Chapter 48
Chapter 48
Inihakbang ko ang mga paa ko. Habang naglalakad ako rito sa kanto ay ramdam na ramdam ko ang mga matang nagmamasid sa akin sa kung saan. Mga matang pamilyar sa sistema ko na parang estranghero na? Ang weird naman kase, lagi na lang bumibilis ang pintig ng puso ko at madalas akong pinagpapawisan. Parang kahit nasa malayo ang mga matang iyon, kaya ako nitong paiinitin sa hindi maipaliwanag na dahilan.
My forehead furrowed as I looked at a park where I could feel.. her or his gaze? Ngunit nang lingunin ko naman ito ay wala namang tao roon. Tanging mga nagsasayawang puno 'dulot ng may kalakasang hangin ang bumungad sa akin.
Napabuntong hininga ako. I've always been like this. And that's actually frustrating. Lagi na lang kase akong nakakaramdam na may nanonood sa bawat galaw ko na para bang ito ang naging paborito niyang gawain.
Hanggang sa bahay nga ay nararamdaman ko ito ngunit pinagsasawalang bahala ko na lamang dahil hindi naman ito nanakit o lumalapit sa akin, talagang nananatili lang sa dilim. Pero ngayon kase, parang ang creepy na talaga.
Ipinilig ko ang ulo ko, at napasulyap sa supot na dala ko. Isa itong buong inihaw na manok. Binili ko para sa hapunan namin nila Bea. Wala si yaya kaya wala pang nakakapamili ng grocery, at napansin ko lang kanina na halos ubos na pala ang lahat ng laman ng ref namin..
"Ang takaw naman kase ng baby ko," I can't help but whispered softly. I left her in our apartment, sabi ko sasaglit lang ako dahil gabi na nga.
Mabuti na lamang at nag-volunteer si Mark na bantayan muna si Bea, baka kase hindi ako makaalis kung wala itong bantay. Ina na kase ako, I need to be very careful lalo na at ang anak ko na lang ang kasama ko sa buhay. Mahal na mahal ko siya nang higit pa sa lahat.
Wala sa sariling napaangat ako ng tingin sa kalangitan, nagdidilim na. Lumalamig na rin ang atmosphere ng paligid. Ang hangin ay may dala ng bigat sa balat habang ang mga bahay ay nagsisipatayan na ng ilaw. May mga poste mang nakakalat sa paligid ay hindi iyon naging sapat para mas malinawagan ang dinadaanan ko.
Sa mga ganitong klase ng lugar, hindi mo maaasahan ang mga ilaw sa pampubliko. Patay-sindi ang mga poste, mga kaylangan na ng repair ngunit ayaw pang pagkagastusan ng barangay. Pababa pa naman ang dereksyon ko; sa dulo kung saan nakakasigurado akong tahimik at wala na talagang sisiwang na kaliwanagan.
Kaylangan ko ng magmadali..
Ang tagal kaseng maluto nung manok diyan sa tapat sa taas kaya natagalan pa ako. Idagdag pa ang may kahabaang pila. Naisip ko si Bea gayong kanina pa ako wala sa bahay. Baka umiiyak na ang anak kong iyon, at nag-aalala sa akin.
Binilisan ko ang paglalakad ko nang ma-realize kong mag-isa na lang talaga ako rito sa kalsada.
"Oh, si miss ganda 'tol!" Fuck.. "Si sexy pala, oh."
In every public and open places, imposibleng walang ganitong klase ng tao. Nahinto ang paggalaw ko nang sumalubong sa akin ang tatlong lasing na lalaki.
"M-Mga kuya.." Kinabahan kaagad ako. I hate this kind of scenes. "Padaan po.."
"Ano raw mga 'tol?"
"Padaan raw.." nangingising tugon nung isa.
Palihim namang nagbaba-taas ang dibdib ko. Pumipintig sa malupit na paraan ang puso ko. Sobrang pangamba, at takot ang nararamdaman ko dahil alam kong kami lang ang narito sa daan ngayon.
God.. Sana naman 'di mangyare itong nasa isip ko. I silently murmured, at humigpit ang hawak sa dala-dala.
Ngunit sadya yatang dinadapuan na naman ako ng malas dahilan para unti-unti akong mapaatras. Akma kase akong lalapitan nung nasa gitna. At sa mga tingin at ayos pa lamang ng mga ito ay mahahalatang walang gagawing tama. Gaya nung mga lalaking muntik ng lumapastangan sa akin noon.
Nanginig ang kamay ko. Nahigit ang hininga ko. At hindi ko mapigilang maalala muli 'yung mga nangyare noon. 'Yung panahong nasa ganito rin akong estado. Walang kalaban-laban kahit na umiwas o tumakbo. This why sometimes..I dislike being a woman.
