitaw lalo kung gaano ka-adorable ang itsura niya.

My princess looks pretty.

As I ran my hand over her head, I began to comb her soft hair. I took the cute ribbon leash to the side, and tied it to her. Maya-maya pa ay isinuot ko na sa tainga niya ang regalo kong hikaw noon. Ganun rin ang kwintas na may nakaarkong B na gaya ng suot ko ngayon. Paired 'yung set ng jewelry  namin na ipinasadya ko.

"Gandang bata naman n'yan.."

"Mana sa pretty'ng mommy eh!" Mahina akong natawa. She's so joyful again.

"Oh siya, ubusin mo itong milk mo at maliligo lang si mommy hm? 'Wag kang lalabas ng kwarto, naiintindihan mo ba ako?"

"Sobrang understood po, Mmy.."

Napangiti ako. "Mabuti naman. Mag-aayos lang si mommy para makaalis na tayo, okay?"

Napatango siya at naging abala na sa pag-inom ng gatas. Nagtungo naman ako sa kwarto para mabilis na maligo. I just wore a simple pair of outfits. Fitted blue jeans, and yellow long sleeve top. For me, it's a bit thin and I kinda feel exposed so I still wore a white tube inside.

"Omg, mommy ko! Same tayo!" As expected, malaki ang pagkakangiti ni Bea nang makita ang suot ko.

"Ganda ba ng mommy mo, 'nak?" Sinimulan ko nang suotin 'yung hikaw ko.

"Sobra po Mmy!" Naging magalaw siya habang nagsasalita kaya lumapit na ako. Baka mabagsakan siya nung baso sa tabi niya.

"Careful, Bea.." I murmured, and tilted the glass away.

Humagikgik lang ang magaling kong anak kaya napangiti na lamang ako. Kahit gaano siya kakulit, kahit gaano siya kung magpumilit; mahal na mahal ko ang anak ko. At gaya ng lagi kong pangako, gagawin ko ang lahat para sa kaniya.

"Let's go, baby?" I become playful, a smirk suddenly curved on my lips.

"Yey! Let's go, Mmy!" Kinuha ko na ang dalawang maleta habang suot-suot naman niya ang backpack na nasa lamesa kanina.

Inabot niya ang kamay ko, at hinawakan ito. Kaya kahit nahihirapan ako sa bigat ng bitbit ko ay magaan akong ngumiti sa kaniya.

My old unit, here I come..

Maninirahan na muli ako d'yan. Hindi na nga lang mag-isa kung hindi kasama na siya.. kasama na ang munti kong prinsesa.

"Opo, 'pa. Nandito na po kami sa condo."

"Really?" I could feel how happy his voice was even it's on the other line. I just silently hummed. "By the way papa, where's Auntie Eliza?"

"She's taking a nap.. Pero pagising na rin 'yon mamaya."

"Oh.." I reacted, and moved the cellphone I was holding slightly away from Bea. "Wait lang 'pa.."

"Baby, do you want to talk with you're grandpa?" I asked my daughter habang pa sulyap-sulyap sa kanya. Kanina pa kase siya nag-iikot sa condo. Hindi siya nawawalan ng sigla. Paniguradong naninibago sa environment niya, pero pinangingibabawan ng kasabikan.

"Grandpa, Mmy!?" She grinned happily habang tumatakbo na patungo sa akin.

"Careful, baby.." babala ko, at kinunotan siya ng noo. Nakinig naman agad siya dahil biglang bumagal ang paghakbang niya patungo sa akin.

Inabot ko sa kanya ang cellphone para hindi na siya tumingkayad sa akin.

"Here.."

"Thank you, mommy!"

"Behave lang baby, okay? Magluluto lang si mommy." sabi ko matapos kargahin siya patungong sofa.

Tumango naman ang anak ko bago ako i-kiss sa pisnge. Napangiti na naman muli ako bago siya panandaliang iwan sa sala. Alam ko namang makikinig siya sa akin kahit gaano siya kaligalig ngayon.

I went to the kitchen, putting an apron on top of my body as I strained the pan. It was clean because I washed it earlier. I turned on the stove, and heated it. I took the fish from the fridge na piprituhin ko na lamang. Mas matatagalan kase kung sakaling sabawan ko pa. I bought it earlier at the supermarket we passed by earlier.

My daughter told me that she craved some fish. Balak ko nga sanang sa isang restaurant na lang kami maghahapunan dahil pagod na rin ako. Ngunit nagpumilit si Bea. Hindi ko naman siya matiis kaya ito na ang resulta.

"Shit.." I harshly groaned when the oil suddenly spilled on my hand. Namula kaagad iyon. Pero hindi ko na lang ito ininda pa. Nagpatuloy na lamang ako sa pagpiprito hanggang sa matapos na ang pagluluto ko.

"Baby Bea, come here already!" agaw pansin ko nang makitang nasa sofa pa siya, at hindi pa rin nakapwesto sa dining area kahit na ilang beses ko siyang tawagin. Ang tagal naman nilang mag-usap ni papa. 

