Chapter 39
Chapter 39
It's been a week since that stressful night happened. Nag-take agad ako ng leaves kinabukasan na inaprobahan naman ni boss. Pero nang sabihin kong aalis ako at lalayo muna sa lahat ay nag-alangan siya. Pinakita ko sa kanya na desidido na ako roon kaya kahit labag sa loob niya, hinayaan na lamang niya ako. Although sinabi ko sa kanya na 'wag na nila akong kontakin, pinaalam ko naman sa kanya 'yung location ko, sa Angel's Care; doon sa orphanage ng mga bata.
I need time.. I need to refresh my mind. Hindi ako makakapag-isip nang maayos kung malapit lang silang lahat sa akin. Hindi man masosolusyonan ang problema ko rito sa ampuhan—alam ko namang matutulungan ako ng mga bata at madre rito.
Nagpalabas ako ng magaang buntong hininga. Tinignan ko ang puno na tinataw ko mula rito sa kinatatayuan ko. May mga ibong naghuhunihan sa sanga nito. Nang humampas ang payapang hangin, nagsiliparan ang mga ibon. Sumunod ito sa iba pang ibong nagpapakalat-kalat sa kalangitan.
"Alis na po ako," paalam ko kay Madre Lita.
"Tatandaan mo ija, walang taong perpekto. Kung nagkamali o nagkulang man ang isang tao na punan ang iyong pangangailangan; mas buksan mo pa ang iyong isipan. Unawain mo sila at intindihin, hayaan mong punan nila ito sa isang pagkakataong iyong ibibigay." Hinawakan niya ang mga kamay ko at marahan akong nginitian. "Dahil ang tunay na kaligayahan ay siyang makakamtam mo kung ika'y marunong magpatawad..at manalig sa ating maykapal."
I slowly nod my head.
"Tatandaan ko po 'yan. Maraming salamat po sa pagpapatuloy sa akin dito, Madre Lita."
"Walang anuman ija.." Ginulo niya ang buhok ko. "Bukas ang Angel's care para sa iyo." dagdag pa niya.
My heart completely melt. I'm so happy that I met them. Mukhang sinadya ng tadhanang makilala ko ang mga masasayahing bata at mababait na madre rito sa Angel's Care para palinawin ang isip ko.
Thank you God..
Inambahan ko si Madre Lita ng yakap kaya siya na ang mismo ang lumapit sa akin para yakapin ako. "Mamimiss ko po kayo.. Lalo na ang mga bata,"
"Ma-mi-miss ka rin namin, Bianca." A smile graced through my lips. "Halika't ihahatid na kita sa labas. Baka habulin ka pa ng mga bata at pigilan ka pa sa pag-alis."
"Sige po.." mahina akong natawa.
Nakakapit ako sa kanya habang binabagtas ang daan palabas. Bawat hakbang ng mga paa ko ay tahimik lamang. Masyadong magaan ang nararamdaman ko ngayon at talagang hindi na matanggal pa ang aliwalas ng ekspresyon ko. Halos mag-iisang linggo lamang akong nanatili rito pero parang bulang nawala lahat ng bigat sa dibdib ko.
"Good bye, Madre Lita.." Kumaway ako sa kanya bago ako sumakay sa kotse kong nakaparada lang sa harapan ng Angel's Care.
Pagkakabit ko ng seatbelt sa katawan ko ay nadaanan ng mga mata ko ang karatula ng ampunan. May malapad na kahoy at nakapintura rito ang "Angel's Care Towards Him". Simpleng mga salita lang pero kaagad kang mapapangiti.
Iginalaw ko na ang manibela. Nagsimula na akong magmaneho. Malayo-layo ang mga istraktura rito dahil nasa tagong lugar ang Angel's Care. Tanging maliit na eskwelahan, botika at bayan lamang ang malapit dito. Wala kaseng masyadong nagpupunta rito, tanging mga bumibisita lang.