"K-kuya.. Padaan po," lakas-loob na sabi ko habang pilit hinahawakan ang dala kong supot, doon humihila ng tapang.
Nagkatinginan naman ang mga ito dahil sa narinig mula sa akin bago sabay-sabay na tumawa nang malakas. Nagpalabas sila ng mga tawa, at ngising nanghahamak.
Umuwang ang bibig ko, at napangsinghap ako nang hawakan na ako nung isa sa braso. "Pasensiya na sa gagawin namin miss.. Kasalanan mo rin naman 'to."
My eyes widened in horror. Pure disbelief was expressed on my face as I violently pulled his hand that was already running down to my arm and shoulder.
"Bitaw!" hiyaw ko.
"Haha ang kinis naman ng balat mo, ganda." tila naglalaway na sabi nung isa, na nasa likuran ko na pala.
Nagtubig kaagad ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang pagpalibot nilang tatlo sa akin. Malalakas ang loob nila dahil madilim ngayon sa daan, at walang katao-tao. Walang tutulong sa akin kahit na sumigaw pa ako.
"P-please.. Aalis na po ako." nagmamakaawa na ako dahil alam kong wala na akong laban pa sa kanila. Ngunit hindi sila nakinig sa akin. Hinigpitan nung lasing na nasa gilild ang hawak sa braso ko, at mas inilapit ako sa kanila.
Sinubukan kong lumayo, at tanggalin ang hawak niya ngunit sadyang may kung anong lakas sa pwersa nila. Na kahit magmatigas pa ako ay tila nawawalan na ng saysay. Nasa pagitan na rin nila akong tatlo, tila ba kinukulong para hindi na ako makatakas pa.
"Ang bango mo naman miss.." singhot nung nasa likuran ko kaya naghina ang tuhod ko.
Hawak na nila akong lahat. Ang mga kamay nila ay kung saan-saan naglalakbay. Habang ang isa naman ay akma pa akong hahalikan. Ngunit agad akong umiwas dahilan upang sa ere ito makahalik.
Napapikit ako nang mariin. Hinihiling ko na sana ay guni-guni ko lang ang nangyayare ngayon ngunit mukhang hindi na talaga. Mabilis na nagsilabasan ang luha sa mga mata ko.
"W-wag kayong lalapit! Nakikiusap ako sa inyo.."
"Ang ganda mong bata, Bianca."
"Titikman ka lang namin.."
"Hindi ko naman na makakalaban sa amin kaya 'wag ka ng magmatigas."
"W-wag po—please! 'Wag po.."
"'Wag ka ng tumakbo pa! Mahahabol ka rin namin, tanga!"
"Mama! Papa! Tulong po.. T-Tulong po!"
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
Nagbalik sa akin ang masalimuot na nakaraan ko.
Ang mga pagtatangis ng batang ako noon ay nagpaulit-ulit sa pandinig ko. Ang bawat iyak, at pagmamakaawa ko na lubayan nila ako. Na kahit nasa murang edad pa lang ay alam kong mali na ang ginagawa nila. Ngunit gaya ng nangyayare sa akin ngayong malaki na ako, tila naging binge ang mga lalaking ito.
Ngayon ko napagtantong kahit nasa anong edad ako, o sa kahit na anong oras at lugar man ako—sadyang literal kang panghihinaan kapag nasa ganito ka ng estado. Mawawala ang lahat ng lakas at tapang mo. Na kahit anong palag o kawala mo, wala ring saysay dahil mas malakas sila. Mas malakas ang mga ganitong klaseng lalaki kaysa sa 'yo.
"Ah!" Nangunot ang noo ko nang makarinig ng pagdaing.
"Fuck you all, freak! You shameless motherfucker!"
Natigilan ako.
"T-tama na.. Tama na!" Boses iyon nung mga lalaking hawak-hawak ako kanina!
"How dare you to fucking touch her huh?! Putang ina niyo. Mga animals!" Halatang-halata ang galit sa estrangherong lalaki. "I will kill all of you, you piece of shit! Pagbabayarin ko kayo sa ginawa niyo kay Bianca!"
"M-May asawa, at anak kami p-pre.. P-pag-usapan natin 'to—"
"Asawa, at anak?! Gago ba kayo? Edi, sana putang inang naisip niyo 'yan nang harasin niyo siya! Mga tang ina kayo!"
