Chapter 49

Chapter 49

The days continuously passed and Bea and I had a peaceful life as usual. Hindi ko na ginagamit ang OT ko dahil pumasok na 'yung mga nag-leave nung nakaraan. Isa nga pala akong computer accountant—na na-promote kaya naging secretary naman nung head namin sa agency.

"Bianca! Feeling ko talaga isa ka sa mapipili e." Si Aira na nagawa pang lumingon sa akin.

My forehead furrowed, and I immediately shook my head. "Hindi 'yan. Kontento na ako sa trabaho ko sa Agency natin."

Nagpadala kase ng notice 'yung nasa itaas kanina. May mga masuswerteng agent raw na ipadadala sa isang kilalang kompanya. Hindi naman ako interesado kaya hindi ko na tinanong pa 'yung details kahit malaki-laki raw 'yung sasahurin. Idagdag pa ang mga bonus benefits na nagpakuha ng interes sa lahat.

Palihim akong napabuntong hininga.

Masasabi kong ang notice na 'yon ay makakatulong para palawakin ang hindi naman ganun kalakihang agency namin.

"Weh 'di nga? Pero sayang din 'yon, Bianca. Makakatulong 'yon sa pag-iipon mo para makapag-aral sa maganda at pribadong paaralan si Bea."

Although I was shocked because finally, she had a point, I just shrugged. As I said earlier, I am satisfied with my work here. Also, I might get even further away from Bea, especially since I don't know where the company that our head is referring to.

"Ipagdasal mo na lang na mapili ka, Aira." natatawang sabi ko. "Dahil ayoko talaga. Hindi naman mapili ang anak ko. Kahit nga raw sa public school ay ayos lang sa kanya."

"Whatever!" aniya at umirap na sa akin, nagtataray na naman.

Napailing naman ako. Hinihiling kong sana siya na lang ang ipadala tutal ay gustong-gusto niya namang umasenso pa nang umasenso. She even told me that she would do anything to reach her ambitions. And now that there is a possibility that she will also be selected to be sent to a huge company; she point out that she will do everything para makuha ang loob nung CEO, at para manatili na roon.

Hindi ko nga alam pero sa tinig niya pa lang habang nakikipag-usap sa akin ay tila kilalang-kilala niya 'yung kompanya. Alam nga rin niyang single pa raw 'yung may-ari, at binata. Mukhang may binabalak talaga siya.

"Wait lang baby ah? Silipin ko lang 'yung laptop." sabi ko nang umilaw 'yung laptop ko sa nakabukas na kwarto.

Ngumuso naman ang anak ko.

"Pero Mmy! Naglalaro pa tayo!"

"Babalik naman agad ako, Bea."

"Hmp.." humalukikip lamang siya kaya nilingon ko na si Mark.

Tumango naman ang lalaki, at tinigil ang paglalaro sa cellphone. "Sige, ako na lang muna ang playmate mo Bea-baby.."

"G-Gusto ko si mommy ko.."

"Bea, 'wag pasaway.." I can't help but stared at her. "Pero Mmy kase.. Na-say mo rin 'yan kahapon. You sabi-sabi me na titignan mo lang 'yung laptop but you end up working again. Saturday pa nga 'yon! Playtime natin!"

"I'm sorry Bea, may tinapos pa kaseng work si mommy.." Hindi na niya ako kinibo. Tumalikod siya sa akin, at inilagay sa tapat nila ni Mark 'yung chest game na sinisimulan pa lang namin kanina.

Napabuntong hininga naman ako sa narinig sa kanya, at mukhang nakita iyon ni Mark kaya sumenyas siya. "Ako na ang bahala, tignan mo na 'yon babe.."

"Thank you.." pasasalamat ko at hindi pinansin ang itinawag niya sa akin. Ganyan lang talaga siya minsan.

Tumayo ako para tignan na nga iyong laptop ko. But before I could enter the room, I even heard how my daughter expressed her sulk.

"Liar si mommy ko, Tito Mark. Mas love niya talaga 'yung work niya k-kaysa sa akin. 'Di siya nag-fulfilled ng promishes.." tila naiiyak na sumbong niya sa tito-ninong niya kaya napahilot ako sa sintido.

May mga oras talaga na ganito si Bea. Kapag nagagalit o nalulungkot siya ay napapansin kong 'di niya makontrol. Sometimes she even says something out of the line that really reminds me of her father. It seems that she inherited all the characteristics of that man, even the flaws.

Greetings, Miss Bianca Del Pilar!

We would like to informed you that you're one of the representative of AI Agency. You will move out in Falcon Company, one of the major stockholder of our agency, and promote our department for only 31 days.

Be aware that this business proposals are exclusive. Also, you can decide if you are going to accept the opportunity to be the secretary again of well-known bachelor Engr/CEO Miguel Falcon. Good luck!

"W-what the.." I gasped in shock, and read the email again. "Falcon?! Kompanya nila Miguel..?"