"Hapon na.." bulong ko matapos sulyapan ang kalangitan.
Ilang oras akong bumyahe. Iyong kaunti lamang na sasakyan sa kalsada kanina, ngayon ay marami na kaya nakakasigurado akong malapit na ako sa direction ko.
Nang may madaanan akong convenience store. Wala sa sariling inihinto ko ang sasakyan at iginilid. Pumasok ako rito matapos kong hilahin ang sliding door. Nagtungo ako sa counter saka bumili ng isang buong bilog na cake, blackforest flavor. May strawberry toppings at pinalibutan naman ng melted dark chocolate sa gilid.
"Ano pa kaya?" Nang mapadako ang tingin ko sa isang machine ay bumalandra sa akin ang nagsasarapang ice cream. Pumili ako ng gusto kong flavor saka nagpakuha sa crew ng softdrinks.
Tumuloy na ako sa condominium na tinitirahan ko.
"Ma'am Bianca?"
Nginitian ko sila. "Hello.."
"Pasok po.."
"Saan po kayo nagpunta?" Nakangiting saad ng isang guards, mukhang hindi na niya mapigilang magtanong pa. "Ngayon lang po namin kayo nakita." dagdag pa nito.
"May dinalaw lang," dahilan ko. Nagtanguan naman sila at nawala ang kunot ng kanilang mga noo. Sumenyas akong tutuloy na sa unit ko kaya malaki silang napangiti at sinabing, "Welcome back, ma'am!"
"Salamat.."
Sumakay na ako ng elevator, inayos ko ang buhok ko nang makita ang repleksyon ko rito. Lumabas ako ng bumukas na ang harapan. Kaagad kong tinahak ang floor ko at ilang sandali pa ay nasa harap na ako ng unit ko. Pagkatapos kong i-encode ang pin ko ay owtomatikong hinanap ng kamay ko ang switch para buksan ang ilaw.
Nang bumungad sa akin ang living area ay nakahinga ako nang maluwag. Mabuti na lamang at malinis ito. Tinatamad akong maglinis ngayon kung sakali. Bukod sa kababalik ko lang ay talagang na-miss ko rin ang condo kong ito.
Inilagay ko sa fridge ang mga binili ko bago pumunta ng kwarto. Pagkatapos nito ay nagtungo ako ng bathroom. Naligo ako at nagpalit ng bagong damit. I wore a white shirt at leggings. Mas komportable kase ako rito kaysa sa dress na suot ko kanina. Hindi na ako nagpatuyo pa ng buhok ko at deretso na lamang itong sinuklay agad.
Reaching my cellphone in my bag, I begun typing a message to him.
Let's talk right now, papa.
—Bianca
Nagpunta ako sa kusina suot ang apron ko. Inihanda ko sa dining area ang cake, ice cream at soft drinks na binili ko kanina. Ito ang favorite dessert ni papa. Kaya rin siguro gustong-gusto ko si Auntie dahil kapag kumakain siya ng matatamis sa harapan ko ay naalala ko si papa. Although I'm not really fond of any sweet foods but because of them, I become one.
"Oo nga pala.." Muntik ko ng makalimutan. Nagbilin nga pala si Miguel sa akin na kapag nakabalik na ako at handa ng kausapin si papa ay mag-message rin ako sa kanya.
I'll meet him na, boss.
Nandito na ako sa condo ko.
Hindi pa lumilipas ang isang minuto ay kaagad na nag-ring ang cellphone ko. Nahinto ang pagpatay ko sa screen at sinagot ang tawag.
"Boss?"
"B-Bianca.." he whispered, and I can't help but to smile. I missed his voice. "Yes, Miguel?"
He hummed on the other line.
"May sasabihin ka ba?" tanong ko. Sumandal ako sa counter.
"Uh.."
"What?"
"I, uh.."
"Ano ba iyon?" Nangunot na ang noo ko. "You seems hesitant. Are you okay? May nangyare ba sa 'yo—"
"Bianca.." Miguel interrupted my rant and I lifted my eyebrows.