"L-Lalaki.. Lalaki lang kami 'tol, nalilibugan lang!" sabi nung isa sa tatlo. "At saka.. Inakit kami ng malanding babaeng 'yan! Prostitute 'yan 'tol! Isa siyang puta—"
Napahawak ako sa tainga ko nang makarinig na lamang nang malakas na kalabog. Kasunod no'n ay ang tila ang sunod-sunod na pagsuntok bago ako mabinge sa daing at pagtatangis nung mga nang-harass sa akin kanina.
Napaatras naman ako nang napaatras.
Nanlalabo ang mga mata ko.
Naninikip ang dibdib ko.
At para akong dinapuan ng matinding pagkahilo sa nangyayare.
"T-tulong po.." ang tanging naibigkas ko na lamang habang nanginginig pa rin ang boses.
Naramdaman ko naman ang pag-alalay sa akin nung kung sino kaya napaigtad ako. Nagkarambola ang puso ko. Ngunit pilit lamang niyang inikot ang braso sa bewang ko, inilalapit ako sa kanya at tila ayaw na akong makawala sa hawak niya.
"Sshh.. I'm already here, Bi." he whispered, at tuluyan na akong hinagkan mula sa bisig niya. "I'll protect you no matter what."
Nagsalubong ang mga kilay ko ng dahil doon. Pero hindi na ako sumagot pa, at wala sa sariling nagpaubaya na lamang.
I clung tightly to his neck as he lifted me up. Somehow, I could feel the familiar pounding of my chest. And even if I wanted to open my eyes to see the one who saved me right now—I still don't seem to have the strength.
Napagdesisynan ko na lamang na pakiramdaman siya habang may malay pa ako. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang tuluyan na ngang marinig nang malinaw ang boses nung estranghero? O estranghero nga ba talaga.. siya?
"Bianca.. M-Mahal na mahal kita,"
"S-Sana lang mapatawad mo ako sa mga kasalanan ko sa 'yo."
"Nangako akong bibigyan kita ng oras, at panahon para maghilom sa sakit na naidulot ko. S-siguro, sapat na ang halos limang taon hm?" Nahigit ang hininga ko nang manginig na ang boses niya. "H-hindi ko na kase talaga kayang panoorin na lang kayong dalawa sa malayo, mahal.."
"M-Miguel..?" pagtawag ko, at determinado ng buksan ang mga mata para makumpirma kung siya nga. Pero hindi ko na rin nagawa, because the moment I tried all my best to open my eyes, darkness finally engulfed me.
"Sleep tight, Bianca.. Please, always be safe." that was his last lines before I literally fell at sleep.
Miguel.. Ikaw ba talaga 'yan?
"Sure ka ba talagang ikaw ang nag-uwi sa akin dito kagabi?" paninigurado ko sa kanya habang kunot ang noo.
From the sofa he was sitting on, Mark looked up at me. Like me, he looks so confused as well. He seems wondering what I'm up to. Kanina ko pa kase siya tinitignan dahil hindi ako makapaniwala. Nag-ha-hallucinate ba ako nung oras na iyon?
"Oo nga.." sagot naman niya. Maaliwalas ang mukha niya habang tinitignan ang mga mata ko.
Nabuntong hininga ako.
"Salamat, Mark." I smiled, and adjusted my expression because I might have offended him with my weird questions earlier. Pero kase.. I can't help but to be so damn disappointed.
Akala ko ba naka-move na ako sa kanya? Akala ko ba nakalimutan ko na siya?
Simula nung naipanganak ko si Bea.. Alam kong naghilom na ako. Hindi ko rin naman siya madalas naiisip. At kapag binabalikan ko naman 'yung mga nangyare noon sa pagitan naming dalawa, hindi na ako ganon kaapektado. Siguro kase.. natanggap ko na rin? Pilit ko ng tinanggap na tapos na 'yung kami at pilas na ang kabanata niya sa buhay ko.
"Tito naman e. Love na love ko si Mickey Mouse! Did you even know that Mickey Mouse represents everything that Walt Dishney wanted to portray hm?" Ngumuso ang anak ko, mukhang inaasar na naman kase siya nung ninong niya.
Napagpasyahan kong pagtuunan na lamang sila ng pansin. Pinanood ko silang maglaro ni Bea. Pero habang napapadako ang sulyap ko kay Mark ay napapailing talaga ako. I don't know but I feel like.. someone else saved me last night and it's not Mark. Definitely not him.
Pero sabi niya, siya raw. Hindi naman siya sinungaling kaya alam kong nagsasabi siya ng totoo.
I unconsciously nod my head.
Baka guni-guni ko lang ang mga nasa isip ko.
"Talaga ba?" Tumaas ang sulok ng labi ni Mark. Now, this is somehow entertaining.