Halos mapatanga ako sa ipinadala ng head namin. Hindi ako makapaniwala. Sa dami ng naglalakihang kompanya sa bansa, bakit doon pa? Alam kong isa na ako sa napiling agent dahil nung friday pa nila ako inabisuhan.

Tumanggi nga ako, at inirekomendang gagawa na lang ako ng magandang ideas sa department na nangangailangan ng support nung sabado which is the reason kung bakit 'di ko nabigyan ng oras si Bea. Ayoko naman kase talagang mapili kaso ito na.. Naglabas na sila ng official notice.

"Damn it." I can't help but hissed. Iritado ang mukha kong pinatay ang laptop bago ako malakas na napabuntong hininga.

Napakapilya naman ng tadhana. Napili na nga ako tapos sa kompanya pa na 'yon! Lugong-lugong napatampal ako sa noo ko. Anong gagawin ko ngayon? Mukhang pinal na talaga ang desisyon nila. Useless rin 'yung mga plan ideas na pananggi ko gayong tila wala na silang balak bawiin pa iyon.

I slowly messed up my hair.

Naiinis ako..

Parang nalagay na naman ako sa sitwasyon kung saan tila wala na akong kawala pa.

"Sa dami naman ng kompanya dito sa manila, bakit sa kanya pa talaga?" I let a frustrated groan, and sighed once again. "Bakit kay Miguel pa? Sa ama ni Bea?"

"Mmy! Sino po ang kausap mo po d'yan?" Agad akong napalingon sa anak ko na nasa pinto na pala.

"Baby, come here." Sinubukan kong kumalma. "Nasaan si Tito Mark mo?"

She pouted, "May emergency daw po mommy ko."

"Ganun?" yakap ko sa kanya.

Tumango naman ito.

"Mmy, who po 'yung ka-talk mo kanina?" she asked me habang nakakunot ang noo.

"It's nothing baby-princess.." Marahil ay narinig niya akong nagsasalita kaya naitanong niya. "By the way 'nak. Mommy has a job near your grandparents' place. Do you really want to see them?"

"Omg, mommy!" singhap niya, at kumapit sa akin. "Papayag na po ikaw? Pupunta na po tayo sa place nila? Makikita ko na po sila grandpa and grandma!?"

The way she asks me right now made me feel that she's really eager na makilala nang personal sila papa't tita. Napatitig ako sa kanya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito ka-excited. Halos magningning ang namumuong pag-asa sa tsokolate niyang mga mata.

"Yes, baby-princess." I couldn't help but hug her tightly. "For you, mommy will do everything."

Napahagikgik si Bea kaya nanlambot lalo ang puso ko. I smiled sweetly while staring at her.

"Love na love mo talaga ako, Mmy!"

"Ikaw din naman baby."

"Yes po, Mmy!" she immediately agreed, and showered my face with her tender kisses. "Love na love.. na love po kita, Mommy ko!"

"Hindi ka na tampo n'yan?" I teased, and she pouted, naglalambing na agad sa akin.

"Sorry po sa inasta ko kanina mommy ko! I just really feel so irritated.. Feeling ko wala na ikaw time sa akin. At ayaw ko pa ng ganun."

"Hm?"

"Yes po! Pero ang weird nga po Mmy eh. Earlier before I tantrumsh para po akong nagagaliiti—"

Hinaplos ko ang buhok niya.

"Nanggagalaiti 'yon, baby ko."

"O-okay po.. nangangaliiti—" I can't help but let out a playful chuckles dahil nabulol na naman siya. Ang cute talaga nitong anak ko.

"Mommy naman eh!" she hissed, at bigla akong sinamaan ng tingin kaya natigilan ako.

Ako lang ba.. o iba 'yung talim ng mga mata niya ngayon?

"B-Bea.."

"Nagagalit na ako sa 'yo mommy! Lagi niyo na lang akong pinagtatawanan ni Tito Mark. Naiinis ako sa inyo! Binubully niyo ako! Hindi na niyo ko love! Wala ng nagmamahal sa'kin!" she began to tantrums, her whole face was red and the edges of her eyes were different; she looked very angry at me.

Nangunot ang noo ko dahil doon, at nang itapon niya ang paborito niyang Mickey Mouse stuff toys ay umuwang na ang bibig ko.

She folded her arms in front of me, and burst the words.. I did not expect to hear directly from her.

"I. Hate. You. Mommy." she jerked harshly, and left me.

Naiwan naman akong tulala. But I immediately got up from my seat, and chased after her.

"Bea.." I called her calmly kahit nagpupuyos na ang damdamin ko.

Paano niya nasabi ang mga salitang iyon ng dahil lang sa pagtama ko sa kanya? Hindi siya ganun. Hindi siya ganito kababaw. Hindi siya lumingon sa akin, at nagpatuloy lang sa pagtingin sa tv.

Nagsalubong na ang kilay ko. "Mitch Annica Beatrice Del Pilar—" Falcon. "look at me!"

"Mommy.."

"Anong sinabi mo kanina..?" marahas na tanong ko nang lumingon na siya.