"Yes?"
"I-I.." Napabuntong hininga siya.
Kahit hindi niya ako nakikita ay napacross-arms ako. I don't understand him. Bakit ba parang kabadong-kabado siya ngayon?
"If you can't say what you want to say, I guess I should just end this call." I tried to threaten him. Knowing Miguel, he won't like it if babaan ko nga siya ng tawag.
"Fuck.." napamura na siya.
"Bahala ka na nga diyan." I tsked. "Kababalik ko lang, pero mukhang iniinis mo lang ako—"
"N-No, Bi.. I just—" Hinintay ko siyang magsalita pa pero bigla siyang natahimik.
Tinignan ko ang screen. Baka kase pinatay niya na. Pero mukhang hindi naman kaya nagsalubong na ang magkabilang kilay. Pinagti-tripan niya ba ako?
"Seryoso ako, Miguel. Papatayin ko na ang tawag—"
"I missed you, okay!" Napakurap-kurap ako sa narinig.
Umuwang ang bibig ko.
"H-huh?"
"Hindi ko na uulitin.." Siya na ngayon ang tila nagbabanta sa akin.
"Alright.." Napasibangot ako bigla. Napakadamot ng lalaking ito! "I should just turn off this call then—"
"No!" reaksyon niya.
"So..?"
"I.. I missed you, Bi." Nahigit ang hininga ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at bumalik ang mahaharot na paru-paro sa tiyan ko. "Na-miss kita nang sobra.."
"Okay.."
"W-what?!" Nagpigil ako ng ngiti. "Why, boss?"
"Where's my.."
"Your what?"
"Wow! I'm so hurt." palatak niya. "You didn't miss me?"
"Yes."
"Oh.."
"How can I miss someone who didn't even leave my mind even though I left? I maybe away from you these past few days, but I feel like you're still there with me all time so.." May kung ano biglang kumalabog sa kabilang linya kaya natigil ang pagsasalita ko.
"M-Miguel? Anong nangyayare diyan?"
"Huh?" He seems lost all of a sudden. The way his breath hardened made me silently facepalm. Mukhang siya yata 'yung nahulog.
"Seriously boss?" Umangat ang sulok ng labi ko.
"Y-you.." he stuttered again. Mukhang may epekto rin ako sa kanya. "Bianca.. Can you repeat it aga—"
Napalingon ako sa pintuan nang biglang may nag-doorbell. Baka si papa na iyon! Nanlaki ang mga mata ko at biglang kinabahan.
"B-boss nandito na si papa! Ibababa ko na ang tawag. Wish me luck!" Hindi ko na pinansin pa ang gusto niyang sabihin at kaagad na inilapag ang cellphone ko sa counter matapos ko itong patayin.
Malalaki ang hakbang akong nagtungo sa pinto. Nanginginig ang mga tuhod ko sa pagiging tensyonado at nangangatog naman sa kaba ang labi ko. Napalunok ako saka huminga ako nang malalim.
"Kaya ko 'to.." Walang pag-aalinlangan kong binuksan ang pintuan.
Kumabog ang dibdib ko nang makita na siya. Nagtama ang mata naming dalawa, at sumalubong sa akin ang asul niyang mga mata.
"P-Papa.." Lumamlam ang mga mata niya. "Anak.."
"P-pasok po.." I tried to steady my breathe, but I eventually failed.
Ngumiti sa akin si papa at maluha-luhang humakbang patungo sa akin. Natuod ako sa kinatatatusn ako. Sinalubong naman niya ako ng mainit na yakap. Punong-puno iyon ng pangungulila dahilan para manghina muli ako. This is so overwhelming. I finally feel his warmth again and I'm.. speechless.
"P-papa.." parang naiiyak na ring pagtawag ko muli. Mapungay ang mga matang niyakap ko siya pabalik.
Miss na miss na kita, papa.
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top