Sumilip naman siya sa lamesa at nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakahanda na ang pagkain namin. Ibinaba niya kaagad ang cellphone sa side table. Sa tingin ko ay nagpaalam na kay papa.

Napailing ako.

"Wash your hands first!" I points out first.

"Yes, Mmy!" masunuring sagot ng anak ko.

Naging malawak ang ngiti ko. Tinanggal ko ang dulo ng apron na pumapalibot sa bewang ko at binuksan 'yung fridge. Kinuha ko 'yung tumbler na naglalaman ng malamig na tubig at tinimplahan ng juice. My baby-princess will definitely love this.

"Done na po Mmy! My hands are fully cleaned na!" Ipinakita niya sa akin ang kamay niya at mahina akong natawa.

She's an adorable kid.

"Good girl." I nod my head.

"Omg..?" Napunta ang tingin niya sa hawak ko. "Is that my favourite juice mommy? You're the best!"

"Sus.." I playfully nudged her, and she giggled. Inilapag ko na 'yung tumbler sa mesa.

Nang makita kong nahihirapan siya sa pag-upo ay inalalayan ko siya. Nilagyan ko ng kaunting rice ang plate niya, at inintindi muna. Hindi mahilig sa kanin si Bea. She prefer viand than anything else.

"Mmy, fish po." she pouted cutely.

"Wait lang, baby. Baka matinik ka." tugon ko naman saka ko tinanggalan ng mga tinik ang kalahating parte ng isda. At nang makitang wala na itong tinik na maaaring makapahamak sa kanya ay inilagay ko na ito sa plato niya.

"Dahan-dahan lang hm? Hindi ka mauubusan." I smiled, carefully at her.

"Super thanks po Mmy!"

"Welcome, baby.." With that, we continued eating, having a nice meal if possible.

As I observes her more, I felt like there is a strange happiness coming from her presence. She's very lively and I hope that she will stay like this forever. When she suddenly move her hand, my forehead furrowed; seeing her bandaid finger.

"Saan nanggaling 'yan Bea?" I asked her, and she looked up at me. "Ito po?"

"Oo.. May sugat ka ba? Bakit 'di mo sinabi kay mommy?" Nagsalubong ang magkabilang kilay ko, at kaagad na nag-alala.

"Small lang 'yung sugat, Mmy! Saka may someone pong naglagay nito sa fingers ko. Naipit po kase ako sa car kanina—"

"W-what? Naipit ka?!" singhap ko, at hindi na mapigilang kunin 'yung daliri niyang may bandaid.

"Opo, Mmy!" hagikgik niya. "Naalala mo po 'yung someone na sinabi kong nag-help sa akin kanina para makatawid sa supermarket?"

"'Yung guard ba?"

Umiling siya sa akin. "Hindi po, Mmy!"

"S-sino 'yung tumulong sa 'yo kung ganun?" I thought it was the guard in the parking lot.

Kanina kase habang bumibili ako sa supermarket ay hindi ko na siya sinama pa. Pinag-stay ko na lang siya sa sasakyan dahil sasaglit lang naman ako sa loob. Ni-lock ko 'yung pintuan ng kotse ko nang iwan ko siya.

Hindi ko lang inaasahan na bubuksan niya 'yon kaya nakasunod siya sa akin. Then, she told me that someone helped her to get to me. Hindi naman kalsada 'yung tawiran dahil sa parking lot lang iyon. Pero sapat na para sabihing malayo-layo pa roon sa supermarket.

"Anak?" tawag ko kase humagikgik lang muli siya. "Yes, Mmy ko?"

"Tell me kung sino. Wala naman siguro siyang ginawang masama sa 'yo, ano?"

"Wala po mommy ko! Actually super bait niya, at super yummy!" Kung may iniinom lang ako ngayon ay malamang sa malamang ay nabulunan na ako.

"W-What the..?!" Matamis akong nginitian ni Bea, at nagsimula ng magkwento.

"Opo, Mmy! Ang bango-bango rin niya! At para siyang hollywood star sa sobrang ka-gwapings. Bagay na bagay nga po sa kanya 'yung black shuit niya ei!" aniya habang wangis ang kakaibang kinang ng mga mata. "Sabi nga po niya sa akin that.. He's from his work kaya ganun ka-elegant 'yung clothes niya. And then, ayon na nga po.. He help me na makalabas sa car. Nilagyan nga niya ng mickey mouse bandaid itong fingers ko. Favourite rin daw kase niya si Mickey kaya meron siya no'n!"

Nanliit ang mga mata ko. That's explained why she's so optimistic today. Inilabas ni Beatrice ang apat na pirasong bandaid, at ipinakita ito sa akin.

"Here po, Mmy oh! Super cute!" Wala sa sariling tinignan ko ang kamay ko. At napadako ang tingin ko sa sugat na sanhi ng paso ko kanina dahil sa talansik ng mantika.

"Pwedeng pahingi si mommy?" I asked her kindly, and she willingly nodded. Isa ito sa magandang katangian ng anak ko. Mapagbigay siya, at hindi maramot.

"Thank you, baby.." My heart melted.