Gradually, her expression changed, and she began to cry in front of me. Ang kaninang talim ng mga mata niya ay nanlambot habang tinitignan kung gaano ako kaseryoso.

"M-Mommy ko.." hikbi niya, at niyakap ang hita ko. "Sorry po.. H-hindi ko po 'yon s-sinasadya—galit po ako. H-hindi ko po makontrol.. Mmy."

Nag-init ang mga mata ko kahit hindi ko siya maintindihan. "Ayoko po ng p-pakiramdam na 'to mommy ko.. H-hindi po kita hate. L-love na love ka ni Bea, mommy ko."

"Then, why baby Bea? B-Bakit mo nasabi 'yon?"

"T-trust me, mommy.. h-hindi ko po alam. Basta po.. Kapag angry at irritated ako, kahit sa small things lang, parang g-gusto kong mag-say o gumawa ng masama out of frushtration." Nanlaki ang mga mata ko. "M-minsan nga po, n-nagdadabog at nasisigawan ko si yaya Asul dahil ikaw lang 'yung gusto kong magbantay sa akin. Ayoko ng iba, nagagalit ako. Sinsisira ko rin lahat ng laruan ko Mmy, lalo na kapag naiisip kong walang nagmamahal sa akin."

"A-Anak.." gulat na singhap ko.

"Don't get me wrong mommy.. I know you love me so much. But when you're at work and I feel like you don't have time for me. Iba nagiging pakiramdam ko. Para akong malungkot na malungkot, mommy."

"A-akala ko ba naiintindihan mo ang pagtatrabaho ni mommy, anak?"

"Opo, Mmy.. naiintindihan ko po talaga. Pero parang ibang usapan kase k-kapag nafe-feel ko 'yung tenshion sa chest ko. H-hindi ko na po maintindihan. S-sobra po 'yung negative energy." Wala sa sariling napahigpit ang yakap ko sa kanya.

Sa tono pa lang ng pananalita niya ay ramdam na ramdam ko ang hirap, at sakit na hindi ko maintindihan kung saan nanggaling. Feling ko ay ganun rin ang naramdaman niya kaya mas lumakas ang iyak niya.

"M-Mommy ko, a-ano po bang nangyayare sa akin? N-Natatakot po ako." she nervously murmured that made my heart squeezed in pain again.

Naninikip ang dibdib ko dahil ngayon ko lang nakitang ganito ang anak ko. She couldn't seem to figure out what she was feeling and it hurts me na wala akong kaalam-alam na may dinadaing siya.

With my hands that still shaking, I gently stroked her back.

"Rest baby-princess ko, 'wag ka munang mag-isip nang mag-isip.." Pinigilan ko ang pag-iyak ko. "Ang mommy ang bahala sa 'yo."

"T-Thank you po mommy.. Love na love po kita," Bea said, and leaned on my chest, looking asleep.

Napabuntong hininga ako. Even though I didn't know exactly what was going on with my daughter I knew it wasn't good. Masama ang kutob ko sa kung ano mang tumatakbo ngayon sa isipan niya. Kaya bago pa ito lumala ay sigurong tama ng bumalik ako sa kung saan kami nararapat.

I looked at the wall clock, it's already 3 pm. It's only a three-hours drive to the condominium where I used to live kaya roon na lang kami mag-stay ni Bea. Mabuti na lamang at hindi ko iyon binenta.

Inayos ko ang kumot na pumapaibabaw sa katawan ng natutulog kong anak bago ko magpasyang tumayo na. Bahagya akong yumuko sa ilalim ng kinahihigaan niya upang kunin naman ang dalawang maleta na sa wakas ay magagamit ko na. Pinampagan ko ito bago pumunta sa closet naming dalawa. Binuksan ko ito, at ang mga naka-hanger na nakasabit dito ay pinagtatanggal ko.

"Aalis na kami sa apartment. At malamang sa malamang ay 'di na kami pababalikin pa rito nila papa." Nangako kase ako sa kanila, na once na bumalik nga ako ay 'di na ako lalayo pa sa kanila.

Napailing ako, at napatingin sa cellphone ko. "Masabihan nga si yaya Asul.."

At ayon nga ang ginawa ko. I informed Yaya Asul that we were leaving the apartment, at dodoblehin ko na lamang 'yung bayad ko sa kanya. Ibinigay ko na rin sa kanya 'yung mga gamit dito sa apartment.

Hindi ko na siguro dadalhin, sapat na itong mga damit namin ni Bea. At saka, nakokonsensiya ako dahil wala manlang sinabi sa akin si Yaya Asul sa naging behavior sa kanya minsan ni Bea. Well, hindi ko rin naman siya masisisi. Baka inakala lang nito—na ganun lang talaga minsan ang mga bata. May mga sumpong minsan.

Pero para sa akin na ina ni Bea, alam kong may iba ngayon sa tantrums niya. At ayon ang aalamin ko paglipat namin sa condo ko.

Hinihiling ko lang na sana.. Hindi ito ganun kasama tulad ng kutob ko.

L A D Y M | MOONWORTH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top