"Hmp. Opo nga po tito!" Binigyan pa siya ni Bea ng supladang irap kaya nagpigil ako ng ngiti. "Mickey Mouse portrays—Happiness, fun, dreams, and the ability to bring families together. And you know what tito hm? The Mickey even symbolizhes power to evoke poshitive emotions, and make memorable experiences tulad ni Bea pretty baby-princess ni Mommy Bianca ko!"
"Whoa, straight English yarn inaanak? 'Di na you nabubulol sa S?"
"Anong na-se-say mo tito huh? Hindi naman 'me nabubulunan sa S ah!"
"Nabubulol, Bea. Hindi nabubulunan." pagtatama ng lalaki habang nangingisi pa rin.
"Alam mo Tito Mark, talk the hangin na lang! Ayoko na lang ikaw ka-play. Nariritahan ako sa 'yo, hmp."
"Nariritahan? Naiirita iyon, 'nak."
"P-parang shame lang 'yon!" Bea almost exclaimed irritatedly so I became alerted. But her uncle just kept on teasing her. "Same 'yon, Bea. Hindi shame. Magkaibang salita na iyon—"
"M-Mommy oh! Si.. Tito Mark!" Ayan na, nagreklamo na ang anak ko. Madali siyang lumapit sa kung nasaan man ako.
Bea buried her face in my neck, and I gently brought her to face me. Nang tignan ko naman ang ekspresyon niya ay napangiwi na lamang ako. Nagtutubig na kaagad ang mga mata niya, namumula ang magkabilang pisnge, at namamasa na ang tungki ng ilong. Halatang pahagulgol na sa akin.
"Hush, baby. Don't mind that freak.." tukoy ko kay Mark kaya napatayo na rin ito. "I'm just kidding Bea-baby. Nagbibiro lang ang ninong.."
Sinamaan ko siya ng tingin.
Hindi naman siya pinansin ng anak ko nang subukan niyang aluin ito.
"P-panget ka ka-bonding Tito Mark!" my daughter just cried, and slipped out of the embrace of his godfather. "Ayaw na ni Bea sa 'yo.. Tinatakwil na kita as my godfather!"
"Desurb.." I whispered uncontrollably, almost grinning at him kaya bumusangot ang loko.
"B-Bea naman.."
"Hmp. Go away stranger! 'Di na you love ko! Wala na 'me godfather—"
"Okay.." kalmadong saad ni Mark sa anak ko kaya natigilan ito.
"H-huh? Payag na agad you—"
"Sige. Hindi mo na ako godfather from now on. Mag-a-apply na lang akong father mo." Parehong nanlaki ang mga mata namin ng anak ko. "At husband sa mommy mo—"
"No way!" busangot ni Bea kaya napahalakhak ako.
Napakamot naman sa batok si Mark. Pero maya-maya pa ay kinuha niya sa bisig ko si Bea. Aayaw pa sana ang anak ko nang biglang may ibinulong sa kanya si Mark. Na siguro ay naging dahilan para magbati na silang dalawa. Ganito naman sila palagi kaya napailing na lamang ako.
"I'm just going to the bedroom 'nak.." paalam ko, at tumayo na. Nahinto naman sila sa pagtatawanan, at napunta ang atensyon nilang dalawa sa akin.
"Sige po Mmy!" I smiled at her and then secretly raised an eyebrow at her uncle.
Ngumisi si Mark. "Hindi ko na siya pipikonin, promise!"
"Siguraduhin mo lang.." I still glared at him so he started laughing.
Naglakad na ako at nagtungo sa silid namin. Hinawakan ko ang doorknob para buksan ang pintuan. At nang makapasok na nga ako ay napa-upo ako sa kama.
Tinignan ko ang buong paligid.
My daughter and I have a simple room.
May kalakihang kama, at sa gilid nito ay may yellow tent kung saan nakatabi ang lahat ng laruan ni Bea. Sa tapat naman nito ay may study table na pinangingibawan ng maliliit na cabinet. Doon nakalagay 'yung mga librong nais minsan ni Bea na ikwento ko sa kanya bago matulog.
Kung titignan 'yung kwarto ay masasabing kwarto talaga ng bata. Kung hindi kase puro drawing ng anak ko ang nakadikit sa pader ay ang mickey mouse stickers na paborito niya ang naka-display. May iilan mang mga litrato namin ngunit talagang mas lamang ang porsyente ni Mickey.
I can't help but laugh softly.
"Sometimes, I feel like she loves Mickey Mouse more than she loves me." I pursed my lips, and childishly pouted. Hindi naman ako mahilig sa cartoon na 'yon kaya hindi ko alam kung bakit siya nahilig sa ganun.
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top