"Super welcome po, Mommy ko!" she exclaimed, and suddenly pouted. "Pero ang weird nga po e. Kase kahit 'di naman po ako nanghihingi ng mickey bandaid ay binigyan niya pa rin po ako."

"Oh? Baka kase alam na-clumsy ang Bea ko na 'yan." I grinned, but she just shook her head.

"Hindi rin, Mmy. I have this feeling na.. kilala ka niya. Na alam niyang magiging needs mo 'yung extra bandaid. Na-mention ko kase Mmy, na fried fish 'yung ulam natin."

Doon na ako natigilan.

Nahigit ang hininga ko, at napaangat ang tingin ko sa kanya. Pero bahagya akong nagulat nang makitang nakatingin na pala sa akin si Bea.

"Anak.." I can't help but called her nang magdaan ang kakaibang emosyon sa mga mata niya. "At alam mo, Mmy ko? Same 'yung eyes namin ni yummy guy. He, also wore this kind of eyes, chocolate."

Nagtama ang ang mga mata namin ng anak ko. Panay ang buka ng bibig ko para pahintuin na siya. Pero nagpatuloy lamang siya sa pagsasalita, at matamis pa akong nginitian.

"Feeling ko nga po daddy ko siya ei.. Feeling ko lang mommy ko, hm? Hindi 'me sure." And then, she let a sheepishly giggled saka nagpatuloy na sa pagkain.

I on the other hand, just silently groaned because even if she didn't tell me directly, I knew she already know it. She's not dumb. By just the glint displayed through her eyes, I can say na hinihintay niya lang ako.

Nang matapos kaming kumain ng gabing iyon ay nilinisan ko na siya at pinatulog. Hindi naman mawala-wala ang sigla niya. Panay ang pagbibigay niya ng kakaibang ngiti sa akin. Tila may alam, pero ayaw muna akong pangunahan.

Napailing ako, at pinagtuunan na lamang ng pansin ang kadiliman ng kalangitan. Narito ako ngayon sa veranda. And as I always did before, when I was alone here in the condo I watched the beauty of the night.

"Na-miss ko 'to.." I silently murmured, and let a genuine smile formed on my lips.

Tumingala ako habang nakawak sa barrier na nasa harapan ko. Pinagmasdan ko ang mga bituin sa kalangitan. Ang ganda ng mga kinang nito, talagang nakakamangha. Bumabagay sa bilugang buwan na ngayon ay nagsisilbing liwanag sa paligid.

"Hmm.." magaang paghinga ko, at ipinikit ang mga mata para mas namnamin pa ang kakaibang kapreskohan ng mapayapang gabi.

Pero nang imulat ko na ang mga mata ko ay saktong napatingin naman ako sa baba ng building na ito. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay malinaw kong nakita ang isang bulto.

"M-Miguel..?" nag-aalangan, at hindi siguradong pagkilala ko. Patalikod na kase ito nang matitigan ko nang maayos. Nasa magkabilang bulsa ang kamay niya. At mukhang kanina pa nakatayo sa tapat ng building na ito.

Sa asta niya pa lamang nung namataan ko siya ay nakakasigurado akong may pinapanood siyang kung sino. Kumabog naman ang dibdib ko sa isiping iyon, at wala sa sariling napatalikod na sa veranda. I reached for the sliding door, and closed it.  Ganun din ang ginawa ko makapal na kurtina, itinakip ko na ito rito.

Nakahawak sa dibdib akong nagtungo sa kwarto namin Bea. Hindi ko maintindihan ang nagiging reaksyon ng puso ko. Ganun rin ang isipan kong tila muli na namang na-blangko.

Bakit pakiramdam ko.. wala na iyong galit? Bakit parang nakalimutan na bigla ng puso ko 'yung lahat ng pasakit na ibinigay niya? Bakit pakiramdam ko, imbes na kamuhian siya ng sistema ko ay tila nangungulila pa ito sa kanya nang mamataan ko siya kanina?

Parang gusto ko na lamang siyang tawagin, at hagkan. Magpaubaya muli, at magpakatotoo na naman. Sabihin sa kanyang.. Hanggang ngayon ay siya pa rin. Na kahit ilang taon pa man ang nagdaan. At gaano man kasakit ang ginawa niya sa akin.. hindi ko pa rin siya makalimutan.

Oo, aminado na ako. Hindi ko siya kayang makalimutan kahit kaylan man. Anuman ang gawin ko, at kahit na itatak ko pa sa pagkatao ko ang lahat ng kagaguhan niya sa akin noon.. mahal ko pa rin talaga siya.

"Pero dapat hindi na e." palatak ko. "Hindi ko na siya dapat mahalin pa. He don't deserve it. Miguel is not worth it."

Kahit mahirap, pinilit kong manipulahin ang isipan ko. Inalala ko ang lahat ng ginawa niya sa akin. Dahil deep inside, alam ko sa sarili kong— Ang isipan ko na lamang ang maari kong kontrolin sa pagkakataong ito, at hindi kaylan man ang puso kong.. hindi siya kayang kamuhian.

L A D Y M | MOONWORTH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top